Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi ako magseselos. Kailangan ay naiintindihan ko lalo na at kababata nina Ford at Parker si Serene. Pero habang nasa hapag kami, lalong hindi mapakali ang mga mata ko sa pagtingin kina Ford at Serene. Mahaba ang hapagkainan. Ilang tao ang kasya. Sa dulo ay si Don Santiago, sa kabilang gilid niya si Ma’am Donna at sa kabila pa ay si Serene. Sa tabi naman ni Serene ay si Ford, at ako ay sa tabi ni Ma’am Donna. Diego didn’t join for dinner. May isa pang lalaki na sumabay at siyang naupo sa aking gilid. Mukhang katulad ni Diego ay malapit din kay Don Santiago Salvatierro. “So, how are your plans going? Hindi ba’t tapos na ang graduation mo?” ang tanong ni Ma’am Donna. Tumango si Serene, may simple ngunit masayahing ngiti. “Si, Donna. Actually, I’m currently

