CHAPTER 3

2167 Words
ELLA'S P.O.V. "Ella, bakit naglilihim ka na sa'min ng Mommy mo? May boyfriend ka na pala. Bakit hindi mo sa'min sinasabi?" tanong ni Daddy nang makapasok kami sa loob ng bahay namin. Pabagsak akong umupo sa malambot na sofa namin at pinadausdos ko ang katawan ko upang tuluyan akong makahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang kanang kamay ko ay nakatakip sa mga mata ko. "Ella Marie! Kinakausap kita. Wag mo akong tulugan!" pasigaw ni Daddy sa'kin. "Ang sakit kasi ng ulo ko Daddy." Alibi ko. "Gano'n ba? Sige dadalhin kita sa doctor para maturukan ka ng gamot." "Tuturukan?" idinilat ko ang mga mata ko. Ayokong i-injection. Takot ako sa karayom. Mabilis akong bumangon sa sofa at humarap kay Daddy. "Kaya naman Daddy ng pain reliver." "Good, sagutin mo ang tanong ko. Kailan pa naging kayo ni Shawn Skyler Santiago?" I rolled my eyes. Paano ko ba sasabihin na hindi naman naging kami. Gawa-gawa lang iyon ni Hudas barabas a.k.a Shawn. "Akala ko kasi Daddy joke lang." alibi ko. "Joke lang? Nagkiss na kayo." "Ninakawan niya ako ng halik." Pabulong kong sagot. "Anong ninakaw Ella?" sabi ni Daddy. "W-Wala po, nagkakilala kami noon ni Shawn noong may magnanakaw na tumatakbo dahil hinahabol ng pulis. Binangga ako ng magnanakaw dahil nakaharang ako sa daan niya. Sumubsob ako sa kalsada. Mabuti na lang dumaan ang kotse ni Shawn. Huminto siya at tinulungan niya ako. Iyon po ang unang pagkikita namin." Nakasimangot kong sagot. Ang lapad naman ng ngiti ni Papa sa tinahi kong kwento. Paano ba naman si Shawn Skyler ang boyfriend ko. Masyadong famous iyon. Kaya hindi mapagkakailang maging boto si Papa sa kanya. "Iyon naman pala ang nangyari. Wag mo siyang palaging inaaway. Isa pa, kiss lang naman iyon anak. Basta wag lang kayong lalampas pa roon. Isang taon na lang graduate ka na. Ayokong umakyat ka sa stage na lobo ang tiyan." Sumimagot ako kay Daddy. "Ako pa talaga ang nakikipag-away?" tinuro ko ng daliri ko ng dibdib ko. Lumapit sa'kin si Daddy at tumabi sa kinauupuan ko. "Wag mo na siya pakawalan anak. Jackpot ka na do'n." sabay pang pinagtaas baba ni Papa ang kilay niya. "Daddy, pati ba naman ikaw?!" reklamo ko. Hindi mapagkakailang gwapo, matalino, mayaman at famous si Shawn. Pero bakit pati sila Mommy at Daddy gustong-gusto rin si Shawn. "Basta, anak maging mabait ka kay Shawn Skyler Santiago. Siguradong magiging maganda ang future mo sa kanya." Tumayo si Daddy at ngumiti sa'kin bago umalis. "Tss! Walang forever." Sa isip-isip ko. PAGPASOK ko sa loob ng classroom namin. Napansin kong wala ang dalawa kong kaibigan na sina Loren at Annaliza. Madalas kasing sila ang palaging maagang pumapasok at hinihintay nila akong dalawa. Pero ngayon hindi ko sila nakita. Sinubukan ko silang i-text ngunit wala akong natatanggap na reply mula sa kanila. "Napansin mo ba si Loren at Annaliza?" tanong ko sa kaklase kong nasa likuran kong nakaupo. Kasalakuyang nagle-lecture na ang professor namin. "Kanina nandito sila. Ang aga nga nilang pumasok. Nagtaka nga ako kung bakit wala sila ngayon." Sagot ng kaklase kong babae. "Gano'n ba? Thank you." Pagkatapos muli kong binaling ang tingin ko sa professor namin. Mag-isa akong kumain ng lunch sa cafeteria dahil wala ang mga kaibigan ko. Hindi ko pa rin alam kung bakit bigla silang umuwi. Habang abala ang isip ko sa kakaisip sa dalawa kong kaibigan. Tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyong sinagot. "Hello, Sexy Girlfriend." Automatikong kumunoot-noo ako nang makilala ko ang boses na iyon. Siya lang naman ang may lakas ng loob na tawagin ako sa ganyan. Si Shawn Skyler lang. "May dalawang minuto ka para sabihin nag gusto mong sabihin. Umpisahan mo na." "Ganyan ka ba magpakita ng pagka-miss sa'kin. Sweet mo naman Sexy girlfriend." "Ten seconds." "s**t!" "Eleven seconds." Sabi ko pa. "Nandito ang dalawa mong kaibigan kasama namin." "A-Ano? Bakit nandiyan sila?" naputol ang pagbibilang ko ng minuto sa kanya. "Sexy Girlfriend, Wag masyadong maraming tanong. Di ba dalawang minuto lang sinabi mo. Ang sabi nila tawagan kita para makasama ka namin ngayon dito sa Isang Mall na malapit sa School namin. Nandito kami sa favorite niyong tambayan magkakaibigan. Bye!" Kulang na lang ihagis ko ang hawak ko cellphone dahil sa inis ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ako ng cafeteria Kukutin ko talaga si Loren at Annaliza. Hindi man lang marunong magtext kakainis! "Ella!" ang lapad pa ng pagkakangiti ni Loren ng lumapit sa'kin at yakapin ako. Lumapit rin si Annaliza para yakapin ako. Habang ang tatlo nakatingin sa'kin. "Bakit niyo kasama sila?" tanong ko sa dalawa. Bago nila ako sagutin sa tanong ko. Hinila nila ako sa papunta sa table nila t pinaupo ako sa katabi ni Shawn na ngayon ay nakadikwatro habang nakacross-arm ang kamay niya. "Ella, Nagplano kasi si Shawn Skyler na manood ng sine. Kaya um-absent kami." Nakangiti pa si Loren habang sinasabi niya iyon. "Pagkatapos pupunta tayo sa bahay nila Shawn Skyler pagluluto niya tayo!" kilig na kilig na sabi ni Annaliza. Nakayuko si Shawn at pasipol-sipol habang nakatingin sa malayo. "Hindi kayo pumasok para lang sumama sa kanila? Bad influence sila." Pigil na pigil kong ilabas ng inis ko. "Hey! Miss Universe, hindi kami bad influence. Inalok lang namin sila baka gusto nila." Sabad ng isang lalaki. "Wag mo akong tawaging Miss Universe. Bad influence pa rin kayo dahil alam niyong may pasok sila niyaya niyo!" hindi ko napigilang magalit sa kanila. Hinawakan ni Loren ang kamay ko. "Wag mo naman awayin si John Patrick. Gusto namin ito hindi kami pinilit." Sabi ni Loren. "Tama si Loren, gusto namin ito, isa pa ngayon lang naman tayo hindi papasok sa School." "Anong tayo?" Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. "No way! Wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo!" Pagpihit ko patalikod katawan ni Shawn ang humarap sa'kin. Nakipagtitigan siya sa'kin. Pagkatapos hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko. "Sexy Girlfriend, Sumama ka na sa'min." Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Ayoko! Hindi ako papayag na um-absent!" tapos nagmartiya ako palabas. Ngunit nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso. "Bitawan mo nga ako! Papasok ako sa klase!" "Sasamahan kita. Ipapaalam kita sa professor mo." Seryoso niyang sabi. "A-Ano? Nababaliw ka na ba?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Pwede naman sigurong mabaliw sa'yo di ba?" pinagmasdan niya ako mulo ulo hangggang paa pagkatapos muli niya akong tinitigan at kinindatan. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Parang hindi na normal ang naging t***k ng puso ko dahil sa kanya. "Wag na wag mong gagawin 'yan!" giit ko sa kanya. "Sure, hindi ako sasama sa'yo, pero sasama ka sa'kin." Nakakaloko pa siyang ngumiti sa'kin. "Bakit ba ako ang kinukulit mo? Hindi ko naman na pinipilit sa'yo ang gamitin ang fullname mo sa story. Iibahin ko na lang ang pangalan." "Alam mo ba ang isang lalaki kapag nangungulit sa isang babae ibig sabihin gusto niya ang babae." Yumuko siya upang magpantay ang mukha naming dalawa. "Pasalamat ka dahil ikaw ang gusto ko sa kabila ng libo-libong babae ang pinapangarap akong makasama." Napalunok ako nang bigla niyang kinagat-kagat ang mapupula niyang labi. Nakakainis! Natutulala tuloy ako sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "So, pumapayag ka na bang sumama sa'min?" "Fine!" sabay talikod ko sa kanya at lumapit ako sa dalawa kong kaibigan na masayang-masaya ngayon. "Thank you, Ella." Sabi pa nilang dalawa. Inirapan ko sila tanda ng inis ko sa kanila. "By the way, I'd like to meet my Friends. Duke Hairu Chuaford. And this is John Patrick Elfuente." Pagpapakilala ni Shawn sa dalawang kaibigan niya. "Hi!" tipid akong ngumiti sa kanila. "So, kumain muna tayo bago manood ng Sine." Sabi ni Shawn. Tumango ako tanda ng pagsang-ayon. Ilang beses kong pinagmasdan si Loren at Annaliza habang masayang nakikipag-usap sa tatlo. Parang napakatagal na nilang magkakakilala kung mag-usap sila. Samantalang ako para akong others. Sabit lang sa grupo. Hindi ko tuloy magawang ubusin ang pagkain ko. "Say Ahhh!!" Nagulat ako nang nakaharap na sa bibig ko ang hawak na kutsarang may lamang pagkain. Nakatikom ang bibig ko nang tumingin ako kay Shawn. "Kainin mo na Ella. Sweet nga ni Shawn." sabad ni Loren. "Oo nga, ngayon lang niya ginawa 'yan." Sabad ni Hairu. Napilitan tuloy akong kainin ang sinusubo niya sa'kin. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang isang magaling na chef. "Very good. Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" tanong ni Shawn. Umiling ako. "Busog ako kaya wala akong ganang kumain." Tipid kong sagot sa kanya. Tinitigan niya ako kaya naman umiwas ako nang tingin sa kanya. Hindi ko naman mapatahimik ang dalawa kong kaibigan na kilig na kilig sa mga ipinapakita ni Shawn. Naramdaman ko na lang na bumuntong-hininga siya. "Kung ako siguro ang magluto para sa'yo baka magustuhan mo. Kumain kahit konti ako ang magsusubo sa'yo ng pagkain." "A-Ako na ang bahala." Tipid akong ngumiti sa kanya. Tapos kinuha ko napilitan akong kainin ang pagkain ko. Nakakahiya namang sinubuan niya ako. Pagkatapos naming kumain. Agad kaming pumunta sa third floor ng Mall upang bumili ng ticket para manood ng sine. Ako lang yata ang hindi excited manood na kasana sila samantalang ang dalawa kong kaibigan ang lapad ng pagkakangiti. Hindi na rin maiwasan ang mga babaing nagpapa-picture kay Shawn sa tuwing nakikilala siya. "Ella..." Nilapitan ako ni Annaliza at palihim na binulungan. "B-Bakit?" tanong ko. "Let's go! Magtago tayo dali!" hinila pa niya ako. "T-Teka bakit?" naguguluhan kong tanong. Hindi niya ako pinakinggan sa halip nilapitan niya si Loren at binulungan. Para namang nakakita ng multo si Loren matapos siyang bulungan ni Annaliza. Dalawa silang humihila sa'kin. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Shawn na unang nakapansin sa'kin. "P-Pupunta kami ng comfort room." Nauutal na sagot ni Annaliza. "Hindi diyan ang Comfort room." Sagot ni Shawn. "Oo nga, hindi naman dito ang daan sa comfort room." Tanong ko rin. "Wag kang mareklamo Ella." Sagot ni Loren. "Ella? Loren, Annaliza?" "Patay!" bulong ni Annaliza. Napahinto kami nang marinig naming tinatawag ang pangalan namin ni Andrei. "S-Si Andrei!" pabulong ko rin. Hindi kami lumingon para tingnan siya. Kaya naman si Andrei ang lumapit sa'min. "Anong ginagawa niyo rito?" nakakunot-noo siya habang pabaling-baling ang tingin sa'ming tatlo. "B-Bakit nandito ka?" baling kong tanong sa kanya. Nakipagtitigan siya sa'kin. "Wala ang Professor namin. Kayo bakit nandito kayo?" salubong pa ang kilay niyang tanong sa'kin. Umiwas ako ng tingin. Paano ba naming sasabihing hindi kami pumasok para lang manood ng sine. Isusumbong ako niyan kay Mommy at Daddy. "A-Ahh— "What's wrong with you guys?" Namilog ang mga mata ko nang sumabad si Shawn. Para kaming statue habang papalapit si Shawn at ang dalawa niyang kaibigan. Marahil nakabili na sila ng Ticket. "Who are you?" Tanong ni Shawn kay Andrei. Humarap si Andrei kay Shawn. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya habang pinagmamasdan si Shawn at ang dalawang kaibigan niya. "Ako ang Kaibigan ni Loren at Annaliza and—Boyfriend ni Ella Marie." Lumapit sa'kin si Andrei at inakbayan ako. Para akong nauupos na kandila nang marinig ko ang sinabi ni Andrei. Nakakainis bakit niya iyon sinabi. Gusto kong sumabad sa pag-uusap nila ngunit parang umurong ang dila ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni Shawn na nakatingin kay Andrei. Pagkatapos niyang pagmasdan si Andrei tumawa ng malakas si Shawn. "Ano bang nakakatawa? Nakakainis itong lalaki na ito. Baka mapikon si Andrei." "Anong nakakatawa?" seryosong tanong ni Andrei. Sa halip na sagutin ni Shawn si Andrei. Lumapit siya sa'min at inalis niya ang pagkakahawak ni Andrei sa balikat ko. Pagkatapos hinila niya ako palapit sa kanya. Hindi ako makatingin kay Bestfriend, hindi ko siya kayang tingnan. "Alam kong maganda at charming ang Girlfriend ko. Sanay na akong pinagpa-fantasiyahan siya. Pero alam mo kasi Dude. Ang akin ay akin lang, hindi ko ito sini-share sa iba. Isa pang, hawak mo sa balat ng sexy girlfriend ko. Babagsak yang katawan mo sa ground floor ng Mall na ito." Giit ni Shawn. Pumikit ako baka sakaling pagmulat ko hindi ito nangyari. Pero ilang beses kong ginawa iyon nakikita ko pa rin ang inis sa mukha ni Andrei. Bakas sa mukha niya ang malaking katanungan sa'kin. Kaya naman iniiwasan ko mapatingin sa kanya. "Ella, Loren, Annaliza. Magkita tayo bukas sa school." Sabay talikod ni Andrei sa'min. Para naman akong nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga magkakagulo silang dalawa. "Let's go! Manood na tayo ng sine." Sabad ni Duke Hairu. Agad namang sumunod kami sa kanila. Magkahawak kamay kaming dalawa ni Shawn habang naglalakad. "Gwapo rin ang mokong na iyon, pero mas gwapo pa rin ang Kuku ng paa ko sa kanya." Sabay tawa niya I deadly glared. Sobrang yabang niya. "Bago ka siguro pumasok ng Mall nilunok mo ang lahat ng hangin ng aircon dito." Sabay irap ko sa kanya nang magtama ang tingin niya sa'kin. Ngumiti siya. Pagkatapos marahang pinisil ang pisngi ko. "Akin ka lang Sexy Girlfriend." Sabi niya. Ayokong aminin sa sarili kong kinikilig ako sa sinabi niya pero hindi ko mapigilan pakalmahin ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD