CHAPTER 2

2060 Words
SHAWN'S P.O.V. "So, Anong magiging plano natin? Kakasuhan ba natin ang si Ella Marie Weibford?" Muling tanong sa'kin ni John Patrick. Kasalukuyan kaming nasa loob ng cafeteria upang kumain ng meryenda. Diretsa ko siyang tinitigan. "Hindi pa naman published ang ginawa niyang story." "Hihintayin ba nating mangyari iyon. Kailangan natin siyang turuan ng leksiyon." Giit ni John Patrick. "Teka lang! Mga Dude, hindi naman kailangang paabutin sa demandahan. Bakit hindi na lang tayo ang magpataw ng parusa sa paraang mag-eenjoy tayo. Nakangising sabi ni Hairu. Lumapad naman ang ngiti ni John Patrick nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ni Hairu. Pagkatapos tinapik niya ang balikat ni Hairu. "Ang talino mo talaga mag-isip Dude." "Ako pa!" Pagyayabang naman ni Hairu. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Umiral naman kasi sa kanila ang pagiging babaero. Alam na alam ko ang iniisip nilang dalawa. "H-Hello, S-Shawn." Sabay pa naming nilingon ang boses ng babae. At gayon na lang ang pagkunot-noo ko nang makilala ko ang babaing lumapit sa'min. Isa siya sa mga babaing palaging lumalapit sa'kin. Isa siya sa mga babaing walang sawang nagbibigay sa'kin ng kung ano-ano para lang mapansin ko, siya si Isabel. "Yes?" Salubong pa ang kilay kong tanong. Nakayuko siya sa'kin at hindi magawang tumingin. May hawak siyang malaking box na ang laman ay Cake. Mahaba ang buhok niya na kulot-kulot sa dulo ng buhok niya. Maputi siya at may maliit na mukha. Isa siya sa mga magagandang babae sa school. "M-May ibibigay sana ako sa'yo." Nauutal pa niyang sabi sa'kin. Nanginginig ang kamay niya nang i-angat niya ang hawak niyang box ng cake. Hindi pa rin siya makatingin sa'kin ng diretso. "Uy! Pagkain. Mukhang masarap 'yan!" Sabay kuha ni John Patrick sa box ng cake. "Hindi mo na ako kailangang bigyan niya. Kaya ko namang magbake at bumili." Napilitang i-angat ng babae ang mukha niya upang tumingin sa'kin. Namumula ang mukha niya nang magtama ang tingin namin. "Pinakamasarap na cake 'yan. Nabalitaan ko sa News na pinakamasarap 'yan dito sa pilininas." "Really?" Sunod-sunod na tango ang tinugon niya sa'kin. "Tikman mo masarap 'yan." "Baka may gayuma ito?" "Wala! H-Hindi ko iyon gagawin sa'yo." "Good, anyway, thank you." Walang emosyon kong sabi sa kanya. "Salamat!" Pagtalikod ng babae. Tumakbo na siya at nagtitili. Bumuntong-hininga ako. Ayoko talaga ng mga babaing nanliligaw sa lalaki. Ano pa't naging lalaki ako kung hindi ko pagdadaanan ang panliligaw sa babae. "Kainin na natin ito." Ani John Patrick. "Kainin niyo na lang." "Ayoko ng Cake si John Patrick na lang ang kumain 'yan." Sabad ni Hairu. "Sige ayaw niyo uubusin ko ito." Binuksan niya ang cake at tinikman. "Hmm... ang sarap niya." "Magtae ka sana!" Sabi ko. "Hindi ako tinatalaban niyan." Sabay tawa ni John Patrick. "Balik tayo sa pinag-uusapan natin. Pumapayag ka ba sa plano namin ni John Patrick?" Muling tanong ni Hairu. "Alin ba doon?" "Paglalaruan natin ang mga taga weibford." Pakindat-kindat pa siya. "Ayoko! Wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo." Pagtanggi ko. "Talaga? Ikaw ang bahala." Sabay kibit-balikat niya. "Oo, Ayokong makipaglaro sa babae." Sabi ko pa. After two days. Binabawi ko na ang sinabi kong hindi ako papayag na makipaglaro sa mga taga Weibford. Dahil pagkatapos ng dalawang araw pumayag ako sa gusto nila. Balak naming abangan si Ella Marie sa labas ng School nila mamayang uwian. Ngunit hindi na pala namin kailangan gawin iyon. Dahil malayo pa lang natanaw ko na si Ella Marie na nag-aabang sa labas ng SPIA. Huminto ako at lumapit sa kanya. Walang humpay naman ang hiyawan at tilian ng mg babae sa'min. "Hayss! Kailan kaya sila titigil sa kakasigaw sa'kin." Kahit agaw atensiyon ang tilian ng mga estudyante. Hindi pa rin lumingon si Ella Marie sa'kin. Nakatutok kasi ang pansin niya sa hawak niyang cellphone. Kaya lumapit ako sa kanya. Nakapamulsa ang kanang kamay ko habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa bag kong dala. "Hey!" sabi ko sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa'kin. Medyo na ilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. Halos kabisaduhin na niya mukha ko ngayon. "Miss Sexy," tawag ko sa kanya. Hindi ko ma-iwasang tawagin siyang sexy. Masyado kasing perpekto ang katawan niya. Parang barbie doll ang katawan niya. Sumimangot siya. "Ella Marie ang pangalan ko." Ngumiti ako sa kanya. Kahit nakasimangot siya cute pa rin siya. "I see, Ella Marie Weibford. Ikaw ang bida sa story di ba?" Namula ang mukha niya. "Nabasa mo pala." "Limang page lang ang boring kasi. Anyway di ba gusto mo'ng pumayag ako na gamitin ang name ko sa story mo?" Tumango ako . "Kung pwede sana. Or kahit magbayad ako okay lang." "Come with me!" sabay hila ko sa kanya at isinakay ko siya sa kotse. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Dahil kahit ako nagulat ikinilos ko. "T-Teka? Saan mo ako dadalhin?" "Sa lugar kung saan pwede tayong mag-usap." Sabay kindat ko sa kanya. Huli na para umiwas siya sa'kin ng tingin . Dahil nakita ko na ang pamumula niya ng mukha. "Ang hirap talagang maging gwapo." Wala akong maisip na lugar na pupuntahan namin kaya naman ng may matanaw akong plaza. Hininto ko doon ang kotse ko. "Let's go!" Lumabas ako ng kotse at inalalayan ko naman siya sa pagbaba niya. "Bakit tayo nandito?" Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos napalunok ako ng huminto ang mga mata ko sa maumbok niyang dibdib. Pagkatapos bumilis ang t***k ng puso. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Marami naman akong babaing nakitang may malaking dibdib ang iba nga ay willing na ipahawak sa'kin. Ngunit hindi ko ginawa. Pero sa kanya, iba ang pakiramdam ko. At naiinis ako sa nararamdaman ko. "Pumapayag na akong gamitin mo ang pangalan ko sa story mo." sabi ko. Lumapad ang ngiti niya. "Talaga! Thank you." "But in one condition." Biglang napawi ang ngiti niya. "Ano naman iyon?" "May four wishes ako na dapat mo'ng matupad." "Wow ha! Dinaig mo pa ang genie tatlong wishes lang iyon sa'yo apat."nameywang pa siya sa'kin. Nagkibit-balikat ako. "Okay wag na!" "Joke lang! Hindi ka na mabiro. Ano ba ang apat na wishes mo kamahalan." Sarcastic niyang sagot. "One, be my Girlfriend until your book will be adapted as a movie. And two, you need to transfer in Saint Paul internation Academy so, I can see you every day." Tumawa siya ng malakas. "Wow! Ang kapal din naman ng mukha mo, noh? Feeling mo gusto kitang maging boyfriend. Isa pa, lilipat ako sa school niyo? Eh, may school naman kami. Big No!" "Fine! Tapos ang usapan. But according to my reliable source. Magiging exclusive writer ng pelikula ang mananalo at magiging exclusive writer din siya ng isang sikat na publishing company. Di ba dream mo iyon? 'yan ang course mo." "Ang bilis mong makakalap ng impormasyon. Bilib na ako sa'yo." "Well, kung ayaw mo, hindi kita pinipilit Miss Sexy." "Wag mo nga akong tinatawag na sexy!" Inis kong sabi. "Gusto ko Sexy eh," pumihit ako patalikod upang sumakay sa loob ng kotse. "Teka lang!" hinawakan pa niya ang braso ko. "Yes?" kunot-noo ko. Huminga siya ng malalim. Pagkatapos nakipagtitigan sa'kin. "Pumapayag na ako sa gusto mo." Ngumiti ako sa kanya. habang nakatingin ako sa kanya. Walang kahirap-hirap ko pa lang magagawa ang gusto ko. Hinapit ko ang bewang niya at tinulak ko siya palapit sa'kin. Muli ko siyang pinagmasdan. "A-Anong gagawin mo?" may pagtataka sa mukha niya. Ngumisi ako sa kanya. "I have the right to kiss you—" Hindi ko na tinapos ang gusto kong sabihin dahil natukso akong halikan siya. Hindi ko maipaliwag ngunit para akong binubulungan ng isip kong halikan siya. Kaya halos mabingi ako sa t***k ng puso ko nang maglapat ang labi namin. This is my First time na ako ang unang humalik sa babae. Most of the time kasi babae ang unang humahalik sa'kin. Ipinikit ko ang mga mata ko upang mas maramdaman ko ang malambot niyang labi. "Ganito pala ang pakiramdam ng ikaw ang hahalik sa babae. Nakakabaliw." Sa isip-isip ko. "B-Bakit mo ginawa iyon!" nauutal niyang sabi. Matapos ko siyang nakawan ng halik. "Because I'm your boyfriend and I have the right to kiss you."hindi pa rin mawala ang tingin ko sa kanya. Natutuwa kasi akong makita ang pamumula ng mukha niya at ang reaksiyon ng mukha niya. "Kainis ka! Kinuha mo na sa'kin ang first kiss ko! "First time ko rin namang manghalik sa babae." Sa isip-isip ko. "Mas swerte pala ako dahil ako ang first kiss mo. Sabi ko. Pagkatapos muli ko siyang hinapit sa bewang at tinitigan "Bago matapos ang araw na ito makakaipon ka nang kiss galing sa handsome, hot, boyfriend mo." Muli ko siyang hinalikan. Call me p*****t, kung 'yan ang gusto niyong sabihin sa'kin. Basta ang alam ko lasing na lasing ako sa malambot niyang labi. "p*****t!" Sabay tulak niya sa'kin. Dumistasiya siya sa'kin ng kaunti. "Hot ang tawag do'n not pervert." Kampanteng sagot ko. "Idedemanda kita ng— "Harassment? Pagkatapos ng thirty second natin kissing scene. Sasabihin mo sa'kin. Harassment. Baka sabihin sa'yo Miss Sexy ng Judge na nabitin ka lang." Tumawa pa ako. Lumapit siya sa'kin at hinampas-hampas ako. "Bastos!" Hinuli ko ang kamay niya. "Stop!" Utos ko sa kanya. "Ninakaw mo ang first kiss ko. Sa first love ko dapat iyon ibibigay." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Tinitigan ko siya. "Don't worry, ako ang magiging first and last love mo." "Conceited!" Gigil niyang sabi. Hinawakan ko ang braso niya at binuhat ko siya. Nagpupumiglas siya sa'kin. Ngunit nagawa ko pa rin siyang isakay sa kotse ko. "Ibaba mo ako! Saan mo ako dadalhin?!" Matalim ang mga tingin niya sa'kin. "Ang ingay mo! Manahimik ka nga! Ibabaon kita ng buhay!" Sumigaw ako upang matakot siya. Bigla naman siyang nanahimik. Pagkatapos kinuha ang cellphone niya. Mabilis ko namang inagaw sa kanya iyon. "Ang sama mo! Anong gagawin mo sa'kin?" Mahina niyang sabi. "Ayoko ng maraming tanong." Sagot ko. "Wag mo akong papatayin. Marami pa akong pangarap sa buhay." "Kung magiging mabait ka sa'kin. Hindi kita papatayin." Sabi ko. "O-Oo, susunduin ko ang gusto. Wag mo lang akong papatayin." Nauutal niyang sabi. Palihim akong ngumiti. Ang bilis talaga niyang mauto. Naging tahimik nga siya habang nasa daan kami. "Papunta sa bahay namin ito?" Sabi niya. "Yeah, ihahatid kita sa inyo." "H-Hindi mo ako papatayin?" Tumingin pa siya sa'kin. "Ofcourse not, masyado naman akong pogi para pumatay ng tao. Sinabi ko lang iyon sa'yo pata tumigil ka sa kakasigaw. Hindi ako makakapagdrive ng maayos sa ingay mo." "Yabang talaga!" Mahina niyang sabi. Paglabas namin ng kotse. Eksakto namang may humintong kotse sa harapan namin. "D-Daddy?" Gulat na gulat na tanong ni Ella Marie ng bumaba ang isang lalaki na nasa edad kwarenta. "Ella," Niyakap pa niya ang anak. Pagkatapos humarap sa'kin. Pinasadahan niya ako ng tingin. "Kilala kita, ikaw si Shawn Skyler Santiago?" Lumapit ako sa Daddy ni Ella. "Yes, I'm Shawn Skyler Santiago. Ella's Boyfriend." Pinandilatan ako ng mata ni Ella. Kinindatan ko lang siya. "Totoo ba iyon Ella?" Tanong ng Daddy ni Ella. Hindi naman malaman ni Ella kung saan ibabaling ang tingin. Tumango siya tanda ng pagsang-ayon. "Ngayon ka lang niya dinala dito." Tinitigan ko si Ella. Pagkataposs muli kong binaling ang tingin sa Daddy niya. "Mr Weibford, nandito po ako para pakasalan ang anak niyo." "What the hell!" Sigaw ni Ella. "Ella! Ang bibig mo." Sabi ng Daddy niya. "Hinalikan ko ang anak niyo ng ilang beses. Pero umiyak siya dahil first time niyang mahalikan. So, para sa hustisya ng first kiss niya. Pakakasalan ko na siya." "Wait!" Lumingon pa sa'min ang Daddy niya. Tapos bumuntong-hininga. "Okay, normal ang kiss sa mag boyfriend. Pero hanggan do'n lang. Mag-aral muna kayong mabuti. Ella, hindi ibig sabihin na hinalikan ka. Kailangan ka ng pakasalan. Hindi basta-basta ang pag-aasawa." Humahaba ang nguso ni Ella. "P-Pero wala naman akong sinabing pakasalan niya ako." Matalim na titig ang ipinukol niya sa'kin. "Pero sabi mo panagutan kita." Alibi ko. "Wala akong sinabi."giit niya sa'kin. "Tama na 'yan, wag niyo ng pagtalunan ang bagay na 'yan. Shawn, pumasok ka muna sa loob ng bahay." Sabi ng Daddy niya. "Wag na Daddy, may pasok pa siya, di ba Shawn?" Muli niya akong pinandilatan ng mata. "Some other time na lang po. May exam pa kami. Bye! Sir, bye! Mahal ko." Kumindat pa ako bago sumakay ng kotse. Hindi ko namang maiwasang tumawa mag-isa habang iniisip ko ang reaksiyon ni Ella Marie. "Hmmm... mukhang mag-eenjoy ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD