Kabanata 3

2859 Words
My mom and dad was a product of fixed marriage, they already wealthy from their own but it doubled up when the two great names in business unite as one. "Your parents doesn't have plan to enter politics?" Mr. Abraham asked while getting a small folder on his bag. So I get mine also beside me. "My parents hates politics that's why. They rather doing the work than to stay in the government." "Figures... Anyway, do you want to stay more longer and have a toast of wine?" He offered while giving me the pink folder so I gave mine. His hand went to the wine, nag-order pa ng pinakamahal na wine dito sa Maldives, I think it cost half of million sa isang wine lang. I decline his offer, he didn't forced me anyway. Pagkatapos ay iniwan ko na siya at nagpaalam ng maayos. Pag-alis ko ay may pumasok naman na isang sexyng babae. I think She's older than me like 26 or something , kaya napalingon ako agad-agad at ayokong magduda pero parang ganoon na nga... "parang lolo na namin yon" Bulong ko at tumingin uli para imake sure na sa room doon ba siya papasok sa room kung saan ako umalis at iniwan... at doon na nga. My grandparents are both busy businessman and woman, maraming negosyo kaya wala ng panahon para sa ganoon. Minana nila Mommy and Dadtdy akay sila ganoon din ang cycle. They hate politics, at ayaw din nila na magulong buhay. Marami na silang trabaho at wala daw din silang balak magnakaw ng pera ng mga tao, that's why ayaw nila sa politika. Wala na ngang oras sila Daddy and Mommy sa amin, sa politika na ba kaya kung saan dapat magseserbisyo sa bayan. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Mommy habang tinganggal ko ang heels ko pagpasok sa hotel na tinutuluyan ko. I haven't tour around but I like here so I will also tell mom I would stay here for a meantime. "Mom..." Sambit ko pagkasagot ng tawag. "How's the meeting honey?" She replied. "It was good. I left early as usual" Naglakad ako para pumunta sa harapan. Pinili kung pinareserve kay Mommy ang pinakamataas na room, para may maganda akong spot at view para makita ang ganda sa ibaba, sa mga sasakyan.. At gusto ko dito kasi ang lapit lang ng kalangitan sa akin. "I wanted you to rest but I have another favor from you." I heard her sighed. "What is it Mom? May plano sana ako dito na muna magsta-stay for the rest of week." I replied at humikab na. Kaya bumalik ako sa kama ko para umupo. "Really, ija? Gusto ko sanang samahan ang isang kaibigan ng kapatid mo. Alam mo naman si Gabiana, wala dito. He is also a good investor." So, I have no choice, I really wanted to stay here pero baka hindi rin ito ang panahon para mag aliw. "Makakatulong ba ito sa kompanya Mommy?" Tanong ko, at dahan dahang mag-impaki. "Yes, dear. You trust your Mom right? Ngayon ka na uuwi at dito ka na lang magpapahinga." Namatay na ang tawag at bumuga lang ako ng hinga dahil kakarating ko lang tapos uuwi naman agad. Si Mommy ay nasa bahay kaya alam na ng mga body guard ang dapat gawin. Nasa lamesa si Mommy at naghihintay sa akin. Dad and Gabiana is in Europe right now para sa trabaho nila at ako naman sa hotel namin. Niyakap ako ni Mommy at hinalikan sa pisngi ng dumating agad sa bahay. "I'm sorry, pinapauwi kita kailangan din kasi." "It's okay Ma'am. I can still go there kung may libre ng oras kaya okay lang." Umupo na ako sa lamesa at binigay sa kanya ang pink maliit na folder. "Yung kaibigan ni Gabiana, si Aldos you know him right?" Tanong ni Mommy sa akin, kaya huminto ako sa pagsubo ng pagkain ng maalala si Aldos. Siya din yung dating nakalaban ni Rameses sa pagkapresidente sa school at minsan na siyang nireto sa akin ng kapatid ko. It's been years kaya hindi ko na siya medyo nakilala. "Really? Hmm... I know him Mom." Sabi ko at tinuloy na ang pagkain. "The... the governor..." Hindi matuloy-tuloy na sabi ni Mommy. Kaya tumingin ako sa kanya at naghihintay, at hindi nagpapaapekto sa susunod na sasabihin niya. "Aldos ay tunakbo din isang Governor pero natalo siya. Si Rameses ang nanalo bilang Governor." Sambit ni Mommy at lumalabas pa rin ang stricta sa boses nito. Hindi pa rin ba nagbabago? Hindi pa rin niya gusto si Rameses? Kahit.... I remember Aldos. He was the bestfriend of Gabiana before at minsan na din nireto ni Gabiana sa akin. Tumakbo pala siya bilang Governor? Alam kung may katunggali si Rameses sa pagtakbo pero ang hindi ko alam ay si Aldos pala ang kalaban ni Rameses. Naghihintay si Mommy ng reaction sa akin. It was in the past, it already happened if yan ang gustong marinig ni Mommy kaya kahit mabigat sa puso ko ay yun ang sasabihin ko para hindi na siya mag-abala pa. "Ah, really?" Iyon na lang ang nasabi ko at natahimik. Hindi rin naman siya nag-usisa. "What time ba magsisimula ang celebration Mommy? Gabi na ah." Sabi ko nang tinignan ang oras. Alas otso na ng gabi. "Mag-sta-start ang program by 9 ija." She said and when her eyes darted to my face and to my body, she smiled. "We don't have to hire a designer and make up artist for you, your natural and flawless beauty paid it all. Sobrang ganda muna." Tumayo na siya at hinalikan sa pisngi. "Mauuna na ako sayo, kumain ka lang ng marami." Hindi ko na siya napigilan ng tuluyan nang umalis, kahit sabihin ko na dito muna at mag-usap at magchikahan gaya ng isang normal na ina ay alam kung hindi niya kayang sayangin ang minuto para sa akin. She have a lot of work to do and it saddened me how much I dont want to compete with it pero parang mas nalalamangan talaga ako kung trabaho na ang pag-uusapan. Dati kahit wala sila, hindi naman ako sobrang na lungkot. Dati pag-wala sila nagmomokmok ako pero pagnakikita ko na si Rameses parang nawala lahat ng bula. May isang pangyayari sa buong highschool ko ang hindi ko makakalimutan. This is the first time na nakita niya akong gumawa ng masama, hindi siya yung masama like stealing and whatsoever and I didn't know na kaya niya akong palawalan. The first met we had met was yung time ng school campaign at noong pinalabas kaming dalawa ni Valentina sa school. At pagkatapos naming mag-aliw ni Valentina sa mall, pumunta kami ng salon, sa bookstore, nag-arcade kami, at para bang nagpapaubusan kami ng pera dalawa. Kahit sa sulok ng basurahan ay nagpapicture kami. We met the famous basketball player, kahit hindi naman kami nanonood ng basketball pero dahil sikat at maraming nagpapicture ay nagpapicture na rin kami. Hindi namin namalayan na aalas dyes na, kaya umuwi agad kami sa bahay namin at mas lalong hindi kami nakatulog ng maaga ng nag-viral agad yung post namin ni Valentina kasama ang sikat na basket ball player. Kaya nagskype kaming dalawa at tumatawa na parang mga sira, at ang ending....late na kaming gumising. I am so comfortable to lay in bed at magtulala pa muna ng ilang minuto, late ako at late din si Valentina, kampante na ako. Naramdaman ko ang gutom pero wala namang tao sa bahay, wala si Mommy, Si Daddy wala din, si Gabiana I don't know with her baka umalis ng bahay para doon na sa fast food chain na kumakain. Pagkatapos kung maligo late na ako ng 20 minutes, kaya nagscroll-scroll lang ako sa f******k, at tumatawa na parang sira nang kahit saan makikita ko ang mukha namin ni Valentina. Mas namula pa ang mukha ko ng nakita ang picture na sobrang ganda namin ni Valentina dito, galing pa tong salon ha. Maraming nagme-message sa akin pero mas inuna ko si Valentina total siya naman ang kakilala ko at bestfriend. "Huy, Ruth Herrera Zubiri! Nauna na ako sa school kasi si Papa ang naghatid, hindi ako maka hindi. Ngayon lang ako nakachat kasi bawal cellphone sa gym. Lumabas lang ako para ipag-alam sa'yo na nauna na ako, nakatulog pa nga ako sa room dahil alas 6 nandito na ako sa school kaya dito ko na tonuloy ang tulog ko. Tapos, nagulat pa nga yung secretary natin kasi ako lang tao sa room at sobrang aga ko daw. " Traydor! Tumakbo na ako at ni walang pagsuklay sa buhok. Gagong Valentina yun! Sabi niya sabay kaming dalawa malate bakit ang aga pumunta sa school! Sabi niya, sabay kaming dalawa! Traydor! Forty-minutes na akong late! First time in my life na hiniling ko na sana yung dean ay damihan pa ang pag-lelecture niya sa mga estudyante. Huminto ako isang metro lang ng layo ang gate sa akin. Dahan-dahan akong lumakad at nang narinig ang huling sinabi ng lalaki, medyo familiar ang boses. "Dahil late kayo, You'll pick the trashes around the campus parusa dahil late kayo. Sana bukas maaga na kayong pumasok. Ilista niyo lang ang pangalan niyo. Si Rameses ba yon? Bulong ko. Kaya bumalik agad ako sa karsada at nag-iisip, ayokong pumulot ng mga basura at mas lalo akong malalate kung magpupulot pa ako, kaya wala na akong magawa kundi kumapit sa patalim. At yun ang umakyat sa kabilang gate kung saan walang guard at kaya ko namang umakyat doon. Kaya tinahak ko ang daan sa likod, at nakita ko pa ang grupo ng mga lalaking umakyat din. Kaya sumunod agad ako. Nahihirapan pa ako ng una pero kaya naman, hindi rin naman ito ang una na nakaakyat kami ng gate ni Valentina, ang problema lang ako lang mag-isa ngayon. Parang nahilo ako dahil sa taas pala pagdito mo titignan. Narinig ko ang yapak hindi ko alam kung sa labas or sa loob, ang inaalala ko na gutom ako at medyo nahihilo na rin. "What are you doing?" Nagulat akong tumingin sa lalaking nakatayo sa akin. At mas nagulat ako na si Rameses pala iyon, kaya hindi ko na nagawang tumalon dahil bigla. Tinignan ko ang nasa ibaba ko, walang bato. Nahulog ako ng sumama ang pakiramdam ko at nahihilo. In my whole existence dito sa mundo hiniling ko na sana ay may sumalo sa akin. Pumikit ako at akala ko sasaluhin niya ako, diba instinct agad iyon, pero hindi. Pumikit ako at nag-iisip kung baka patay na ako kasi hindi ko maramdaman ang sakit sa katawan. Nasa langit na ba ako? Unti-unti kung binuksan ang mata ko at tumingin sa palagid....nasa campus pa ako. At nang tumingin ako sa ibaba ko ay si Rameses na nakapikit. Hindi man niya ako sinalo na parang bride, pero siya naman ang nahulugan ko. Nakapikit siya at para bang nagiinternalize siya kung buhay siya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko, pero tinikom ko ito agad ng nakita ko na lumilikot ang mata niya pero nakapikit pa rin. Dahan-dahan kung nilapit ang kamay ko sa mukha niya. Alam kung maginaw ang kamay ko dahil sa takot at kaba noong nasa toktok ng gate ako. Dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mata, I never knew that someone could be so handsome like this. Lumaki pa ang mata niya kaya ngumisi ako sa kanya. Looks like heaven right? "Alam kung maganda ako." Bulong ko sa kanya, at parang bigla siyang natauhan ng narinig ang sinabi ko. "Umalis ka sa ibabaw ko, ang bigat mo." Striktong sabi niya. Dali-dali naman akong bumangon. "Hoy! Anong mabigat, hindi pa nga ako kumakain kaya magaan ako!" Sinamaan ko siya ng tingin at sumama bigla ang tingin niya ng para bang naaala kung bakit siya nandito at bakit nandito ako "Diba, bawal ang dumaan diyan sa gate? Dahil late ka, kaya diyan ka dumaan?" I couldn't defend my self kasi naunahan na niya ako. "Gutom ako kaya dito na ako dumaan, diba ang mga nalate ay pinag-exercise niyo pagkatapos ay magpupulot ng basura mas lalo akong malate niyan. I mean mas lalo akong mahihilo dahil sa gutom." This time I wasn't lying, parang feeling ko matutumba ako pero dali-dali naman akong nilapitan ni Rameses. "Lumakad ka, ako na ang maghahatid sayo papunta sa room mo." He whispered pero humiwalay ako sa kanya. "Pupunta pa ako sa canteen" Sambit ko sa kanya at dahan-dahang maglakad para malaman niyang ayaw kung may sumama sa akin, marami pa naman siyang fangirls baka masabunutan pa ako o maging hater target for the whole year. "Then, pagpumunta ako doon, I will expect to see you there eating." Huminto ako ng marinig iyon, para bang minemake sure niya ako. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Bibili lang po ako sa canteen tapos sa room na ako kakain, kaya huwag ka nang mag-abala na icheck ako. Hindi ako nagsisinungaling." Kaya lumakad na ako pero hindi pa ako nakakalayo ng narinig ko ang bulong niya. "You lied once." Gusto kung lumingon pero inignora ko na siya. Wala din akong pakialam kung nalaman niyang nagsisinungaling ako kahapon. Pagkatapos kung bumili ng pagkain sa canteen ay tumakbo na agad ako, at pumasok ako ng mabilis ng wala akong teacher na nakita sa room. Pagka-upo ko ay kinuha ko ang buhok ni Valentina at hinila pababa, pero hindi naman masakit yung pagkahila ko kasi alam kung galing pa kami sa salon kahapon. "Aray! Ang sakit ha!" Sigaw ni Valentina. "Boba, ka ba?! Pasalamat ka niyan lang ginawa ko sa'yo. Naku..." Inis kung sabi sa kanya at mas sumimangot ng nakita ko ang secretary naming naglalakad papunta sa akin. "Akin na ang 70 pesos mo." Sambit niya sa akin at nakalahad pa ang kamay. "Anong 70 pesos, tapos na akong magbayad ng project ah." "Gaga ka, iba to. Ang late ay may penalty na 10 pesos everyday, at yong 10 pesps ay ititipon natin for. Christmas party." Tamang-tama may 10 pesos akong sukli sa canteen, 40 pesos lang naman ang nabili kung pagkain sa canteen at ang 50 ko ay may sukling 10. "Oh, 10 lang pala bakit 70 agad ang sa akin?" Reklamo ko at nilabas ang wallet ko. "70 pesos, one week ka nang late. Kaya tinotal ko na. Pasalamat ka ngayon ko lang ginawa ang penalty, baka naging mahirap kana dahil araw-araw kang late." Umirap ako sa kanya at nagbunot ng pera, pero nagulat ako ng naglahad uli siya ng kamay. "100 pesos kung aabsent." "Hindi na ako aabsent." Bulong ko, kaya si Valentina ay tumatawa lang sinamaan ko siya ng tingin. "So may balak ka?" Malditang tanong niya, ngumiti lang ako sa kanya at nagpapacute. "Hindi naman..." Umalis na siya at sa iba naman naniningil. Kaya dali-dali kung kinuha ang binili kung dalawang omelet, dalawang kanin, at nakalimutan ko ang bumili ng tubig pero kumuha na si Valentina ng tubig sa bag niya. "May ubo ako." Paalala niya. "Wala si Ma'am, absent. Attendance lang ang kinuha, din hindi ko pa alam sa next subject sa Math pero alam kung papasok iyon never naman iyon lumiban sa klase." Tumingin lang ako kay Valentina. Hindi ko na siya sinagot at nilantakan ang pagkain. Pero huminto ako ng narinig ko ang bulong-bulungan nila. " Nandito si Ramses Conrad! " Tumingin na din si Valentina sa labas, nakatingin sa pinto. I continued eating at tumingin din sa labas, kaming lahat na babae at binabae ay nakatingin... naghihintay at yung ibang lalaki ay parang may sariling mundo sa likod, naglalaro ng chess at walang paki sa kung sino ang aming tinignan. Nakita ko si Ramses na may dalawang Jollibee paper bag at nagtagpo ang tingin namin dalawa. Bumababa ang tingin niya sa pagkaing kinain ko at bumaba ang tingin ko sa dala ng paper bag ng jollibee. Sa akin ba yan? Naglaho bigla ang imahinasyon ko ng lumagpas siya at hindi na huminto para ibigay sa akin.. I guess, that food is not for me pero kahit na ganoon, kumain ako ng marami at mas ginaganahan akong kumain. Ginawan ako ng pagkain ni Valentina at kinain ko rin naman iyon dahil masaya ang puso ko ngayon. "Congratulations Ramundo Ramses Conrad." Parang nagising ang diwa ko nang hinawakan ni Aldos ang likod ko habang kausap si Rameses na nakatayo. So much reminiscing from the past Ruth! Pagkatapos kung kumain ay nandoon agad si Aldos sa bahay, kaya nagbihis lang ako ng isang slit dress. Kinabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na magkikita kaming dalawa ni Rameses, at nandito agad siya sa harapan ko. I wanted to hug him. Walang nagbago sa kanya. The clean cut, formal suit, his rough hands but when it touches you, it feels so rough yet gentle. He only chuckled and extend his hand to Aldos. "Thank you, salamat at nakadalo ka." Nakalimutan na niyang iexntend ang kamay sa akin at lumingon sa likod nang biglang yumakap si Coleen Go sa kanya at kahit pagtawa ni Coleen ay sobrang ganda. Inaalalayan na ni Aldos ang beywang ko para umalis at pumunta sa table para hindi na makadisturbo sa magjojowa sa harapan namin. Gusto kung lumingon pero ayoko... ayokong ipahalata na sa paglingon ko ay isang dating Ruth Herrera Zubiri ang masisilayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD