CHAPTER 8

1575 Words
TROY Dahil sa kahilingan ng aking ama na hanapin ang mga half siblings ko ay lumipad ako dito sa Pilipinas, Gusto ni daddy na bantayan ko sila habang hindi niya pa kayang magpakita sa mga kapatid ko. Sa tulong ng kaibigan niyang si Tito Arnulfo ang kaibigan ng aking ama ay natagpuan ni namin ang mga kapatid ko, ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kanila lalo na sa kaptid kong babae na si Weng na ngayon ay nagtatrabaho na kay Tito Arnulfo. Sa paglapit ko sa mga sa kanila hindi ko namamalayan na napalapit na din ako sa best friend niyang si Chellie, dahil sa may kasungitan at hindi ako pinapansin ng babaeng yon kahit ilang beses ko na siyang inaabangan ay gumawa na ako ng paraan para makilala siya. Tumambay ako sa Tindahan na madalas niyang bilihan at nagpanggap na mahirap para lang mapansin niya. Isang araw habang pauwi siya galing trabaho ay sinadya ko siyang banggain para makilala ko siya. "Aray! kuya tumingin ka kaya sa dinadaanan mo! Ang luwag naman ng kalsada bat hindi ka umiwas!" masungit niyang sabi sa akin. "Pasensya kana miss, hindi lang talaga kita napansin." hingi kong paumanhin sa kanya. Maganda pala talaga siya sa malapitan ang simple lang nang mukha niya walng make up, oh kahit na anong kolorete kahit ang mapupula niyang labi ay natural lang, maganda din ang mga mata niya at masasabi kong kahit sa simpleng suot niya ay litaw ang kagandahan niya. "Ako nga pala si Troy." pakilala ko sa kanya. "Ikaw miss pwede ko ba makilala?" muli kong tanong. Ibinigay niya naman ang kanyang pangalan at mabilis na siyang umuwi sa kanila. Mula nang makilala ko si Chellie ay palagi ko na siyang inaabangan, pag may mga pagakakataong pwede ko siyang makausap kahit ang pang-aasar sa kanya ay ginawa ko na para lang mapansin niya ako. Hanggang sa pati sa trabaho niya ay sinusundo ko siya at napagkamalan niya pa akong rapist. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa akin ng babaeng yon, ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko at nakarelasyon ko. Masyado siyang mailap sa mga lalaki, madami na din daw ang nagtangkang ligawan siya pero lahat sila ay binasted niya. Nakikita kong siya lang ang bumubuhay sa pamilya niya marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Hindi ko namamalayan ay unti-unti na akong napapalapit sa kanya at niligawan ko na si Chellie sa umpisa pa lang malinaw niya nang sinabi na wala akong aasahan sa kanya dahil ang pamilya niya ang kanyang priority. Tinanggap ko naman pero hindi ako tumigil sa panliligaw, naging dahilan din iyon para mas naging malapit ako sa aking mga kapatid na sila Weng,Arjay at Sam. Dahil kay Chellie mas naging madali sa akin na mapalpit sa mga kapatid ko. Kahit gusto ko nang ipagtapat sa kanila ang totoo hindi ko magawa dahil hinihintay ko si daddy na umuwi dito sa Pilipinas at siya ang magsabi sa mga kapatid ko. Dahil pursigido akong ligawan at mapasagot si chellie ay maging ang aking negosyo sa New York ay nilipat ko na din dito sa Pilipinas sa Tulong na din ni Tito Arnulfo. Gusto ko siyang tulungan kaya lahat ng alam kong makakapag pasaya sa kanya ay ginawa ko. Papasok sana ako sa aking opisina nang makasalubong ko si chellie at nakita niyang bihis na bihis ako, siya naman ay papunta yata sa tindahan ni aling Bebang. Alam kong day off niya ngayon kaya naisipan ko na lng siyang yayain na mamasyal. "Aba Troy poging pogi tayo ngayon ah, saan ang lakad mo?" tanong niya sa akin "Punta sana ako sa inyo eh, tamang tama nakita na kita." "Ano naman gagawin mo sa amin at pupuntan ka, sinasabi ko sayo hindi ka pwedeng makikain sa amin wala kaming ulam. Pakiusap wag kana makihati sa ulam naming sardinas at talbos." "Ikaw pangit talaga nang tingin mo sa akin, huwag kang mag alala hindi ako makikikain. Gusto lang san kitang yayain na mamasyal." sabi ko sa kanya at pinagkamalan niya pa akong makikikain. Bilib talaga ako sa babaeng ito napaka straight forward hindi siya nahihiya na sabihin ang gusto niyang sabihin. "Troy seryoso kaba na inaaya mo akong mamasyal , sinasabi ko na sayo wala akong pera." "Pumayag ka lang sagot ko lahat." Muli kong sabi sa kanya dahil pagkakataon ko na to na makasama siya at mapasaya sa paraang alam ko. Kahit naman hindi niya pa ako sinasagot ay alam kong may pagtingin din siya sa akin. Kaya nga hindi pa din ako tumutigil sa panliligaw sa kanya. "Pag pumayag ba ako may pa take out kaba sa akin, yong totoo Troy san kaba nag tatrabaho bat mukang madami kang pera. saka sa totoo lang hindika naman kasi mukang mahirap. Yang hitsura mo mukang pang mayaman kaya umamin kana. Drug Lord ba ang daddy mo?" muli pa niyang sabi na ikinatawa ko ng malakas. Alam ko naman kasi sa hitsura ko hindi ako pagakakamalang mahirap "Ano papayag kaba? ang dami mo nang iniisip tungkol sa akin. Yung imagination mo kung saan-saan na nakarating. Huwag ka mag alala sagot ko na din ulam niyo sa hapunan pag sumama kang makipag date sa akin." "Sige sinabi mo yan ha sagot muna ulam namin sa hapunan basta sumama ako sayo, saka wala akong gagastusin ha pinapauna ko na sayo wala akong pera." paninigurado niya pa sa akin. Ayan talaga ang isa sa ugaling nagustuhan ko kay Chellie napaka prangka niya at masayahin kahit halatang nahihirapan na siya ay hindi niya ito pinapahalata lalo na sa pmilya niya. Siya ang breadwinner sa kanila at ayaw niya humingi ng tulong maski sa akin. Ilang beses ko na siyang inalok ng tulong ay tinatangihan niya. Nandito kmi ngayon sa Batanggas sa resort ni Ethan nagkaayos na ulit sila ni Weng at inaya nila kami ni Chellie na sumama habang nasa sasakyan ay kinukulit ko si Chellie. "Panga kailan mo ba ako sasagutin? Matagal na akong nanliligaw sayo pero hindi mo ako pinapansin." pangungulit ko sa kanya. "Troy hindi ka naba makakapaghintay, may lakad kaba masyado kang nagmamadali." sagot niya sa akin ramdam ko naman na mahal niya ako, pero hindi ko alam bakit ayaw niya pang aminin sa sarili niya na mahal niya na ako. Lalaki ako alam ko kung kelan may pagtingin sa akin ang isang babae. Madami nadin ako naka relasyon sa amerika at lahat sila mga liberated, dati pag ayaw sa akin ng babae ay hindi ko na pinapatagal ang panliligaw ko. Bukod tanging si Chellie lang ang niligawan ko ng matagal. Dahil alam ko na mahal na mahal ko siya dhindi ko alam kung bakit pero willing ako tumira dito sa pilipinas makasama lang siya. Nakarating kami ng resort ni Ethan sa Batangas, napakaganda ng lugar nakita ko sa muka ni Chellie ang labis na paghanga sa ganda ng tanawin. Pangarap ko din magkaroon ng ganito kagandang resort para iregalo sa babaeng papakasalan ko at sana si Chellie na ang babaeng mapapangasawa ko. Binigyan kami ni Ethan ng sarili naming villa na tutuluyan para daw mag karoon kami ng moment ni Chellie. Pumasok na kaming dalawa sa villa na nakalaan para sa amin ni Chellie, pagtapos namin magligpit nang mga gamit namin ay naupo kami sa magkabilang couch. Hindi ako mapakali gusto ko na siyang tanungin kung may pag asa ba na sagutin niya ako o wala. Wanting her to be my girlfriend is getting stronger; I want her to be mine, and no other man can own her. I love her so much that I feel like I'm going crazy if I don't have her. So, I decided to ask her. It's up to her whether she rejects me or accepts me as her boyfriend. "Pangga may sasabihin sana ako sayo, alam mo naman na mahal na mahal kita diba. Noong sinabi mo sa akin na hindi ka pa handa para pumasok sa isang relasyon nirespeto ko naman. Pero kasi medyo matagal tagal na din akong nanliligaw sayo., gusto ko lang sanang malaman kung may patutunguhan ba ang panliligaw ko sayo." tanong ko sa kanya and in my surprise she anwered YES to me. I was very happy and I think Im the luckiest man on earth. I thank her for loving me and I promise that no matter what happen I always support her in all aspects of her life. Lumapit ako sa kanya na umiiyak dahil hindi ko maipigilan ang emosyon na aking nararamdaman. niyakap ko siya ng mahigpit at puno nang pagmamahal. "Pangga , ngayon na girlfriend na kita hayaan mo sanang tulungan kita, wag mong isipin na inaabuso mo ako gusto ko lang na maging katuwang mo sa lahat ng paghihirap mo. Kasama mo na ako at aalagaan kita. Mula ngayon gusto ko na maging masaya ka lang at ienjoy lang natin ang ating relasyon. "Thank you langga kahit na ganito lang ako at malayo ang agwat ng estado natin sa buhay ay minahal mo ako. Pero sana hayaan mo akong sumuporta sa pamilya ko ayaw kong manggagaling sayo ang ibibigay ko sa kanila. Hindi kita minahal dahil sa pera mo at kung anong meron ka, minahal kita dahil ikaw si Troy ang lalaking nagbigay ng buong oras at panahon niya para lang samahan ako sa lahat ng trip ko sa buhay. Ang lalaking natutunang mahalin nang puso kong matagal nang natutulog. Thank you mahal dahil sayo may matatawag na akong Boyfriend at hindi na ako NBSB.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD