CHAPTER 3

1556 Words
CHELLIE Naging maayos naman ang unang gabi ko dito coffee shop na pinapasukan ko, mabait din ang supervisor ko pero mas masaya sana kung kasama ko dito si Weng na nagtatrabaho. Dahil sa di inaasahang pagkamatay ng kanyang inay ay hindi na siya natuloy sa pag pasok dito sa coffee, kinuha siya ng amo niya na si Senor Arnulfo bilang Personal Assistant. Malapit na pala akong mag out sa tranaho ko 12:30 na nang madaling araw kalahating oras na lang at tapos na ang ship ko may papalit naman sa akin. " 24 hours open kasi ang pinapasukan kong coffee shop kaya 3 shift kami dito na nagsasalitan. Dahil dito sa BCG maraming empleyado ang nasa graveyard shift kaya malakas din tala bumenta ang coffee shop. Sumapit ang ala una ng umaga, nag out na ako sa aking trabaho naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep ng may isang lalaking sumusunod sa sakin. Naka itim siyang hoody jacket at nakagay sa ulo niya ang hood kaya hindi ko makit ang muka niya. Nakaramdam na ako ng takot dahil mag isa lang akong naglalakad sa dis oras ng gabi, ayaw ko man isipin pero nililikod na ng takot ang dibdib ko. Lakad tskbo na ang ginagawa ko para hindi ako abutan ng lalaking naka hoody, hindi na ako lumilingon sa likod ko dahil sa takot naman ako pala dasal pero dahil sa kaba naistorbo ko na silang lahat. Mabuti na lang at may mag jowa akong kasama dito sa waiting shed na nag hihintay kaya medyo nabawasan ang anking kaba. Palingon-lingon ako sa paligid ngunit mukang wala na ang lalaking naka hoody kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Tingin ako ng tingin sa aking orasang pambisig 15 minutes na ako ditong nakatayo pero wala pa ring jeep na dumadaan. Pag baling ko ng aking ulo sa kanan ay bigla akong nagulat dahil katabi ko na ang lalaking naka hoody. Dahil sa madilim ang pwesto namin ay hindi ko nakikita ang kanyang muka. "Kuya parang awa muna wag mo akong g*hasa*in." pakisuap ko sa kanya. "Kuya maawa kana sa akin tatlo ang kapatid kong binubuhay isaama mo pa ung nanay kong manginginom, sugarol at tsismosa. Kaya please lang kuya maawa ka po!" muli kong pakiusap sa kanya. Pero nakaharap lang siya sa akin at hindi nag sasalita.... yung tipong ala una nang madaling araw antok na antok na ako pero sa kaba nawala ung antok ko. Kahit na matindi ang takot na nararamdaman ko ay lakas loob kong hinila ang hood na nasa ulo niya. Laking gulat ko nang ang tumambad sa akin ay mukha ni Troy. "Walang hiya ka Troy ikaw lang pala ya bwisit ka! Bakit mo ba ako sinusundan ng dis oras ng gabi?! alam mo ba kung gaano yung takot na naramdaman ako! Damunyo ka wag ka lalapit sa akin masasakal talaga kita!" Galit na galit kong sigaw sa kanya dahil sa gigil ko. "Ikaw naman kasi bat takbo ka ng takbo pano ako magpapakilala sayo kung hindi kita mahabol, pag hinabol naman kita baka sabihin ra**ist ako ayaw ko naman nakuyog dto at mabugbog." paliwanag niya sa akin. "Pero dapat nagsabi ka man lang na ikaw yan para hindi ako natakot. Eh bakit kaba kasi nandito pano mo nalaman na dto ako nagtatrabaho wala naman ako sinabi sayo." "Nagtanong kasi ako sa nanay mo at kay Weng. hindi ko naman alam kung anong pangalan ng coffee shop kasi di raw matandaan ni weng kaya inabangan na lang kita." "At bakit mo ba kasi ako inaabangan? ano naman nakain mo at madaling araw na di kapa natutulog at pati akong nananahimik sa pagtatrabaho tatakutin mo!" galit ko pa ding sagot. "Gusto lang naman kitang sunduin at nag aalala ako sayo baka kung mapaano ka, madaming luko-luko ngayon at babae ka tapos mag isa ka pang uuwi. Paano kung mapahamak ka?" Naintidihan ko naman siya ang sa akin lang sana hindi niya ako tinakot, forda the takbo pa ang beauty ko dahila akala ko ra**st siya. Natawag ko pa ang buong santo para lang tulungan ako yun pala siya lang ung nahabol sa akin. Kung nagpakilala sana siya di hindi ko naransan ang ganoon kaba. Hindi ako maka move on sa takot na naramdaman ko kaya nagpupyos pa din ako sa inis ngayon. Mabilis akong sumakay ng jeep ng may biglang dumaan, "bahala siya sa buhay niya sumunod siya kung gusto niya." sa isip-isip ko. Nakita ko naman siyang nakasunod sa akin kaya magkatabi kaming naupo sa jeep. Siya din ang nagbayad ng pamasahe ko, aba dapat lang noh siya ang lalaki saka hindi ko naman sinabi na sunduin niya ako kusa niya prinisinta ang sarili niya kaya bat ako ang mag babayad, para na akong sira ulo na kinakausap ang sarili ko. Pagkababa namin ng jeep ag agad na akong umuwi, hinatid niya pa ako sa bahay namin at nagpasalamat naman ako sa kanya. "Thank you, Troy" ani ko kahit naiinis ako sa kanya. "Wala yon pahinga kana at may pasok kapa ulit bukas." sagot niya naman. "kailangan mo ba talaga mag double job chell, di kaba naaawa sa sarili mo konti na lang ang itutulog mo." sabi niyang muli na nasa tono na ng boses niya ang pag aalala. "LaLong kokonti na ang itutulog ko pag di kapa umalis Troy." sagot ko naman na natatawa na. "My ghod ngayon mo pa napiling makipag chikahan sa akin Troy kung kelan alas dos na ng madaling araw. Umuwi kana para pareho na tayong makapag pahinga." Hinintay ko munang makaalis si Troy bago ako tuluyang pumasok sa bahay namin. dumiretso na ako sa aking silid at hindi ko na nakuha pang maglinis ng katawan. Sinet ko lang ang alarm gamit ang cellphone ko ng 6am para may time pa ako bukas na mag almusal at makapag ayos para naman sa morning job ko bilang Janitres. Naalimpungatan pa ako sa tunog ng alarm clock ko, napabalikwas ako ng bangon at hindi ko alam na nasa gilid na pala ako ng papag na hinihigaan ko, kaya ang lakas ng kalabog ko ng mahulog ako sa sahig. "Aray! ang sakit" ang tanging nasabi ko dahil napalakas talaga ang pagbagsak ko. Kaya ang diwa ko bighlang nagising. Dinampot ko agad ang aking tuwalya na nakasampay sa likod ng pinto at nagmamadali akong pumasok sa aming banyo. Matapos kong maligo ay nagmamadali na akong ayusin ang aking sarili para hindi ako malate sa aking trabaho. Nakarating ako sa aking trabaho ng 7:45 may 15 minutes pa ako, pagpasok ko sa building na pinasukan ko ay masaya ko binati lahat ng makakasalubong ko kabilang na ang supervisor naming si Ma'am Ally. "Good morning, parang ang ganda mo po today." bati ko kay maam Ally. "Naku, naku Chellie wag mo ako inuuto pero natutuwa ako hindi kana late." natatawa ding sabi n Ma'am. "Ako paba Ma'am, wala ka lang tiwala sa akin eh," pagbibiro ko pa. "Ayaw kong mawalan ng trabaho kaya ako na nag adjust." Pahabol ko panga sabi. "O siya, kumilos kana at malapit ng mag 8 start na ng working hours natin. Ayusin ang mga trabaho niyo para hindi tayo mapagalitan." Nakangiti ring sabi ni Ma'am Ally. Sinimulan ko na ang aking trabaho at sa 1st ant second floor ao ngayon naka assign. Inuna ko muna ang mga Comfort Room bago ako nag mop sa mga pasilyo. Mabilis ko namang natapos ang aking trabaho sa 2nd floor bago mag lunch break. Lumabas ako ng Building para bumili ng pagkain ko sa may di kalayuang karinderya, mas mura kasi doon kesa sa canteen sa loob ng building na pinagtatrabahuan ko. Nakayuko ako habang naglalakad ng may biglang bumangga sa akin na isang malaking bulto, tumingala ako at laking inis ko na naman nang ang muka ni Troy ang bumungad sa akin. "Nananadya kaba Troy?" napipikon kong tanong sa kanya. "Ano na naman ang gingawa mo dito? Stalker ba kita?" mataray na sigaw ko sa kanya. "Huwag mong sabihing napadaan ka na naman hindi na yan bebenta sa akin, lumang tugtugin na yan" "Ikaw feeling ka din, Syempre hindi ako napadaan kanina pa talaga kita hinihintay, nagtanong din ako sa guard kung ano oras ng break mo at sinabi niya din na sa labas ka nga daw nabili ng pagkain mo kaya inabangan kita."Agad niyang sagot sakin na nakangiti pa talaga. "Troy nagpapacute kaba sa akin, tantanan muna ako sa padale mo." sabi ko sabay irap saka ako naglakad palayo sa kanya. "Chellie ayaw mo bang makalibre nang lunch, may dala ako dito kung gusto mo ito na lang kainin natin."Sigaw niya sa akin habang papalayo na ako sa kanya. At dahil nakarinig ako ng libre agad ako pumihit paharap sa lalaking kinaiinisan ko sabay ngumiti ako nang pagka tamis tamis sa kanya. "Ikaw naman Troy dapat kanina mo pa sinabi na may dala kang pagkain, di sana hindi na ako nakipagtalo sayo. Sa susunod sasabihin mo agad gusto mo pa kasi akong nagagalit bago ka magsalita. Sa totoo lang gusto na kitang maging Best friend cross body guard kaso huwag ka maghangad ng sweldo kasi alam mo naman Purita ang ako ganda lang talaga ang meron ako sak ang aking alindog." masaya kong pambobola sa kanya. Syempre ako si Chellie basta libre go, hindi ko sasayangin ang pagkakataon basta makakalibre ako pero syempre hindi naman ako mapag samantala sakto lang ba.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD