CHELLIE
Maayos naman ang naging pasok ko sa dalawang kong trabaho, medyo kulang nga lang sa tulog pero kinakaya ko naman. naging instant taga sundo ko din si Troy naging malapit na siya sa amin ni Weng. Nalungkot lang ako ng biglang lumipat ng bahay si Weng dahil doon na siya tumira sa mansion ng amo niya samantalang ang mga kapatid niya naman ay sa condo na din nakatira. Ako nagsusumikap pa din para sa mga kapatid ko na matustusan ko ang pangangailangan nila sa school. Si nanay naman ay hindi ko na maasan bukod sa pagiging marites ng barangay ay wala na din yatang balak na tulungan ako. Kaya ako na ang umaako sa lahat ng gastusin ng mga kapatid ko, ang tatay ko naman napakabait ay ayun nagpapakasarp sa kabit niyang may kaya sa buhay samantalang kaming mga anak niya ay kinalimutan niya na. Habang nasa malalim akong pag iisip ay nakarinig ako na may tumatawag sa akin sa baba.
"Chellie, bumaba ka nga riyan at may bisita ka ." ang tawag ni nanay sa akin. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin ang aga-aga pa.
"Sino po ba yan nay ? ang aga pa istorbo sa pagpapahinga ko minsan na lang mag rest day iistirbohin pa." Inis ko namang sagot sa nanay ko.
"Aba bat sakin ka naiinis, babain mo kaya dto ang bisita mo ng malaman mo kung sino? manliligaw mo yat ito at may dala pang bulaklak." Sagot naman ni nanay. agad na naman akong bumaba para malaman ko kung sino nga ang bisita ko, matindi din man ligaw jusko di na pinaabot ng hapon alas nueve pa lang ng umaga umaakyat na ng ligaw. Siguro may lakad ang isang yon. Sa isip-isip ko.
Bumaba ako sa matarik na hagdan namin pag di ka sanay malamang unang hakbang sahig agad dahil nahulog kana. Di naman mahirap makita ang bisita namin pagbaba mo ng hagdan kita muna ang maliit na sala. Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod at kausap si nanay, lumapit ako at nakita ko na naman si Alvin na ang laki ng ngiti sa akin.
"Alvin, ikaw pala bat ang aga mo yata? Ano bang sadya mo?" tanong ko sa kanya na ang mga mata ko ay nakatingin sa dala niyang bulaklak.
"Para sayo nga pala Chellie." sabi niya sabay abot ng bulaklak sa akin. Kahit hindi ko gusto na dumadalaw siya sa akin ay pinaupo ko pa din siya para hindi naman ako mag mukang bastos.
"Alvin nanliligaw kaba?" tanong ko, unang beses kasi niya akong puntahan dito sa bahay. Alam ko naman na may gusto siya sa akin kaya nga madalas niya din ako abangan sa labasan, pero ngayon lang siya pumunta dito sa bahay.
"Kung okay lang naman sayo Chellie pwede ba akong manligaw sayo." nakayuko niyang paalam sa akin.
"Hindi naman kita pinipigilang manligaw Alvin, pero ngayon pa lang tatapatin na kita wala pa sa plano ko ang magka boyfriend. Marami pa akong obligasyon sa buhay at ayaw ko nang dagdagan pa, ang oras ko kulang na kulang pa sa trabaho ko kung mag eentertain pa ako ng manliligaw hindi ko na kaya. Sinasabi ko ito para alam mo na, mas maganda kung sa iba mo na lang ibaling ang pagtingin mo. Pagkakaibgan lang ang kaya ko sa ngayo. Pasensya kana pero salamat pa din dito sa bulaklak." ani ko habang nakatingin ako sa kanya. Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa, lumapit siya sa akin at kinuha ang bulaklak sa kamay ko.
"Ganun ba okay sige babawiin ko na lang din tong bulaklak na bigay ko sayo, para hindi naman sayang yung pinambili ko ibibigay ko na lang kay matet na anak ni aling Viring. Basted na naman ako sayo kaya sa kanya na lang ako manliligaw." Sabi niya habang hawak na ang bulaklak at naglakad na papunta sa pinto.
"Ang luko-lokong 'yon akla niya siguro gustong gusto ko ung bulaklak niya, isaksak niya sa baga niya busest siya!" tanging nasabi ko na lang sa gigil ko. Men pa lang ganun na manliligaw pag basted nambabawi, natatawa kong sabi sa sarili ko. Ibang klase din to si Alvin agang aga man ligaw nag effort pa sa bulaklak nung binasted ang bilis din mambawi. Humanda ka sakin makakganti din ako sayo kala mo, sisiraan kita kay Matet para hindi ka sagutin, tatawatawa kong sabi sa sarili ko. Dahil nawala na ang antok ko sa luko-lukong Alvin na yon ay pumunta na lang ako sa tindahan ni aling Bebang para bumili ng sardinas na igigisa ko sa talbos ng kamote kukuha ako sa likod bahay namin at siya naming uulamin nang pananghalian. Isa din iyong tipid tips para sa katulad kong mahirap, igigisa ko lang sa sardinas lalagyan ng madaming sabaw nakatipid na naman si inday chellie.Tinatahak ko ang tindahan ni aling Bebang nang makasalubong ko si Troy.
"Aba Troy poging pogi tayo ngayon ah, saan ang lakad mo?" tanong ko sa kanya.
"Punta sana ako sa inyo eh, tamang tama nakita na kita."
"Ano naman gagawin mo sa amin at pupuntan ka, sinasabi ko sayo hindi ka pwedeng makikain sa amin wala kaming ulam. Pakiusap wag kana makihati sa ulam naming sardinas at talbos."
"Ikaw pangit talaga nang tingin mo sa akin, huwag kang mag alala hindi ako makikikain. Gusto lang san kitang yayain na mamasyal." sabi niya.
"Troy seryoso kaba na inaaya mo akong mamasyal , sinasabi ko na sayo wala akong pera."
"Pumayag ka lang sagot ko lahat." Pag uulit niya pa sa akin.
"Pag pumayag ba ako may pa take out kaba sa akin." biro ko pa sa kanya. "Yong totoo Troy san kaba nag tatrabaho bat mukang madami kang pera. saka sa totoo lang hindika naman kasi mukang mahirap. Yang hitsura mo mukang pang mayaman kaya umamin kana. Drug Lord ba ang daddy mo?" pagbibiro ko sa kanya na siya naman niyang ikinatawa ng malakas.
"Ano papayag kaba? ang dami mo nang iniisip tungkol sa akin. Yung imagination mo kung saan-saan na nakarating. Huwag ka mag alala sagot ko na din ulam niyo sa hapunan pag sumama kang makipag date sa akin." pahabol niya pang sabi.
"Sige sinabi mo yan ha sagot muna ulam namin sa hapunan basta sumama ako sayo, saka wala akong gagastusin ha pinapauna ko na sayo wala akong pera." agad ko namang sabi sa kanya.
Dumiretso na ako sa tindahan ang usapan namin ay after lunch na lang kami aalis, tamang tama makakapagluto pa ako ng pagkain ng mga kapatid ko. Pauwi na ako ng bahay ng makita kong nakikipag away si nanay sa kapitbahay namin, agad ko siyang nilapitan para awatin sana dahil galit na galit na siya.
"Nay ano ba yan bat ka nakikipag away? bumili lang ako sa tindahan nakikipag sagutan kana diyan?" sabi ko habang hawak ang kamay niya at hinihila ko na siya papasok.
"Huwag mo nga ako pakialaman chellie, kasalanan niya pinamamalita niya na kabit ko daw si damian yung manginginom." sagot naman ni nanay sa akin.
"Bakit nay totoo ba na kabit mo si mang Damian? Aba nay kung totoo yan ang pangit naman ng taste mo? wala sa lahi natin ang pumapatol sa pangit. Mahirap lang tayo pero maganda naman ang lahi natin kaya nay piliin mo naman ang magiging step father namin. Huwag naman si mang Damian baka pag siya naging kabit mo dagdag pa siya sa pakakainin ko. Okay na ako sa inyong 4 wag muna dagdagan nay pakiusap." Pang aasar ko sa nanay ko alam ko kasi na pag inasar ko siya mawawala na ag focus niya sa kaaway niya kundi sa akin na siya magagalit.
"Aling Marta huwag ka po nag kakalat ng tsismis na walang ebidensya, baka gusto mo idemanda po kita." bbaling ko naman sa kaaway ni nanay.
"Naku, naku, tigilan mo ako chellie anong dema demanda ulam nga wala kayo mag dedemanda kapa." Sagot naman ni aling marta. Isa ding patola ang kapit bahay namin hindi alam ang joke, hindi na mabiro. para matapos na ang pagtatalo nila pinilit ko nang inuwi si nanay at ipibnasok sa bahay namin. "Lord kota na po ako sa problema patinuin niyo na po ang nanay ko, hilig din makipag ayaw pero pag dating sa tatay ko napa rupok." nadamay na naman si Lord sa problema ko sa buhay..........