CHAPTER 2

1459 Words
CHELLIE Rest day ko ngayon kaya tanghali na ako nagising, kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa may cabinet at lumabas ako maliit kong silid at dumiretso ako sa banyo namin. Iisa lang ang banyo sa bahay namin at kung minsan nag uunahan kami kung sino ang unang maliligo lalo na kapag sabay sabay kaming may pasok. Pagkatapos kong maligo ay nag almusal muna ako tinignan ko ang aking orasan pambisig at mag aalas nueve pa lang ng umaga. Alas diyes pa ang oras ng pag aapply namin sa coffee shop kaya may oras pa ako para maglinis ng aking kwarto. Bago mag 9:30 ay nakabihis na ako simpleng skinny jeans at printed blouse lang ang suot konl. Naglagay din ako ng liptint sa aking labi para hindi naman ako magmukang maputla. Itinali ko din ang aking mahabang buhok at saka sinipat ang aking sarili sa malaking salamin na kaharap ko. Nang makita ko na ayos na ako ay lumabas na ako ng aking silid at kinuha ang rubber shoes ko sa likod ng pinto. Nkita ko si nanay na nasa labas at nakikimarites kaya nagpaalam na akong aalis. "Nay alis na po ako," paalam ko. "San ka pupunta? Di ba day off mo ngayon? May date kaba?" Sunod-sunod ng aking nanay. "Mag aapply po ako ng trabaho Nay, para may pandagdag ako sa pambayad ng bills at pambaon ng mga kapatid ko." "O sya, mag iingat ka." Umuwi ka ng maaga baka naman makipag date kapa sa mga manliligaw mo." Pahabol pa ni nanay. "Ikaw Nay ang umuwi na sa bahay ang aga pa nkikipag marites ka na agad diyan kay aling Sol. Hindi ka pa nag kakape inaalmusal niyo na ang buhay ng iba." Pagbibiro ko ding sabi kila nanay. Wala na ang Tatay ko sumakabilang bahay na siya kaya mag isa na lang si Nanay na bumubuhay sa amin. Malapit na ako sa bahay nila Wemg nang makita ko na din siyang palabas na ng bahay. Kinawayan ko siya at nakangiti naman siyang lumapit sa akin. "Ready ka na ba bff?" Tanong ko kay Weng. "Dala mo naba lahat ng kailangan mo? Ung resume mo meron naba?" "Chell ano kaba handang handa na ako, girls scout yata ako baka nakakalimutan mo." Pagbibiro din niya sa akin. Magkasama kaming naglakad papunta sa sakayan ng jeep papuntang BGC. Nakasalubong naman namin ang manliligaw ko na si Alvin "Chelle saan ang lakad niyo? Sama naman ako." Sabi ni Alvin. "Naku Alvin umaayos ka nga hindi ka pwede sumama sa amin. Hindi naman kami mamasyal para sumama ka, mag aapply kami ng trabaho ni Weng. Mamaya muna kami kausapin at nagmamadali kami. " sagot ko kay Alvin. Nakarating kami ng sakayan ni Weng at mabis nman kaming nakasakay. Pag baba namin ng jeep ay naglakad kami papunta sa coffee shop na aapplyan namin. Nauna akong tawagin ng secretary at pinapasok na ako for interview. Mga ilang minuto din ako nagtagal sa loob . "May experienced ka na ba bilang service sa kahit na anong fast food" "Wala pa po maam, ang recent job ko po ay isang cleaner dito din po sa BGC. Kung matatanggap po ako ay fast learner naman po ako. Willing po akong matuto at masipag po ako sa trabaho." "Willing ka bang pumasok ng night shift 'yon lang kasi ang bakantenf shift na meron kami." "Yes po maam willing na willing po ako." Mabilis kong sagot. Agad na nagbigay ng papel na listahan ng mga requirments ang manager ng coffee shop at pinababalik ako ng monday para ipasa lahat ng iyon. Paglabas ko ay sunod naman tinawag ang kaibigan ko. Gaya ko ay natanggap din siya at pinababalik din siya ng monday para magpasa din nang requirements. Sumapit ang araw ng lunes maaga akong gumayak para pumasok sa aking trabaho. Kailangan hindi ako malate ngaun para hindi ako pagalitan ng aking supervisor, magpapaalam n lang ako mamaya para ipasa ang aking requirements sa coffee shop na papasukan ko. Palabas na ako nang bahay ng ibalita sa akin ni nanay ang nangyari sa nanay ni weng. Isinugod daw ito sa ospital, nakaramdam agad ako ng awa para sa kaibigan ko. Nagpaalam na din ako sa Nanay ko para pumasok sa trabaho nag iwan na lang ako ng pera para sa baon ng mga kapatid ko. Ako ang bread winner sa aming pamilya, ang tatlo kong kapatid ay mga nag aaral pa. Ayaw ko silang magaya sa akin kaya nagsisikap akong magtrabaho para sa kanila. Number one priority ko ang aking pamilya. Kaya hindin rin muna ako nag bo-boyfriend dahil ayaw kong mahati ang atensyon ko na para lang sa pamilya ko. Lahat kaya kong isakripisyo para sa kanila, ganyan ko sila kamahal. Nakarating ako nang trabaho ko ng mas maaga sa inaasahan. Nakangiti ako habang papasok ng building at nakasalubong ko si maam ally. "Wow, Chellie may himala." Nakangiti niyang sabi. "Ma'am walang himala, tao lang ang gumagawa ng himala, ang himala ay nasa puso ng tao." Natatawa ko ding sagot sa kanya. Akala niya yata hindi ko tatapatan ang pang aasar niya, nakalimutan niya yatang ako si Chellie Sanchez ang babaeng puro kalokohan lang ang alam. Natatawa kong bulong sa sarili ko. Sumapit ang break time ko, tinungo ko agad ang office ni ma'am Ally para makapagpaalam. Pinayagan niya naman ako basta dalian ko lang daw. Bumalik ako sa locker room para kunin lahat ng requirements na ipapasa ko. Mabilis akong lumabas ng building na pinagta trabahuhan ko at tinungo ang kalapit naming coffee shop. Pagkapasa ko ng requirements ko ay ibinigay na din sa akin ang aking uniform mag start na daw ako mamayang gabi. Masaya naman ako kaso nanghihinyang lang dahil hindi ko kasama si Weng wala pa akong balita kung ano na nangyari sa nanay niya. Ang alam ko lang sinugod ito sa ospital. Natapos na naman ang isang araw kong trabaho, uuwi muna ako para makapag pahinga saka ako papasok ulit sa coffee. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin ay nakasalubong ko si Troy. "Chellie pauwi ka na ba sabay na ako sayo" "Pwede ba Troy lubayan mo ako, bumalik ka sa lugar kung saan ka nanggaling wag ako ang pag tripan mo." Mataray kong sagot sa kanya. "To naman bat ba ang sungit mo para sasabay lang naman, nga pala ano ba nangyari sa nanay ni Weng balita ko sinugod daw sa ospital?" Tanong pa niya. "Wala pa akong balita alam mong kauuwi ko lang galing trabaho diba. Bat di kaya ikaw ang pumunta sa kanila para makibalita saka mo sabihin sa akin para may silbi ka naman. Hindi yung puro pang aasar alang ang ginagawa mo sa akin.." inis ko pa ding sagot sa kanya. Mabait naman si Troy palagi siyang nakangiti tuwing makikita ko, ewan ko ba bat ako lagi naiinis sa kanya. Kung sa pang labas naman gwapo din siya, maputi sa totoo nga di naman siya mukang mahirap, matangkad at maganda din ang pangangatawan. Masasabi ko na kung hindi ko siya kilala ay mapagkakamalan ko siyang mayaman. Sa totoo lang wala akong alam tungkol sa kanya dahil hindi naman talaga siya taga rito sa lugar namin, sa tingin ko nga ay dayo lang siya. Nakilala lang siya namin ni Weng nang minsang mabangga ko siya sa labasan, mula noon lagi niya na ako inaabangan. Hindi ko naman siya pinagtutuunan ng pansin dahil nga ang focus ko ay ang pamilya ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa amin, hindi pa ako nakakapasok sa aming bahay ng salubungin agad ako ni nanay. Ibinalita niya na ang nanay ng kaibigan kong si Weng ay pumanaw na. Nakaramdam agad ako nang awa para sa kaibigan ko, ngayong wala na ang inay niya siya na ang aako ng obligasyon para buhayin ang mga kapatid niya. "Nay, nandiyan na po ang ang nanay ni Weng?" Tanong ko. "Ang alam ko anak isang gabi lang ibuburol, wala naman daw silang ibang kamag-anak kaya ayaw ng patagalin ng kaibigan mo." Sagot ni inay. "Nay ikaw na lang po muna ang makipag lamay kila Weng pakisabi po na nakikiramay ako, hindi po kasi ako makakapunta at may pasok po ako sa trabaho. Unang gabi po ng pasok ko kaya hindi ako pwede umabsent. Baka makadaan na lang po ako pag uwi ko ng madaling araw." Nagpahinga lang ako saglit at bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa kaibigan ko para makiramay. Nakita ko doon si Troy kasama si Alvin na nakatambay. Lumapit sa akin si Alvin para mag prisinta na ihatid ako sa sakayan pero ang siraulong Troy bigla na lang inutusan si Alvin at binigyan ng pera. Akala niya hindi ko alam na ayaw niya alang na maihatid ako ni Alvin dahil alam niya na nanliligaw sa akin ung tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD