Ang isang beses na paglabas nina Angela at Trisha kasama ang dalawang binata ay nasundan pa hanggang natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili na nagiging close na bilang magkakapitbahay at wala na din ang dating ilangan. Sa tuwing magkikita sila sa labas ng paupahang kwarto ay paminsan-minsan nagkakatagpo at nagkukwentuhan tungkol sa trabaho. Lalong nag-iba ang tingin ni Gab kay Angela lalo pa at nalaman nya na halos pareho sila ng kapalaran sa buhay, mag-isa. Kaibahan nya lang kay Angela, buhay pa ang kanyang Daddy subalit hindi nya na ito nakikita. Sa isang banda ay naisip nyang mas mapalad pa din sya sa dalaga dahil may natitira pa siyang magulang.
Araw iyon ng Byernes, maagang nagising si Angela at nagbihis dahil napagpasyahan niyang dalawin ang kanyang Mama sa puntod nito,ang kanyang ama ay sa ibang lugar nakalagi malapit sa dati nilang tirahan. Hanggang ngayon ay walang lead sa kung nasaan na ang kanyang Tito Luis maliban sa muntikan na siyang gawan nito ng masama ng gabing harangin sya nito kung saan sinaklolohan sya ng kanyang amo na si Rassid. Dumaan sa isang flower shop ang dalaga at binilhan ang kanyang ina ng bulaklak at kandila.
“Ma, naka-enroll na ako, alam mo bang pole dancer na ako ngayon?” Kailangan ko itong gawin para makapagtuloy ako sa pag-aaral. 2nd year na ako Ma, hindi madali pero pipilitin kong makatapos. Sana lang mahuli na ang Tito Luis para mapanagutan niya ang ginawa nya sa iyo. Gabayan nyo ako ni Papa, alam ko masaya kayo ngayon magkasama. Mahal na mahal ko kayo” Matapos na makapaglaan ng oras para sa ina ay tumayo na si Angela balak nyang tumuloy na dumalaw sa bahay ng kanyang kaibigang si Trisha at duon magpalipas ng oras bago sya pumasok sa trabaho mamayang gabi sa Hera Club. Bukas na din ang huling gabi ng kanyang pagtatanghal dahil mag-uumpisa na siyang pumasok sa susunod na linggo, gaya ng napagkasunduan nila ni Rassid kukumpletuhin nito ang kanilang napag-usapang halaga kapalit ng kanyang pagpe-perform ng pole dancing. Natuwa naman ang kanyang Tita Divine ng makita siya at napansin nyang umiinam na din ang lagay ng asawa nito. Duon na siya nananghalian at nagpaalam na ng sumapit ang ika-4:00 ng hapon.
Nang gabing iyon ay nakita ni Angela na magkasama sina Rassid at Rhiana, as usual ay todo palupot na naman ang babae dito at ng matanawan siya ay umirap pa ito at lalong idinikit ang sarili sa binata na tila iniinggit siya. Umiwas naman siya ng tingin dahil nakakaramdam sya ng kirot sa puso dahil hindi naman pala totoo ang sinabi ng binata sa kanya na nakipag-break na ito dito.
Samantala ay nakatuon din ang paningin ni Rassid kay Angela, sa maraming pagkakataon ay gusto niya itong lapitan o puntahan sa inuupahang bahay subalit pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang maguluhan ang dalaga. Ayaw makipagkalas ni Rhiana at kahit iwasan niya ito ay bigla na lamang dadating sa kanyang condo o sa Hera Club para bakuran siya na parang sila pa din subalit ang totoo ay nagiging parausan na lamang niya ito dahil si Angela ang isinisigaw ng kanyang puso.
Pauwi na ang dalaga ng mapansin nya na sa kanyang daraanan na nakaabang ang kotse ng kanyang amo. “Angela sumabay ka na sa akin” tawag nito sa kanya napahinto sya sa paglalakad at lumapit sa amo at malikot ang kanyang mata dahil baka nakasakay dito si Rhiana na kasama pa nito sa Club kanina subalit mag-isa lamang ang binata. Narinig nyang binuksan nito ang pinto at inanyayahan siyang sumakay, alam niyang hindi sya dapat na tumanggi kapag ang amo na ang nag-utos kaya’t sumunod na lamang siya dito.
“Tomorrow will be your last performance, and you’ll be back studying next week right?” wika ng binata. “Yes Sir”, matipid na sagot ng dalaga, naramdaman ni Rassid ang pananamlay ng dalaga kaya’t maging siya ay tahimik na lamang na nagdrive hanggang sa makarating sa tapat ng kanyang inuupahang bahay. “Salamat sa pahatid Sir mauuna na ako bumaba”. Hindi na napigilan ng binata ang sarili kaya’t bago pa makababa ang dalaga ay nahawakan nya na ito s braso upang pigilan nya sa pagbaba. “Angela can you stay for a while?”
Nagtaka naman ang dalaga sa ginawi ng binata at napilitan syang huwag tumuloy sa pagbaba dahil hawak siya nito. Naguguluhan naman ang dalaga sa ikinikilos ng amo kaya’t tinanong nya kung ano ang problema nito. “May problem ka ba sa akin Sir?” Matamang nakatitig sa kanya ang binata na tila hirap na hirap ang kalooban.
“Yes, you are a problem to me, di ko alam why do I have to go through this because of you, I’ve never been like this dahil sanay akong babae ang lumalapit sa akin pero bakit ako ang naghahabol sayo ngayon? I want to make you mine pero hindi pwede dahil ayokong ako ang makasira ng pangarap mo but I Love You Angela” I think I am so much inlove with you…”
Hindi alam ng dalaga kung ano ang sasabihin kay Rassid na ngayon ay hindi na nahihiyang aminin ang totoong nararamdaman para sa kanya.”P-pero may girlfriend ka na Sir, at ayokong ako ang magiging dahilan ng break-up nyo”, nakayukong nagsasalita ang dalaga dahil ayaw niyang salubungin ng tingin ang mata ni Rassid dahil baka ipagkanulo sya ng kanyang mga mata. May pagtingin din siya sa binata, hindi nya nga lang masiguro sa kanyang sarili kung inlove din ba siya dito o crush nya lang ito pero bakit pumayag syang makipaghalikan dito nuon?
“Tell me, do you also have feelings for me? Dahan-dahang itinaas ni Rassid ang kanyang baba at nagtama ang kanilang mga mata. Muling naramdaman ni Angela ang pabilis na pabilis na t***k ng puso niya sa tuwing kaharap ang binata, subalit tinatalo siya ng matinding pagnanais na maipagpatuloy ang pag-aaral kaysa bigyang pansin ang nararamdaman para kay Rassid. “Naguguluhan ako Sir”..akmang magbababa siyang muli ng paningin ay inilapit ng binata ang mga labi nito sa kanyang labi at hindi naman siya tumutol. Marahan na tila inaakit nito ang kanyang mga labi kaya’t naramdaman na lamang ng dalaga na gumaganti sya sa galaw ng labi ng binata. Habang tumatagal ay lumalalim ang kanilang paghahalikan, at lalong lumakas ang loob ni Rassid ng tumutugon na ang dalaga sa kanyang mga halik dito.
Nagtataka si Rassid dahil sa maraming pagkakataon na ganito ang senaryo ay naglulumikot na ang kanyang mga kamay sa maseselang parte ng babaeng nakakahalikan niya subalit kay Angela ay ganun na lamang ang kanyang pagtitimpi sa sarili. Nagdidiwang ang kanyang kalooban dahil hindi maikakaila ng dalaga na wala itong pagtingin sa kanya dahil sa pagresponde nito sa kanyang mga halik.
“I love you Angela”, bulong nito sa dalaga matapos na kapwa habulin nila ang paghinga subalit nakatitig pa din si Rassid samantalaang hindi makatingin ng diretso si Angela sa binata dahil ipinagkakanulo sya ng kanyang mga labi ng kanyang pagtanggi sa nararamdaman.
“Please be my girl Angela, I promise you hindi ako ang magiging hadlang sa pangarap mo you can go on with your dreams while loving me in return”..
P-pero Sir may girlfriend ka, ayoko-…pinutol ni rassid ang kung ano pa mang sasabihin ni Angela ng isang dampi sa labi nito, “I am his boyfriend but she’s not my girlfriend, matagal ko ng tinapos ang lahat sa amin but she keeps on clinging with me kaya hindi ko na problema yun, and if you’ll trust me aayusin ko ang lahat in proper time, but as for now.. can you be my girlfriend Angela? Malaki ang pag-asa ni Rassid na tatanggapin ni Angela ang pag-ibig nya para dito kaya’t nasasabik syang marinig ang sagot nito. Nahihiya naman ang dalaga na aminin ang nararamdaman sa binata dahil ito ang unang-unang pagkakataon na magkakaroon sya ng boyfriend kung saka-sakali.
P-pero hindi mo naman ako nililigawan Sir, pano kita s-sagutin namumula ang pisngi ng dalaga dahil sa totoo lang ay hiyang-hiya syang magdemand ng ligaw dito samantalang nakikipaghalikan na sya dito kahit hindi nya pa ito boyfriend. Imbes na malungkot sa sagot ay nagdiwang pa ang puso ni Rassid at natampal nya ang noo at bahagyang tumawa, naaaliw sya sa kainosentehan ni Angela kaya lalo syang napapaibig sa dalaga. Paano ba naman, si Rassid Villacorta, killer ng mga chicks ay hindi alam ang salitang ligaw, good kisser manapa!
“Oo nga naman, sige from now on liligawan kita, okay ba sayo yun?” Ngayon ay kinikilig na si Angela at hindi maiwasang titigan ang mukha ni Rassid na lalong lumalabas ang kaguwapuhan sa tuwing ito ay nakatawa. Hindi nya ito nakita sa binata noong una subalit ng makasama nya ito ay sa kanya lamang sumisilay ang malalim nitong mga dimples. Alam niyang hindi na kailangan ng ligaw ng binata dahil obvious naman na ang magiging sagot nya nagpapahalik na nga sya dito pero gusto nyang magpa hard to get, at nangiti ang dalaga sa naisip.
“Bakit ka nakangiti?”, tanong ng binata habang walang alis ang mata ni to kay Angela. “Natatawa lang ako sa sarili ko naghahanap ako ng ligaw pero nagpapahalik na ako sayo Sir”. Kapwa sila natawa sa sinabi ni Angela kaya sinamantala na ni Rassid ang pagkakataon, so may girlfriend na ba ako tonight? Tuluyan ng bumigay si Angela at hindi na nakuha pang maisip ang ibang consequences ng magiging pagtanggap niya sa binata, basta ng mga oras na iyon ay alam niyang masaya ang kanyang pakiramdam sa piling ni Rassid. Kaya ng tumango siya at pinindot ang ilong ng binata at napasigaw pa ito ng yes! Sabay yakap sa dalaga.
Bigla ay may naalala ang dalaga at naisip na kondisyon kay Rassid na ngayon ay kasintahan na niya. May request lang ako Sir, pwede bang tayo lang muna ang makakaalam nito?” Secret lang muna, gaya ng sabi mo hindi pa okay si Rhiana ayokong lumabas na nang-aagaw ng boyfriend, paki-usap naman ni Angela.
Hard to do pero since it was my girlfriend’s request, sige secret muna natin, pero wag mo ako pagbabawalan na halikan ka okay? Pilyong ngiti nito sa dalaga sabay kulong niya dito sa kanyang mga bisig. Masayangg-masaya ang pakiramdam ni Rassid dahil sa wakas ay nasabi nya na kay Angela ang mga bagay na nagpapahirap sa kanyang kalooban, and for the first time sinagot sya ng babae at ganito pala ang pakiramdam ng sinasagot nakakakilig!
Maya-maya ay kumalas na si Angela at pinaalala na kailangan na nilang magpahinga dahil malalim na ang gabi kaya’t bahagyang nalungkot ang binata dahil sa totoo lang gustong-gusto na niya itong iuwi ng mga oras na iyon.
“Pwede bang makitulog na lang ako dyan sa boarding house mo?” makangisi niyang tanong sa dalaga. “Loko! Sabay kurot na naman nito sa kanyang ilong na hinuli nya naman ang kamay ng dalaga at hinalikan iyon.
“I promise to be a good boyfriend Angela, I love you so much”. Hindi naman masagot pabalik ni Angela ang kanina pa nag-a- I love you na si Rassid, basta tanging alam nya lang sa mga oras na iyon ay masaya syang nalaman na mahal siya ng binata at susubukan nyang magmahal at mahalin.
“Bababa na ako Sir” tila nanunukso nyang sabi dito kaya’t nagbanta si Rassid sa kanya. “Bawat tawag mo ng Sir sa akin tuwing magkasama tayo iki-kiss kita”…Nakita ng dalaga ng dalaga na seryoso ito kaya’t gumamit sya ng endearment para matigil na ito. “Okay “love” sabi nya ditong nakangiti at naaaliw sa mukha ng kunyari ay nagtatampo na si Rassid subalit nang marinig nito ang itinawag nya ay nagliwanag ang mukha nito.
“Okay my love..sabay nakaw na naman ng halik sa dalaga at muli ay pinagsaluhan nila ang sa pakiramdam nila ay matamis na pag-uugnay ng kanilang mga labi. “Uwi ka na, papagabi na”, haplos nito sa pisngi ng binata.
“Okay sige pero di ako aalis hanggang di ka nakakapasok sa loob”.
“Bye” at bumaba na nga ang dalaga sa halos hindi pa din makapaniwala na si Rassid, ngayon ay girlfriend na niya ang dalaga. Nang makitang nakapasok na ito sa gate ay biuhay nya na din ang makina ng kanyang kotse at may ngiti sa labi na umuwi.
Samantala, naabutan ng dalaga na mag-isang nakaupo si Gab sa harap ng pinto ng kwarto ito at nagulat si Angela dahil malalim na ang gabi ay nasa labas pa ito habang may hawak na bote ng alak sa kaliwang kamay.
“Mukang hinatid ka ng Boss mo”, wika nito sa dalaga. “Ah oo, isinabay nya na ako at may ilang bagay lang sya sinabi sa akin last performance ko na kasi bukas”, pagsisinungaling ni Angela sa kausap at upang makapasok na din sya sa kanyang upahang kwarto. “Good night Angela, narinig nya namang sabi ni Gab kaya’t nag-goodnight din siya dito at pumasok na sa loob.
Agad nyang inihiga ang katawan sa kama at inaalala ang tagpo sa loob ng kotse ni Rassid. Napahawak pa sya sa labi at maya-maya ay tinakpan ang mukha na kunyari ay nahihiya at kinikilig dahil may boyfriend na siya. Nakatulugan na ng dalaga ang pag-iisip sa nangyari ngayong gabi at hindi na nakuhang magpalit ng kanyang damit.