FIVE

1033 Words
PANAY ang sigaw ko sa loob ng kuwartong 'yon habang nakatitig sa wala nang buhay na mga magulang ko. Hindi ko matanggap na wala na sila sa akin. 'Di ko man lang sila tinawagan kaninang umaga. Nagagalit ako dahil ipinipilit nila sa akin ang taong hindi ko naman gusto. Pero sinisisi ko ang sarili ko na hindi ko man lang sila kinumusta ng araw na ito. Sana man lang narinig ko ang mga boses nila. Minsan na nga lang kami magkita kita dahil palagi akong busy sa eskwelahan. Hindi ko man lang magawan ng paraan na madalaw sila o bigyan sila ng kahit sandaling oras ko. Mahal ko sila. Mahal na mahal ko sina mommy at daddy. "Miss Cruz, dadalhin na po namin za punerarya ang bangkay ng parents niyo." Pilit lang akong tumango at niyakap ang sarili. Dahan dahan akong tumalikod. "Ah, condolence po," anito na ikinatigil ko. Muli kong nilingon ang lalaki na isang pulis. "Salamat." Walang kangiti ngiting pasasalamat ko sa kanya. At umalis na sa kuwartong 'yon. Dumiretso ako sa bahay namin, sa mismong bahay kung saan ako ipinanganak at lumaki. Gusto kong makita kung gaano kalaki ang pinsala ng naging sunog. Bakit walang nagsabi sa akin na may nangyayari na pala sa bahay? Nasaan ang mga katulong at mga guwardiya? Medyo malayo pa ako sa bahay namin, tanaw ko ang umpukan ng mga tao sa harapan ng bahay namin. Mapapansin din ang mga sasakyan ng pulis at ambulansya. Halos wala ng makadaan na mga sasakyan dahil naisarado na at hindi na puwedeng dumaan ang mga sasakyan. Lumabas ako ng kotse ko nang mai-park ko ito sa harapan ng bahay namin. Marami ang napalingon sa gawi ko habang nakatitig sa bahay namin. Hindi ko na makilala ang buong bahay. Sunog na sunod at walang bahagi ng bahay ang nakikita kong maayos pa. "Miss Cruz, ano po bang masasabi niyo sa pagkasunog ng bahay niyo at pagkawala ng mga magulang mo?" Agad na lumapit sa akin ang isang reporter at nagtanong. "No comment po muna, please. Wala pa po akong alam sa mga nangyayari at hayaan niyo muna akong makapagluksa," ang pakiusap kong sagot. Natahimik ito at 'di na nagtanong. Iniwan ko ang reporter na hindi na tinatapunan ng tingin. Nilapitan ko ang isang pulis. "I'm Celestine Cruz. Ano po bang nangyari sa bahay namin? Ang mga kasambahay po namin at mga guwardiya, nasaan silang lahat?" Sunod sunod kong tanong. "Magandang gabi po, Miss Cruz. I'm Sgt. Joseph Dionisio. Ayon sa imbestigasyon po ng fire brigade, dahil daw sa faulty wiring," sagot ni Sgt. Dionisio. Biglang lumungkot ang mukha nito. "At kung ang tungkol po sa mga kasambahay niyo at guwardiya, maging sila po ay patay na rin." Napagitla ako sa nalaman. Tinakpan ang bibig ko ng kamay ko at biglang tumulo ang mga luha. "Noong nangyari po ang sunog, na-trap po ang lahat sa loob ng bahay niyo. Nagsimula po ang sunog sa sala niyo, lumaki po ang apoy at hindi sila nakalabas lahat." Pati ang mga kasambahay namin nadamay, walang natira sa kanila. Paanong nangyari 'yon? Agad kong pinunasan ang mga luha ko. "Sarhento, parang imposible naman pong hindi sila makalabas lahat. Mayroon po kaming dirty kitchen. May pintuan sa likod bahay." Nagawa kong salungatin ang sinabi ng pulis. Parang kahina hinala naman na walang nakaligtas sa kanilang lahat. "Iimbestigahan po namin ang mga nangyari. Maaring may foul play sa nangyaring sunog." Maari. Ang mga guwardiya namin ay nakapag-training at may alam sa self-defense. Ang kinuha ni daddy ay hindi basta basta na guard lang. "I'm hoping it will solve the soonest, sargeant. Gusto kong makitang napaparusahan ang gumawa nito sa pamilya ko," sabi ko na umiigting ang panga dahil sa galit. "Makakaasa po kayo, Miss Cruz. And condolence po," tugon ni Sgt. Dionisio at inilahad ang kamay sa akin para makipagkamay. Nagpaalam ako kay sargeant na libutin ang buong bahay namin. Nagpaalala siya sa akin na mag ingat dahil may mainit pa. Saka baka raw mapahamak ako sa mga nagbabagsakan mula sa itaas. Nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. Ang lahat ng pinaghirapan ni daddy, ang mga memories ko sa lumang bahay naming ito. Kasabay nawala sina mommy at daddy. Hindi ko alam kung paano pa ako babangon at paano ako magsisimula. Ulila na akong lubos at saan pa ako kukuha ng lakas para maging matatag. "Celestine..." Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko sa mata. "Mrs. Perez." Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Ikinalulungkot ko ang nangyari. Nalaman ko kanina mula sa news ang nangyari sa mommy at daddy mo. Kung kailangan mo ang tulong ko, namin ni Mauro. Puwede mo kaming asahan. I'm sorry about your loss." Niyakap na ako ng mahigpit si Mrs. Perez. May kung anong kumurot sa puso ko habang yakap ako ng ginang. Doon ako mas humagulhol ng iyak. Kailangan ko ang mahigpit na yakap. Iyong yakap na tutunaw nang lahat ng sakit sa puso ko. All I yearn for is to let go of the anguish in my heart stemming from the loss of my parents. Ang sakit maiwan mag isa. "Sige lang, hija. Iiyak mo lang lahat ang sakit na andiyan sa puso mo. You can treat me as a friend or as your own mother," ang sabi nito at marahang hinahaplos ang aking buhok. Iniiyak ko lang lahat kay Mrs. Susan. At nang medyo gumaan ang pakiramdam ko ay bumitaw ako sa kanya. Napaayos ako ng tayo. Napatitig ako sa ginang nang punasan niya ang mga luha ko. "Huwag ka nang iiyak, anak. Halika, sumama ka sa akin. Nang makapagpahinga ka," aya nito. Wala akong lakas para tumutol at napasunod sa ginang. "May kotse po akong dala." Nasambit ko nang nasa harapan kami ng sasakyan niya. "Ako na ang bahalang magpakuha. Sumama ka na lang muna sa akin. Let's go, hija," malambing na sabi nito. Pinilit kong ngumiti at saka tumango. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at inalalayan pang makapasok sa loob. Nang nasa loob na ako ay umikot ito para pumunta sa driver's seat. Kinausap ng ginang ang driver, mayamaya'y lumabas ito ng kotse. At pumasok si Mrs. Susan para siya ang magmaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD