Gabi na noong bumalik ang aking malay. May ilang oras din akong tulog at pagkagising ko ay nasa bahay na agad ako. Sino naman kaya ang nagdala sa akin dito? Tumayo upang uminom ng tubig nang makita ko si Elena sa labas ng bahay na nagpapahangin at si Mang Tonyo naman ay nagsusunog ng tuyong dahon sa labas. Pagkatapos uminom ay tumabi ako sa kaniya upang makipagkwentuhan. Pansin ko na wala sina Juancho at Enrique at nagtataka naman ako kung saan nagpunta ang dalawang iyon. Nagulat si Elena nang ako ay tumabi sa kaniya sapagkat ang pag- aakala niya ay tulog pa rin ako. "Oh, gising ka na pala, Ate Maya," gulat na sabi niya. Hindi ako lumingon sa kaniya, bagkus nakatingin lamang ako sa mga kumukititap na mga bituin sa kalangitan. "Ang ganda ng mga bituin sa kalangitan, at ang liwanag din n

