Mga Diyos ng Kalangitan

1421 Words
Napagdesisyunan ni Asral na puntahan si Pillao ang Diyos ng araw at baka sila ay makukuha ng impormasyin sa mga Diyos ng kalangitan. " Pollao, salamat at pumayag ka na tulungan kami" wika ni Asral " Wala iyon isa pa kinukulit ako ni Desha na tulungan kayo, alam mo naman ang pagkagiliw s iyo ng Diyos ng araw. " sagot ni Pollao na masaya silang tinaggap " Asral!!!" masayang bati ni Desha habang papalapit kay Asral upang yakapin ito. Napansin ni Desha ang kasamai ni Asral at winika, " nakakatuwa naman ang iyong mga kasama mga demis" " Desha, hindi sila nandito para sa bagay na iyan. Alam mo ang kinahaharap ngayon mg lahat hindi ba? " pag papaalala ni Pollao " Hello" bati ni Violet " Magandang umaga sa inyo," bati naman ni Bunny Niyaya sila ni Pollao na maupo at mag tsaa habang kumakain ng biskit. " Siguro naman alam niyo na ang nangyayari hindi ba?" wika ni Asral " Oo naman, maraming Diyos ng kalupaan ang nag aalala sa bagay na ito subalit yung mga walang hi..... " sagot ni Desha na napahinto dahil sa hindi magandang salitang bibitawan nya " Ahem, dahil sa ang mga Diyos ng Kalangitan ay hindi nangingialam sa mga kalupaan na pinangangalagaan namin kaya malamang ay hindi kayo basta basta makakahingi sa kanila ng tulong" pagtuloy ni Desha sa kanyang sinabi " Ano ang gagawin natin? Dapat ba ay dumiretso ako kay Geb ang Diyos ng mga Diyos sa kalupaan? " tanong ni Asral " Sa totoo lang may mga Diyos ng kalupaan na gusto nila ang pabayaan ang paglipon. Marami sa mga Diyos ang hindi gusto ang ibang nilalang tulad ng mga tao na laging naghahangand ng higit sa kanilang kapasidad, mga elves at ragon na mapagmataas, mga dwarves na maramot, mga Gantes na walang kinikilalang mas mataas sa kanila nariyan din ang mga elemntalist na tingin sa kanilang sarili ay Diyos at iba pang nilalang na ganid." paliwanag ni Pollao sa kanila na kitang kita ang pag aalala nito " Hindi dapat nila lahatin ang bawat nilalang, paano ang mga inosente? Hindi ba katulad din namin kayo?" pagtatanggol ni Bunny sa kanilang panig " Nais namin mapuntahan ang Diyos na si Geb, hihingi kami ng pahintulot upang makarating sa Kalangitaan." wika ni Asral " Tutulong kami ni Pollao, dapat ay hingan mo rin ng tulong si Arteya" wika ni Desha " Alam ko, maraming salamat sa inyo" sagot ni Asral Nagtungo sina Asral kasama sila Pollao at Desha patungo kay Geb. Matatagpuan so Geb sa pinakamataas na bundok, sa loob ay may kweba patungo sa kanyang tirahan. Sinalubong sila ng mga Golem at hinayid sa Diyos na si Geb. Nakaupo sa pinakadulo ng malawak na silid si Geb, lumapit sila Astral at yumuko bilang paggalang " Ang Diyos ng buwan na si Asral, hmmmm.... Narito din ang Diyos at Diyosa ng araw ..... Ano ang kailangan niyo sa akin?" Wika ng Diyos na si Geb ito ay may maikling kulay putik na buhok at mga mata, sya din ay may bigote at maikling balbas. Sya ay may matalas na mga tingin at may presensya tulad ng sa isang hari. " Narito kami upang matulungan niyo kami makapasok sa Kalangitaan at mahanap ang nangangalaga sa mahiwagang salamin na kinokolekta ngayon ng isang nilalang na di namin alam ang pagkakakilanlan" sagot ni Asral sa Diyos " Siguro naman nabalitaan mo na hindi tutulong ang Diyos at Diyosa, puputulin na rin ng ibang Diyosa ng kanilang kontrata sa kanilang mga binabantayan..... na dapat ay gawin mo na rin" wika ng Diyos " Hindi ako papayag" pagtutol ni Asral " Ako din" pagsang ayon ni Desha na may kontrata sa isang tao " Bakit hindi natin ito pagbotohan?" biglang wika ni Violet " Ah, ikaw at ang Hare...... narito kayo upang humingi ng tulong sa pamamagitan ng mga Diyos na nakakontrata sa inyo" wika ni Geb " Sa tingin ko tama laang na daanin natin ito sa maayos na pag uusap at pagbotohan iyo. Hindi dapat kayo basta nagdedesisyon dahil lamang sa hindi patas na pagtingin sa mga ibang nilalang" dagdag ni Bunny na naglakas loob na magsalita Nag- isip muna nang sadali si Geb at winika ang kanyang utos, " papayag ako.... Bukas magsisimula ang botohan. Kung makakalamang kayo dadalhin ko kayo sa Kalangitaan ngunit, hindi ko maipapangako ang pagtulong namin sa inyo. Kung kami ay mananalo nais kong umalis na kayo at wag nang babalik dito" Matapos ang pag uusap ay bumalik sila sa kaharian ni Pollao at Desha. Nagpaalam si Asral upang pumunta kay Arteya. " Kamusta Asral" pagbati ni Arteya " Nabalitaan mo na siguro ang botohang mangyayari bukas, inaasahan ko na sa amin ka papanig" wika ni Asral " Bakit? Diyos tayo.... hindi natin kailangan ang mga nilalang na iyan, ginagamit lang nila ang iba sa atin. Hindi kita matutulungan ngayon. Lagi ka na lang wala dito. Alam kong dapat mong tugunan ang pangangailangan ng nasa kontrata mo subalit, ni minsan di ka na bumalik dito" wika ni Arteya na may lungkot sa sakit sa bawat salita " Mahalaga para sa akin si Bunny" wika ni Asral " Paano ako?" tanong ni Arteya " Mahalaga ka, matalik kitang kaibgan subalit si Bunny ay higit na mahalaga" sagot ni Asral habang makita na maluhaluha si Arteya " Iwan mo na ako." pakiusap ni Arteya at iniwan sya ni Asral sa kanyang silid Bumalik si Asral at nanatili muna sa hardin, nakita sya ni Desha kaya't nilapitan sya nito. " Mukhang hindi maganda ang naging pag uusap niyo" wika ni Desha " ............" " Alam mo naman na sya ay may pagtingin sa iyo. Bakit hindi mo ito suklian para hindi na s... " dagdag ni Desha sublit ito ay pinutol ni Asral " Ayoko magmahal ng hindi buo sa isang tao, gusto ko pag nagmahal ako maibibigay ko lahat" wika ni Asral at iniwan si Desha Kinabukasan, nagsimula ang botohan. Hindi malamn kung ano ang magiging resulta, kabado sila Asral at hinihiling na sana ay makakiha ng mataas na boto mula sa ibang Diyos. Matapos ang botohan ay naghayag na si Geb.... nakakakaba at makapanindig balahibo, dahan dahang ibinuk ni Geb ang kanyang bibig at sinabing... " Pupunta ako sa Kalangitaan kasama ang Diyos ng buwan" pahayag nito Nang, araw ding iyon ay pumunta si Geb kasama sila Asral, Bunny at Violet sa isang batis na nasa pinakaloob ng kweba ni Geb. Isang daan ang kinonekta ni Geb papuntang Kalangitaan, pumasok sila at nakita ang lugar.... Ito ay maulap, may malinis na hangin, may daan din papunta sa isang malaking gate. Binuksan ito ni Geb at sinalubong sila ng mga ulap na mukhang ibon at dinala sa loob ng malaking palasyo. Ang loob ng palasyo ay yari sa ginto at ita ay napakalaki. Habang naglalakad sinalubong sila ni Danaya ang Diyosa ng Tubig, sya ay may asul na buhok at mga mata, may matapang na presensya ito. " Geb, bakit mo dala ang Diyos ng buwan at ang mga Demis?" tanong ni Danaya habang tinititigan sila na tila minamaliit ang kanilang pagkakakilanlan " Nais kong makausap ang Diyos ng lahat ng Diyos sa Kalangitaan. Nais kong makita ang Diyos na si Crone kasama nila" wika ni Geb " Geb!"bati ng isa pang Diyosa, ito ay may mahabang kulay rosas na buhok, makinang na berdeng mga mata, magandang katawan at sya ay may magaan sa pakiramdam na presensya " Oshun, Diyosa ng pag ibig masaya akong makita kang malusog" wika ni Geb " Ako din, hehehe... bakit ka nandito? " tanong ni Oshun " Nais kong makausap ang Diyos na si Crone ngunit tila ang Diyosa na si Danaya ay hindi ako nais na naririto" paliwanag ni Geb " Papasukin na natin sila Danaya, ang kyut nila may kasama pa syang Demis" pakiusap ni Oshun kay Danaya " Nag iisip ka ba? Palibhasa napunta dyan sa dibdib mo ang lahat ng sustansya." inis na winika ni Danaya " Inaano ka ba ng dibdib ko?! " sagot ni Oshun habamg tinatakpan ang dibdib ng kanyang mga braso " Tulad kasi ng kapatagan ang sa kanya" biglang winika ni Geb at sa isang iglap tumalsik sya ng malayo " Tsk, bahala na kayo nakakabwiset" wika ni Danaya at umalis na ito " Ahahaha, di ko akalaing may ganyang ugali ang Diyos ng lupa. Ako Bunny ok lang kahit hindi malaki ang sa..." biglang tawa ni Violet ngunit sinipa sya ni Bunny ng dugtungan nya ang kanyang sinabi " Halina kayo, dadalhin ko kayo kay Crone" pag anyaya ni Oshun " Mainitin talaga ang ulo nya" reklamo ni Geb na tumayo upang sumunod na sa kanila " Kaya nga patay na patay ka sa kanya di ba?" wika ni Oshun kay Geb " Aaahhhhh," sabay sabay na winika ni Violet, Bunny at Asral ng madugtong ang ibig sabihin ng Diyosa na si Oshun kay Geb.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD