CHELLIE Ngayon ang araw ng alis nila Chellie pabalik nang Japan, mabigat ang loob niyang iwan si Troy pero ito lang ang tanging paraan na alam niya para makaiwas sa gulo. Tinawagan niya si Weng para mag paalam at para kamustahin si Troy. "Napatawag ka, Chellie?" sabi ni Weng sa kabilang linya. "Magpapaalam lang sana ako sayo, ngayon na ang flight namin ni Keiko pabalik nang Japan. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo sakin, mula pa noong bata tayo lagi mo na lang ako tinutulungan." naiiyak na sabi ko sa kanya. "Ano kaba? Hindi lang bestfriend ang turing ko sayo kundi isang kapatid na. Kung ano man ang makakapagpasaya sayo susuportahan kita, kahit pa nasasaktan ako para sa kuya ko. Hindi pa din siya gumigising ngayon, ayaw din kita pigilan sa pag alis mo kasi alam kong inii

