DINALA ako ni Tita Susan sa bahay nila. Nakaakbay ito sa akin habang papasok kami ng malaking bahay nila. Mayroon din palang ipagmamalaking magandang bahay ang mga Perez. Ito ang kauna unahan kong nakapasok sa loob ng bahay nila Mauro.
Kapansin pansin ang pagiging moderno nila. Dahil sa kanilang mga furnitures. Kagaya ni mommy na mahilig sa kulay puti. Puting puti ang pintura sa loob. Kapag titingnan mo ay parang mas mayaman pa ang mga Cruz sa amin.
"Hija, maupo ka muna rito. Ipagbe-bake kita ng masarap na black forest cake,' pilit nitong pinapasigla ang boses.
"Ah, tita, hindi rin po ako magtatagal. Aayusin ko pa po ang magiging burol nina mommy at daddy," tanggi ko na may paggalang at hindi ko siya ma-offend.
"Huwag mo nang alalahanin ang tungkil sa mommy at daddy mo. Naayos na ni Mauro lahat. Mamaya ay sabay tayong pupunta sa chapel para mapuntahan sila."
Nagulat ako na ginawa iyon ni Mauro. Bakit hindi nila ako hinayaan na mag asikaso sa kanila ko? Tutal, magulang ko naman ang mga 'yon. Nakapagdesisyon sila na hindi man lang isinasangguni sa akin.
"Tita, I better go. Gusto ko lang pong makita ang lahat ng dapat ayusin sa burol nina mommy at daddy." Paalam ko bigla. Kailangan ko ng makaalis. Hindi naman ako papayag na hindi man lang makatulong. Napabayaan ko na sila. Kaya 'di na mauulit 'yon.
Napatigil si Tita Susan at matiim niya akong tinignan. "Celestine, wala ka bang tiwala sa anak ko? Sa nakikita ko walang masama na tulungan ka niya. Besides, you are going to be his wife. At hindi mo kayang gawin ang ginagawa niya dahil babae ka. Mahina ka pa dahil sa pagkawala ng parents mo."
Parang nainsulto ako sa sinabi ni Tita Susan. Ang akala ko ay iko-comfort niya ako sa pagkawala ng parents ko. Dinala pala niya ako sa bahay nila para insultuhin.
"I'm sorry po pero aalis na po. Pupunta ako sa chapel para asikasuhin ang burol ng parents ko," paalam ko na lang saka tumalikod at umalis sa harapan ni Tita Susan. Hindi na rin pa umangal ang ginang at hinayaan akong makaalis.
Nakita ako kotse ko sa parking space nila. Agad kong nilapitan ang driver na kausap ni Tita Susan kanina at kinuha sa kanya ang susi ng kotse ko.
Mahigpit kong hawak ang manibela. Gustong sumigaw ng malakas. Mapagkunwari ang lahat ng tao. Dapat hindi siya nagtitiwala sa kanilang lahat.
"Daddy... Mommy... Bakit naman po ngayon? Hindi po ako handa. 'Di ko na po alam ang gagawin ko sa buhay ko na wala na kayo," hinanakit ko. Parang gusto ko na lang sumunod sa kanila. Akala ko ba mahal nila ako. Kapag ba mahal ka, kailangang iwan ka?
Narating ko ang chapel na pinaglagakan kina mommy at daddy. Nakikita kong marami ng tao sa loob. Hindi ko kilala ang iba. Siguro'y mga empleyado sa kompanya namin. Hindi ako madalas pumunta sa kompanya. 'Di ko kasi linya ang pagnenegosyo. Mas gusto ko ang magtuto ng mga bata.
Pumasok ako sa loob. Lahat ay napatingin sa akin. Nababanaag nila ang pagod at lungkot sa mga ko habang papalapit sa parents ko.
Hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko. Alam ko naawa sila sa akin dahil naulila ako. Ang sakit palang mawalan ng magulang. Sabay pa silang nawala. Ang hirap magsimula ng panibagong buhay. Hindi ko na sila makakasama sa lahat ng masasayang mangyayari sa akin. Ikakasal pa ako, ihahatid pa ako ni daddy sa lalaking mahal ko. Tuturuan pa ako ni mommy na magbake at magluto.
"Ma'am Celestine, condolence po," si Manang Biday, isa sa mga janitress namin sa kompanya ang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay ko. Tango lang naging sagot ko sa kanya.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Pero nakita ko si Mauro na humarang sa akin at naglakad palapit.
"Celestine, bakit ka nagpunta na mag isa? Di ba, sabay kayo ni mommy na pupunta rito?" tanong nito sa akin na sobrang lambing. Niyakap pa ako. Naiinis talaga ako. Kung puwede lang na magwala kanina ko pa ginawa.
"May mga paa ako, Mauro. Kaya kong maglakad at puntahan ang mga magulang ko."
Kumunot ang niya sa isinagot ko. Mas inilapit nito ang mukha sa akin. "Don't make a scene here. Ayaw mo naman sigurong masira ang tahimik na burol ng parents mo."
Ako pa ang tinakot nitong lalaking ito. Pinakialaman niya ang papel ko. Dapat ako ang nag aasikaso kina mommy at daddy. Sino ba siya? Ni hindi pa nga ako pumapayag na ikasal sa kanya. At ngayon na wala na ang parents ko, lalong hindi matutuloy ang kasal namin.
"Huwag mo akong tinatakot. Never akong natakot kahit kanino man. Nagawa ko ngang salungatin sina daddy at mommy dahil sa kasal natin. Dito pa kaya," ang sabi ko at nilapagpasan siya. Papunta sa parents ko.
Nang makalapit ako sa kabaong ni daddy ay maluha luhang pinagmasdan ko siya. Halos parang ayokong makita ang mukha niya. Sunog ang kalahati ng mukha niya. Pero dahil sa make up ay medyo nabawasan 'yon. Umiiyak ako niyakap ko ang kabaong niya. Wala ng saysay ang mga pag iyak ko. Ang hagulhol ko ay 'di na nila maririnig. Magsisisi man ako, hindi ko na maibabalik ang nawala sa akin.
Ganoon din ang ginawa ko kay mommy. Maglupasay man ako, hindi ko na sila makikitang nakangiti sa akin. Walang katapusan na hihingi ako ng tawad sa kanila. Sa kabastusan ko at sa pagiging matigas ang ulo.
Hinawakan ako sa balikat ni Manag Biday. "Huminahon ka, hija. Halika at umupo ka." Alo nito sa akin. Hilam ang mga mata ko ng luha nang ako tumingon sa kanya.
"Manang, wala na po sina mommy at daddy. Paano na po ako?" umiiyak pa rin na sabi ko sa matandang babae.
"May plano ang Diyos kaya nangyayari ito. Magpakatatag ka, Ma'am Celestine."
Muli kong sinulyapan si mommy. At iginiya ako ni Manang Biday paupo sa unahan na upuan. Tinabihan niya ako ng upo. At inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Saka tinapik tapik ang aking ulo.
Mula sa sulok ng aking mata ay nahagip kong nakatitig sa akin si Mauro.
Umiyak ako nang umiyak sa balikat ni manang.