CHAPTER 11

1142 Words

Nagising ako na nakahiga sa kama ko sa loob ng kwarto ko.  Inilibot ko pa ang mga mata ko sa loob ng kwarto ko. Wala namang ibang tao. Ako lang. Agad akong tumayo at tinignan ang sarili ko sa salamin. Wala namang nagbago. Thank God, panaginip lang pala yon. Akala ko totoo na. Dahil kung totoo ngang hinimatay ako, dapat nandito sa loob ng kwarto ko sina Tita, si Lito, si Nanay at yung lalakeng yon.  Eh wala sila kaya panaginip lang yon. Anong oras na ba? Mag 9am na pala ng tignan ko ang wallclock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Tinanghali naman akong masyado ng gising. Dumiretso ako sa banyo na nasa kwarto ko. Napagdesisyonan kong maligo na para hindi kung ano ano ang napapanaginipan ko.  Habang naliligo ay pilit ko pa ding kinukumbinsi ang sarili ko na panaginip lang yung pagdating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD