Napaawang na lamang ang aking mga labi dahil sa narinig ko mula kay Juancho. Kilala ko siya at hindi siya ganito. Batid ko kung gaano siya kagalit sa mga Kastilang pumatay sa kaniyang ina, lalong lalo na sa pamahalaang nagpahirap sa buong pamilya nila. Pagkatapos niyang sumagot sa alok ni Gob. Sebastian, agad itong humarap sa akin. Ngumisi siya nang nakatatakot, at nakita ko sa kaniya ang Juancho na nakatala sa kasaysayan bilang isang traydor. Natakot ako nang may mag- flash na alaala sa aking isipan na nakikita siyang tumatawa habang walang awang pinapatay ang kapwa niya Filipino kapalit ng salaping kaniyang matatanggap. Nagsimula nang yakapin si Juancho nang kaniyang tadhana, ang tadhana ng isang traydor ng bansa. Kahit na nakahandusay sa lupa, unti- unti akong napapaatras palayo sa k

