DANNICA LAZARDE POV:)
Nang mangyari iyon, tumibok ng kay lakas-lakas ang puso ko. Kulang nalang magtalon-talon ito sa tuwa.
Nanlalaki mata parin ako habang nakahiga yung ulo ko sa makisig niyang dibdib at yung dalawang kamay ko, nakahawak sa magkabilang braso niya. Rinig na rinig ng tainga ko ang t***k ng puso niya na sinasabayan naman ang beat ng puso ko ang puso niya.
Ano nangyayari sakin? Akala ko crush ko lang siya? Bakit mukhang gusto ko na si Sir Don? Di lang gusto mo, parang...
"Miss Lazarde?" Boses ni Sir.
"So-sorry, Sir!"
Tatayo na sana ako kaso...
"No. Stay like that." Makahulugang pigil niya sakin halos hawakan niya ang likod ko.
"Stay? Stay sa ganitong posisyon? Ang awkward naman. " Sabi ko sa isip.
Pinagbigyan ko nga si Sir. Nakahiga siya habang ako yung nakapatong sa kanya. Nanatiling nakahiga yung ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman kong umiinit na ang chicks ko.
"Miss Lazarde?" Boses ni Sir.
Nataranta naman ako nang magsalita si Sir.
"Y-yes, Sir?" Halatang kinakabahan tanong ko sa mahinang boses.
"Have we met before?" Makahulugang tanong niya.
"Ah?" Sambit ko. Ano ibig sabihin ni Sir. Dahil sa curious, iniangat ko yung ulo ko at tiningnan siya. Nakatingin din siya sakin habang angat yung ulo niya.
Tumawa siya yung tama lang. Hiniga ulit niya yung ulo niya sa sahig.
"Wala. Nagkamali lang ata ako. Tumayo kana, may pag-uusapan pala tayo." Sa halip sabi nito.
Tarantang tumayo agad ako. Nakaka-awkward na kasi tapos feel ko may nararamdaman akong bukol sa may puson ko. Ang laki naman ng bukol na iyon. s**t! Si Jollibee na ata yun ni sir? Grabe! Feel ko ang laki. Grabe kasi yung bukol nang maramdaman ko sa may puson ko.
Akala ko kasi sa una, wala yun. Pero habang tumatagal na nakapatong ako kay Sir, parang lalong lumalaki yung bukol. Wah! Yung chicken joy ata yun ni sir. Nakakahiya! Pinagnanasahan ko yung hari ni Sir. Baliw kana, Dannica! Kung ano-ano mo na pinagsasabi. Guni-guni mo lang yun. Masyado kanang manyak. Tsk!
Pagkatayo ko, tumayo na rin si Sir. Pinagpagpag ko yung paldang maiksi-iksi. Dumeretsyo na agad sya sa office seat. Naging seryoso na naman siya nang naupo na siya doon.
"Miss Lazarde, come here. Have a seat." Sabi nito.
Parang tanga mabilis na naupo naman ako. Di ko na alam bakit nagiging ganito ako. Nagiging isip-bata ako at tanga. Lumalabas lang ang pagkakaganito ko dahil kay Sir. Sa kanya lang ako nagiging tangang childish.
May kinuha si Sir sa drawer ng table niya. Habang abala ito sa paghahanap, napatako ang mata ko sa gilid ng libro niya. Nakita ko yung favorite ko.
"Wow! Dutchmill!" Bulalas ko halos kumislap-kislap mata ko nang makita nga iyon.
Napatingin naman sakin agad si Sir. Mabilis na umiwas ako ng tingin.
"Wow! Ballpen pala! Hehehe." Paglulusot ko at kinuha yung ballpen ni Sir na nasa table niya.
Napangiti na bumaling ulit si Sir sa paghahanap nito sa drawer.
Wait! Ngumiti? Ngumiti talaga si Sir? Pangalawa ko na siyang nakitang ngumiti ng ganun. Di ko ba yun guni-guni? Ee basta! Ngumiti siya kaso pansamantala lang.
Kanina pa siya panay hanap sa drawer niya. Halos tumayo na siya sa kinauupuan. Tumungo pa siya sa likod ng inuupuan niya. Halos tumungo ito sa kabilang table kung saan may nakalagay na mga display doon.
Napansin kong namo-mroblema na si Sir. Ngayon ko lang siyang nakitang parang naiiyak na. Parang may nawawalang bagay sa kanya.
"S-sir---" naputol yung pagtawag ko sa kanya nang magsalita si Sir.
"Maya o bukas ka nalang, Dannica. Ipapatawag nalang kita. Di ko makita yung ipapakita at ibibigay ko sayo." Namomroblema pa ring sabi ni Sir at sa isang drawer naman siya naghalungkat doon.
"Ano naman ibibigay sakin ni Sir at kung makahanap siya parang napaka-importante ng ibibigay niya sakin. Pera ba yun? Mamahaling kotse? Ano?" Sa loob-loob ko."Okay po, Sir." Sagot ko. Tangkang tatayo na sana ako sa kinauupuan nang biglang magsalita siya.
"Sayo na yang dutchmill."
Napataas ang isang kilay na napatingin ako sa kanya. Nakatalikod pa rin siya habang naghahalungkat ng mga drawer doon.
"A-ano, Sir?" Paninigurado ko. Gusto ko siguraduhin. Nakakagulat kasi baka iba narinig ko. Mapahiya pa ko.
"Para sayo yang dutchmill na nasa mesa ko." ulit nga nito.
Tiningnan ko yung dutchmill na nasa mesa ko pero tumingin ulit ako kay Sir na abala pa rin sa paghahanap.
"Bakit para sakin yan, Sir? Para saan po yan?" tanong ko pa rin. Nalilito pa ko. Di ko maintindihan yung ginawa ngayon ni Sir. Bakit niya sakin ibibigay yung dutchmill?
Syempre, nawalan na ng gana uminom nyan...
Hayst! Baka oo nga. Dapat di na ko nagtanong pa. Baka bawiin pa. Favorite ko pa naman yung dutchmill.
Napahinto sa paghahalungkat si Sir dahil sa tanong kong iyon.
"W-wala. Pasasalamat ko sana sayo kasi tinulungan mo ko nung isang araw. Ikaw yung nag-compute ng grades nyo kesa sakin." paliwanag niya."Salamat pala."
Namula naman ako sa katagang sinabi niyang "Salamat". Kyaaahhh! Yung puso ko nagtatalon sa sobrang saya. Ang babaw ng kaligayahan ko. Katagang Thank you lang yun, kinilig na ko bigla.
Nagpatuloy ulit sa paghahalungkat si Sir. Ngiting kinikilig na kinuha ko yung dutchmill. Pangalawa si Sir na nagbigay sakin ng favorite ko. Yung una kasi yung nakilala kong bata noon. Kamusta na kaya yun? Miss ko na si Kuyang mahilig sa Minions.
"Salamat po dito." Pasalamat ko kay Sir. Tumayo na ako at tumungo sa pinto para umalis. Bago umalis, nagpaalam na ko kay Sir Don."Bye po and good afternoon po pala." nakangiting sabi ko at kinikilig na lumabas na ako.
Nahihiya ako kay Sir. s**t! Kinikilig ako. Kinikilig ako dahil kay Sir o dahil sa dutchmill na bigay nya? Kyaahh!! Basta pareho sila. Hihihi.
Tangkang tatakbo ako ng mabilis nang pagliko na pagliko ko, may nakabunggo ako. Dahil sa lakas ng impact napa-upo ako sa sahig.
Shit? Yung ilong at puwetan ko. Aray!
Habang nakayuko ako at sapo yung ilong kong matangos, nakita ko sa baba yung black na sapatos na nasa harapan ko na. Inalis ko na yung pagkakasapo ko ng ilong ko. Parang nawala yung sakit niyon dahil nakaramdam ako ng takot sa taong nasa harapan ko.
Dahan-dahan ko iniangat yung ulo ko para makita yung taong nabangga ko. Nanlaki mata nalang ako halos napabuka ako ng bibig nang makitang nasa harapan ko si...
Inilahad nito ang kamay para tulungan ako makatayo.
"Ang Dean ng school namin, ang kapatid ni Professor Don si Mr. Joseph Dan Cervante." Sa loob-loob ko.
Nakangiti ito sakin habang nakalahad ang kamay nito.
Kinabahan ako bigla nang makitang nasa harapan ko ang Dean ng school namin. Sa totoo lang, takot ako sa kanya. Ewan di ko alam kung bakit. Kada kasi nakikita ko siya o nakakasalubong, natatakot ako sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa.
Noon kasi nahuli ko siya. Nahuli ko siyang may sinasamantalahang babae. Di ko alam kung kailan yun basta 1st Year College ako ng makita ko iyon.
FLASHBACKS
Papasok na sana ako sa office niya para ibigay yung pinamimigay sa kanya ng dating teacher ko noon nang di ko naituloy dahil may nakita akong babaeng nakatayo sa harapan ng office seat niya.
Kahit nakatalikod yung babae, umiiyak ito at parang nagmamakaawa ito kay Mr. Dan.
"Mr. Dan, wag nyo po ako i-expel. Please? Ayaw ko malaman ng mga parents ko ang nagawa ko dito sa school. Please?" Piagmamakaawa nito at lumuhod pa ito at umiyak na umiyak.
"No. Buo na ang desisyon ko na i-expel ka. How dare na siraan mo ko sa harap ng mga teachers?!! Ayaw ko sa lahat ng tao, sinasagad ang pasensya ko!" Galit na sigaw nito sa babae.
Ano kaya nagawang kasalanan nung babae at bakit niya siniraan si Mr. Dan sa mga teacher dito sa school?
Nanatiling nakikinig lang ako sa kanila.
"Please? Patawarin nyo po ako. Gagawin ko po ang lahat wag lang ako ma-expel! Di ko na yun uulitin. Please? Wag nyo po ako i-expel. Please!" pagmamakaawa pa rin nito sabay yumuko-yuko halos parang yumayakap na ito sa sahig.
Napansin kong ngumiting demonyo si Sir Dan. Kakaibang ngiting iyon na parang may binabalak. Nanginig nalang yung tuhod ko dahil sa ngiting iyon na sumilay sa bibig niya.
"Ano? Gagawin mo ang lahat?" ulit nito.
"Oo." sagot naman nung babae habang nakayuko at nakaluhod ito.
"Lahat ng gusto ko gagawin mo?" nakangiting nakakaloko na sabi nito.
"Opo. Lahat po basta please wag nyo po ako i-expel." Pagmamakaawa lang nito.
Tumayo si Sir Dan at tumungo sa kinaroroonan ng babae.
"Tumayo ka." utos nito sa babae.
Pinunasan muna ng babae yung mga luhang dumaloy sa pisngi niya bago siya tumayo.
"Gagawin mo lahat ang gusto ko?" ulit ulit nito na mukhang naninigurado.
"Opo. Gagawin ko po lahat ng gusto nyo basta wag nyo po ako i-expel. Please..." pagmamakaawa lang nito.
"Ee paano yan? Paano kung gusto ko na angkinin ka? Papayag ka ba?"
Nanlaki mata nalang ako sa ni-request nito sa babae. Isang rape na yung ginagawa niya sa babae. Mali ito! Ang sama niya!
"Wag kang pumayag. Wag!" sabi ko sa loob-loob.
Nagulat ata yung babae sa sinabi ng Dean halos matagal ito magsalita.
"Pero Mr. Dan ayaw ko----" di pinatuloy yung sasabihin pa nito nang magsalita ito.
"Okay! I-eexpel kita. Kala ko gagawin mo lahat ng gusto ko yun pala hindi. Ok. Madali lang naman akong kausap." mukhang pinapasisi na turan nito.
"Wag. Wag kang pumayag. Okay lang ma-expel ka basta wag kang magpa-rape sa kanya..." sa isip kong sabi. Gusto ko iyon sabihin kaso di pwede. Mahuhuli ako at baka i-kick out pa ko nitong rapist na demonyong ito. Grrgghhh! Nagagalit na ko sa ginagawa niya sa babae. Ini-stress niya ito.
"Sige na! Sige na! Payag na ko! Basta wag mo kong i-eexpel at wag mo sasabihin sa magulang ko yung ginawa ko." kahit labag sa kalooban payag na nung babae sa kondisyon nito.
"Okay. That's good." nakangiting nakakaloko sabi nito.
Nagulat nalang ako nang halikan nito ni Mr. Dan. Kahit gusto pumalag nung babae di magawa dahil hawak nito ang magkabilang kamay nito.
Di ko na kinayang panoorin yung sunod na nangyari. Panay ungol at iyak lang ang babae habang hinahalikan ito ni Mr. Dan. Gumapang na ang mga kamay nito sa maseselang parte ng babae.
Naiiyak na umalis ako sa office na iyon. Umalis akong walang nagawa at napabayaan ko yung babaeng nire-rape siya ni Mr. Dan.
END OF FLASHBACKS
Yun yung araw na pinagsisihan kong di ko natulungan yung babae. Pagka-graduate naman nito ng college, nag suicide ito. Walang alam bakit nag-suicide ito pero alam ko kung ano yun. Nakita ko ang buong pangyayari at alam ko ang usapan nila sa pagitan ni Mr. Dan. Dalawang taon siya nagtiis nagpaangkin dito. At alam kong anong hirap na naranasan niya.
Di ko alam kung tatanggapin ko ang kamay ni Mr. Dan sakin. Nagagalit ako sa kanya pag naaalala ko yung kabulastugang ginawa niya. Ayaw ko hawakan ang kamay niyang nadumihan na ng masamang gawain.
Di ko nga tinanggap yung kamay ni Mr. Dan. Tumayo ako at di ko pinahalata na galit ako sa kanya. Ayaw ko malaman niya na alam ko yung kalokuhang ginagawa niya. Kung may lakas loob sana ako, matagal ko na siyang pinakulong kaso hindi. Ang bata ko pa at wala akong sapat na ebidensya na nagpapatunay na ni-rape niya yung babae.
"Sorry po, Mr. Dan. Alis na po ako..." pagmamadali ko at mabilis na nilagpasan siya.
Ayaw kong makita ng matagal ang pagmumukha niya. Nang-iinit lang ang dugo ko pero ramdam ko pa rin yung panginginig ngmga tuhod ko sa takot. Nakakatakot talaga siya.
Pagpasok ko palang sa room, salamat at wala pa yung teacher namin. Tumungo agad ako sa upuan ko na agad naman nagtanong sakin itong si Nerd.
"Dannica, bakit ka pala pinapatawag ni Sir? Ano pinag-usapan nyo?" tanong nito. Sa tono pa rin ng pananalita nito halatang mahinhin pa rin siya.
"Sorim, pagkatapos ng klase nito pumunta agad tayo sa bahay. Para matagal ka sa bahay at para makapag-enjoy din tayo ng matagal. Madaming hinihandang foods ni Ate. Tuwang-tuwa siya na pupunta ka sa bahay." pag-iiba ko ng topic. Ayaw ko na pag-usapan yung kanina. Naaalala ko lang yung demonyong rapist na iyon.
"Talaga?! Kilala ako ng ate mo, Dannica?" di makapaniwalang sabi nito.
"Oo. Kinukuwento kaya kita kay Ate. Kada tinatanong niya asan mga books ko sabi ko sayo hiniram mo. Wag kang mag-alala. Kilala kana ni Ate saka alam na niya yung tungkol sayo." nakangiting sabi ko sa kanya."Wag kana mahiya samin ah? Feel at home kana samin. Minsan isama mo yung kapatid mong dalawa sa bahay. Doon kayo minsan mag lunch sa bahay." sabi ko nang hawakan ko yung balikat niya.
Lalong lumaki yung ngiti niya sa mga labi. Halos naluluha na siya.
"Sige, Dannica."
Ngumiti lang ako sa kanya. Di nagtagal, dumating na yung teacher namin. Last subject na namin ito.