CHAPTER 15

2111 Words
   Hindi malaman ni Angela kung lalabas na ng CR matapos nyang maisuot ang damit na susuotin nya sa kanyang performance ngayong gabi sa bagong Branch ng Hera Club. Nasanay na sya dahil ganito naman halos ang kanyang suot sa 2 weeks training subalit iba ngayon, bukod sa mag-isa nya na lang sa stage, naiisip nya pa ang magiging reaksyon ng mga tao sa kanyang paligid lalo na ang mga kalalakihan. Kinalma nya ang kanyang sarili at pumikit sabay isip sa 50K na napag-usapan nila ng kanyang amo na si Rassid.    Maya-maya ay nakarinig na siya ng pagkatok ng kayang besh na si Trishia, ipinagpaalam kasi niya ito kay Rassid na i-assist siya sa pag-aayos sa kanya at talagang kailangan nyang –iboost nito ang loob nya dahil sa totoo lang parang tinatambol ang kanyang dibdib sa sobrang kaba.    “Anong petsa na Madam Angela?” narinig nyang pabirong sabi ng kaibigan kaya’t maya-maya pa ay binuksan nya na ang  pinto ng dressing room at dahan dahang lumabas. “Ahahayyy!, sino po kayo Dyosa ng kagandahan?” maarteng nasabi ni Trisha habang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa.    “Besh naman eh kita mo na ngang kabang-kaba ako”, maluha-luhang sagot naman ni Angela.    “Ay sige lang patuluin ang luha para mabura ang pinaghirapan kong make-up ganern!” natatawang sabi na naman ni Trisha sa kaibigan. Okay sige sundin mo ako  Inhale…. Exhale…. Maarteng iminostra pa nito kung paano sya gagayahin ng dalaga. Sumunod naman si Angela at ipinikit din ang mata at ginaya ang ginagawa ng kaibigan. Habang tinutulungan sya mag-relax ni Trisha ay naramdaman nila ang biglang pagbukas ng pinto at sabay silang napatingin dito.    “Hey Angela be ready in 5 minutes mag-s….”hindi na naituloy ni Rassid ang sasabihin sa dalaga at natulala na lamang itong nakatitig sa nakitang ayos at suot ng dalaga. Silang tatlo ay parang na-freeze pansamantala at walang makapagsalita. Si Trisha naman ay lihim na natatawa sa itsura ng boss ng kaibigan, damang-dama nya na sobra ang pagkashock nito ng makita ang kaibigan na akala mo Dyosa sa kagandahan, kaya’y nag-ubu-ubuhan na sya para matapos na ang pare-pareho nilang pagkabigla.    “W-we-well mag-start na”, nagkakandabulol pa din si Rassid na hindi inaalis ang tingin kay Angela na noon ay kulang na lang na magtago sa likod ni Trisha, naramdaman naman nyang pinitik sya ng kaibigan sabay bulong “umayos ka besh” subalit ang tingin ay na kay Rassid na tila nagpapa-cute pa.    “Y-yes Sir okay na po ako”, nahihiya pa din na sagot ni Angela.    “O-okay I gotta come out, yun bilin ni Ms.Gina stay focused okay? at dahan –dahan na nitong isinara ang pinto.     Tumili naman ng ipit na ipit si Trishia sa sobrang kilig sa boss ng dalaga. “May crush sayo yun Boss mo girl!” makahulugang titig nito sa dalaga kaya’t lalo naming namula ang mga pisngi nito dahil nakita nya din mismo kung paano natigilan si Rassid ng makita sya at sya man din ay may kakaibang kaba na nararamdaman sa tuwing nakikita ang amo kaya’t para syang matutunaw kanina ng titig na titig ito sa kanya.    “Grabe sya crush agad eh talaga naman kaseng nakakabigla itong outfit ko, besh di ba ako mukhang belyas?”    “Gagah! Anong belyas. You are work of art my beshy, kaya galingan ang pagpoproject, sabi nga ng Boss Rassid  focused okay?” Maya-maya pa ay lumabas na sila ng dressing room at sumilip kung saan natatanaw nila ang nagsasalita sa stage, si Rassid ang nakaakyat duon habang nagbibigay ng welcome remarks sa mga naroroon na bar goers. Subalit makikita sa mga mata nito na patingin-tingin sa gawi nila ni Trisha.    Maya-maya pa ay narinig na nila ang host ng bar na nagsalita at ipapakilala na sya bilang stage performer ng gabing iyon. “And now ladies and gentlemen, I was so excited to present this young lady who is about to catch your attention tonight, I bet that this lady will chill your bones as she gives us a performance that will give you reason to come back here regularly”, mahaba pang pasakalye nito. Let us welcome… Angela!    “Go besh keri mo yan!” mega support naman ang Trishia sa dalaga. Isa pang hingang malalim at unti-unting lumakad si Angela palapit sa stage habang sa kanang kamay ay hawak ang mascara na props nya upang pansamantalang itago ang kanyang mukha. Bagamat sobrang kaba, alam nyang nandito si Ms. Gina kaya’t binuo ni Angela ang loob at taas noong lumakad palapit sa stage kung saan madilim ang paligid at tanging ang spotlight ay nakatuon lamang sa kanya.    Pagpasok nya pa lamang sa bulwagan ay tila natulala ang mga naroroon lalo na ang mga kalalakihan, habang si Angela ay sinasabayan naman ang beat ng tugtog ng kanyang gagawing pole dancing. Maya-maya pa ay sinuyod nya ang bawat sulok ng stage na tila ipinaparada ang kanyang kagandahan, hanggang sa paglapit nya sa pole ay inalis nya na ang hawak na mascara at ihagis ito sa kumpol ng mga kalalakihan na nakanganga lamang sa panonood sa kanya.    Lalo silang napahanga ng alisin ng dalaga ang nakatakip sa kanyang mukha, tila Dyosa ang nakikita nila sa stage habang kasamba-samba ang katawan nito na bagay na bagay ang kasuotan, maging ang mga kakabaihan na naroon ay makikita ang paghanga at ang ilan naman ay tila naiinggit sa katawan na mayroon si Angela. Marahang gumalaw si Angela at sinabayan ng indayog ng katawan ang tugtuging Dancing Queen, at maya-maya pa ay ipinakita na ang husay sa pagsayaw ng pole dancing.    Walang nais magsikibo, tanging ang atensyon ng lahat ay nakatuon lamang sa dalagang buong graceful na sumasayaw sa stage. Sa di kalayuan sa stage, napatayo din ang grupo ni Rassid ng lumabas ang dalaga, lahat sila ay iisa ang reaksyon ng mukha, hangang-hanga sa kagandahan at magandang katawan ng dalaga. Lalo namang pinagbuti ni Angela ang pagpo project ng mahagip ng tingin si Ms. Gina na noon ay abot ang thumbmark sa kanya na tila sinasabing “good job!” at proud na proud sa kanya.    Tumagal ng mahigit  sampung minuto ang performance ng dalaga, kaya’t ng matapos sya sa pagsasayaw, gaya ng inaasahan ay standing ovation ang lahat at malakas na palakpakan lamang ang maririnig sa buong Hera Club ng gabing iyon. Halos habulin naman ni Angela ang kanyang paghinga at bago bumaba ng stage ay yumukod pa sya sa mga taaong naroroon at nagpakawala ng flying kiss na pabiro namang sinalo ng ibang kalalakihan na naroroon. Palakpakan,paswitan,  at pagsigaw ng “more!” ang maririnig sa mga ito. Habol ang tingin ng mga kalalakihan sa dalaga nang sya ay pababa na sa stage at magtungo sa dressing room kung saan proud na proud naman ang kanyang kaibigang si Trisha.    “Kabang-kaba ka pa nyan ha besh!” masayang bati nito sa kanya. “Okay lang ba ginawa ko besh?” ganting tanong naman ni Angela.    “Ay! Palong-palo kaya!hahahaha” masayang masayang wika naman ni Trisha sa kaibigan. “Oh eto punas ka na muna ng katawan mo at lagkit-lagkitan na yang kili-kili mo”, dagdag pa ni Trisha. Kinuha naman ito ni Angela at ipinunas sa basa ng pawis na katawan. Mga limang minuto matapos ang performance ay may kumatok sa pinto kaya’t binuksan ito ni Trisha at nakita nila sina Rassid at Ms. Gina na may dalang kopita ng alak para sa kanilang apat.    “Congratulations Angela! Let’s toast for that amazing performance”maluwang ang pagkakangiti ni Ms. Gina habang si Rassid naman ay nagmamamsid lamang sa kanilang pag-uusap subalit hindi inaalis ang pagkakatingin sa kanya. “Hey Boss Rassid aren’t you going to say anything to Angela?” nakangiti ng makahulugan si Ms, Gina sa binata dahil maging ito ay kitang kita ang pagtitig ng binata sa dalaga.    “Well let’s cheers for that! You surprised us all Angela” sabi naman ni Rassid na tila hindi pa nakakamove-on sa ipinakitang galaw ng dalaga. Sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang mga kopita at nilagok ang laman nito. Napaubo naman si Angela ng malasahan ang alak na laman dahil hindi naman sya sanay na umiinom ng mga ganitong inumin, kaya’t napatingin sa kanya ang tatlong kasama.    “Ah eh-sorry, hindi lang ako sanay, nahihiyang nasabi na lang ng dalaga. “Ikaw talaga besh virgin sa lahat ng bagay” wala naman sa loob na komento ni Trisha kaya’t lihim syang kinurot ni Angela sabay napa-“aw” ng maarte at tumawa kaya’t napatawa na din si Ms. Gina at Rassid.    “Okay go get changed first and we will wait for you two outside”, sabay kindat sa kanya ni Rassid. “Sir!...tawag naman ni Trisha sa binata. “Yes?”    “Pati po ba ako kasama?” medyo naaalangan na tanong ni to kay Rassid. “Of course, you made our dancing queen like Angel kaya kasama ka sa celebration” at sa pagkakataon naman na iyon ay siya naman ang kinindatan nito, kaya’t kilig na kilig naman ang baklitang kaibigan ni Angela.    “Girl nadinig mo yun? Kasama ako ahahay nakita ko ang daming ombre kanina kaupuan ng Sir mo, ulam na ulam sila besh!” maharot pa nitong komento kaya’t napayakap si Angela sa kaibigan.    “Salamat sa support ha besh”,    “Ay madrama, hala bihis na at hinihintay na tayo dun at ng makasilay na ng mga ombre hihihi” sagot naman nito kay Angela. “Ay wait! May iniabot pala si Sir Rassid dito kanina, ito daw isuot mo after ng performance mo, inabot sa kanya nito ang isang box at ng buksan nila iyon ay napanganga sila pareho dahil alam nilang mamahaling kasuotan ito. Isang itim at eleganteng black dress na above the knee ang haba kung saan huhulma ang magandang katawan ng dalaga subalit sag awing itaas ay makikitang hindi ito masyadong daring kaya’t nagustuhan ito ni Angela.    “Wow! Ibang klase special treatment ang besh ko kala ko ba suplado hmnnnn…”at makahulugan na namang tiningnan nito ang kaibigan.    “Sshhhh! May makarinig sayo baka akalain ma-feeling ako,” saway naman nito sa kaibigan, “syempre he has to be good to me para galingan ko performance ko lagi”, dagdag pa ni Angela.    “Nakakalimutan mo yatang sa original composition ng pagkatao ko eh adan ako, kaya alam ko ang mga galawang ganyan”, nagboses lalaki at umakto pa ito na parang isang tunay na lalaki kaya’t tawang tawa si Angela sa kaibigan at nakurot nya ito sa beywang na ikinatili naman nito.    “Kadiri ka besh di mo bagay!” natatawang wika ni Angela.    “At siya namang tunay! Kinikilabutan nga ako sa ginawa ko oh!” kunyari namang nandidiri naman sa sariling inarte ni Trisha. “Sya sige magbihis ka na at naghihintay na sila duon sa labas at ng mai-retouch pa kita” pagtataboy nito sa dalaga.    “Nagustuhan ni Angela ang nakitang gayak nya suot ang damit na ibinigay ni Rassid, kahit ngayon nya lang naranasan na magsuot ng ganito kamahal na damit. Nang makita ni Trisha ay agad-agad na naman itong nagkomento kaya’t inari nya na lang na biruan nila itong magkaibigan.    “In just 2 weeks nakibasado na talaga ng Boss nya yun vital statistics eh no?”    “Halika na nga besh ikaw masyado kang madaldal, sabay kawit nito sa beywang ng kaibigan subalit pinigilan sya nito kaya nagtaka sya. “Bakit?”tanong nya ditto.    “Hep, hep, di ba ire-retouch pa kita saglit?”    “Ay oo nga pala, sige na nga pero nipisan mo na lang at wala naman na ako sa stage” bilin pa ni Angela.    “Syempre babagayan po yun dress nyo hano”, natatawang sagot naman ni Trisha sa kaibigan. “Hay naku friendship dapat medyo uma-upgrade ka na ng mga galawan sa world wag na masyadong mahiyain, gusto ko yun nakita kong Angela kanina palaban ganern!” Mahabang paglilitanya nito sa dalaga habang nirere-touch ang make-up ng kaibigan kaya wala pumikit na lamang si Angela at hinayaang magdadaldal hanggang sa matapos.     Matapos na makapag-retouch ang magkaibigan ay lumabas na sila sa kinaroroonan nila Rassid at Ms. Gina, kinawayan sila ng mga ito at lahat ng kasama nila sa table ay hinintay ang paglapit ng magkaibigan na halatang sabik sa paglapit ng dalaga.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD