KINAGABIHAN, dumating ang mag asawang Perez. Hindi nila kasama si Mauro. Wala naman akong pakialam sa lalaking 'yon.
"Condolence, hija," pakikiramay ni Mr. Perez. Inilahad nito ang kamay sa akin.
"Salamat po," ayokong maging bastos. Kaya pinalampas ko na muna ang anumang galit ko sa pamilya Perez. Kahit na sagad sa buto ang sama ng loob ko sa kanila. Respeto na lang sa mga magulang kong nakaburol.
Marami ang mga nakiramay, dumalaw para makita sa huling sandali sina mommy at daddy. 'Di ko alam na marami palang natutulungan sila na hindi ipinapaalam sa akin. Nakaka-proud na malaman ko ang mga magaganda nilang ginagawa sa mga kapos palad.
Tumagal ng tatlong araw ang burol. Ipinahimlay ko agad ang parents ko. Gusto na silang magpahinga. At ayoko rin na mas matagal ko silang nakikita na nasa nakahiga sa kabaong. Andito pa rin ang sakit at nahihirapan akong mag-move on sa pagkawala nila.
Sa tatlong araw na 'yon ay hindi ko nakikita si Mauro. Wala naman akong balak na alumin ang ginagawa nito. Maganda nga na hindi ko siya nakikita. Natatahimik ang mundo ko, napakapayapa at maaliswalas ang mga araw ko. Kailangan ko rin ang mapag isa.
"Kumusta na kayo ng fiance mo? Talaga bang hindi mo na itutuloy ang kasal, Celestine?" mga tanong ng best friend. Nasa condo ko kami at nanonood ng movie. Ang bruha sa dami ng ginagawa ay hindi rin nagpakita sa akin ng ilang araw.
"Wala na ang parents ko. Siyempre hindi na matutuloy 'yon."
"Eh, pa'no kung bigla na lamang sinabi niya na tuloy na tuloy ang kasal ninyong dalawa? Sabi mo nga medyo may pagkamaangas ang dating ni Mauro."
Napairap ako. As in itutuloy ko pa rin ang kasal namin ni Mauro. Gayong, wala na sina mommy para pilitin pa ako sa mga hindi ko gusto.
"Hindi ko na itutuloy. Ako na ang magdedesisyon sa buhay ko, Joy. 'Wag na nga natin siyang pag usapan. Nasisira lang ang araw ko kapag naririnig ang pangalan ng lalaking 'yon," inis kong sagot sa kaibigan ko.
Napakibit ito ng kanyang balikat. Saka kumuha ng pop corn at isinubo. Muli kaming nagfocus sa aming pinapanood. Love story na may halong suspense ang palabas. Isang babae na nainlove sa lalaking hindi niya mahal. Pero nang tumagal ang pagsasama nila ay minahal din niya ang lalaki. Ngunit, may itinatago pala itong lihim sa kanya. Ang ganda parang hango sa tunay na buhay. Fictional lang naman.
Hindi magiging parang pelikula ang istorya ng buhay ko. Malayong malayo sa realidad ang mga napapanood ko.
Biglang kumidlat na may kasamang malalakas na kulog.
"Mukhang babagyo pa ata. Dito na ako matutulog, Celestine. Aabutan pa ako ng malakas na ulan sa labas."
"Kahit dito ka pa tumira. Walang problema," sagot na sinundan ng malakas na tawa.
LUMIPAS ang isang linggo. Nababawi ko na ang sarili ko muna sa lungkot. Palagi rin akong binibisita ni Joy sa condo ko. Binigyan ko na rin siya ng spare key para kung sakaling hindi pa ako nakakauwi ay makakapasok siya sa loob. Ipinagawa ko ulit ang luma naming bahay. At on-going na ang construction doon. Paminsan minsan ay personal kong binibisita ang kaganapan sa site. Hindi ko naman puwedeng pabayaan ang mga estudyante ko.
Pagkatapos ng klase ko ay namili ako ng mga stocks ko sa condo. Naubusan na ako agad, masyado kasing masiba itong best friend ko, biro lang. Pero masaya akong makasama ko si Joy. Wala akong ibang kaibigan kundi siya. Hindi kasi ako marunong makihalubilo sa iba. Nag iisang anak ako, mas sanay ako na mag isa. Tanging si Joy lang ang nakatiis sa ugali ko.
Pagkapasok ko sa grocery ay may namataan akong pamilyar. Nanlaki ang mata ko ng mas makilala ko ito sa malapitan.
"Celestine, small world, ha. Mamimili ka ba?" matamis ang ngiti ni Ninong Lauren sa akin.
"Yes po, ninong. Kayo po akong ginagawa niyo rito?"
Ang guwapo pa rin ni Ninong Lauren. Nagtataka ako na hanggang ngayon ay single pa rin ito. Ang lakas kaya ng dating nito at matangkad pa.
'Actually, mamimili sana ako. Pero nagbago ang isip ko. Kaya uuwi na sana ako nang magkasalubong tayo. I'm sorry, nalaman ko ang nangyari sa parents mo."
"It's okay. Medyo nakaka-get over na rin sa pagkawala ng paunti unti. Hindi ko rin naman sila ganoon kadaling kalimutan. Mahalaga sila sa buhay ko at mahal ko sila," mangiyak ngiyak na sabi ko. Agad na lumapit si Ninong Lauren at niyakap ako.
"Sshhh... Don't cry," alo nito sa akin. "Samahan na kita mamili para may taga-bitbit ng mga dala dala mo. Or better na sumama na lang ako sayo pag uwi mo. Let's bond together. May promised ako sayo. At hindi ko 'yon nakakalimutan," wika pa nito na pinasisigla ang boses. Pero hindi pa rin niya ako binibitawan.
Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Napapikit ako ng aking mga mata. "Salamat po."
Sinamahan nga ako ni Ninong Lauren sa pamimili. Masaya palang may kasama 'pag naggo-grocery. Ito na naman ang mga taong nakakita sa amin na ang akala ay boyfriend ko si Ninong Lauren. Iyon ang akala nila, pero sana nga.
Kinilig ako ng bongang bonga!
Nang matapos kaming mamili ay si ninong ang nagtutulak ng cart habang ako ay nakasunod sa kanya.
"May dala ka bang car, Ninong Lauren?" tanong ko rito.
"Wala. Nasiraan kasi ako kaya dinala ko muna sa talyer. Bukas kukunin ko na rin ang kotse ko," sagot nito na hindi ako tinatapunan ng tingin.
Napagmasdan ko ang likuran nito. Ang lapad ng likod at malalaki ang mga braso. Ang sarap sigurong yakapin mula sa likuran si Ninong Lauren.
"Ano bang pinag iisip mo, Celestine? Ninong mo 'yan, kaya tigilan mo na ang kakapantasya sa kanya," kastigo ng sarili kong utak.
Nagprisinta si ninong na siyang magmamaneho ng kotse. Pauwi na kami at malapit na rin sa gusali kung nasaan ang condo ko.
"Ikaw na sa maliliit na plastic. Ako na ang bahala sa mabibigat. Parang pang isang taon na itong mga pinamili mo. Nag iisa ka lang naman," saad ni Ninong Lauren na ibinababa ang mga plastic mula sa trunk ng kotse ko.
"Madalas pong pumunta sa condo ko ang best friend ko.kaya dinamihan ko na. Alam niyo na."
"Ah, okay. Hindi ka pala nag iisa."
Hindi naging mahirap sa akin ang magdala ng mga pinamili ko. Nakakatuwa si ninong, sisiw na sisiw sa kanya ang maraming plastic na dala niya. At halos nasa kanya lahat ng mga pinamili ko. Ayaw niya akong pabuhatin ng mabibigat.
Nang nasa tapat na kami ng pinto ng condo ko, inilagay ko ang susi sa susian. Pero parang bukas na ang pinto.
"May tao po sa loob," anunsyo ko. Baka nasa loob ang kaibigan ko.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakapameywang ako na nadatnan ko sa sala ang natutulog kong kaibigan sa sopa. Mukhang nakatulog na sa kahihintay sa akin.
Nakanganga pa ang bibig at nakalaylay ang paa. Nakakahiya kay Ninong Lauren.
Agad kong nilapitan si Joy at mahinang tinapik sa pisngi.
"Ilalagay ko na lang sa kusina ang mga piamili mo," paalam ni ninong na tinanguan ko. Saka ko muling binalingan ang kaibigan ko.
"Joy, gising." Niyugyog ko na ang balikat niya para magising.
Kumislot ito at napaupo sa sopa. "Andito ka na pala, Celestine. Kanina pa kaya ako naghihintay sayo. Ang tagal mo."
"Naggrocery pa kasi ako. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa, eh."
"Oorder na lang ako. Anong gusto mo?" tanong ko na nakalimutan si ninong na nasa kusina.
"Celestine, magluluto sana ako ng para sa hapunan natin. Anong gusto mo ba?" biglang sulpot ni ninong mula sa kusina.
Nagpapalit palit ang tingin ni Joy sa amin ni Ninong Lauren.
"B'-Boyfriend mo, Celestine. May boyfriend ka na?!" Malakas na sigaw ni Joy.
Napatakip ako sa tenga ko. Parang nabingin ako sa malakas na sigaw ng kaibigan ko.