CHAPTER 6

1384 Words
CHELLIE Lumipas ang mga araw, lingo at buwan naging mas mabuting magkaibigan kami ni Troy. Kahit sinabi ko nang ibaling niya na lang sa iba ang pagtingin niya sa akin dahil hindi pa ako handang makipagrelasyon, sinabi niya na handa siyang maghintay kung kelan ako magiging ready. Sinabi niya na rin sa akin na galing siya sa mayamang pamilya at nandito siya sa pilipinas para hanapin ang mga kapatid niya sa ama. Tuwing magkasam kami ni Troy ay para talaga kaming aso at pusa lagi kaming nag aasaran at nagbabangayan, na lalong nagpatibay sa pagkakaibigan namin. Madami na ding nangyari sa paglipas ng mga buwan, maging ang kaibigan kong si weng ay sinagot na din si sir Ethan ang lalaking nabungo niya noon sa coffee shop nang mag apply kami. Hindi man kami laging magkasama ng kaibigan ko ay wala naman nagbabago sa aming dalawa updated pa rin naman ako sa mga ganap niya sa buhay. Masaya ako para sa kaibigan ko na kahit paano maganda na ang buhay nila ngayong magkakapatid mahirap din mawalan ng magulang, ako kahit may magulang ay parang wala din kasi mag isa kong tinataguyod ang pamilya ko. Day off ko ngaun sa aking trabaho kaya nandito lang ako sa bahay na naglilinis, ganito lang naman umiikot ang buhay ko bahay trabaho, trabaho bahay. Minsan naiisip ko na lang mag abroad baka pag nag abroad ako makaipon ako at mabilis akong yumaman. Nasa ganung pag iisip ako nang biglang mag ring ang aking telepono, nakita kong si Weng ang tumatawag. Ano naman kaya ang problema ng babaeng yon? Bat hindi yung boyfriend niya ang istorbohin niya? Kausap ko sa aking sarili. Agad ko din namang sinagot ang tawag niya, narinig ko sa kabilang linya ang paghikbi niya. "Hello Weng, naiyak ka ba? Ano ba nangyari sayo?" may pag aalala sa tinig ko. "Chell, pwede mo ba ako puntahan dito sa puntod ni nanay kailangan ko lang ng kausap." rinig ko ang pag iyak niya kaya lalo akong nag alala sa kaibigan ko. Alam mo malakas ang personality ni Weng at hindi sya pala iyak kahit noon pa, kaya ramdam ko na may mabigat siyang problema. Iniwan ko ang pagliinis at mabilis akong nagpalit ng damit para puntahan ang kaibigan ko. Pagbaba ko ay nkita ko si nanay na nasa sala. "Nay alis po muna ako puntahan ko lang po so Weng mukang may problema ang isang yon." paalam ko kay nanay. Pinayagan naman din niya ako, si Weng lang ang nag iisang bestfriend ko mula pa pagkabata namin ay kami na ang magkasama sa lahat ng bagay. Kapag may mga singing contest akong sinasalihan siya lagi ang kasama ko dahil ayaw ako samahan nila nanay. Kaya ngayong kailangan niya ako ay gusto ko nasa tabi niya din ako. palabas na ako ng bahay at malapit na akosa sakayan ng jeep nang makasalubong ko si Troy. "Chell sa ang lakad mo bat parang nagmamadali ka yata?" "Pasensya kana Troy mamaya na tayo mag usap? Pupuntahan ko lang ang kaibigan kong si Weng mukang may problema siya kailangan nia ako ngayon." "Kung gusto mo samahan na kita kunin ko lang ang sasakyan ko para di na tayo magcommute." sabi ni Troy, ok na din sa akin yon para mas mapabilis kong puntahan ang kaibigan ko. Dumating si Troy dala ang sasakyan niya at agad kaming nagpunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang inay niya. Inabutan namin si Weng na nakaupo sa harap ng puntod ng kanyang ina. Halatang kakagaling niya lang sa pag iyak mugto pa ang mata niya at talagang namamaga pa ang mata niya. Ramdam ko ang sakit na nararanasan niya ngayon. Tumabi ako kay Weng at niyakap ko siya gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako para sa kanya. "Bheshie, pwede ka mag kwento sakin kung ano nangyari, nandito lang ako handang makinig sayo." ani ko sa kaibigan ko habang yakap ko siya. "Weng, sino gumawa niyan sayo? bakit ka naiyak may nanakit ba sayo?" sunod sunod na tanong naman ni Troy. "Hoy! Troy kalma maka tanong naman, bakit ikaw ba tatay ni weng? kung maka react naman wagas." ani oko kasi parang akala mo kamag anak niya si Weng mas yado affected. "Ikaw talaga chellie kontra bulate ka, Combantrin kaba? sarap mong purgahin." natatawang sabi ni troy, kaya pati si Weng napangiti na din. "Ewan ko sa inyong dalawa ako ang nag eemote dito parang kayo pa magiging problema ko." ani naman ni weng na natatawa na. "Bat kaba kasi nag eemote dito bheshie? Ikwento mo kaya sa amin kung ano nangyari para naman maka relate kami sayo. Saka Weng ibang klase ka mag emote agang-aga baka d mo alam ang oras alas otso pa lang ng umaga tapos puro ngawa ka na dyan." ani ko sa kaibigan ko. Nagkalabuan daw sila ng boyfriend niya at nakita niya na may katabing iba babae sa kama si Sir Ethan. Wala naman kami masabi ni Troy kasi hindi naman namin alam ang totoo. Mag aalas nueve na nang umaga nang mag aya si Weng na pumunta kami ng baywalk sa may Roxas Boulevard. Doon niya gusto magpahatid at kung may trabaho daw kami ay pwede na namin siyang iwan. Alam kong kailangan niya ako ngayon kaya sasamahan ko siya wala naman akong trabaho ngayon dahil day off ko naman, at tumawag na din ako sa coffee shop na hindi ako makakapasok ngayn kaya libre ako ngayong araw para sa kaibigan ko. Habang naglalakad lakad kami sa bay walk ay madami kaming nakikita na mag jojowa kaya nag aasaran na naman kmi ni Troy, "Pangga, hindi kaba naiinggit sa mga nakakasalubong nating mag jowa. Kailan mo ba ako sasagutin?" Ani nia sa akin, hindi ko alam kung totoo ba ang biro niya o may katotohanan na. "Alam mo Troy ikain mo yan gutom lang yan, ayun oh may fishball ilibre mo na lang kami ni Weng." sagot ko naman. Dali-dali naman akong naglakad papunta sa nagtitinda ng fishball habang hila ang kamay ni Weng. Umupo kmi sa bench na nakaharap sa dagat habang kumakain ng fishball at si Troy ang taga hawak ko ng palamig. Hindi naman siya nag rereklamo kaya bahala siya. "Pangga, pwede mo ba ako subuan ng fishball, sige kahit konti maging sweet ka naman sa akin." hirit niyang muli sa akin. dahil naawa naman ako sa kanya ay tumusok ako ng fishball sa lagayan kong baso saka ko isunubo sa kanya. Para nmang bata si Troy na tuwang tuwa akala mo sinagot ko na sa pagkakangiti niya. Sumapit ang tanghalin at nagutom na kakalakad kaya kumain na kami sa may dampa na nadaanan namin. gusto daw kasi ni weng na kumain ng seafoods kaya dto na kami pumunta. Umorder si Troy nang pagkain namin at kami ang pinapili niya. Ilang sandali lang ay dala na ng waiter ang pagkain namin at agad na binuhos sa lamesa ang isang bucket ng seafoods, meron pang inihaw na pusit at inihaw na hito at enseladang manga. "Pangga, ipagbabalat na kita ng hipon." Ani ni Troy. "Muka mo Troy, kaya ko ipagbalat ang sarili ko. Di naman kita boyfriend para gawin yan."Masungit ko namang sagot. "Ayun naman pala, eh di sagutin muna ako para maging girlfriend na kita." Tumatawang sabi ni Troy. "Aarte ka paba pangga, di kana lugi sa akin pogi naman ako, macho at higit sa lahat yummy din naman ako." Pang aasar ni Troy sa akin Minsan dinadaan niya lang ako sa mga banat niya, hindi ko na talaga alam kung nag jojoke lang siya oh talgang seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin. Alam ko naman na mabait na tao si Troy ilang beses ko na yan napatunayan, hindi siya mapagsamantalang lalaki ginagalang niya kung ano lang ang gusto ko. Sa tingin ko naman hindi siya mahirap mahalin, ako lang talaga ang may problema dahil pakiramdam ko pag nagmahal ako baka mawala na ang focus ko sa pamilya ko. kahit sinabi niya naman sa akin na gusto niya akong tulungan sa lahat ng bagay. Nahihiya pa din talaga ako ngayon nga na di ko pa siya boyfriend malaki na ang naitutulong niya sa akin, lalo na siguro pag naging opisyal na kami na. Minsan naiisip ko din naman na why not hayaan ko naman maging masaya ang sarili ko kasama ng lalaking mahal ko.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD