VICTORIA'S POINT OF VIEW
TAHIMIK lamang akong nag-a-advance reading ng mga possible naming pag-aralan bukas. Kanina ay may mga itinuro naman subalit nag-test din kami.
Kasalukuyang tanging ang lampshade ko sa study table ang nakabukas na ilaw.
Hangga't maaari ay nag-aaral akong maiigi at palaring maging honor student. Nahihiya rin naman kasi ako kung may ibagsak pa ako o kaya masyadong bumaba ang grado ko sa taong ito. Alam kong buong puso naman akong na-welcome sa hacienda pati ang pagtulong nina Tita Prescila at Tiyo Rohan sa akin. Pero nakakahiya pa rin talaga na isukli ko lang sakali ay sakit ng ulo sa pag-aaral ko. Tapos ang mahal pa ng tuition, may baon pa, dito ako nakatira sa kanila, provided halos lahat.
Pero kahit na halos kaya naman nilang ibigay ang lahat, si Tiya Christine ay tinutulungan pa rin ako katulad na lang sa school supplies ko. Pinilit talaga ni Tiya na siya na ang gagastos pati sa uniform ko. Ang nais kasi nila Tita Prescila ay sila na lamang daw dahil wala namang problema subalit nahihiya na rin si Tiya, maging ako.
“Gagawin ko ang best ko, kahit araw-araw kong maranasan ang panghuhusga nila dahil sa ginawa ng mga magulang ko. Karma ko na rin talaga ito sa maling pinaggagawa ko sa buhay noon. Lilipas din ito, baka . . .”
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nagpatuloy na basahin ang alamat na sinambit sa amin ni Ma'am Sally. Importanteng mabasa ito dahil magkakaroon daw ng graded recitation bukas.
“Ria?” Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang may kumatok at narinig ang boses ni Prince. Mabilis akong tumayo saka binuksan ang pinto.
“Prinsipe? B-Bakit? Hindi ka pa rin ba natutulog dahil sa pinapabasa ni Ma'am Sally na alamat?” tanong ko sa kaniya at napalunok noong makita siyang shirtless at halatang nag-wo-work out siya! Halata dahil sa kaniyang abs sa edad na sixteen! Mukhang katatapos niya lang din dahil sa hitsursa niyang medyo pawis at may dalang towel pamunas. Paulit-ulit akong napalunok at paminsan-minsang titingin sa baba at masisilayan ang abs niya sabay tikhim at layo ng tingin.
“B-Bakit ka ulit napunta rito, Prinsipe? Uhm, a-anong kailangan mo?” tanong ko ulit at nakipagtitigan sa kaniya.
“I just want to give you something,” ani niya at medyo lumapit pa sa akin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon at hindi maalis ang tingin sa kaniya.
“Anong gusto mong i-ibigay?”
“Ito.” Pagkasabi niya niyon ay mabilis akong hinawakan at nilapit sa kaniya at nilapat ang labi sa noo ko. Nanlaki ang mga mata ko at medyo napaawang ang labi.
Totoo bang hinalikan ako sa noo ng lalaking crush ko?! Prince just gave me a forehead kiss while he's shirtless!
Pagkatapos niyon ay nag-sorry siya kung nabigla niya ako saka muling nakipagtitigan bago nagpaalam na papasok na rin sa silid niya at matulog na raw ako.
NAGISING na lamang ako sa tunog ng alarm clock saka ng tilaok ng mga manok. Napaupo pa nga ako kaagad sa kama pagkadilat ng aking mga mata.
Hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko! Although, totoo namang nag-review ako ngunit hindi naman nangyari sa totoong buhay, kagabi, ang paghalik sa akin ni Prince.
Bumalik ako sa pagkakahiga at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi na mawala talaga sa isipan ang aking panaginip kahit anong gawin ko. Tumatak na talaga ang pangyayaring iyon na tumambad sa harap ko na shirtless si Prince at sobrang hot niya roon. Grabe niya rin pinabilis ang t***k ng puso ko, na talagang nangyayari pa rin ngayon kahit 'di panaginip.
Puwede bang totoo na lang ang pangyayaring 'yon? Hanggang panaginip na lang ba? Hinalikan lang 'naman' ako ni Prinsipe, ang crush na crush ko!
“Susko, kumalma ka Victoria. Ikalma mo lang ulit ang sarili mo. Baka mamaya pagkakita mo sa kaniya ay mas lumala ka pa,” bulong ko sa sarili at nag-enhale saka exhale.
Ilang minuto rin akong nanatili sa higaan bago bumangon na upang muling maghanda para sa pagpasok sa paaralan.
Mula nang dumating ako rito ay hindi na maalis sa isipan ko si Prince at ngayon, mas lumalala pa dahil pati ang puso ko ay tila papapasukin siya. Kasalukuyang pumasok ako sa banyo at warm water ang ginamit ko panligo sa sobrang lamig ng tubig ngayon.
Hanggang sa nakaligo na ako lahat-lahat ay mas lalo lamang siyang nanatili sa aking isipan. Bumaba na ako sabay tumungo ng dining room pagkatapos ayusin ang sarili. Dahil sa nadarama ngayon ay 'di muna ako naglakas ng loob na kumatok sa silid ni Prinsipe.
“Victoria, nandito ka na pala. Narito na ang agahan n'yo ni Sir Prince. Mamaya-maya siguradong bababa na rin si—oh ayan na pala,” ani ni Tiya noong makita na akong nasa hapag kainan. Nilingon ko si Prince at nag-flashback na naman ang panaginip ko. Pilit kong kinakalma tuloy ngayon ang sarili lalo na ang puso kong 'di maintindihan sa pagwawala.
“Good morning, Ria,” sambit niya at pinaghila ulit ako ng upuan habang nakangiti. Sa pagkakataong ito ay 'di ko na kailangang itago ang ngiti ko dahil kusa na talagang lumabas.
“Good morning din, Prinsipe. Maraming salanat,” tugon ko at marahang naupo. Sunod naman ay umupo na rin siya sa tabi ko. Katulad lamang nitong nakaraan, nakasanayan niya na yatang siya ang naglalagay ng nais ko kainin sa aking pinggan.
Kaya naman upang makabawi rin ay ganoon din ang ginawa ko sa kaniya na tila 'di niya inaasahang mangyari.
“Thank you, Ria. Siya nga pala, baka may practice tayo ulit mamaya. I think they already have plans what song we can sing on the stage during foundation day,” wika ni Prince at kumain ng boiled egg.
“Dito rin ba ang practice ulit natin?” tanong ko saka sumubo rin ng nilutong pansit bato nila Manang Sylia, ang isa sa pinakamagaling na tagapagluto rito. Ginawa ko rin itong ulam sa kaunting kanin na pinalagay ko kay Prinsipe kanina sa aking pinggan.
“Yep, siguro baka mailabas na mamaya. Marami-rami rin kasi ang aawitin kaya mas maganda ang maaga na practice. Kung sakali man ngayon ang simula natin, i-ma-manage natin ang oras para magawa pa rin ang mga gawain sa school at 'di ito makalimutan. Possible din siguro ang gig sa ibang restaurant tulad ng Walliebuy, ang may ari din niyon ay kamag-anak nila Mr. De Leon,” sagot niya at napahanga ako lalo na isa akong bagong miyembro nila at alam ko marami na rin ang achievement nila.
“Wow! I'm really lucky dahil napasama ako sa inyong banda at grabe talaga ang ipinakita ninyong suporta. Thank you Prinsipe,” sambit ko at nagpatuloy lang sa agahan.
“Ria, we're thankful that you came in our band, don't forget that, Jagiya,” tugon niya at napakunot ang aking noo. Tama ba ang narinig ko o guni-guni lamang? Nakakahiyang itanong kaya sasarilihin ko muna kung tama ba na Jagiya ang narinig ko.
NAGPATULOY pa kami sa pag-uusap. Subalit natigilan kami nang marinig ang malakas na boses ni Uncle Ren.
“Well, well, well, I'm sure the Eternal Band members would die just to see this newspaper!” saad ni Uncle at lumapit sa amin na nakangiti sabay lapag ng newspaper sa ibabang ng lamesa na may tamang espasyo. Sumunod ay naupo siya sa tapat namin ni Prince.
ETERNAL BAND'S NEW MEMBER NAMED RIVER
Nakasulat iyan doon saka kita rin na may larawan pa nga ako roon saka iyong mga information na binitiwan ko bilang sagot sa katanungan sa akin. Mayroon ding headline na para sa aming lahat ng miyembro ng Eternal Band. Nakapaloob din ang larawan namin, ang ibang impormasyon saka sagot sa kanilang mga tanong.
“I'm sure kumalat na itong balitang ito,” ani pa ni Uncle Ren at humigop na rin ng kaniyang tinimplang kape na may gatas. Nagkatinginan naman kami saglit ni Prince.
NARITO na kami sa parking lot ng school at pagkababa pa lang sa sasakyan ay madalas ko ng marinig ang salitang sino si River?
“Nabalitaan n'yo na ang tungkol sa bagong member sa Eternal Band? 'Yong River daw ang pangalan?”
“Oo, kababasa ko lang kanina sa dyaryo! Totoo raw talaga iyon na kasama raw ang new member sa gig ng Eternal Band sa Daisy Restaurant! Hindi ako makapaniwala! Sana pala talaga tumakas ako para makapasok doon at nakita sila!”
“Ha? Bakit hindi ka nakapunta, grounded ka ulit 'no?”
“Oo, nadali mo nga bes!”
“Pero balik tayo sa topic nating Eternal Band.”
Hindi ko na narinig pa ang kasunod. Habang hinihintay namin sila Kellix at maging si Loave na dumating ay nagpapatuloy ang usap-usapan tungkol kay Miss River, o ang tinatago kong ako.
Noong dumating naman ang tatlong kalalakihan at si Loave ay tahimik lang kaming nag-congrats sa isa't isa. Dumaan muna kami sa library upang magbasa-basa bago tuluyang pumasok sa aming classroom at hanggang doon walang ibang topic nang free time pa kung 'di pa rin.