“Blinock mo ang number ko, Deborah?” tanong ni Cyrus. Wala ako sa mood habang naglalakad at tahimik lamang. Sa tabi ko ay sina Marshiela, Tina, at Princess. Uwian na at naglalakad na kami palabas ng gate. Hindi na ako sumabay kay Parker para makadiretso na siya sa sarili niyang lakad. Maglalakad na lang ako pauwi pero sasamahan ko na hanggang paradahan ng tricycle sina Marshiela. “Hoy, Cyrus, pwede ba? Tigil-tigilan mo na nga si Deborah,” saway ni Tina. Dire-diretso lamang ang lakad namin. Sa kabilang gilid ko ay si Cyrus na patalikod na humahakbang at sinasabayan ang lakad ko. Hindi niya pa rin ako tinitigilan at parang manhid na siya sa pang-iignora ko. “Come on, Tina. Nagso-sorry lang ako sa pagkakamali ko kay Deborah,” sabi naman ni Cyrus. Wala akong kainteres-interes na ka

