UNTI unting kong idinilat ang aking mga mata at napapikit nang tumama sa mukha ko ang liwanag mula sa araw. Una kong nasilayan ang blinds na nakatakip sa bintana. Bumangon ako at napatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa harapan ko. Kung ano ang suot ko kagabi ay ganoon pa rin ngayon, mukhang kailangan kong umuwi para makapagpalit ng damit. Bumagsak ang balikat ko sa ideyang iyon. Ang maisipang umuwi ay nakapagpabigat ng aking loob. Ayaw kong umuwi pero kailangan. Kasal ako kay Rowan pero eto ako nasa ibang pamamahay ng ibang lalaki. Hinawi ko ang kumot at humakbang palabas ng pintuan. Nasinghap ko agad ang bango mula sa niluluto sa kusina. Bumaba ako ng hagdan at nasulyapan ang katawan ni Signor na walang saplot sa itaas habang suot suot ang apron. Namumuo ang kanyang buhok dahil s

