VICTORIA'S POINT OF VIEW
HABANG tumutugtog kami napapansin ko ang tingin ng mga tao sa akin. Hindi na ulit ako nabigla, kaunti siguro, dahil talagang naagaw ko ang kanilang atensyon. Mukhang suki sila rito sa Daisy Restaurant o sadyang kilala rin ang Eternal Band o pareho?
Tumitingin ako sa paligid minsan at madalas kapag kaya ay nasa isang tao lang ang atensyon ko, kay Prince. Kasalukuyang inaawit nila ni Novheille ang awiting Ang Binibini Sa Parke.
Ako'y tumungo
Sa isang parke
Nakita ko ang isang dalaga
At napabulong, “kay ganda namang Binibini.”
Pag-awit ni Novheille at mukhang feel na feel din ito ng mga tao lalo na ng ibang mga teenager ring nakita ko. Sumunod na linya ay sinimulan na ni Prince.
Lumapit ako sa kaniya
Nagpakilala, magandang binibini, ako si Samuel
Pinuri ko siya, tinanong kung maaaring malaman ang ngalan niya
Saka binigyan pa ng bulaklak
Yellow bell na pasimpleng pinitas
Sa tabing hardin
Hanggang sa sabay na ring umaawit ang dalawa.
Ako si Clara, 'yan ang tugon mo
Ani ko naman, kay ganda ng ngalan mo
At kung maaari, payagan akong ligawan siya
Sapagkat . . .
Handang manligaw, kahit anong mangyari
Kahit ako'y mag-igib ng tubig
Kahit ako'y magsibak ng kahoy
Araw-araw kitang haharanahin
May mga liham pag-ibig pa
Handang lumusot
Sa butas ng karayom
Hindi madali, ngunit 'di rin mahirap
Sapagkat ikaw ay inaasam
Gagawin ang lahat
Mapasagot ka lamang . . .
Hindi mapapagod dahil ikaw ay mahalaga
Nagsalit-salitan pa ang dalawa sa pagkanta hanggang sa matatapos na ito, si Prince na ang tatapos ng natitirang liriko. Sunod dito ay may isang awitin pa kung saan muling mas maraming linya si Prince kaysa kay Novheille at lalo na kina Ismael at Kellix dahil 'di raw sila masyadong umaawit. Sunod na mangyayari ay ang huling tugtog na, kung saan ako ay magpa-piano habang si Prince muli ang may pinakamaraming linya. Pagdating kila Novheille ay minsang mag-second voice sila sa ilang parte.
PAGKALIPAS ng isang awitin ay muling sumara ang kurtinang haharang sa amin. Ito na ang huli at tumulong ang ibang staff sa restaurant na maayos namin agad ang pwesto. Mabilisang galaw lamang ito at ngayon ay nakaupo na ako sa harapan ng piano. Habang si Prince ay saglit na huminto sa aking tabi.
“You will slay this, Ria,” bulong niya at mahinang natawa naman ako at ngumiti sa kaniya.
“Hmm, salamat Prinsipe,” pabulong ko ring tugon at ang buhok naman niya ang medyo ginulo ko. Tahimik na natawa ako sa kaniyang reaksyon saka napailing-iling na namang muli.
NANG maayos na ang lahat ay nagbigayan muli kami ng fighting sign bago umalis sa stage amg ibang staff na tumulong sa amin. Pinasalamatan namin sila bago makaalis at ngayon ay unti-unting nawala ang nakatabing na kurtina sa harapan namin. Noong nakikita ko na ang audience ay palatandaan na upang simulang i-play ang piano. Ang huling aawitin ay pinamagatang Darling na inawit ng paboritong singer raw ngayon ng restaurant owner.
Relaxing on the beach
While there's bonfire in front of me
The sound of waves was music to my ears
Then, you suddenly came
And sitting beside me
Darling we talk and laugh
Enjoying the serene night view
As the time goes by, you told me you love me
As the seconds passed, your lips touch mine
After that, we lost touch
Oh darling . . .
Sandaling huminto si Prince sa pag-awit at ilang segundo ay nagsimula na ang korus. Korus na sinabayan na rin ng ibang audience na enjoy na enjoy.
Looking above the stars
Thinking 'bout you
'Cause suddenly you came into my mind
I just feel my heart beating faster while remembering 'bout that night
That summer night you kissed me
Darling, I don't know what you did to me
But I can't sleep without dreaming about your kiss
I can still feel it
Your soft and sweet kiss
Oh Darling, you don't know how much I wish that I am yours
Right now . . .
Lumapit sa akin nang kaunti si Prince habang umaawit pa rin at nagtagpo ang mga mata.
Until one night, we collide again
That night, I didn't want to let you go again
My Darling (my darling)
'Cause I don't want to lose you because of me too
Darling, I just want to say that I started falling into you
Since the night, our lips met each other
I didn't let go the chance, to kiss you too
I'm being crazy these past few days
'Cause Darling, I miss you
Darling, I'm falling in love with you
(falling in love with you)
Oh Darling (Oh darling)
I fell in love with you
(I already fall in love)
Oh darling (oh darling)
I love you (I love you)
Oh darling
I love you too . . .
Kung hindi lang ako tumutugtog ng piano ngayon, baka naririnig na ng lahat ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Dahil habang inaawit ni Prinsipe ang kanta lalo na sa patapos na parte, tinitingnan-tingnan niya pa ako. Mabuti na lamang ay nalagpasan ko ang pagsubok na hindi mamali sa pag-play ng piano. Kakaibang pakiramdam ang inihahatid sa akin ni Prince.
TAPOS na ang aming gig at sunod-sunod na malalakas na palakpak saka papuri ang narinig namin. Sa hindi rin inaasahan ay mai-feature pala kami sa sikat na dyaryo rito at may posibilidad pang makita raw sa telebisyon. Iyon ang nagpabigla sa akin dahil 'di ko inaasahan na mangyayari. Subalit habang pilit na kalmadong tinitingnan sila Ismael ay mukhang expected na nila ito.
May nag-interview pa nga saglit patungkol sa kung ano masasabi ng Eternal Band ngayon matapos tumugtog ulit para sa anibersaryo ng Daisy Restaurant. Simple lamang ang ibinibigay na sagot nilang apat at ako naman ang huling tatanungin.
“Miss River, anong masasabi mo ngayong first time mo pong tumugtog para dito sa Daisy Restaurant 28th anniversary celebration. Saka noong maging parte rin ng Eternal Band.” Medyo kinabahan ako dahil first time ko ito na ma-interview sa ganito. Hanggang sa naramdaman ko ang pasimpleng paghawak ni Prince sa kamay ko sa likod.
“First, I would love to say I'm grateful, blessed and happy to be part of the Eternal Band. I 'm just new in the band and I love playing musical instruments, especially piano and also guitar. To be here in Eternal Band, experiencing for the first time having a gig in the Daisy Restaurant which is well-known and one of the restaurants with greatest dishes, I feel like I'm floating in the air. We, the Eternal Band, are overjoyed. Thank you so much for that question,” sagot ko na straight full english at medyo nagdududa pa sa grammar at kung kaya bang intindihin ang mga sinambit ko.
Mabuti na lang matapos niyon ay 'di naman nagpumilit ang mga gustong malaman ang personal life ko halos o background. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang bumaba sa stage para sa mga gig ng banda. Malaki rin ang ibinayad sa amin ng restaurant owner na si Mr. Lando De Leon. Bukod doon ay niyaya pa kaming kumain na sa restaurant kahit ano raw ang nais namin, free na raw ibibigay sa amin.
Dahil 'di pwedeng makilala ako ng mga nakapaligid sa amin, ibig sabihin 'di ko rin gagalawin ang kung anong nakalagay sa akin, lalo na ang telang nakatakip mula sa ilong ko.
“No worries about that, Miss River, right? Just list down whatever you want and you can take it on your home,” ani ni Mr. De Leon kaya natuwa naman ako. Dahil take home ako, ganoon din ang ginawa nila Prince. Munting usap lamang ang mayroon kami.
Habang naghihintay sa i-take home ay mas mahaba ang pag-uusap nina Uncle Ren at Mr. Lando. Halos one hour din kami nalagi sa restaurant bago tuluyang nakalabas upang umuwi na. Pagkasakay pa lamang sa van at nang magsimula na itong umandar papalayo saka ko lang tinanggal ang maskara ko at kumain kami habang nasa byahe.
“Okay, ngayon lang ako makakapag-react dahil wala akong chance kanina kasi 'di pwedeng malaman nila kung sino talaga si River. So, I was shock the way Victoria answered the interviewer an hour ago, just wow” wika ni Novheille saka bumalik sa pagkain ng carbonara.
“Me too, I didn't see it coming huh? But you're great Victoria,” ani naman ni Ismael na kumakain ng fries.
“Pati ako nabigla rin, English na may pa-accent pa kahit paano,” saad ni Kellix bago sumipsip sa kaniyang iced tea na inumin.
“I was nervous and at the same time excited about your answer before, Victoria. After hearing the sudden change of the voice, I mean the accent and the way you talk, you surprise me. But you slay it, Victoria. Keep slaying whether you are Ria or River,” wika naman ni uncle Ren na nagmamaneho ngayon.
“You perfectly slay everything, Ria,” bulong naman sa akin ni Prinsipe at kinagatan na ang burger niya. Ako naman ay napatingin sa aking burger na 'di pa bawas saka kabubukas lang.
“Maraming salamat sa inyong papuri, salamat din talaga at tinanggap n'yo pa ako sa inyong banda. Kayo rin, sobrang gagaling n'yo at nakakahanga rin!” ani ko sa kanila bago nagsimula na ring kumain. Pagkatapos ng burger ay fries naman bago uminom ng tubig hanggang sa makarating sa isang lugar na may kadiliman. Bababa raw ako roon at sasakay sa isang kotseng pula kung saan naroon si Tiya Christine bilang driver. Hindi ko inakalang marunong din pala siyang magmaneho.
May ibang daan daw kaming tatahakin na hindi mahahalatang pumasok sa hacienda. Mas safe daw kasi baka 'di namin mamalayang may sumusunod na pala raw na kung sino man, lalo na sa akin dahil bago ako sa paningin ng mga tao.
PAGKARATING sa hacienda, mabilis kong tinanggal ang kolorete ng aking mukha. Naroon pa rin si Momsh Feil na siyang nagtanggal ng wig ko. Saka matapos ay nagpalit na rin ako ng pambahay na damit pagka-half bath.
Sa ngayon ay nasa kusina kami ni Prince at kinakain ang take home naming pagkain mula sa Daisy Restaurant. Sila Novheille ay ihahatid daw muna ni Uncle Ren sa mga bahay nito upang mas ligtas din daw itong makauwi. Madilim na rin kasi at matatagalan lang ang tatlo kung hihintayin pa sa hacienda ang kanilang sundo.
“Ria.”
“Hmm?” tugon ko kay Prinsipe habang nginunguya ang kaning binuhusan ko ng gravy saka chicken ang ulam.
“How do you feel before and after our gig?” tanong niya sa akin. Uminom ako ng iced tea ko gamit ang kaliwang kamay, hawak ang cup, bago binaling ang atensyon sa kaniya. Nakatitig lang din siya sa 'kin ngayon.
“Para sa akin, sobrang saya. Oo, kinakabahan talaga ako kanina pero habang tumatagal ay nag-enjoy ako. Pero 'di nga rin talaga one hundred percent, dahil alam mo namang nagpapanggap lang ako bilang si River sa harap ng ibang tao. Hindi ko maiharap ang sarili ko bilang si Victoria Kim,” sagot ko sa kaniya at pasimpleng kumuha ng fries niya na hindi naman tinutulan. Siya pa nga nagsubo sa akin ulit.
“Even though you're not a hundred percent happy 'bout it, it's enough for me to know that you still enjoyed that night,” sambit niya at kumuha ng tissue sabay punas sa dungis ng gravy sa gilid ng labi ko.
Paulit-ulit akong napalunok saka napakaurap-kurap bago inalis ang tingin kay Prinsipe. Kakaiba na talaga ang epekto niya sa akin. Isa pa ay grabe siya makatitig ngayon.
Kakain sana ulit ako ng kanin pero nahinto ako dahil sa kaniyang katanungan.
“Did you feel something while I'm looking at you before?”
“A-Anong uhm . . .”
“Don't mind my question, sorry about that. Continue eating, Ria,” aniya pa.
May sagot ako ngunit 'di ko pa alam paano sasabihin sa kaniya.
Kung alam mo lang talaga Prinsipe, subalit mukhang kakailanganin ko muna ngayon sarilihin. Mas ayos na muna at baka labis lang masaktan. Higit sa lahat ay wala pang lakas ng loob umamin ng nadarama.