EPISODE 20

1558 Words
  “Hello boys goodmorning! Masayang bati ni Trisha sa dalawang binat na kapwa nakabihis nang sya dumating s boarding house ng kaibigang si Angela. “Mukang may lakad ah!”, tanong nya na sinagot naman ni Derick. “Mag-a-unwind ng konti matagal ng di lumalabas ng lungga itong kaibigan ko eh sabay tingin kay Gab na walang kibo at nakikinig lang sa usapan ng dalawa. “Kami din ni besh Angela rarampa ngayon ililibre daw ako” masayang masaya si Trisha dahil may umagahan agad siyang  ombre.    “Wow! sakto ah paalis na kayo? Baka pwede na kaming maki-join force sa inyo?masayang sabi ni Derick na hindi na kinunsulta si Gab na mukang nagulat sa desisyon ng kaibigan. “Ay talaga bet nyo? Wait kakatukin ko na si Angela at baka kanina pa ako hinihintay nito eh, Besh!” malakas na tawag nito sa dalaga na noon ay naghahanda na din sa paglabas.    “Besh wiz mong maki-join sa mga neighborhood mo ditey? Pakurap-kurap si Trisha habang nakatalikod sa dalawang binata na parang sinasabi sa kaibigan na pumayag na. “Ah- eh kung gusto nila eh pwede naman kaso baka hindi nila magustuhan ang pupuntahan natin di ba sesegway tayo sa divi?”,sagot naman nito. “That’s great! saktong bibili kami ni Gab ng rubber shoes mas maraming choices dun di ba pre? Sabay kindat naman ni Derick sa kaibigan na parang sinasabi nito na maki-ayon na lang ito sa plano.    “Ok” yun lang ang naging sagot nito na kay Angela nakatingin. Hindi nya kasi maiwasang mapahanga sa ganda ng dalaga lalo at bagay na bagay ditto ang suot na simpleng red blouse at maong miniskirt na pinarisan ng hi-cut rubber shoes, napakasimple subalit ang lakas ng dating ng babaeng ito, sa loob-loob ni Gab. “okay let’s go!” masiglang-masigla si Trisha at natatawa na lang sa kanya si Angela dahil alam nito kung gaano nya pinapantasya si Derick, crush na crush ito ng kaibigan.    Nauuna ang magkaibigan sa paglalakad kaya alam ni angela na sa kanila nakatingin ang magkaibigan kaya’t conscious sya sa kanyang kilos. Maya-maya ay napadaan na ang jeep na kanilang sasakyan nauna ng sumampa sina Trisha at Derick at silang dalawa ni Gab ang naiwan. Naramdaman na lang ni Angela na may umalalay sa kanyang siko pag-akyat nya ng jeep kaya;t napalingon sya dito. “Thank you”.. sabi niya kay Gab ng makaupo sa bakanteng upuan at magkatabi na sila nito habang katapat naman nila sina Trisha at Derick.    Naramdaman ni Trisha na nagkakailangan ang dalawa kaya nagpakwela sya sa tatlo para gumaan ang kanilang usapan, bandang huli ay napapangiti na din si Gab sa kakwelahan ni Trisha hanggang sa makarating sila sa Divisoria. Maraming tao palibhasa ay weekends kaya’t hindi maiwasan na nagkakadikitan sila ng mga katawan kapag dadaan sa maliit na mga eskinita. Maya-maya pa ay namili na ng kanya-kanyang pamimilihin ang apat, sina Derick at Gab ay sa gawi ng mga sapatusan habang sina Angela at Trisha ay sa mga blouses at pants naman nagsipili. “Besh 2 pairs sagot ko yan!” sabay kindat ni Angela kay Trisha kaya’t napayakap ito sa kanya sa katuwaan. “Ay true ba? You’re so generous beshy ko hmnn.. lab you! Sumweldo ka na siguro noh?” tuloy-tuloy na sabi nito. “Yes naman, di ba sabi ko sayo ililibre kita kaya wala kang gastos ngayon” natutuwang sabi naman ni Angela sa kaibigan na nagsasalawahan sa dami ng pagpipilian. “Iba ka!” maarte pang sabi niti Trisha. Matapos makapamili ay gumawi na sila kung saan naghihintay na sina Derick at Gab na nakapamili na din ng sapatos, mag-aala-una na ng tanghali kaya’t nakaramdam na sila pare-pareho ng gutom. Tinanong naman ng dalawang lalaki sina Trisha kung saan gusto kumain kaka’y napagpasyahan ng mga ito na sa chowking na lamang mag-lunch.     Sa upuan ay magkatabi na ang mag-bff na Trisha at Angela habang katapat nila sa upuan  sina Derick at Gab. Hindi sila hinayaan ng mga ito na magbayad ng kanilang inorder kaya hindi na nagpumilit pa si Angela na bayaran ang order nilang magkaibigan. Paminsan-minsan ay makikisabad sa usapan si Gab, ngunit sadyang tahimik siguro ito sa personal na buhay. Nang makakain ay muli pa silang nag-stroll sa 678 malls kung saan marami pang mga “girl things” na nabili ang magkaibigan habang nakasunod lamang sa kanila ang dalawang binate na paminsan minsan ay patingin-tingin din sa mga iniikutan nilang mga shops. Mag-aalas singko na ng hapon ng makaramdam ng pagod ang mga ito sa paglalakad kaya’t ng pauwi na at may nadaanan silang noodle’s house nagkatinginan ang magkaibigan at gaya ng dati ay kumain muna sila pero this time ay nag-insist si Angela na treat nya ito sa mga kasama.    Mukha namang nag-enjoy din ang dalawang binata sa food trip ng magkaibigan sabi pa ni Derick ay babalikan nila ito ni Gab kapag nagawi sila uli sa Divi. Sa maikling oras ay mukang nagkahulihan naman ng loob sina Trisha at Derick, palabiro din kasi si Derick at aliw na aliw naman si Trsiha sa mga jokes nito, kabaligtaran ni Gab na madalas seryoso. Nauna ng bumaba ng jeep si Trisha kaysa sa tatlo na abot ang kaka-kaway ng bumaba na kaya’t ng maiwan ang mga ito sa jeep ay sina Derick at Angela na lamang ang mpaminsan minsang nagkukwentuhan. “Angela wag kang maiilang sa kaibigan kong ito ha”, sabay tingin sa binata na noon ay inabala ang tingin sa nadadaanan nila sa labas. Narinig naman ni Gab na pinag-uusapan sya ng dalawa kaya nakuha nitong magbiro, “pre baka lumampas tayo kakakwento mo” nahagya siyang nakangiti sa kanila.    “It’s nice going out with you and Trisha sobrang naaliw ako sa kaibigan mo Angela”, natatawang comment naman ni Derick bago sila maghiwa-hiwalay ng pinto. “Same here, oo ganun talaga yun pero masarap kasama, goodnight sa inyo” paalam nya sa dalawang binata dahil ng makauwi sila ay halos ika-pito na ng gabi”. Nakita nya namang ngumiti ng bahagya si Derick sa kanya bago tuluyang pumasok sa pinto nito. Gab’s POV    Nakahiga na si Gab sa kanyang kama pero hanggang nagayon ay parang nakikita pa din niya ang magandang mukha ni Angela, napakasimple nitong manumit subalit hindi maitatago ang ganda lalo na ang katawan nito na may makinis at maputing balat. Turn-on pa naman sya sa mga babaeng “balbon” kaya nakakadagdag ito ng appeal ni Angela sa kanya. Nang una nya pa lang itong makita ay humanga na sya dito kaya lamang ay pinili nyang manatiling tahimik at hindi palakaibigan na gaya ni Derick. Basta para sa kanya si Derick na kasamahan nya sa trabaho lamang ang tangi nyang kinikilala na kaibigan maliban ngayon kina Angela at Trisha na masarap ding mga kasama.    Malungkot ang buhay ni Gab kaya hindi sya masyadong sociable. Naanakan ng isang mayamang negosyante ang kanyang ina na nagtatrabahong “hostess” sa isang night club sa Maynila. Kinilala naman sya ng kanyang ama dahil natatandaan nya noong maliit pa sya ay pumupunta ito sa kanilang apartment at duon natutulog paminsan-minsan. Yun nga lang, kailangan silang itago ng kanyang Mommy sa tunay nitong pamilya dahil ito din ay mayroon 3 anak sa tunay nitong asawa. Patapos na siya ng highschool nang mamatay ang kanyang ina sa sakit na cancer sa baga, subalit hindi sya pinabayaan ng kanyang daddy at pinag-aral sya nito. Walang masyadong hilig sa pag-aaral si Gab kaya’t pinilit nya lang itagpos ang kursong Marketing dahil sa tingin nya ay ito na ang pinakamadaling course ng Business Administration. Minsang kinatagpo sya ng kanyang ama upang makita at  ibigay ang kanyang allowance ay may isang magandang dalaga na bigla na lamang huminto sa harap ng table nila na may pagtataka sa mga mata, marahil ay matanda ito ng dalawang taon sa kanya.    “Daddy sino sya at anong ibig sabihin nito bakit mo sya inaabutan ng pera? Tanong ng dalaga sa ama. Kapwa  nagulat si Gab at ang kanyang ama at napilitan itong magpaliwanag at ipakilala sya sa anak na babae subalit mariin ang paki-usap na huwag itong sasabihin sa ina dahil may sakit ito sa puso. Nagalit ang dalaga sa ama at tinawag siyang bastardo, subalit wala syang masabi dahil ito naman ang totoo. Mula noon ay dumalang ng makipagkita sa kanya ang kanyang ama at minsa  na tumawag sa kanya ito ay sinabihan syang lisanin na ang apartment nila ng kanyang Mommy kaya napilitan siyang lumipat ng bahay dahil baka guluhin daw siya ng mga kapatid sa una ayon sa kanyang ama. Sinabi na kasi ng dalagang anak ng kanyang ama ang tungkol sa kanya sa iba pa nitong mga kapatid maliban sa kanilang ina na may sakit sa puso.    Mula noon ay pinili na lamang ng binata na mamuhay ng tahimik, huling kita nya sa kanyang Daddy ay dalawang taon na ang nakakaraan. Gusto na sana niyang magpalit ng phone number upang tuluyan ng maputol ang konesyon sa knyang ama subalit nakiusap ito sa kanya na huwag itong gawin. Mabait naman ang kanyang Daddy sa kanya subalit inunawa na lamang nya na hindi sya kayang ipaglaban nito sa unang pamilya. Sa impluwensya pa din ng kanyang Daddy ay naipasok sya nito sa isang  Sofware Company at ditto nya na nakilala si Derick a kanyang kaibigan.       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD