Caillea

1332 Words
Pumasok sila sa isang silid at naroon si Crone nakaupo hawak ang isang aklat. Si Crone na may matandamg wangis, kulay puti ng mga buhok at itim na mga mata. " Oshun ano at kasama mo sila?" tanong ni Crone sa Diyosa " Gusto ka nila makausap" agad na sagot ni Oshun Nagbuntong hininga si Crone at sinabing, " Alam mo naman ang dahilan nila kjng bakit sila narito di ba?" Tumango si Oshun bilang pag sang ayon. " Alam mo din di ba na mayroon na tayong desisyon" tanong muli ni Crone kay Oshun na tumango muli bilang pagsang- ayon " Pero ako ang Diyosa ng pag- ibig at kasama ang dito ang pang - unawa.... nauunawaan ko ang kanilang kalagayan kaya dinal ko sila dito" sagot ni Oshun ng nakangiti " Isinama ko sila pagkat nanalo sila sa aming pinagpustahan. Wala akong kinalaman dito subalit, sa tingin ko ay tama na pakinggan niyo sila" dagdag ni Geb " Kung ganoon...... tutal alam ko na naman ang inyong dahilan kung bakit kayo naparito. Subukan niyo ako kumbinsihin" wika ng Diyos na si Crone " Nais naming humingi ng tulong sa inyo, hinahanap namin ang nangangalaga sa ibang bahagi ng mahiwagang salamin na napag alaman namin ay nasa sa pangangalaga ng mga Diyos. May nagbabantang kalamidad na dala ng isang di kilalang nilalang. Nais namin makuha ang bahagi ng salamin" wika ni Asral sa Diyos ng may paggalang " Hindi na namin problema ang bagay na iyan, sa oras na malipon kayo maaari kaming lumikha uli ng panibago sa tulong ng katasang Diyos. Masyado ng makasalanan ang mga naninirahan sa ibaba" wika ni Crone " Paano kung malipon kami ngunit hindi niyo magawang matala ang nilalang na naghahasik ng kasamaan?" tanong ni Violet " Ang kataasang Diyos ang buhay at kamatayan, pinakamalakas sa lahat at pinaka makapangyarihan." sagot ni Crone " Bakit niyo hahayaang mawasak ang mga nilikha niyo? Bakit niyo pa sinunukang lumikha ng buhay?" tanong ni Bunny " Sa totoo lang ang Kataasang Diyos ay nais lamang lagyan ang mundong ito ng buhay upang may mangalaga sa mga halaman, puno at mga hayop. Nais lamang nya magpalipas ng oras. Sa katagalan nagkaroon ng mga lahing nanirahan sa mundong ito, subalit imbes na makuntento ay naghangad sila ng mga bagay. Sa totoo lang pagkatapis makita ng Diyos ang pagbabango ng kanyang nilikha ipinasa nya sa akin ang desisyon...... pasalamat kayo at hinayaan ko na lamang na wasakin niyo ang isat isa at ipinasa sa mga Diyos ng Kalupaan na umaasa sa inyong pagbabago na di ko makikita at nakikita. Isa itong pagkakataon upang mabura na kayo at mapalitan ng mas maayos" wika ni Crone sa kanila na ikinagulat nila Bunny " Hindi ko akalaing may kakitiran sa pag iisip at maging sa damdamin ang Diyos na katulad mo. Ano ba ang isinusuka mo sa aming mga ginagawa? Ang galit sa aming mga puso na kaya meron lamang ay dahil sa pagmamahal na aming ibinibigay? O ang pagiging ganid namin, hindi ba't ganoon din naman kayo?" pagtutol ni Bunny sa mga sinabi ng Diyos na si Crone " Hindi kami ganid,, ni minsan hindi kami naghangad ng kayamanan at kapangyarihan" pagtanggi ni Crone gamit ang mataas na boses na tila nainsulto sa winika ni Bunny " Ang pagiging ganid ba ay sa paghangad lamang ng kayamanan at kapangyarihan. Panigurado sa tagal mo nang nabubuhay may ninais ka na makuha.... Nakakaramdam kayo kaya natural lamang iyon, sa pagnanais nating makuha ang isang bagay nagiging makasarili tayo. Sabihin mo nga, o ng mga Diyos na kasama hindi ba talaga kayo naghangad ni minsan sa buhay niyo? Dahil kung hindi nakakaawa kayo" wika ni Bunny na may diin sa bawat salita. " Hindi namin kailangan ng tulong niyo ang nais lamang namin ay impormasyon sa nangangalaga ng bahagi ng salamin." wika ni Violet " Nakikiusap ako nais kong ibigay niyo sa kanila ang kanilang hinihingi" pakiusap ni Geb " Sumasang ayon din ako, sa tingin ko hindi tama ang ginagawa natin. Kung hindi mo maibigay sa kanila ang iyong tiwala bakit hindi natin sila subukin kung magagawa nilang mapagtagumpayan ito" wika ni Danaya na nakikinig pala at lumitaw na lang bigla " Ako din ay sumasangayon" dagdag ni Oshun " Ang isang bahagi ay na kay Caillea, ang diyosa ng panahon at ang isa ay na kay Cross ang bampirang naninirahan sa Magenta kung saan nakatira ang delikadong halimaw at mga halamang nakakalason" wika ni Crone Umalis sina Bunny ng mapayapa dala ang mga impormasyong kailangan nila. Bago umalis ay binigyan sila ni Danaya ng basbas upang hindi sila mapahamak o malason kung pupunta sila sa Magenta samantala si Oshun ay binigyan sila ng basbas upang makapasok sila sa teritoryo ni Caillea na mararating nila sa loob lamang ng kalahating araw. Nagpasalamat si Asral kay Geb bago ito nagpaalam sa kanila uang makabalik sa kanyang tirahan. Dumiretso agad ang tatlo sa teritoryo ni Caillea. Pagpasok isang malawak na daan ang sumalubong na puno ng halaman at puno. Nilakad nila ang daan hanggang sa magbago ang panahon kung saan kanina ay maaraw ngayon ay umuulan. Gamit ang singsing ni Violet naglabas sya ng payong. " Hanggang kailan ba natin kailanfan ito lakbayin?" tanong ni Bunny " Ang sabi ay mararanasan mo ang ibat ibang panahon sa pasilyo ni Caillea bago ka makarating sa kanyang silid tanggapan" wika ni Asral Tumila na ang ulan ng biglang lumakas ang hangin na tinangay si Violet habang hawak ang kanyang payong. Sinubukan ni Asral at Bunny na hulihin si Violet ngunit sobrang lakas ng hangin. Matapos ang ilang minuto nahablot ni Bunny ang pantalon ni Violet at sinubukang hilain ito pababa ngunit nahuhubaran lamang sya. " Hahahaha, hindi ko akalaing may pag nanasa ka sa akin" biro ni Violet kay Bunny " Bitawan mo na kasi yang payong" reklamo ni Bunny at binitawan ni Violet ang payong. Matapos ang mahanging paglalakbay ay natapos na ito subalit napalitan naman ito ng mayebeng panahon. Nakailang palit ng panahon ang pasilyo bago nila marating ang silid at sa wakas nagbunga na rin ang kanilang pagod. Pumasom sipa sa silid at nakita na pinapanood sila ni Caillea sa isang bolang kristal habang nakaupo ito at kumakain ng prutas. Si Caillea ang Diyos ng panahon, sya ay may itim na hanggang balikat na buhok na nakatali, mga matang may tatlong julay, asul pula at dilaw, may magandang pangangatawan at may kataasan. " Kamusta, mukhang pinapasok kayo dahil sa basbas ni Oshun." wika ni Caillea, meeon itong malumanay na boses " Mukhang alam niyo na kung bakit kami napaparito, ang bahagi ng salamin na nasa iyo ay nais namin makuha." wika ni Asral " Hindi ba dapat hayaan niyo na lamang na nasa akin ito? Kung nasa pangangalaga ko ang bahaging ito kahit makuha pa niya ang ibang bahagi hindi nya ito makukjmpleto" paliwanag ni Caillea na may punto naman. " May paraan na kami kung paano ito wasakin" wika ni Violet " Paraan?" tanong ni Caillea " Sa oras na mabuo ito susubukin maming tawagin ang lumikha nito upang kunin o wasakin ito." wika ni Asral " Sa tingin niyo ba hindi namin sinibukan labat ng paraan paramawasak ito?" tanong ni Caillea " ........... " " Hindi sumasagot ang gumawa mg salaming ito. Sinubukan din naming bumalik sa nakaraan sa tulong ng Diyos ng oras pero hindi namin mahanap kung saan ito nagmula" dagdag ni Caillea " Nais pa rin naming subukan" wika ni Asral " Kung iyan ang inyong nais," wika ni Caillea Inilabas nya ang bahagi ng salamin at winikaan ng isang basbas, " Aking hahatiin ang salamin na ito ang isang bahaagi ay sa aking pangangalaga ang isa ay sa pangangalaga ng Diyos ng buwan na si Asral. Sa oras na makumpleto nila ang mga bahagi ang aking hawak ay mapupunta sa mga kamay ni Asral" " Maraming Salamat" wika ni Asral " Sa paraang ito kung sakali kayo ay mabigo hindi agarang mabubuo ang salaminkung nasa kamaay ito ng mahiwagang nilalang" paliwanag ni Caillea " Naiintindihan ko, kami ay tutuloy na upang magtungo sa Magenta" pag papaalam ni Asral sa Diyos " Mag iingat kayo, sa kanya pinagkatiwala ang bahagi hindi dahil sa maaasahan ang bampirang si Cross" pag bigay babala ni Caillea sa kanila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD