Malungkot akong bumyahe patungo sa Maynila. Wala akong makausap ni isa dahil ang kasama ko lamang dito ay ang ipinadalang kutsero ni Miguel at ang kaniyang tauhan na magpoprotekta sa akin sa anumang peligro na parating. Buong biyahe akong nabuburyo at hindi mapakali. Ayoko rin matulog dahil hindi ako tiwala sa mga kasama ko. Kaya kahit dinadapuan na ako ng antok ay pinipigil ko. Napatingin na lamang ako sa kalangitan. Madilim na ang paligid at ang tanging nagbibigay lamang sa amin ng liwanag ay ang liwanag ng buwan. Tinignan ko kung gaano kaganda ang mga bituin sa langit. Nagniningning silang lahat. Madaling araw nang kami ay makarating sa Maynila. Antok na antok na ako ngunit kailangan kong manatiling gising. Kahit na nababangag, tumayo na ako sa calesa at saka bumaba. Nahagip ng mga mat

