CHAPTER 34

1632 Words

Napilitan akong idilat ang mata ko dahil sa nakakasilaw na puting liwanag. Puro bulaklak ang tumambad sa akin sa isang tila hardin na kinatatayuan ko. Ibat ibang klase ng bulaklak. May mga paru-paro at mga ibon din na nagliliparan sa paligid. Dahil sa kagandahan ng paligid na nakikita ko ay hindi ko naiwasan na maglakad-lakad sa isang hardin na kinalalagyan ko. Nalibang ako at hindi ko na namalayan na tumagal na ang paglalakad ko. Halos nalibot ko na yata ung kabuuan ng hardin pero wala akong nakita na ibang tao. Nang makaramdam ako ng pagod ay umupo muna ako sa isang konkretong bangko na nasa hardin. Saan ko man ilinga ang mga mata ko, puro mga magagandang bulaklak talaga ang nasa paligid. Mayamaya ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko mula sa likuran ko. “Mariel, Anak.” Ani ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD