Nagising si Angela sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha at dito nya naalala na hindi na nya nagawang magbihis ng damit. Bigla nyang naalala si Rassid at wala sa loob na napahawak sya sa kanyang labi at napangiti. Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend? naisip ng dalaga. Patayo na sana sya subalit narinig nyang nagri-ring ang kanyang cellphone at napangiti sya ng makita kung sino ang tumatawag “Sir Rassid”.
“Goodmorning my loves, did I wake you up?” Malamig ang boses nito na parang kagigising lamang din at nai-imagine nyang kagaya nya pa din itong nakahiga sa kama. Lalong kinilig si Angela sa narinig na tawag nito sa kanya, “nope, babangon pa lang sana ako”.
“Hindi ako masyado nakatulog kagabi pero maaga pa din ako nagising, I was thinking of you the whole night my loves..”, wika ng binata. “Sus!, eh mamaya magkikita naman tayo ulit”, nangingiting sagot naman ni Angela. “Do you have something to do today?”, tanong ni Rassid.
“Uhmnn.. wala naman, the usual things lang kakain tapos hihiga ulit ganon”,sagot muli ni Angela sabay tawa ng mahina. “Pero I have to go early sa Club mamaya remember it’s my last night to perform, dadaanan ko pa si Trisha”.
“Good!” narinig nyang sabi nito sa kabilang linya, “and why good?” tanong naman ng dalaga. “I was thinking of fetching you after I take a bath, gusto ko may kasama mag-breakfast eh”, may paglalambing sa boses ni Rassid. Matagal na hindi sumagot si Angela sa kabilang linya at nag-alala ang binata na ayaw nito sa proposal nya. Pero dahil ramdam pa ni Angela ang excitement ng pagkakaroon ng boyfriend, pumaya sya sa gusto ng kasintahan. “Ok—kay”, nangingiti pang sagot nya dito. “Yes!” at narinig nya na naman ang mahiwagang yes ni Rassid na sya ding ginamit nito kagabi ng mapa-“oo” siya.
“Okay loves, I’ll be there in an hour” excited na sabi nito kaya nahahawa din si Angela sa kasiglahan ng kausap sa kabilang linya. Agad-agad siyang nagtungo sa banyo at natawa sa sarili dahil hindi man lang sya nakapag-toothbrush kagabi bago matulog kaya naman bumawi sya ngayon at dobleng nagtoothbrush dahil baka… at napaisip na naman sa halikan nila ng nobyo kagabi, sinaway ang sarili at ipinagpatuloy ang paliligo. Hindi nya malaman kung ano ang isusuot samantalang dati naman ay kung ano na lang ang madampot nya dahil lahat naman ng kanyang isuot ay bagay sa kanya. Napili nya ang isang gray na hanging blouse at skinny jeans na itim saka nagsuot ng sneaker shoes. Matagal na siyang nakagayak subalit maya’y-maya ay haharap sa salamin upang sipatin ang sarili, nawisik sya ng paborito nyang cologne at napreskuhan sa kanyang outlook. “Ganito ba ang inlove?” tanong sa sarili. Samantala maya-maya ay naisipan nyang tawagan si Rassid.Napangiti ang binata ng makita ang caller, “my loves” naisipan nyang baguhin ang pangalan ni Angela sa kanyang phonebook kagabi dahil wala siyang ibang magawa kundi isipin ang tamis ng labi ng dalaga at isipin na girlfriend nya na ito ngayon. “Yes my loves ,malapit na ako” ngiting-ngiti ang binata at narinig nyang napatawa ng mahina si Angela sa kabilang linya.
“My l- loves hihintayin na lang kita sa labas wag ka ng papasok dito okay?tila naiilang pa ang pagtawag sa kanya ng my loves kaya’t kinilig na naman ang binata sa sinabi ni Angela sabay tanong dito, “but why?” tanong nito kay Angela. Napangiti naman ang dalaga, “di ba nga secret muna natin ito” paliwanag nito at hindi na tumutol si Rassid, wala siyang ibang gagawin sa ngayon kundi sundin ang kalooban ng dalaga dahil pumayag ito na makasama nya sa umagahan. “Okay my loves”, I’m on my way”.
Nang sumilip si Angela sa kanyang bintana ay nakita nyang naka-park na ang kotse nito sa labasan kaya agad siyang lumabas ng bahay. Nabungaran nya naman si Derick na noon ay nagpupunas ng single nitong motor na ginagamit sa pagpasok sa trabaho. “Aga ah”, komento nito na nakangiti. “Oo, may agarang lakad lang” sagot naman ng dalaga.
Palapit si Angela at hindi maiwasan ni Rassid na mapangiti ng masilayan ang nobya. Napakasimple nitong gumayak subalit may dating ang bawat galaw. Akma syang lalabas subalit sumenyas si Angela na buksan na lamang ang pinto kaya’t sumunod na lang sya dito. “Ayaw mong ipag-bukas kita ng pinto? Nakangiting bati nya sa dalaga habang nakatitig sa fresh na fresh na aura nito. Mukang natigilan naman ang dalaga sa nakitang suot ni Rassid dahil naka t-shirt at kakhi shorts lang ang binata kaya nag-isip ito kung saan sya dadalhin nito.
Sinadya ng binata na bagayan ang suot ni Angela upang hindi ito mailing, at pakiramdam nya ay mas bata sya kung sasabay sya sa mga get-up nito. Siyam na taon ang agwat ng kanilang edad kaya may mga pagkakataon na sya man ay napapaisip kung hindi ba siya magmumukhang “kuya” ni Angela. Maya-maya pa ay pumasok sila sa isang building at nagpark sa maluwang na parking space nito sa ilalim. Kinabahan si Angela sa binabalak ng nobyo dahil sa tingin niya ay condo unit ito subalit hindi nagpahalata. Matapos ipagbukas ng pinto ay hinawakan ni Rassid ang kanyang mga kamay at sabay silang naglakad patungo sa condo unit nito. Nasa ika 20th floor ang condo ng binata kaya’t bahagyang naliyo ang dalaga sa pagsakay sa elevator dahil madalang naman ang pagkakataon na makapaunta sya sa mga lugar na may elevator.
“Welcome to my place”, masayang binuksan ni Rassid ang pinto at tumambad sa paningin ni Angela ang mamahaling interior design nito. Kahit simple lamang at hindi masyadong elegante ang pagkakaayos, mahuhulaang panlalaki ito dahil sa kulay na gray ay puti na may ilan-ilang kulay itim na kagamitan. Malinis ang lugar marahil ay may taga-linis ang binata dito. Kung tatayahin ay malamang sa 10x na laki ng inuupahan nyang kwarto ang condo unit ng binate at sa tingin niya ay 2 ang kwarto dito.
“Sit back and relax”,pinaandar pa nito ang malaking flat screen tv sa living room, sabay halik nito sa kanyang ulo habang nakahawak sa kanyang mga balikat. Sinundan naman ng tingin ng dalaga ang papalayong si Rassid at nakita nyang nagsuot ito ng apron ng ito ay gumawi sa kitchen.Na-amazed ang dalaga dahil wala sa personalidad ni Rassid na marunong itong magluto, daig pa siya dahil kung hindi bumili ng ulam ay puro delata at cup noodles lang ang karamihang kinakain nya sa tirahan.
Na-curious ang dalaga at sinundan ang nobyo sa kitchen nito at umupo paharap dito saka . “Sana all marunong magluto”, nakangiting biro nya sa binata. Naghihiwa ito ng mga gagamitin sa pagluto ng fried rice at nakita nyang nakababa na sa lamesa ang bacon and ham na mukhang bago ito umalis ay inilabas na. Sanay gumalaw si Rassid sa kusina palibhasa no. fan sya ng kanyang Mama dahil sya ang laging nakabantay dito sa tuwing ito ay magluluto.Namana nya sa kanyang ina ang husay sa pagluluto kaya naman hindi sya nawawalan ng stock na mga lulutuin sa kanyang fridge dahil mas gusto pa niyang ipagluto ang sarili kaysa kumain sa labas.
“So ngayon ay kailangan kong iprepare ang sarili ko na ako ang magiging kusinero dahil ang misis to be ko ay hindi marunong magluto”, wala sa loob na sinabi nito. Pinamulahan naman ng mukha si Angela dahil sa sinabi ng binata. “Don’t get me wrong my loves, I mean in the future, right? Sabay kindat nito sa kanya habang nailing naman ang dalaga at nangingiti dahil iisang araw pa lang sila ng kasintahan ay naiisip na siyang gawing future misis na nito.
Matapos na makapagluto si Rassid ay inayos nito ang lamesa at tumulong naman si Angela dahil sa tingin niya ay ito lang ang kaya niyang gawin. Fried rice, bacon and ham at may inilabas itong fresh vegetable salad na galing sa ref, nasilip pa niya ang loob ng ref nito ng buksan ni Rassid at na-amazed siya dahil punong-puno ito samantalang sya ay kakailanganin pang bumili ng yelo sa tindahan kung ibig nya ng malamig na inumin. Bigla syang natigilan at nalungkot sa naisip, naalala nya ang laki nag agwat ng estado nila sa buhay ng binata. Isa na itong successful businessman samantalang sya ay wala pa man lang napapatunayan.
“Hey what’s wrong don’t you like the food? Tell me para maka-order tayo sa labas”, nag-aalalang wika ni Rassid. It’s not that… naisip ko lang anlaki ng agwat natin sa buhay..” “Ikaw stable ka na pero ako malayo pa ang tatakbuhin ko”, malungkot na sagot ng dalaga. Naramdaman niyang marahang pinindot ni Rassid ang kanyang ilong. “That’s why I’m helping you my loves, sa paraan na gusto mo para masarap yun victory pag andun na pero kung gugustuhin ko pwede kitang pag-aralin at kahit ano pa ang course na kunin mo pero alam kong hindi mo yun tatanggapin right?” Mahabang paliwanag ni Rassid.
“Let’s eat, lalamig ang pagkain, di ba sabi ko relax ka lang andami mong iniisip sige tatanda ka agad nyan”, kantiyaw pa nito sa dalaga. Biglang nakaramdam ng gutom ang dalaga ng makita ang nakahaing pagkain sa table, maya-maya ay naglabas pa ng mango juice si Rassid kaya lalong natakam si Angela. Inalalayan pa nito ang dalaga na maupo bago tumabi sa dalaga subalit napatayo ito agad pag-upo nya.
“Why?” tanong nya dito, pinatayo sya ni Angela at inalis nito ang pagkakasabit ng apron sa kanyang leeg at halos magdikit ang kanilang mukha dahil kinailangang tumingkayad ni Angela habang ginagawa ito. Napatingin naman sila kapwa sa isa’t-isa at sandaling parehong natigilan. Napalunok si Rassid at si Angela naman ay agad yumuko para iwasan ang nag-aanyayang labi ng binata. “Hindi masarap kumain kapag naka-apron”, pambawi ng dalaga at agad ng naupo. Nakangiti naman si Rassid at natuwa siya sa ginawi ng dalaga dahil “na-sweet-an” sya sa gesture nito.
Ipinagsandok ng binata si Angela ng fried rice at sabay silang maganang kumain. Paminsan-minsan ay nagsusubuan pa ang mga ito na akala mo ay mga bagong kasal. “Masarap pala magluto ang mga suplado noh?” pang-aasar ni Angela sa binata. Tumingin naman sa kaliwa’t-kanan ang binata at nagkunwang hindi siya ang kausap ni Angela. “Are you speaking to me?” natatawang arte nito.
“Sino pa nga, di ba at first ikaw si Mr. Suplado”, natatawang wika ng dalaga. Natawa din si Rassid at bigla nyang naalala ang kanilang unang pagkikita kung saan duon sya tinamaan ng palaso ni kupido. “Kase naman po ale parang di ka affected ng makita ako samantalang yun mga girls na nakikilala ko kulang na lang halikan ako agad” natatawang sagot naman ng binata. Tumaas ang kilay ni Angela sabay sabi nito. “and who are those girls huh?!” kunyari ay nag-gagalit-galitan pa nitong tanong sa binata. “Don’t mind them, I’m totally yours now my loves” sabay halik sa kamay ng dalaga.
Tapos na silang kumain ng makipag-unahan si Angela sa pagliligpit ng kanilang mga pinagkainan. “Dito ako magaling sabay agaw nito sa platong dala-dala ni Rassid at wala na itong nagawa dahil nauna na din isinuot ni Angela ang apron na kanina lamang ay suot-suot ni Rassid. “Well it’s your turn my queen” at nakakaloko pang iniabot nya dito ang sandok. Naupo sya muli sa table habang pinagmamasdan ang mga galaw ni Angela habang naghuhugas ng pinagkainan nila ang dalaga, hindi nito alam magluto pero alam nyang sanay ito sa gawaing bahay dahil matapos maghugas ng plato ay nilinis pa nito ang stove na pinaglutuan ni Rassid at ang tinuyo ang paligid ng lababo.
Inaalis ni Angela ang pagkakabuhol ng apron sa kanyang likod ng maramdaman nyang lumapit ang binata at kinalag na nito ang tali para sa kanya kaya’t ng magharap sila para alisin ito sa kanyang leeg ay naulit na naman ang eksena ng alisin nya naman ito kanina sa binata. Ngunit sa pagkakataong ito ay si Rassid naman ang nakayuko sa kanya sabay palupot ng mga braso nito sa kanyang beywang.
“You’re so beautiful my loves”… bulong nito sa dalaga habang inaayos ang sumabog na buhok ni Angela sa kanyang mukha. Si Angela naman ay hindi na din napigilan na haplusin ang mukha ng binata at naliliyo siya sa amoy ng pabango nito na ansarap ulit-uliting amuyin. Napasandal si Angela sa lababo kaya’t itinukod niya ang kamay dito habang unti-unti naglalapit ang mukha nila ng binata. Muli nilang dinama ang lambot at tamis ng kanilang mga labi, unti-unti na ding nasasanay si Angela na tumugon sa nagiging mapusok ng halik ni Rassid at tila nanghihina ang kanyang mga tuhod kaya’t naiyakap nya na ang mga kamay sa leeg ng binata habang bahagyang naka-tingkayad dahil mataas na lalaki si Rassid sa height nito na 5’9”.
Maya-maya ay napapitlag si Angela dahil may naramdaman siyang matigas na bagay sa gawi ng kanyang pusod at pinamulhan siya ng mukha ng mapagtanto kung ano ito. Napabitiw siya ng halik at akala mo napaso na bumitaw kay Rassid. Samantala napatingin naman si Rassid sa kisame sabay tutop sa noo dahil hindi na niya napigilan si “junior” na hindi magalit. “I’m sorry my loves”, nangingiting sabi ni Rassid at inakay na sa sofa ang dalaga. “CR lang ako, paalam nya sa dalaga, kailangan nyang lumayo saglit at baka hindi nya mapigilan ang sarili na dalhin na ito sa kanyang kuwarto. Naipangako nya sa sarili na hindi niya ipapares si Angela sa mga babaeng nagdaan sa buhay nya na hanggang kama lang. Iba si Angela, gusto nyang makita na natutupad ni Angela ang pangarap nito na nakasubaybay siya.
Samantala, kinabahan naman si Angela dahil sa unang beses nyang naramdaman ang ganitong bagay at nagpasalamat sya dahil alam niyang nagpigil si Rassid sa sarili upang hindi na lumawig pa sa kung saan ang kanilang ginagawa. Nang lumabas ito ng banyo ay nagkunyari itong himas ang tyan at sinabing nagbawas subalit ang katotohanan ay kinalma nya muna si “junior”. Nasabi nya na lang sarili na ito ang consequence ng nene ang girlfriend pero sadyang mahal niya ang dalaga kaya’t igagalang niya ito.