CHAPTER 5

1373 Words
CHELLIE Pagkakain namin ng pananghalian ay agad na din akong pumasok sa aking silid para kuhain ang tuwalya na gagamitin ko sa aking pagligo. Nagmamadali na ako at baka dumating na si Troy bigla bigla pa namang nasulpot ang lalaking yon, sa totoo lang sa dami nang lalaki na lumapit sa akin at nag aya na lumabas sa kanya lang ako sumama. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya hindi ako makatangi. Ilang buwan na lang din at madadagdagan na naman ang edad ko pero NBSB pa din ako, oh baka may mag tanong ano ang NBSB(No Boyfriend Since Birth). Opo vergen pa po ang beuty ko never been touch never been kiss ang peg ko. Natapos na akong maligo pero ang mga hinaing ko sa buhay ay hindi matapos tapos. Sa totoo lang nahihirapan na din ako pero pilit kong kinakaya para sa pamilya ko lalong-lalo na para sa mga kapatid ko na umaasa sa akin. Mag aala-una na ng tanghali nang marinig ko na naman ang boses ni nanay na tinatawag ako, napakalakas talg ng boses nang nanay ko wala sa bokabularyo niya ang salita mahina may mega phone yata siya sa lalamunan, Kung makatawag dinig hanggang kabilang baranggay. "Chellie bumaba kana diyan may bisita ka dito." tawag sa akin ni nanay. "Saglit lang po Nay pababa na po ako." sagot ko naman sa kanya. "Ano pa ba kasing ginagawa mo jan? naku Chellie wag kana magpaganda at kay Alvin ka lang din mapupunta." pang aasar niya din sa akin. "Alam mo nay, hindi ko alam kung nanay ba talaga kita. Wala ka man lang kabilib bilib sa maganda mong anak na si Chellie." pagkasabi ko noon kay nanay ay agad naman siyang natawa. Pinakilala ko siya kay Troy at ganun din siya kay nanay, kaya naman ipinagpaalama niya ako. "Nay, ipagpapaalam ko lang po si Chellie na mamamasyal kami sa labas." ani ni Troy kay nanay. "Naku iho ngayon mo pa naisipan ipag paalam, kita mo naman na nakabihis na pag umayaw ako baka ako pa awayin niya at di ako bigyan ng pambingo eh di binigyan mo lang ako ng problema." sagot ni nanay. Ibang klase din talaga itong Nanay ko may katabilan din ang dila, hindi marunong prumeno. Inaya ko na siya palabas at baka maibenta pa ako nang nanay ko sa kanya. Pero kahit naman ganun ang Nanay ko kahit isa siyang marites ng baranggay ay mahal na mahal ko yon. Nakita ko din ang hirap niya noon iniwan kami ni Tatay kaya nga agad akong tumigil sa pagtatrabaho para matulungan ko siya sa gastusin namin at pag aaral ng mga kapatid ko. Paglabas namin ni Troy sa labasan ay agad niya akong iginiya sa kotse na nakaparada sa tabi kaya naman nagulat ako, hindi ko akalain na de kotse pala ang isang ito. Marami pa talaga akong hindi alam sa pagakatao niya, ayaw ko naman masyadong mag usisa dahil nakakahiya baka iba pa ang isipin niya kaya hahayaan ko na lang siya ang kusang mag kwento sa akin. Nakarating kami ng Venice Grand Canal medyo malapit lang ito sa amin pero kahit na ganoon ay hindi pa namin ito napupuntahan. Wala naman kasi kami budget para sa pamamasyal, ang perang kinikita ko at sapat lang sa gastusin namin at pangkain araw-araw. Bumaba si Troy at umikot siya sa pwesto ko para pag buksan ako ng pinto nang sasakyan para bumaba. Namamangha ako sa aking nakikita hindi naman ako inosente sa mga magagandang bagay pero iba talaga ang tanawin na nakikita nang aking mga mata. Pakiramdam ko nasa ibang bansa na ako dahol sa ganda ng lugar. Lahat nang taong makasalubong ko ay pawang masasaya at mga mukang nag eenjoy, mayroong mga pamipamilya meron din magkakabarkada at meron ding mag jowa, uyyy sana all may jowa sa isip isip ko. Hinila ko ang kamay ni Troy dahil nakita ko ung sikat na sikat sa socila media na bangka dito na venice grand canal GODOLA pala ang tawag doon. "Wow! ang sarap sigurong sumakay sa GONDOLA RIDES." ani ko habang pinagmamasdan ang mga taong nakasakay sa bangka. Hinawakan ni Troy ang kamay ko at hinila niya ako sa booth na bilihan ng ticket para makasakay sa gondola. "Naku troy wag na tayo sumakay nagandahan lang naman ako nakakahiya naman sayo, saka napakamahal palang sumakay diyan isang araw na naming budget yan sa pagkain." dagdag ko pang sabi sa kanya. "Don't mind the price, ako naman magbabayad treat ko nga yan sayo diba. Sagot ko lahat ng magagastos natin ngayong araw wag kana mag isip pa, basta gusto ko mag enjoy ka lang dahil deserve mo naman maging masaya hindi lang puro trabaho ang gingawa mo." sabi niya sa akin habang hawak hawak pa din niya ang kamay ko. Bigla akong napatigil at napaisip, meron pa palang tao na nag aalala sa akin si Troy pa lang ang lalaking nagbigay sa akin ng halaga at nag sabi na kailangan kong mag enjoy. Simula kasi natuto akong magtrabaho nakalimutan ko na ang sarili ko, inilaan ko na ang oras ko para kumita ng pera para sa pamilya ko. Luho na para sa akin ang pamamasyal dahil mas mahalaga pa din na malamanan ang kumakalam naing tiyan kesa sa panandaliang kaligayahan. Madami pa kaming nilibot ni Troy sinulit ko talaga ang pamamasyal naming dalawa dahil minsan lang itong mangyari, baka sa susunod ay hindi na ito maulit kaya talagang itinodo ko na. Nang mapagod kami ay inaya ko siyang masubo sa may bench para makapag pahinga masakit na din kasi ang binti ko dahil sa ilang oras namin pamamasyal. Iniwan ako saglit ni Troy at sabi niya may titignan lang daw siya, hindi naman siya nagtagal at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang ice cream na nasa cone. Ngayong araw naramdaman ko ulit kung pano ang maging bata, dahil sa kanya ay naranasan kong maging masaya. Sa totoo lang masayahin akong tao pero ginagawa ko lang yon para kahit papaano ay gumaan ang bigat na pasan pasan ko sa bawat araw kasi wala naman akong choice kundi ipagpatuloy lang ang laban ko. Para sa akin at para sa pamilya ko. Bago kami umuwi ay inaya muna akong kumain ni Troy sa isang fine dining restaurant, medyo nahihiya pa ako dahil parang di akma ang suot ko sa lugar. Halos lahat ng makita kong tao ay ang gagara ng mga kasuotan at halatang mamahalin, kaya halos manliit ako sa aking sarili. "Troy, pwede bang sa ibang lugar na lang tayo kumain?" tanong ko sa kanya. "Nahihiya kasi ako dito, hindi ako nababagay sa lugar na to." muli kong sabi. "Don't think about it, Chelli, lahat tayo may karapatang kumain sa lugar kung saan natin gusto as long as may pambayad naman tayo. Sige kung talagang nahihiya ka na makita ka nang iba ay sa VIP room tayo kakain." sagot niya. "Jusko Troy ano na naman yang VIP room? bakit naman tayo doon kakain? Huwag mong sabihin kailangan pa natin mag check-in para lang kumain? Kung sa jabee na lang tayo kumain di mas pinadali mo ang buhay ko hindi na ako mag iisip ng kung ano-ano. Baka kung ano pa gawin mo sa akin sa VIP room. baka ako naman ang imukbang mo." inosente kong sagot sa kanya habang siya ay natatawa na sa mga sinasabi ko. "Chellie ano ba yang pinagsasasabi mo kakain lang tayo ang VIP room na sinasabi ko ay isang maliit na silid lang na pwede nating kainan para walang makaistorbo sa atin. Madals doon kumakain kapag may mahalaga kayong pag uusapan kunyari mga important meeting, hindi kagaya ng sinasabi mo. Chellie umamin ka nga gusto mo vbang imukbang kita pwede din naman ikaw na lang ang kainin ko." Tumatawa niya ang sabi. Sinamahan naman kami ng waiter sa isang maliit na silid na pang dalawahan napaka intimate ng lugar at tahimik wala ngang mga matang titingin sayo dahil may pinto din ito kaya wala talagang makakakita kung sino ang nasa loob. Natatawa ako sa aking sarili nahiya akong bigla sa mga sinabi ko kay Troy kanina about sa VIP room. Umiral na naman kasi ang katangahan ko, naku Chellie umayos ka nakakahiya kay Troy nabawasan ka tuloy ng ganda points bulong ko sa sarili ko..........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD