“Pabagsak na inihiga ni Angela ang kanyang katawan sa kama matapos na makapaglinis ng katawan, nawala ang antok nya dahil naalala nya na naman si Rassid, pilit nya man iignore ang nararamdaman ay alam nyang nahuhulog na ang loob nya sa kanyang amo. Sa maraming pagkakataon ay alam nyang tinititigan sya nito subalit hindi nya lang binibigyan ng kahulugan at patuloy na mas matimbang ang kanyang ambisyon kaysa sa kanyang nararamdaman.
Nakatulugan nya ang pag-iisip sa bagay na ito at hindi nya na namalayan kung anong oras na sya dinalaw ng antok. Ring ng kanyang cellphone ang nagpagising sa kanya kaya’t napabalikwas sya ng bangon, nasilaw pa sya sa sinag ng araw na pagdilat ng kanyang mga mata kaya alam ni Angela na tanghali na. Pagtingin sa kanyang wall clock ay nakita nyang 11:00 na ng umaga.
“Hello”, tinatamad nyang sagot sa kabilang linya. “Did I wake you up?” baritonong tinig ang nasa kabilang linya kaya’t napaunat ng upo si Angela at inayos ang buhok na akala mo naman ay kaharap nya ang kausap. It’s Sir Rassid! Pero bakit naman sya tatawagan nito day-off nya ngayon.
“Ah y-yes Sir, I mean hindi sir, I mean hindi pala kakagising ko lang actually bago ka tumawag”, natatarantang sabi ng dalaga. Napangiti naman si Rassid sa kabilang linya dahil alam nyang nagsisinungaling si Angela, at alam nyang nate-tense ito ngayon dahil tumatawag sya. “Well nakita ko kase yun pair ng rubber shoes mo sa kotse ko kanina and I’m planning na idaan ito sayo dyan mamaya will you stay there o baka naman may lakad ka?” tila sinusubok na tanong ng binata kay Angela.
“Wala naman Sir plano ko lang mag-stay sa bahay sa maghapon”, kagat labing sagot ni Angela dahil magiging tagabitbit nya pa ng sapatos ang kanyang amo pag nagkataon.”K-kahit bukas na lang Sir pagpasok ko ako na lang dadampot sa kotse mo nakakahiya naman ikaw pa magdadala”.
“But I was in front of your boarding house idadaan ko na sana”, nangingiting wika ni Rassid kaya’t si Angela ay agad tumayo at lalong nataranta ng malaman na nasa harap lang ng bahay nya ang amo, “Ah Sir can you give me 5 minutes, lalabas na lang ako dyan Sir” sabay patay nya ng kanyang cellphone. Hangos naman si Angela sa kanyang banyo upag maghilamos at mag-toothbrush.
Natatawa naman ang binata dahil alam nyang mas nataranta ang dalaga. She missed her so badly, lalo nyang nakumpirma sa sarili kagabi na talagang espesyal ang dalaga sa kanya, actually parang nagsisisi sya na ini-offer nya sa dalaga ang tungkol sa pole dancing dahil nakita nya kung paano nagkainteres ang mga kalalakihan dahil sa totoo lang aaminin nya na maski sya ay nag-iinit ang pakiramdam sa tuwing maiisip ang magandang katawan ng dalaga. Pakiramdam nya ay kailangan nyang mas bantayan si Angela ngayon at naexpose na ito sa tao, and even his friends ay nagpapakita ng interes sa dalaga which he won’t allow dahil kanya lang si Angela, saloob-loob nya.
Mahinang katok ang narinig ni Angela habang naglalagay sya ng bra, maayos naman ang kanyang ternong damit pantulog kaya’t nagsuot na lamang sya ng bra bago lumabas saka sinuklay ang buhok. “Sandali lang”, sagot niya sa nakikisabay na katok sa labas ng kanyang kwarto. Naiinis sya sa nakikisabay na kumakatok dahil baka naiinip na ang kanyang amo sa labas. Bahagya pa niyang inayos ang nagulong higaan bago inalam kung sino ang kumakatok.
“Hi goodmorning”, maaliwalas ang mukha ng kanyang kaharap na nakasuot ng black calvin klein t-shirt at khaki shorts habang naka-topsider shoes lang ito at preskong-presko dahil mukang kaliligo lamang. “S-sir”..tanging nasabi ni Angela sa pagkabigla dahil hindi nya akalain na papasukin na siya ni Rassid sa kanyang inuupahang kwarto. Tila tinulos sya sa pagkakabukas ng pinto at walang ibang masabi kaya’t si Rassid na ang nagsalita. “Can I come in?” ngayon ay nakangiti na ito at tila hinihintay na lang ang desisyon ni Angela kung patutuluyin sya o hindi.
“C-cge Sir tuloy ka, p-psensya na sa bahay ko maliit lang space” naaalangan na sabi ni Angela habang ikinakalat ang mata sa kung anong kalat mayroon dito. “Hayss bakit naman pumasok pa kasiiii!”, parang gustong matunaw ni Angela dahil kinailangan pang idiretso nito ang sapatos sa kanya. Hindi naman malaman ni Angela kung saan pauupuin ang binata, bandang huli ay naisipan nyang paupuin ito sa bangko katabi ang kanyang maliit na lamesa.
“Pasensya ka na Sir ito lang ang gamit ko dito sa bahay”, alanganing ngiti nya sa binata. Lalo naman syang nainlove sa itsura ni Angela dahil kahit kagigising lang nito ay mukang fresh pa din tingnan lalo pa at walang make-up, she’s really beautiful! bulong ni Rassid sa sarili. Napansin naman ni Angela ang bitbit nito sa dalawang kamay, sa isa ay ang sapatos nya at sa isa naman ay brown paper bag. Agad niyang kinuha ang sapatos sa kamay nito. “nakakahiya naman sayo Sir binitbit mo pa yun shoes ko”.
“No don’t mention it okay lang, lagay ko na ito dito ha?” sabay babang brown paper bag na dala nito na may laman pa lang breakfast meal. Naamoy ni Angela ang amoy ng brewed coffee kaya’t sa hindi inaasahang pagkakataon ay kumulo ang kanyang tiyan at nadinig nila ito pareho. Nagkatinginan sila ni Rassid at sabay na nagtawanan, pulang-pula naman si Angela dahil napaghahalatang gutom na siya.
“Sabi ko na nga ba at gutom na ang dancing queen”, sabay kindat nito kay Angela upang mawala ang pagkailang sa kanya. “Salo na tayo, hindi pa din ako nagbi-breakfast eh” nakangiti si Rassid sa kanya kaya’t kitang kita nya ang malalim na biloy nito sa pisngi. Saktong kakalasin ni Angela ang kape ng ito din pala ang gagawin ni Rassid kaya’t nagkatinginan pa sila ng mahawakan ng binata ang kanyang mga kamay, agad naman itong binawi ng binata. “Oppsss! Sorry sige ikaw na magprepare ng food”.
Lalo naman hindi malaman ni Angela ang gagawin dahil naramdaman nya na naman ang pakiramdam na parang naga-ground sa tuwing magkakadikit ang katawan nila ni Rassid. “Hey wag ka mailang sa akin okay?” napansin kasi ng binata na natataranta ang dalaga sa pag-asikaso sa kanya. “Just sit there and have your breakfast wag mo na ako intindihin maaabot ko naman in one snap oh”.
“Nakakahiya po kasi Sir kayo pa ang nagdala ng kape imbes ako ang mag-offer sa iyo”, kakamot-kamot ng ulo si Angela. “Ganun daw talaga kung sino yun bisita dapat siya ang magdadala ng pasalubong”, ganting sagot naman nito sa dalaga. Bacon burger na may vegetable toppings ang laman ng breakfast na dala ng binata kaya lalong natakam si Angela at talagang gutom na din siya, may nakahiwalay din sa isang container na vegetable salad.
“Kain na po Sir”, nakangiting anyaya nya dito. Umupo sya sa kabilang dulo ng lamesa at nagsimula silang kumain ng tahimik. Sabi nga sa biruan, “may dumaan na anghel” habang silang dalawa ay kumakain. Hindi nakatiis si Rassid kaya sya na ang nagbukas ng usapan.
“Angela I want to thank you for last night, you really did a good job, sabi nga ni Ms. Gina you are a good student”.Napangiti naman ang dalaga, “ mas dapat ako magpasalamat sayo Sir, from that sure ako na makakapagpatuloy ng pag-aaral this coming Semester, Sir parang na-offend ko yata si Ms. Rhiana…”
“Don’t mind her, she has nothing to do with my business”, agaw nito sa sasabihin pa ng dalaga. Halatang hindi interesado ang binata na pag-usapan ang girlfriend. Pero paano naman ang binitawang salita nito sa kanya kagabi?Hindi pa daw sila tapos, ano naman ang laban nya dito. Pinili nyang wag na lamang niya itong sabihin kay Rassid dahil baka magmukha syang sumbungera ata mag-away pa ang magkasintahan.
“If she did something to you sabihin mo agad sa akin I don’t want her to ruin my business plans” dagdag pa nito.
See Angela, business plan, everything between you and Rassid was just part of his business plan kaya wag kang assuming girl, sa loob-loob ni Angela. Wala sa loob na humigop si Angela ng kape at huli na para marealize nya na napakainit pa pala nito dahilan para mapaso ang kanyang bibig kaya’t naibuga nya ang hinigop na kape. Agad namang napatayo si Rassid upang daluhan ang dalaga subalit hindi naman alam kung paano ang gagawin. “Hey be careful mainit ang kape” at napaupo sya sa harap ni Angela para tingnan ang napasong bibig nito.
Halos naluha naman si Angela sa pagkapaso ng bibig, kung ano-ano kasi naiisip ko ayan tuloy nasabi nya sa sarili. Punong-puno naman ng pag-aalala ang binata lalo na ng nakitang naluha ang dalaga, at sa instinct ng damdamin ay nahawakan nya ang pisngi ng dalaga na napatingin din sa kanyang guwapong mukha. Sinalat naman ni Rassid ang kanyang labi para i-comfort sya kung saan pareho silang nakatitig sa isa’t-isa. Bumibigat ang paghinga ng binata habang halos pabilis naman ng pabilis ang t***k ng puso ni Angela at hindi naman sya tumututol sa nangyayari, parang naliligayahan pa nga ang puso nya na halos kapantay nya ito sa pagkakaupo sa kanyang harapan. Nararamdaman ng tuhod ni Angela ang malakas na pagtibok ng puso ng binata dahil nakadikit ito sa dibdib ni Rassid.
Unti-unting inilapit ng binata ang kanya at ang labi sa labi Angela at ng maglapat ito ay kapwa sila napapikit, marahan ang dampi nito na halos lalong nagpatibok kapwa ng kanilang mga dibdib. Nang maramdaman ni Rassid na walang pagtutol sa dalaga ay lumalim ang kanyang halik dahil pakiramdam nya ay napakatamis ng mga labi ng dalaga na alam nyang first time makaranas ng halik dahil hindi naman ito nagreresponde kundi naghihintay lamang ng kung ano ang kanyang gagawin. Maya-maya lang ay naramdaman nya na ginagaya na ni Angela ang kanyang ginagawa kaya’t napahawak na ang isa pa nyang kamay sa pisngi ng dalaga habang naipatong naman nito ang mga kamay sa kanyang balikat. Malalim subalit marahan na nagungusap ang labi ng isa’t-isa na parang ginagamay ang galaw habang ninanamnam nila na kapwa nakapikit, walang nais bumitaw walang nais magbukas ng mata dahil sa sensasyong kapwa nila nagugustuhan.
May tumutunog na cellphone subalit hindi nila alintana iyo, ayaw ng maghiwalay ng kanilang labi pero ayaw na din lumubay ng katutunog ng cellphone na nasa bulsa ni Rassid kaya’t ng maisip ni Angela ang nangyayari ay bigla syang kumalas kay Rassid at itinuro nyang excuse ang cellphone nito. Tila naiinis naman ang binata at parang naaasar sa kanyang cellphone na walang tigil sa pagring at lalo syang napamura ng makta kung sino ang “nang-istorbo” sa kanila ni Angela, si Rhiana lang naman. “s**t!” mahinang sabi nito pero narinig to ni Angela at nabasa naman nya kung sino ang tumatawag ng silipin ito ni Rassid kaya’t anumang damdamin na umaalipin sa kanya kanina ay agad nawala dahil sa reyalidad na hindi sya ang girlfriend ni Rassid pero nakikipaghalikan sya dito.
Tumayo saglit si Rassid upang ipamulsa ang cellphone matapos i-off iyon kaya mabilis na nakahanap ng paraan si Angela para hindi na maituloy pa ang ginagawa nila ng binata dahil baka kung uulitin ito ay bumigay na naman sya.
Para namang na-frustrate ang binata ng paglingon nya sa dalaga ay kumakain na uli ito kaya’t napilitan syang bumalik na lamang sa kanyang upuan habang nakatitig sa hindi makatingin sa kanya na si Angela. Nagdidiwang naman ang kalooban ni Rassid dahil sa nangyari kani-kanina lamang. “I’m sorry Angela, I didn’t mean to do that” ... pagsisinungaling ng binata pero parang gusto nyang batukan ang sarili dahil ang totoo ay ginusto nya talaga ang ginawang paghalik sa dalaga dahil hindi na niya mapigilan ang damdamin. Sinulyapan lang siya ng dalaga sabay sabi nito, “Ako din sir pasensya na, at mukhang wala na siyang lakas ng loob na tumingin sa amo dahil ikaw ba naman ang makipaglaplapan sa boss mo na hindi naman kayo magboyfriend.
“Hindi sa tinataboy kita Sir, pero mukang may lakad kayo ni Ma’am Rhiana”, hindi alam ni Angela ang sasabihin pero kusang lumabas sa bibig nya ang salitang iyon na parang nasasaktan ang kalooban nya isipin pa lang na magkakasama ng binata ang girlfriend nito. Hindi na nagawang ituloy ni Rassid ang pagkain dahil sa mga oras na iyon ay naghahalo ang kanyang nararamdaman, una panghihinayang na naputol ang halikan nila ni Angela, pangalawa ay nag-aalala sya ngayon dahil baka lalo ng maging mailap sa kanya ang dalaga lalo at hinalikan nya ito at baka isipin na sinasamantala nya ang pagkakataon.
“I’ll settle things with her and then we will talk”, nasabi ng binata.
“ Don’t mind me Sir ok lang ako, pasensya na din”, hindi makatingin ng diretso si Angela sa amo.