CHELLIE
Nagkayayan kaming mag swimming bandang 4 pm, kaya pumasok ako sa aking silid para mag hanap ng isusuot ko nakita ko ang onepiece swimsuit na kulay blue kaya ayun ang isinuot ko. Tinignan ko sa salamin ang aking sarili at napahanga din ako hapit na hapit sa akin ang suot ko at lita ang kurba nang aking katawan at lalong nagpatingkad sa maputi at makinis kong kutis. Kung may isang bagay akong maipagmamalaki yoon ay ang pagkaakroon ng maputi at makinis na balat, salamat sa pag aalaga ni nanay noong bata pa ako. Lumabas ako ng silid ko nakita ko si troy na nakaupo sa couch sa may living kaya agd ko na siyang niyayang lumabas. pagtingin niya sa akin ay para siyang nakakita ng multo at biglang natulala.
"Wow mahal napaka sexy mo naman, pwede bang wag na tayong lumabas dito na lang tayo sa villa at sa banyo na lang tayong sabay maligo." pagbibiro niya.
"Umayos ka LAngga, halika na at bak hinihintay na tayo nila Weng sa labas." ani ko pero ang siraulo kong boyfriend ayaw pumayag na lumabas ako ang gusto niya mag suot ako ng short. Kaya bigla kong kinuha ang tuwalya at agad na lumabas ng Villa.
"Pangga sige na isuot muna itong short, ang dami ng nakatingin sayo gusto mo bang mapaaway ako." Ani ni troy na nakikiusap na sa akin
"Pwede ba Troy napaka Kill joy mo minsan na nga lang may mag aya sakin mag beach gusto mo pa balot na balot ako. Bahala ka manigas ka diyan." Pairap na sagot ko.
"Pangga pag hindi mo ito sinuot hindi kita papayagang mag swimming, tignan mo nga si Weng oh balot na balot," pagpupumilit pa din niya sa akin
"Chell isuot muna kasi para naman may kasama akong mukang t*nga dito, nasa beach tayo pero hindi makapag suot ng swimsuit dahil sa dalawang kumag na ito." Pag kukumbinsi naman sa akin ni Weng
Kaya wala na akong nagaa kundi isuot ang short na dala ni Troy, para wala na akming pag tatalunan. Natatawa naman sa amin ang kaibiga ko at nag boyfriend niya para daaw kaming aso at pusa ni Troy na laging nagbabangayan sabi pa nila baka daw kami din ang magkatuluyan sa huli, hindi nila alam na boyfriend ko na talaga siya kaya ganun na lang kung higpitan niya ako na siya ko namang ikinatutuwa. Hinila na ako ni Weng papunta sa dagat at masaya kaming dalawa na nagtampisaw. Si Troy at SIr Ethan naman ay kausap ni Senor arnulfo dahil kasama din namin siya saaming bakasyon. Lumapit din sa amin ang aming mga boyfriend at sinamahan kaming maligo sobrang saya lang dahil para kaming mga bata na naglaro sa gitna ng dagat.
Nang medyo padilim na ay naisipan na naming umahon para makapag handa na para sa hapunan. naghiwalay na kami nila Weng, dumiretso na kami sa villa namin upang magbihis. Nauna na akong pumasok sa aking silid at dumiretso ako sa aking banyo, saglit lang din ako dahil kailangan na naing lumabas para sa hapunan.
Pinatawag na kami ni para maghapunan, wala pa sila Weng kaya ako na ang nagprisinta na tawagin sila tinungo ko ang glass house na tinutuluyan nila pag tapat ko sa pinto ay ilang katok ang ginawa ko nguti hindi sila lumalabas kaya naman kinatok ko ang pinto nila ng malakas kasabay sa pagsigaw ng pangalan nila. Bumukas ang pinto at sumungaw ang kaibigan kong muka pang pagod kaya naman natatawa na lang ako sa kanila. habang naglalakd kami ay napag usapan namin na pagkatapos namin kumain ay mag bobonfire kami sa may dalapasigan. Na eexcite na ako dahil first tiime ko lang maranasan ang lahat nang ito. Mas lalong naging memorable ang basyon na ito sa akin dahil dito kami naging opisyal na mag kasintahan ni Troy. Nakiusap ako sa kanya na huwag na lang muna namin sasabihin kay Weng na kami ng dalawa dahil ayaw kong tuksuhin nila kami agad naman siyang sumang ayon sa akin. Masaya kaming lumabas ng aming villa na dalawa magkahawak kamay pa kami habang papunta sa gazebo kung saan nagpahanda si Sir Ethan ng pagkain namin. Habang kumakain kami ay panay ang tukso sa amin ni Arjay.
"Ate Chell bagay na bagay talaga kayo ni kuya Troy, napapansin ko din na parang inlove ka." p Pang aasar ni Arjay sa amin.
"Arjay alam mo dapat kumakain ka na lang eh, hayaan mo pag uwi ko sasabihin ko kay alice ung ung anak ni aling Bebang na madaming galis sasabihin ko na crush mo sya." Pang aasar ko din sa kanya, natawa na lang ako nang makita ko ang muka ni arjay na sumimangot. Ayaw na ayaw niya kasing inaasar ko siya kay alice kasi may crush sa kanya ang batang yon.
Isang masaganang hapunan ang pinagsasaluhan namin, maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa mayroon pork barbeque na specialty ng kaibigan ko at beef kare-kare. Mayroon ding inihaw na isda, garlic butter shrimp. alimango at may pakwan din na panghimagas. Habang nakain kami ay pinagbabalat naman ako ni Trong ng sugpo ilang beses ko nang sinabi sa kanya na kaya ko na, pero sadyang makulit talaga ang isang to. Busog na busog kaming lahat pagkatapos namin pagsaluhan ang masarap na hapunan. Nag pahinga lang kaming konti dahil mamaya ay ihahanda na namin ang bonfire para doon kami tatambay nila Weng sa tabing dagat.
Bumalik muna kmi ni Troy sa villa namin at nagpahinga pumasok ako sa aking silid, para humiga muna balak ko din kasing umidlip. Hindi ko na malayan na pumasok na pala si Troy dito sa kwarto ko naramdaman ko na lang ang paglundo nang kama dahil nahiga siya sa tabi ko sabay yumakap sa akin. Kinikiliti pa ako ng buset na lalaking to, kaya tawa ako ng tawa.
"Langga, ano ba bumalik ka nga sa kwarto mo hindi pwede mahiga dito." sabi ko kasabay ng pagtawa ko ng malakas dahil sa pagkiliti niya.
"Pangga, pwede bang dito na ako matulog mamaya gusto sana kitang katabi, baka naman since girlfriend na kita pwede na kitang makatabi sa pagtulog." sagot niya sa akin na pinalungkot pa niya ang kanyang mukha.
"Troy, huwag mo nga ako dramahan hindi mo ako mauuto, hindi ka pwede tumabi sa akin at baka gapangin mo ako." pagbibiro ko sa kanya.
"Promise, mahal behave lang ako mamaya yayakap lang talaga ako sayo, yakap na may konting himas." tawang tawa niyang sabi sa akin. kaya nahampas ko siya sa sobrang gulat ko sa sinabi niya.
"Hoy Troy! wag mo akong umpisahan alam mong virgin pa ang mga bundok ko wala pang humahawak dito kaya hindi mo ito pwedeng lamutakin." sigaw ko sa kanya na nakataas ang isa kong kilay.
"Mahal ang bunganga mo napaka bulgar, sabi ko himas lang sayo lamutak agad." tawang tawa niyang ani.
Nasa ganung tagpo kami nang may marinig kaming boses sa labas ng pinto na tinatawag ang pangalan ko. Kaya agad na akong bumangon at pinuntahan ang tanong kumakatok na ngayon sa pinto.
"Magandang gabi po maam, pinapatawag na po kayo ni Boss Ethan?" sabi ni kuya na trabahador dito sa resort.
"Sige po kuya pakisabi susunod na po kami, maraming salamat po." sagot ko agad naman akong bumalik sa loob at punta sa aking kwarto para magpalit. Naabutan ko pa doon si Troy na nakahiga pa din kaya pinalabas ko na siya ng silid ko.
Sabay kaming lumabas ng villa ni Troy nakita ko si Weng na nag aayos ng cooler at nilalagyan niya ito ng mga beer at ibang drinks kaya tinulungan ko siya. Habang abala kami sa pag lalagay ng mga inumin sa cooler ay nag uusap kami.
"Chell yung totoo wala ka bang balak sagutin yang si Troy? Aba medyo matagal tagal na din siyang nanliligaw sayo. Bakit ayaw mo pang sagutin?" Tanong sa akin ng kaibigan ko.
"Meron naman akong balak na sagutin sya, hinihintay ko lang ung tamang pagkakataon. Syempre gusto ko naman pag sinagot ko siya yung magiging memorable sa aming dalawa no. Saka mabait naman yan si Troy ang ayaw ko lang talaga ay yung sinasabi niya na kapag naging kami na ay sya na ang bahala sa pamilya ko. Alam mo naman bheshie na kahit mahirap lang tayo ay mayroon pa rin tayong prinsipyo."
"Tama naman yun, wag natin iasa sa kanila ang pamilya natin kasi hindi naman natin sila sinagot para akuin yung mga reaponsibilidad natin sa buhay di ba. Mas ganda pa din na tayo yung nagtataguyod ng sarili nating pamilya."
"Tama ka dyan Weng, pinag usapan na din namin yan ni Troy na just in case na maging officially together na kami ay hahayaan nia akong tumulong sa pamilya ko at hindi ko yon iaasa sa kanya." sagot ko. Ang hindi nila alam at hindi ko masabi sa kaibigan ko ay sinagot ko na si troy kanina lang.
Matapos namin lagyan ng sapat na inumin ang cooler ay pinuntahan na din namin sila Troy malapit sa dalampasigan. Nang maka pwesto na kami ay agad namang nag pakuha nang gitara si sir Ethan sa kanyang tauhan at ibinigay ito kay Troy. Habang tumitipa si Troy ng gitara ay sinasabayan ko naman ito nang kanta. Isa sa paborito kong kanta ang tinutugtog ni Troy ang DILAW BY MAKI kaya naman kinanta ko na ito, hindi naman sa pagmamayabang ay maganda din naman ang boses ko ito ay namana ko kay nanay.
Habang kumakanta ako ay sinasabayan niya din ako kaya para na kaming nag duet na dalawa, infairness maganda din ang boses ni Troy kay ang magkasintahan na Ethan at Weng at nakatitig na lang sa amin...........