CHAPTER 23

2003 Words
  Nang bumalik si Rassid sa living room ay pinilit nyang maging natural ang mga kilos para hindi mailang si Angela. Nagkunyari pa siyang hihimas-himas pa siya ng tiyan ng lumabas ng banyo samantalang wala naman itong kibo at tila nakikiramdam. “Maya-maya ka na uwi my loves, marunong ka ba magcomputer games?”    Uhmnn… medyo, meron ka ba dito?”tanong naman ng dalaga na nagpatay-malisya na lang din sa nangyari. “Yup! At let’s see kung sino mas mabilis ang mata sa atin” wika naman ng binata na tila na-excite. Ito lang naman ang dalawang bagay na pinagkakaabalahan nya tuwing mag-iisa, magluto at mag-computer games sa panahon na may mga libre syang oras at nasa condo lang. Isinet ni Rassid ang games at kapwa sila naging abala sa paglalaro na akala mo mga teenager lang na nasa computer shops.    “Ay ang daya!” wika ni Angela ng ma-defeat ni Rassid ang kanyang kampo. Bihasa maglaro ito kaya’t hindi umubra si Angela kahit pa paminsan-minsan ay nanunutil ang dalaga na agawin ang hawak ni Rassid para ma-distract ito. “Ayoko na ayaw mo naman magpatalo”, kunyari ay nagmamaktol ni Angela at humalukipkip pa ito. Natatawa naman si Rassid sa inaakto ng dalaga at hindi maitatanggi na bata pa nga ito. “Sige isang games pa bakasakaling manalo ka na, habang aliw na aliw sa nobya na halatang napipikon na dahil ayaw niyang magpa-ungos dito.    “Anong prize ko pag nanalo ako this time?” tanong ni Angela.”Ako gusto mo?tila nanunudyo pa nitong titig sa dalaga sabay kindat. “Ayan ka na naman eh”.. hindi makatingin ng diretso si Angela sa nobyo dahil naalala nya na naman ang ngyari kanina. “Joke lang hahaha, cge meron akong ice cream sa ref okay ka ba dun?” Naalala nya kung gaano kagusto ni Angela ang ice cream kaya’t naisip nya itong pang-aliw sa batang nobya. Biglang nagliwanag ang mukha nito at agad na isi-net ang panibagong laro. Kayang-kayang talunin ni Rassid si Angela pero sinadya na lang na magpatalo para bigyang kasiyahan ang nobya para makalimutan nito ang pagkailang sa kanya. “Yes! Victory!” Sigaw pa ni Angela habang inaasar –asar sya nito na tumayo at akala mo naman ay talagang kinaya nya si Rassid. “Where’s my treat?”ngiting-ngiti ito at kitang kita ang malalim na biloy sa pisngi kaya lalong naiinlove ang binata.    Tumayo si Rassid at tinungo ang kanyang ref subalit naramdaman nyang nakasunod si Angela. Napa-wow pa ito ng makita ang halos hindi pa nababawasang stock nya ng ice cream. “What flavor do you want double dutch or coffee crumble? Tanong ni Rassid habang kumukuha ng ice cream scoop at baso para sa kanilang dalawa. “I want double dutch”, nakangiting pinapanood naman ni Angela ang nobyo habang naghihintay siya sa counter table ng maliit na bar ni Rassid.    Muling nagtungo ang dalawa sa living room upang doon pagsaluhan ang ice cream.Kitang kita ni Rassid sa mukha ni Angela kung gaano nito ka-favorite ang ice cream kaya nahahawa siya sa pagkain nito although occasional lang sya kumain nito dahil maalaga din sya sa katawan. Kung ano-ano lang ang kanilang napagkukwentuhan pero masaya sila na malaman ang maliliit na bagay patungkol sa kanilang sarili maya-maya ay lumapit si Angela kay Rassid kaya natigilan ang binata. Inilapit nito ang mukha malapit sa kanya at naramdaman niyang pinahid nito ang ice cream na napunta sa gilid ng kanyang labi sabay isinubo din ito sa sariling bibig sabay ngumiti ng ubod tamis sa kanya. She’s incredibly sweet in her own way naibulong ni Rassid sa sarili.    Kaya naman may naisip ding kalokohan si Rassid, pinahidan nya ng ice cream sa ilong ang dalaga sabay sabi “wait pupunasan ko din” tatawa-tawa naman si Angela na hindi nalalaman ang binabalak ng binata sa kanya. Ibinaba pa nito ang hawak na baso bago lumapit sa dalaga. “wait wag ka malikot narinig ni Angela na sinabi nito kaya tumigil sya saglit pero laking gulat nya ng alisin ni Rassid ang ice cream sa ilong nya gamit ang sarili nitong bibig kaya natawa ang dalaga. Akala nito ay tapos na ang binata sa ginagawa subalit narinig nyang sabi nito “meron pa dito” sabay halik sa gilid ng labi nya.    Kapwa sila nagkatinginan at kapwa muling bumilis na naman ang t***k ng kanilang mga puso. Buong pagmamahal at walang sawa na tinititigan ni Rassid ang dalaga hanggang sa damhin niyang muli ang labi nito. Nalalasahan pa nila ang kinakain na ice cream subalit kung gaano ito kalamig ay ganun naman kainit ang nararamdaman nilang pag-ibig sa isa’t-isa. Hinawakan ni Rassid ang kamay ng dalaga na may hawak na baso at mabilis nitong nailapag sa lamesa. Tumatagal lumalalim ang halik ni Rassid at tumutugon naman ang dalaga, unti-unti siyang naihiga nito sa sofa sa posisyon na nakadagan na sa knya ang kalahating katawan samantalang nasa lapag ang kanilang mga paa. “Rassid….” bulong nito sa ng magmulat ng mga mata subalit lalo lang nag-init ang pakiramdam ng binata kaya hindi na niya makontrol ang nararamdaman at masuyong dinama ang d****b ng dalaga. Bahagya itong nagulat subalit dahil nadadala na din siya sa palitan nila ng halik ay nagpaubaya sya na sakupin ng kamay ng binata ang kanyang d****b at hinayaang pisil-pisilin iyon.    Naisip ng binata na buhatin at dalhin na sa kanyang kuwarto ang dalaga subalit isang napakatapang na desisyon ang ginawa nya. Unti-unti siyang umalis sa pagkakadagan sa dalaga ,pinunasan ang paligid ng mga labi nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa nobya. “I love you so much Angela”… bulong nya dito sabay yakap ng mahigpit sa dalaga. Lalong lumaki ang paghanga ni Angela sa nobyo dahil kung nanaisin nito na angkinin siya ay parang gusto na niyang magpaubaya dahil sa bagong pakiramdam na nararanasan kasama ito. Buti na lamang at ito na ang nagpigil at lalo syang humanga kay Rassid dahil ramdam nya ang paggalang nito sa kanya.    “I love you too my loves” nakangiting yakap ni Angela kay Rassid. “Magluluto ako uli ng lunch”, narinig nyang sabi ng binata. Natawa si Angela dahil wala na silang ginawa kundi kumain at eto na naman si Rassid na nakakaisip magluto. “Anu ka ba gusto mo na yatang hindi ako kayanin ng pole mamaya. Ihatid mo na lang ako kay Trisha dadaanan ko na sya at dun na kami gagayak sa boarding house ko papunta ng Hera Club mamaya”    “Uuwi ka na talaga?” naglungkot-lungkutan pa ito. “Opo uuwi na ako at baka kung ano pa magawa ko sayo”, pagbibiro ni Angela dito kaya napatawa ang binata at napindot na naman ang ilong ng nobya. “Naughty girl”. Masaya silang lumabas ng condo ng binata at halos ayaw ng magbitiw ng kamay. Masaya ang dalaga dahil masarap pala ang pakiramdam ng may minamahal, hindi nya naisip ang agwat ng edad nila ni Rassid, bukod kay Trisha na kanyang kaibigan ngayon ay nadagdagan ang mga taong magmamahal sa kanya.    Bigla nyang naisip ang bestfriend, hindi nya sigurado kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na ganun naging kabilis ang pagtanggap nya sa nobyo. Siguradong titili ito ng matinis kapag binanggit nya dito ang tungkol sa kanila ni Rassid.    “See you later!” wika ni Rassid habang tinatanaw ang dalaga na nuon ay ibinaba nya na sa harap ng gate ng kaibigan nito na si Trisha. “Take care” ganting sagot naman ni Angela.    “Ang aga mo yata beshy ah akala ko mamaya ka pa hapon gora dito, wika ni Trsiha na sumalubong sa kanya”. “Namiss kita bigla eh”, sabay kawit ni Angela sa braso ng kaibigan at inihilig pa ang ulo sa mga braso nito. Napatingin naman ito sa kanya at napahinto sa paglakad “may kasalanan ka sa akin hano?” “Luh! At ano naman ang magiging kasalanan ko sayo? Ayaw mo ba nyan extra sweet ako ngayon? Sabay ngisi sa kaibigan. Nagtaka si Angela dahil wala siyang nadatnan na Tita Divine sa sala sinagot ni Trisha ang nasa isip nya. “Wala si Mommy at Daddy di pa dumadating check-up ni padir ngayon”    “Ah okay” sabay upo naman ng dalaga sa sofa. “Besh may sasabihin ako sayo…” tila nahihiyang wika nya sa kaibigan. Napatingin naman ito sa kanya, “ anu yang tingin na yan ha Angela Valmonte parang may pasabog ka ah teka baka di ako prepared ihanda mo muna ako bukas na lang kaya..” maarteng sagot nito sa dalaga.    “Besh ang OA mo ha, pero ipromise mo di mo ako sesermunan”, habang nakangisi pa dito. “Sige go! Siguraduhin mong matutuwa ako sa news na yan ha kung hindi sasabunutan kita”, nagbibiro pang sabi nito dahil ramdam ni Trisha na kakaiba ang kanyang kaibigan ngayon. “Kase ano…” di maituloy-tuloy na masabi ng dalaga dahil talagang alam nyang mawiwindang ang kanyang bff sa aaminin nya dito.    “Ay sya sige ibulong mo na lang sa akin yan kung di mo masabi, apakaarte mo ngayon besh ha” kunwaring irap nito sa kanya. “Sige, sige eto na”… lumapit sya sa tenga ng kaibigan at bumulong…    Namimilog naman ang mata ng kaibigan ng marinig ang kanyang ibinulong dito, napasapo sa mga bibig at akala mo natuklaw ng ahas sabay tingin sa kanya. Maya-maya pa ay tumili ito ng ubod-lakas kaya napahawak si Angela sa kanyang mga tenga. “Oh my gosh! Hindi ko kinaya ito hihimatyin yata ako, ikuha mo ako tubig bilis!” sabay paypay ng mga kamay nito sa mukha. Natatawa naman si Angela sa reaksyon ng kaibigan at inasahan nya ng mag-iinarte ito ng ganito. Tinampal ni Angela ang braso ng dalaga sabay sabi “Besh OA ka ha, ako lang ito ano ka ba hahaha!”    “Eh pano naman 1 week lang tayo di nagkita ngayon eto ka na sasabihin mo yan sa akin!gagah ka akala ko pa naman ikaw ay may dugong maria clara eh dinaig mo pa ako ng bonggang bongga! Natatawang sabi nito kay Angela at nagpamewang pa sa harap ng dalaga. “Umupo ka nga kase para maikwento ko sayo kung pano nangyari yon”.  “Hala sige idetalye mo isa-isa sa akin yan at ayokong may kulang kukurutin kita sa singit kapag nagshortcut ka!” talak pa din nito kay Angela.    Halos walang ginawa si Trsiha kundi ang mapakagat sa labi at kiligin habang nagkukwento si Angela. Sabagay napapansin nya na iba ang tingin ni Sir Rassid sa kaibigan pero hindi nya inaasahan na magiging ganoon kabilis ang magiging pangyayari sa dalawa knowing Angela na  walang ibang priority kundi ang pag-aaral. “Panggulat naman yang rebelasyon mo neng!” parang gusto ko na tuloy agad mag-jowa hihihi!”. As long as happy ka beshy happy na din ako para sa yo pero remind ko lang matured person na si Sir Rassid pakiramdaman mong mabuti at baka naman inookray ka lang nyan at kapag nakuha na ang iniingatan mong puri eh ietsapwera ka na lang nyan ha!, may concern na wika ni Trisha sa dalaga.    “Yes naman besh, kilala mo naman ako pero who knows, ramdam ko naman nirerespeto nya ako and I can feel it!” sabay pikit nito at kinikilig maisip pa lang ang mukha ng nobyo. “IIsang araw pa lang ramdam na daw agad may kagarutayan ka den hano?” kantyaw ni Trisha sa kaibigan. “Whatever! Sa ngayon hayaan mo munang maging masaya at inspired ang beshy mo”.   “Joke ko lang naman yun, pero syempre happy naman ako sayo” ang sa akin lang preno-preno ng konti besh ha, naku bruha ka apakabilis mong gaganap! At nagkatawanan silang magkaibigan habang nagpapakwento pa ito kung ano na ang nangyayari sa buhay pag-ibig nina Angela at Rassid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD