"Gumising ka na, Asawa ko, please." Tila naalimpungatan ako mula sa isang malalim na pagkakatulog at naramdaman kong may humihimas sa kamay ko. Narinig ko din ang boses ni Dondon ko na nakikiusap sa akin na gumising na ako. Pinilit kong maidilat ang mga mata ko. At sa gilid nga ng kamang kinalalagyan ko ay nakaupo ang lalakeng pinakamamahal ko. Ang Asawa ko. Si Dondon ko. Hawak ang isang kamay ko. Nakita kong hinihimas niya at hinahalikan ito. Nahihirapan man ako ay pinilit kong magsalita para tawagin siya. "Asawa ko.." Nagulat pa siya sa pagtawag ko sa kaniya at nang mahina kong pinisil ang kamay niya. Agad niyang inabot ang button na nasa headboard ng kama ko at pinindot ito. Hindi pa din niya binitiwan ang kamay ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Naluluha siyang

