CHAPTER 9

1408 Words
Nasa kabilang kanto pa lang ako ay tanaw ko na si June na nakatayo sa may gate namin kausap si Lito. May hawak ito na tila bouquet ng bulaklak. Maski ang puting Fortuner ay andun na din sa tapat ng bodega. Dapat ay sa diversion road ako dadaan kanina na kung saan magmumula ako sa likod ng Fortuner. Binalak kong huminto sa likod ng Fortuner para malaman ko na kung sino ang nasa loob nito. Kaso nagtext si June na nasa bahay na daw siya at inaantay ang pagdating ko kaya last minute ay napagdesisyunan ko na icancel ang balak ko. Di bale may next Friday pa naman. Intay intay lang Mariel. Malalaman mo din kung sino ang nasa loob ng Fortuner, sabi ko sa sarili ko.  Pagbaba ng kotse ay sinalubong agad ako ni Lito para kunin ang mga gamit ko sa kotse.  "Unsyami, Te." Ani ni Lito. "Marami pa namang Friday." Sabay kindat ko sa kanya.  "Hi, Mariel. These are for you." Ani ni June sabay abot sa akin ng flowers na bitbit niya "Hi, June. Salamat. They're lovely. Matagal ka bang naghintay?"  “Hindi naman.”  Nakangiting sagot ni June. “Tara pasok tayo sa bahay.”  Aya ko kay June. Nagmano ako kay Nanay na nakaupo sa sofa. "Nay, si June po. Apo po ni Nana Auring. Ung kababata ko po dati." "Oo, nak. Kilala ko si June. Matagal ka na niyang tinatanong sa amin nina Tita mo. Buti naman nagkita na kayo." Pahayag ni Nanay habang nagmamano sa kanya si June.  Namula si June sa sinabi ni Nanay.  "Si Tita naman, binubuko nyo po ako kay Mariel. Baka akalain po ni Mariel na stalker niya ako." "Sa gwapo mo na yan, ok lang na maging stalker kita kung ako ay kasing edad mo." Ani ni Tita Nina na galing sa kusina "Mano po, Tita." Sabay pa kaming nagmano ni June kay Tita Nina.  "Mariel, anak, dumiretso na kayo sa kusina para makapaghapunan na kayo ni June."  "Sige po, Nay. Tara, June." Aya ko kay June.  "Salamat po, Tita. Sama na po ako kay Mariel sa kusina." Ani ni June kina Nanay.  "Maupo ka na muna, June. Maghain lang ako ng makakain natin."  Saad ko kay June nang makapasok kami sa kusina. "Tulungan na kita." Alok ni June.  "Sus, wag na. Kaya ko na to. Umupo ka na lang diyan."  Tugon ko kay June sabay turo sa dining table na nasa kusina.  Looking at June, I can say na gwapo talaga siya. Papasa siyang fashion model kahit na naka walking shorts at white tshirt lang siya ngayon.  Any girl would fall for him pero sad to say, I am not that girl.  Gaya din sa mga dating nanligaw sa akin, wala akong kilig na naramdaman for him.  Wala ding spark akong naramdaman kahit kanina nung inabot niya sa akin ung flowers na dala niya.   Natigil ang aking pag-iisip ng marinig ko ang pagtawag ni Lito. "Ate Mariel!"  Sabay pa kami ni June na napatingin kay Lito. "O, Lito, bakit?" Tanong ko kay Lito nang makarating ito sa kusina.  "Lalake." Ani ni Lito sa akin.   "Lalake ang alin?" Nagtataka akong tanong kay Lito.  "Lalake po ung sakay ng Fortuner." Sagot sa akin ni Lito. Halata na siguradong sigurado siya sa nakita niya.  "Weh??" Tanong ko ulit kay Lito na hindi makapaniwala. "Opo, Ate Mariel." Pilit nito sa akin.  "Paanong...?" Hindi ko na natapos ang tanong ko kay Lito dahil nakita kong tila nakikinig si June sa usapan namin ni Lito kaya bigla kong  kinagat ang ibabang labi ko biglang senyas kay Lito na itigil na muna namin ung paguusap namin na agad namang nakuha nito ang gusto kong ipahiwatig.  "Ay sige po, Ate Mariel. Nakakahiya naman kay Kuya June.  Naiistorbo ko kayo.  Balik na ako sa tindahan." Pagpapaalam sa amin ni Lito.  Nginitian din niya si June bago lumabas ng kusina.  "Anong sakay ng Fortuner?" Tanong sa akin ni June nang makaalis na si Lito.  "Ah wala yon. Ung pinapanood lang namin ni Lito na series sa TV." Pagkakaila ko kay June.  "Ah. Matagal na sa inyo si Lito?" Tanong ni June.  "Mga apat na taon na simula ng maulila siya e kinupkop na namin." "Si Ate Lori nga pala? Asan na siya?" "May sarili ng pamilya si Ate Lorie.  Kinasal siya four years ago.  Sa Alabang sila nakatira at may isang anak na." Nakatapos na akong maghain kaya umupo na din ako sa tapat ni June "Tara. Kain na tayo." Aya ko kay June.  Habang kumakain ay nagumpisa ng magsabi si June ng kanyang nararamdaman para sa  akin "Mariel, tungkol sa sinabi ko sayo nung nakaraan. Manliligaw sana ako sayo." "Un nga din sana sasabihin ko sayo. Are you sure na liligawan mo ako? Kasi kung pwede sana wag mo ng ituloy, June. Ayoko kasing maging unfair sayo. Tatapatin na kita. Hindi pa ako nakamove on sa unang nakarelasyon ko. Besides ayokong masira ung friendship natin na ngayon pa lang natin ulit binubuhay, June." "Naiintindihan kita, Mariel. Willing naman akong maghintay until such time na ready ka na magtiwala ulit. Hayaan mo lang akong maging kaibigan mo. Let me help you to move on, Mariel. Malay mo dumating ung time na makamove on ka na. I hope ako ung piliin mo na bigyan ng chance." Ani ni June.  "Pano kung hindi ako makamove on, June?  All these years, I am stuck sa first love ko." Giit ko kay June.  "Ok lang kasi friends naman tayo di ba. Hindi mo man ako maging BF e ok na sa akin ung maging BFF mo." "Sure ka? No hurt feelings?" "Oo, sure ako. Kahit BFF lang tayo, Mariel." Ani ni June.  Ayan na naman siya. He's using another gay term.  "Ok. Salamat, June."  "Salamat din, BFF Mariel."  "I like that, BFF June." "So who's the guy na hindi ka pa nakakapag move on, BFF?" Tanong sa akin ni June.  "Ayoko nga. Baka pagtawanan mo ako." "Try me. BFF na tayo di ba?" "Promise hindi mo ako pagtatawanan?" "Promise."  Itinaas pa nya ang right hand niya na tila sumusumpa then nag cross my heart pa si June sa akin.  So I started telling him my story. Nang matapos ako sa pagkwekwento, inintay ko kung ano magiging reaction niya pero hindi ito nagsasalita.  "Uy, ano na?" Tanong ko ng hindi na ako makatiis sa paghihintay na magsalita siya. "Wala." Tipid na sagot ni June sa akin. "Anong wala?" "Wala akong masabi kasi ang painful ng pinagdaanan nyo tiyak pareho. Kasi naghiwalay kayo na mahal na mahal niyo pa ang isat isa. Kaya I may not know him pero nakakatiyak ako na hindi pa din siya nakakamove on sayo." Ani ni June. "Do you think so?" Tanong ko kay June.  "Yes. Coming from a man's point of view, I'm sure nagdusa din siya. Baka nga andyan lang siya sa paligid. Hindi ka lang aware kasi nga ang tingin mo laging nasa malayo. Saka tignan mo, he could have waited for you to be older para ligawan ka niya. Pero hindi. He took the risk na mahalin ka niya at ligawan ka niya kahit alam niya na hindi ka pa matured enough to feel and handle real love. Kasi nga ayaw niyang may lumigaw sayong iba. Ayaw niyang maunahan siya ng iba." "Bakit mo sinasabi sa akin yan? Supposed to be, you should discourage me from entertaining such thoughts para mabigyan kita ng chance di ba." Tugon ko kay June. "BFF na nga tayo di ba. Saka that's not my personality.  I don't put people down just to put myself up."  "Ay, love na kita BFF." Nakipag appear pa ako kay June.  "Wait, BFF. Can I ask you something? Please be honest. Pero kung ayaw mong sagutin, ok lang sa akin." "Ano yun, BFF?" "Are you gay or something else?" "I am both. Still in the process of determining what I really am." Pagtatapat ni June. "Sabi ko na nga ba e."  "Wag kang maingay ha, BFF." "Sure BFF. Love you, BFF."  "Love you too, BFF." Inabot kami ng almost 12am sa pagkwekwentuhan ng aking bagong BFF na si June. He told me na closet beauty pa siya kasi nga natatakot siya na baka hindi siya tanggapin ng family niya. Pero I advised him to try telling his family kasi talikuran man siya ng ibang tao, his family will still accept him.  Hay, thank God, hindi na nadagdagan ang mga taong nasaktan ko. I gained a friend instead. A peculiar friend. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD