CHAPTER 3

2307 Words
True to his word, niligawan nga ako ni Dondon. Nagpaalam din siya sa mga Tita ko at kay Ate Lori tungkol sa panliligaw niya sa akin. Sabi nga nila, matagal na daw nilang nahalata si Dondon na hindi si Ate Lori ang gusto kundi ako. Napaisip tuloy ako.  Ganun na ba ako kamanhid? Parang ako lang yata ang hindi nakapansin na gusto ako ni Dondon. Kunsabagay mas madalas kasi kaming mag asaran at magpikunan kesa sa magkabati.  Araw araw ay pumupunta si Dondon sa bahay. May dalang bulaklak o kaya pagkain para sa akin gaya ng chocolates, cake, donut at kung ano ano pa. Minsan ay mga gamit na pwede kong magamit sa pagaaral ko. Pag may pagkakataon siya ay hinahatid at sinusundo niya din ako sa school. Tinuturuan niya din ako sa mga assignments ko at tinutulungang gumawa  ng mga projects ko. Nang dalawin siya ng Mama at Papa niya dito sa Bulacan ay ipinakilala niya ulit ako. Dati kasi ang pakilala niya sa akin kina Mama at Papa niya ay anak ng nanay-nanayan niya dito sa Bulacan. Pero ngayon, ipinakilala niya ulit ako sa kanila na nililigawan niya na magiging girlfriend daw niya at eventually daw ay magiging asawa niya. O di ba, to the highest level ang confidence ni Dondon sa katawan. Masyadong advance ang utak niya.  Hindi ko pa nga siya sinasagot pero nasa stage na ng pag-aasawa ang utak niya. Pero kahit na nanliligaw sa akin si Dondon ay para pa rin kaming aso't pusa. Madalas pa din kaming mag asaran at magkontrahan. Madalas siya pa din ang unang nagsosorry kahit na kasalanan ko din naman kung bakit ako napikon.  Ginawa niya ang lahat para mapatunayan niya na talagang seryoso siya sa panliligaw niya sa akin at maiparamdam niya sa akin na mahal niya ako talaga. Ilang buwan din ang inabot ng panliligaw ni Dondon sa akin bago ko siya sinagot. Hinintay ko muna na makapag birthday ako at mag 16 ako. Nagpaalam din muna ako kay Nanay na sasagutin ko na si Dondon. Pumayag naman si Nanay. Pero madami siyang bilin. Mga pwede at hindi namin pwedeng gawin ni Dondon bilang magnobyo.  Pag sinagot ko na daw si Dondon, kailangan daw mag-usap din sila ni Dondon about sa mga binilin niya sa akin.    Sept. 1 un. More than a week after kong mag 16. Nasa sala kami. Tinuturuan ako ni Dondon sa assignment ko sa Physics.  Nakailang beses na niya kasing iniexplain sa akin kung paano gagawin e hindi ko pa din masolve ung word problem. Nakailang subok na ako. Malapit na nga akong mainis at mag give up. Pero sabi nga ni Dondon, subukan ko lang ulit hanggang makuha ko ung tamang sagot. Kaya nung nasolve  ko na ng tama  ung word problem na hirap na hirap akong intindihin at after mga ilang subok na hindi ko na nabilang ay bigla kong niyakap at hinalikan sa pisngi niya si Dondon.  Pareho kaming nagulat sa ginawa ko. Buti na lang at kami lang dalawa ni Dondon ang nasa sala nung mga oras na yon. Dahil kung nagkataon na andun si Nanay o alin man sa mga tita ko, nakupo, tiyak na makakatikim ako ng kurot sa singit dahil sa ginawa kong pagyakap at paghalik sa pisngi kay Dondon.   Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko kay Dondon. Siya naman ay nakatitig sa akin na tila hindi pa nakakarecover sa pagkabigla sa ginawa ko sa kanya.  Tumayo agad ako para ayusin ung mga gamit ko.  "Mariel."  Tawag niya sa akin.  "Bakit?" Ani ko na hindi tumitingin sa kanya.  Bigla niyang hinawakan ung mga kamay ko. Nakatayo na din siya sa harap ko.  "Tayo na ba?" Tanong sa akin ni Dondon.  Nahihiya akong tumango.  "Sinasagot mo na ako?" Tanong niya ulit.  Tumango ulit ako.  "Bat ayaw mo akong tignan?" Ani ni Dondon.  Hindi ako sumagot. Nakatingin pa din ako sa mga kamay ko na hawak niya. Nahihiya akong tumingin sa kanya habang lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Binitiwan niya ung isang kamay ko. Hinawakan niya ako sa baba ko para iangat ung mukha ko.  Dahil nga mas mataas siya sa akin ng konti ay medyo nakatingala ako sa kanya.   "Mahal mo na din ba ako, Mariel?" Tanong ni Dondon na sinagot ko ulit sa pamamagitan ng pagtango habang magka eye contact kami.  "Kahit na messenger lang ako?" Dagdag pa niya.  "Oo, Dondon. Oo, tayo na. Oo, sinasagot na kita. Oo, mahal na din kita.  At higit sa lahat, Oo, kahit messenger ka lang. Walang akong pakialam kahit ano pa ang estado mo sa buhay. Mahal kita dahil un ung nararamdaman ng puso ko na mahal kita." Nakangiting sagot ko sa kanya.  "Talaga?" Ulit niyang tanong pero kita sa mga mata niya ang labis na tuwa. "OO nga. Ang kulit mo naman." Sagot ko ulit sa kanya.  "YES!!" Sigaw ni Dondon sabay yakap sa akin. "Mahal na mahal kita, Mariel ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."  Yumakap na din ako sa kanya. Naramdaman kong hinalikan ako ni Dondon sa pisngi ko. "Thank you, Mariel ko." Bulong niya pa sa akin. Mariel ko. Ang sarap sa pandinig. Sobrang nakakakilig.   Nasa ganoon pa din kaming pwesto ng  may marinig kami na nag-"Ehem." Sabay kaming natingin ni Dondon sa pinanggalingan ng pagkasamid. Si Tita Nita kasama sina Nanay, Tita Nina at Ate Lori na nakatingin sa amin. Naghiwalay kami agad ni Dondon mula sa pagkakayakap namin sa isa't isa pero agad ding hinawakan ni Dondon ang kamay ko.  "O bat parang nakakita kayo ng multo?" Birong tanong sa amin ni Ate Lori. Pero nagsalita din ito agad. "Congrats, Dondon." Alam naman kasi nila na sasagutin ko na si Dondon. Nakangiti din si Nanay at ang mga tita ko sa aming dalawa ni Dondon.  Si Dondon naman ay halos abot tenga ang ngiti na nakatingin kina Nanay.  ********* Isa iyon sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko noong sagutin ko si Dondon. Dahil kahit na sa paningin ng iba ay bata pa ako noon at kahit sinasabi nila na messenger lang si Dondon, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko si Dondon. ********* "Hoy Minda, totoo bang boyfriend na ni Mariel ung si Dondon?" Narinig kong tanong ni Ka Mira kay Nanay. Si Ka Mira ay kapitbahay namin na kilala bilang tsismosa sa barangay namin. Updated yan sa lahat ng kwento tungkol sa buhay ng mga tao dito sa barangay namin. Sa tuwing bibili yan sa tindahan namin ay tiyak na may bagong kwento o tsismis siyang dala kay Nanay. Si Nanay naman ay nagkukunwari lang na nakikinig. Never siyang nagtanong kay Ka Mira or nagbigay ng opinyon niya. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Dondon sa sala malapit sa may pintong papunta sa tindahan kaya tiyak akong narinig din iyon ni Dondon kaya siya napatingin sa akin.  Dito madalas gusto ni Dondon kami umuupo pag nasa bahay siya para daw natutulungan niya agad si Nanay pag may mga kailangang buhatin sa tindahan. "Oo, Mira, ilang buwan na ding magnobyo sina Mariel at Dondon." Narinig naming sagot ni Nanay.  "Pumayag ka naman?" Tila disappointed na tanong ni Ka Mira.  "Oo naman. Nagpaalam naman ng maayos si Dondon sa akin bago niya niligawan si Mariel. At ganun din naman si Mariel. Nagpaalam din siya sa akin nang sagutin niya si Dondon. Saka matagal na naming kilala si Dondon kaya panatag ang loob ko na magkaroon sila ng relasyon."  Tahimik lang kaming nakikinig ni Dondon sa pag uusap ni Nanay at ni Ka Mira.  "Eh di ba, messenger lang si Dondon dyan sa bodega.”  Narinig kong sabi ni Ka Mira.  “Wala naman akong nakikitang masama sa trabaho ni Dondon.”  Sagot ni Nanay.  Halata na sa boses ni Nanay na hindi niya nagustuhan ung sinabi ni Ka Mira. “Paano nya bubuhayin si Mariel kapag sila ang nagkatuluyan kung ganoon lang ang trabaho niya?  Sus, kawawa naman si Mariel pag nagkataon.  Hindi mo man lang naisip ang magiging kalagayan ng anak mo." Tanong ni Ka Mira. “Teka, Mira. Huwag mo namang husgahan si Dondon.  Hindi naman porke messenger siya ngayon e habambuhay na yon ang magiging trabaho niya.  Saka kung magkaganoon man, sabi ko nga sayo kanina, wala namang masama sa trabaho ni Dondon.  Saka desisyon na ni Mariel yon.  Hindi ko pwedeng panghimasukan ang desisyon at puso ng anak ko.” Narinig kong sabi ni Nanay.  Medyo iba na ang tono ni Nanay. “Naku, kung ako ang nanay ni Mariel e hindi ako papayag na maging kasintahan niya si Dondon o manligaw man lang.”  Tugon ni Ka Mira.  “Hindi ko hahayaang mapunta lang sa isang messenger ang anak ko.” “Magkaiba tayo ng pananaw.  Basta mahal ng anak ko at alam ko namang mabuting tao ung mahal ng anak ko, ano man ang estado niya sa buhay ay tatanggapin ko gaya ng pagtanggap sa kanya ng anak ko.” Narinig kong tugon ni Nanay. Hindi na ako nakatiis kaya tumayo agad ako sa kinauupuan ko para pumunta sa tindahan.  "Dyan ka muna, Love." Saad ko kay Dondon. Hindi ko na din kasi nagugustuhan ung mga sinasabi ni Ka Mira. Mabait si Ka Mira kaso hindi na kasi tama ung pangmamaliit niya kay Dondon.  "Saan ka pupunta, Love?" Tanong sa akin ni Dondon. "Sandali lang ako, Love. Wait mo lang ako dyan." Nakita kong sinundan ako ng tingin ng nagtatakang si Dondon habang pumasok ako sa tindahan.  "Ka Mira, andyan ka po pala." Nakangiti kong bati kay Ka Mira.  Nakita kong nagulat si Ka Mira ng makita ako.  "Ah, Oo, Mariel. May binili lang ako." Tugon ni Ka Mira.  "Ganoon po ba. Ano na po ba balita dito sa barangay natin? May bago po ba?" Pa-inosente ko pang tanong.  "Ha? Ah eh, wala naman."  Ani ni Ka Mira.  "Talaga po. Nakakapanibago naman po yon e sa tuwing napupunta po kayo dito lagi po kayong may tsinitsismis ay este kinukwentong bago kay Nanay tungkol sa mga buhay-buhay ng mga kabarangay natin kahit na hindi interesado si Nanay." Nakangiti kong sabi kay Ka Mira.  "Naku, hindi naman, Mariel." Ani ni Ka Mira.  "Sino po ba ung sinasabi nyong hindi kayo papayag na maging kasintahan o  manligaw man lang sa anak niyo?" Nakataas ang kilay ko pero nakangiti pa rin akong tanong kay Ka Mira.  Halatang nagulat si Ka Mira sa tanong ko. Imbes na sumagot ay tumingin siya sa relo niya. "Mag aalas singko na pala. Dyan na muna kayong mag-ina at magluluto pa ako." Nagkakandautal na pagpapaalam ni Ka Mira. "Ay, bat naman biglang nagmadali po kayong umalis, Ka Mira? Gusto ko pa man ding makinig sa mga dala nyong tsismis ay este kwento ngayon." Habol ko pa kay Ka Mira.  "Sa ibang araw na lang, Mariel. Dyan na muna kayo." Tugon ni Ka Mira habang nagmamadaling lumabas ng tindahan namin.  Nakita kong iiling iling si Nanay na nakatingin sa akin. "Ikaw talaga, Mariel. Tinakot mo naman si Mira." Ani ni Nanay sa akin ng makaalis si Ka Mira.  "Binati ko lang naman po siya, Nay, at nagtanong lang naman po ako. Ano po nakakatakot dun?" Patay malisya kong sagot kay Nanay.  "Simple ka ding mambara kang bata ka. Alam mo kung paano iapproach at magsalita sa isang taong kinaiinisan mo ng hindi mo pinahahalata ung inis mo." Natatawang saad sa akin ni Nanay.  "Ay wala po akong alam sa sinasabi nyo, Nay. Nakikibalita lang po talaga ako.  Gusto ko lang makitsismis." Nakangisi kong sagot kay Nanay. "Pasok na nga po ulit ako sa bahay, Nay."  Iniwan kong nakangiti si Nanay sa tindahan at bumalik sa inuupuan namin ni Dondon.  Nakangisi din si Dondon sa akin ng muli akong tumabi sa kanya.  "Ikaw talaga, Love, style mo din." Ani ni Dondon ng makaupo ako sa tabi niya.  "Ha? Ako? Anong style ko, Love?" Maang maangan kong sagot kay Dondon habang  nakangisi pa din ako.  "Simpleng resbak ka din kay Ka Mira. Sana hinayaan mo na lang siya, Love. Kabisado naman natin ung ugali nun. Mabait naman yon kahit na tsismosa. Saka totoo namang messenger lang ako." ani ni Dondon.  "Love, Oo, messenger ka. Pero nag aaral ka naman. May mga pangarap ka na alam kong matutupad mo. Saka ano naman nga kung messenger ka. Wala namang masama sa trabaho mo kaya walang karapatan si Ka Mira na husgahan ka at kwestyunin ang kakayahan mo. Bukod sa hindi ka naman niya gaanong kilala at wala siyang ideya kung gaano ka katalino  at kasipag." Tugon ko kay Dondon.  "Hindi ka ba apektado na pwedeng magkatotoo ung sinabi ni Ka Mira?" Hinawakan pa ni Dondon ang kamay ko. "Hindi, Love. Dahil alam kong magsusumikap ka kahit ano pa ang magiging trabaho mo saka magtutulungan naman tayo di ba kung sakaling dumating ung time na yon." Ani ko kay Dondon sabay pisil sa kamay niya.  "I love you, Mariel ko. Thank you dahil mahal mo ako kahit ganito lang ako." Ani ni Dondon sabay halik sa kamay ko.  "I love you too, Dondon ko. Wag mo ngang dinadown ung sarili mo. Hindi bagay sayo dahil alam naman nating pareho na naguumapaw ang self confidence mo sa katawan." Natawa kami pareho ni Dondon sa sinabi ko. "Saka, Love, hindi mahalaga sa akin kahit ano pa trabaho mo basta legal yon at kahit ano pa ang estado mo sa buhay  hanggat wala kang inaagrabyadong tao. Mahal kita dahil alam kong mahal mo ako at mabuti kang tao. Higit sa lahat un din ang sinasabi ng puso ko.  Proud ako na maging girlfriend mo." Nakangiti kaming nakatingin sa isat isa ni Dondon habang magkahawak ang mga kamay namin.  ******** At hanggang ngayon, lumipas man ang mga taon ay iyon pa din ang sinasabi ng puso ko. Mahal na mahal ko pa din si Dondon at umaasa ako na babalikan niya  ako to love me again kahit na may mga pagkakataon na kinokontra ito ng utak ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD