CHAPTER 10

1102 Words
"Lito, nasaan ka?" Sigaw ko sa pinsan ko mula sa kusina. Matatapos na akong kumain ng agahan ng maalala ko na di pa pala kami nakapag usap ulit ni Lito tungkol sa sinasabi nya kagabi about sa puting Fortuner. Kasi nga napasarap ang kwentuhan namin ni BFF June kagabi. Tulog na si Lito nung umuwi si June.  "Dito po ako, Ate Mariel, sa tindahan." Pabalik na sigaw sa akin ni Lito.  "Tara muna dito. Andyan naman si Nanay sa tindahan." Balik kong sigaw ulit kay Lito.  "Andyan na po, 'Te Mariel", sigaw naman ulit ni Lito sa akin. Ganyan kaming dalawa pag nasa bahay ako. Maingay kaming dalawa. Minsan napapagsabihan kami nina Nanay kasi daw ang ingay naming mag usap ni Lito. Para daw kaming mga taong bundok na nagsisigawan kung mag usap. Natatawa na lang kami ni Lito pag napapagsabihan kami ni Nanay.  Mayamaya ay pumasok na si Lito sa kusina saka umupo na siya sa upuang katapat ko. "Ano na? Tinulugan mo ako kagabi." Bungad kong tanong  sa kanya. Nakataas na pareho ang isang paa namin sa mga upuang inuukupa namin. "Ano pong ano na, Ate Mariel?" patay malisyang tanong ni Lito sa akin pero halata naman na nangungulit lang siya sa akin.  "Lito!!!" Saad ko sa kanya habang nakataas na ang isang kilay ko.  "Si Ate Mariel naman. Hindi na mabiro." Nakangisi niyang sagot sa akin. "Lalake nga po ung sakay nung Fortuner." Ani niya na halatang sigurado siya sa sinasabi niya "Paano mo nga nalaman?" Pag-uurirat ko kay Lito. "Kasi nga po huminto pa siya kagabi sa mismong tapat ng tindahan natin. Naaninag ko na lalake ung sakay dahil may konting liwanag sa loob nung Fortuner. Tila nga nakatingin pa nga ung sakay dito sa atin. Nung lalapitan ko sana, mabilis na pinaandar ung Fortuner." Kwento ni Lito.  "Sa Friday talaga sa diversion road na ako dadaan para maikutan ko yang Fortuner na yan nang matapos na yang pagiging mysterious niya." Tugon ko kay Lito.  "Call mo ako, Te, para may back up ka. Baka kung mapaano ka pa." Bilin ni Lito sa akin. "Sige pagplanuhan natin para malaman na natin kung sino siya at kung ano ang pakay niya sa akin." Saad ko kay Lito.  "Lalabs mo ko talaga, no?" Naglalambing kong tanong kay Lito.  "Oo naman, Te Mariel, lalabs kita kasi lalabs mo ako."  Nakangiting sagot sa akin ni Lito. "Payakap nga si Ate." Inilahad ko ang mga braso ko. Patakbo pang lumapit sa akin si Lito para yumakap sa akin. Ako at si Lito ay parang ako lang at si Ate Lori noon. Hindi man kami magkapatid pero mas higit pa sa magkapatid ang turing namin sa isat isa.   "Bukas punta tayo sa mall. Ibibili kita ng bagong cellphone. Nakakaawa na yung cellphone mo. Kagwapo gwapo mo, dugyot ang cellphone mo. Saka magkakacollege ka na kaya dapat gwapo na din ang cellphone mo." Ani ko habang nanggigigil na nakayakap kay Lito na hindi naman nagrereklamo pag niyayakap ko siya ng ganoon. "Talaga, Te Mariel?"  Excited na tanong ni Lito.  "Oo. Reward ko sayo yon kasi balita ko matataas ang grades mo saka hindi mo pinababayaan si Nanay at sina Tita dito. Early graduation gift ko na din sayo. Pero hindi yong  mamahalin ha." Nakangiti kong saad sa kanya. "Maraming salamat, Ate Mariel." Mas humigpit pa ung yakap ni Lito sa akin. "Kahit ano pa ibili mo sa akin. Choosy pa ba ako eh pinagaaral mo na nga ako tapos kung ano ano pa binibigay mo sa akin."  Ani ni Lito na tila naiiyak. "Sus, ang drama mo ke aga aga. Deserve mo naman yan kasi matalino at masipag ka. Saka di ba, promise ko sayo na ako ang bahala sayo hanggang maging engineer ka na." Saad ko kay Lito. Ginulo ko pa ang buhok niya na ikinatawa namin pareho. Nagkwentuhan pa kami ni Lito tungkol sa pag aaral niya at sa mga happening sa bahay nung mga nakaraang araw na nasa Manila ako. Tapos na akong maghugas ng pinagkainan ko ng narinig naming tila may sasakyang huminto sa tapat ng tindahan. Sabay pa kaming sumilip ni Lito sa pintuang papunta sa tindahan para masiguradong tama ung nadinig namin.  Meron nga. Ung Fortuner na puti.  Nagkatinginan kami ni Lito.  "Yon ba un, Lito?" Nagtataka kong tanong kay Lito. "Oo yata, Te Mariel." May pagaalangan na sagot ni Lito. Parehong nagkakandahaba ang leeg namin ni Lito habang tinitignan ung puting Fortuner. "Bakit dito huminto sa tapat ng tindahan natin?" Tanong ko ulit kay Lito. "Hindi ko alam, Te Mariel." Saad naman ni Lito habang nakatingin pa din sa Fortuner. Mayamaya ay nakisilip na din sa amin sina Tita Nita at Tita Nina. Maski sila ay nagtataka dahil wala naman kasi kaming kakilala na nagmamay ari ng ganyang kamahal na sasakyan.  Si Nanay naman na nakaupo sa loob ng tindahan ay halatang hinihintay din kung may bababa mula sa humintong Fortuner na nasa harap ng tindahan namin.  Narinig namin ang pagsara ng pinto ng Fortuner at paglock ng pinto nito gamit ung car key lock kaya tumunog ang Fortuner. Hindi pa namin makita ung mukha ng taong bumaba sa Fortuner dahil nasa kabilang side pa siya ng kalsada. Mayamaya ay pumasok na sa tindahan ang sakay ng Fortuner. Isang lalake na halos kasing taas ko lang din na nakashades, striped polo shirt, maong pants at rubber shoes na halatang branded lahat. Yayamain siyang tignan. Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Pero hindi pa man niya tinatanggal ang shades niya, napagtanto ko na kung sino ang lalakeng nasa harapan namin na nasa loob mismo ng tindahan namin at particular na nakatingin sa akin habang nakangiti na nagdulot ng pagkabog ng dibdib ko. s**t, ani ng utak ko. Ilang taon man na ang lumipas pero hindi ko kailanman makakalimutan ung ngiti na yon at ang mukha ng taong nasa harap namin ngayon na kahawig pa din ni Albert Martinez. Kahit na nagmature siya ay mas lalo pa siyang gumwapo at medyo naging macho ang pangangatawan na lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ko.  Oozing with confidence pa din siya gaya noong mga panahong crush ko pa lang siya. Nakita kong napangiti na si Nanay at sina Tita ng mapagtanto na din nila kung sino ang lalakeng nasa harapan namin samantalang si Lito ay mukhang nagtataka pa din kung sino ang lalakeng nasa harap namin na nakangiti sa akin.  "Hi, Love." Ani ng nakagiting lalake sa akin.  Ung ngiti at ung sinabi ng lalakeng bumaba sa Fortuner ang huling naalala ko bago ako nawalan ng malay pati na ang pagsigaw ng pagkabigla ni Tita Nina, "Mariel!, at ni Lito, "Ate Mariel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD