CHELLIE Ilang araw na lang ay babalik na kami nang Japan, hindi na kami pinaalis ni Troy dito sa Penthouse niya dahil gusto niya daw kami makasama ni Keiko. Masyado na silang close na mag ama parang hindi na ako nag eexist pag silang dalawa ang magkamasama. Halatang halata na masyadong sabik ang anak ko sa daddy niya kaya pag umuuwi si Troy galing sa trabaho ay talaga namang hindi pwedeng hindi sila mag laro na mag ama. Tinawagan ko na din si Weng at ibinalita ko sa kanya na nagkaayos na kami nang kuya niya. Kadarating lang nila kahapon galing sa honeymoon at ngayon nga ay papasyalan niya daw kami dito sa penthouse. Inaya kong mamili si Troy sa grocery kagabi dahil gusto kong magluto ng japanese food ngayon para kay Weng. Isa din kasi sa paborito niya ang sushi at sashimi, si keiko naman

