CHELLIE Pauwi na ngayon sila Chellie sa Manila, nag pa book nang bago si Troy para makasama niya ang mag ina niya sa byahe. "Dada, are you coming with us on the plane?" tanong nang anak ko kay Troy. "Yes, my princess kasama niyo ako ni mommy." masayang sagot ni Troy sa kanyang anak. Pag nakikita kong masaya ang anak ko ay masaya na din ako, masyado na siyang close sa daddy niya at ayaw niya nang humiwalay kay Troy. Maging sa pag tulog ay talagang magkatabi na silang mag ama, para na tuloy akong saling pusa sa kanila. Pero masaya ako na nakikita silang close kahit ngayon lang sila nag kakilala, ngayon ako naniniwla sa lukso nang dugo. Nang makarating kami nang Maynila ay kay Troy na kami sumakay. Hindi siya pumayag na sumabay kami kay Kevin, pinadala ko na lang ang gamit namin ni Keik

