bc

This Time(Billionaire's Love Series 3)

book_age16+
1.9K
FOLLOW
30.4K
READ
billionaire
dark
dominant
drama
twisted
sweet
bxg
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Nagbalik mula sa America si Mikael De Luna.

Lingid sa kaalaman niya na sa loob na apat na taong pamamalagi niya sa ibang bansa ay may naiwan siyang kambal na responsibilidad sa babaeng pinakamamahal niya ng lubos. Itinago nito sa kanya ang tungkol sa kanilang anak dahil sa masakit na pagtatapos ng kanilang relasyon. Paano kaya niya babawiin ang tiwala ni Aurora at paano rin niya gagampanan ang pagiging ama niya sa kambal lalo na at iba ang kinikilala nilang ama sa loob ng apat na taon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
AURORA NABALITAAN kong bumalik na daw mula sa America si Mikael. Ang lalaking minsang kinabaliwan ko, nagpaikot at nagpaguho ng mundo ko. Hindi ko mapigilang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil sa matinding pait at galit. Matagal na akong walang pagmamahal para sa kanya. Matagal ng namatay ang damdamin ko pagtapos niyang talikuran ang pinagsamahan namin pati na rin ang mga anak namin para sa isang panandaliang saya. Hindi na nga pala panandalian yun, naging pangmatagalan na. Nabalitaan kong tuluyan na silang nagsama nung babaeng yun sa America. Good for them. "Bes...." mahinahong sabi ni Jenna. "Ano yun?" Kahit hindi pa man niya nasasabi ay alam ko na ang nais niyang iparating. Marahil ay alam na niya ang muling pagbabalik ni Mikael. "Nakabalik na daw si Mikael," may buntong-hininga na sabi niya. "Tapos?" malamig na turan ko sa kanya. "Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa kambal mo? Ninyo pala?" Bakas ko sa boses nya ang pag-aalala. Hindi naman alam ni Mikael na dinadala ko noon sa sinapupunan ko ang mga anak niya. "Wala naman siyang alam tungkol sa kambal, Jenna. Ano bang alam niya sa responsibilidad na matagal na hindi niya nagampanan sa loob ng apat na taon?" Buong pait kong sambit sa kaniya. "Wala siyang alam, Aurora, dahil hindi mo ipinaalam sa kanya. Pero hindi rin kita masisi dahil alam kong nasaktan ka rin ng sobra." Masakit. Sobrang sakit na makita ko siyang nagpapasasa sa piling ng ibang babae habang kausap ako sa cellphone at sinasabing mahal niya ako. Nagbalik muli sa aking alaala ang masakit na sinapit ng puso ko dahil sa kagaguhan niya. Excited ako noon na ibalita sa kanya ang pagdadalang-tao ko sa kambal namin. Binalak ko pa siyang sorpresahin ngunit ako ang nasorpresa sa nakita ko. Habang kausap ko siya sa cellphone ay nagtungo rin ako sa mansyon nila para makita ang reaksyon niya. Di pa man lang ako nakakapasok sa loob ng mansion nila naabutan ko sila sa bungad ng sala kasama ang babae niya na kakatapos lang siguro gumawa ng milagro. Ni hindi man lang nagkaron ng delikadesa at sa sala pa nagawa ang kababuyan nila. Sabagay, siya lang ang kasalukuyang nakatira sa mansion nila. Kahit saang parte naman okay lang kasi malawak ang mansion nila, hacienda pa nga ang tawag nila. Masyado kasi siyang maarte sa tao. Nagpapatawag lang siya kapag may ipapagawa. Siya rin ang nagluluto ng kakainin niya. Nadurog ang puso ko noon. Paano niya nagawang sabihing mahal niya ako habang nakayakap sa ibang babae? Agad akong umalis no'n at hindi na nagparamdam pa sa kanya kahit kelan. Hindi rin naman siya nangahas na hanapin at kausapin ako. Nagpatuloy lang ako sa buhay at itinaguyod ang kambal ko. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko dahil sa mapait na alaala. "Alam ko namang may karapatan siyang malaman ang tungkol sa mga anak namin pero hindi pa ako handa, Jenna. Natatakot ako na kunin niya sa akin ang mga anak ko. Lalo pa at may asawa na siya ngayon." "Hindi mo naman kailangang matakot, Aurora at hindi mo rin naman kailangang magmadali tungkol sa usapin na yan. Darating din yung araw na mapag-uusapan niyo ng maayos ang tungkol sa mga bata." "Salamat. Ang laki ng utang na loob ko sayo, sa pamilya ko at kay Zach. Kayo ang kasa-kasama ko simula nang magbuntis ako at ipanganak ang kambal ko. Kayo ang tumayong ama para sa kanila." "Wala 'yon bes. Pamilya ang turing ko sayo. Masaya ako na makitang maayos ang buhay ninyo ng kambal mo. Saka jackpot ka doon kay Zach. Siya talaga ang totoong nagpaka-ama sa mga junakis mo. Ano na bang real score sa inyo?" Nakangising tanong ni Jenna. "Wala 'no? Walang something sa amin. Magkaibigan lang kami ni Zach. At totoo yang sinabi mo na siya ang nagpaka-ama sa mga anak ko kaya abot-abot ang pasasalamat ko sa kanya." "Sus! Friends lang? Ikaw siguro oo, pero si Zach hindi lang kaibigan ang trato no'n sayo. Single, gwapo, matalino, mabait at mapera yung Zach na yun pero nagtiya-tiyaga siyang magpaka-ama sa mga anak mo sa loob ng apat na taon. Manhid ka na ba talaga Aurora?" "Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, pero hindi pa ako handang magmahal ulit o maghanap ng magiging tatay ng mga anak ko." Simula ng lumayo ako kay Mikael ay itinuon ko na lang ang buhay ko sa mga anak ko. Hindi na ako naghangad pa ng panibagong pag-ibig. "Hindi ka pa handa o hindi ka pa tapos mahalin ang isang Mikael De Luna?" Natigilan ako sa tanong ni Jenna sa akin. Naka-move on na nga ba ako o kaya ako nasasaktan pa rin ay dahil sa katotohanang mahal ko pa rin siya at ang aming kambal ang nagpapa-alala ng pagmamahal na minsan naming pinagsaluhan. "Hindi ko alam,Jenna. Basta ang malinaw lang sa akin ay pagmamahal ko para sa mga anak ko. Kung totoo man yang sinabi mo na baka nga hindi pa ako tapos na mahalin siya ay sisikapin kong pigilan para maingatan ang puso ko." "Kung ako sayo, si Zach na lang ang mahalin mo. Siya rin naman ang kinikilalang ama ng mga anak mo. Mas masisigurado mo pang mahal ka talaga niya pati ang mga anak mo." "Saka ko na siguro iisipin yan, Jenna kapag handa na ako." "Nasaan pala ang kambal?" "Tulog sila.. napagod sa kakalaro." "Pakibigay na lang itong pasalubong ko sa kanila. Okay naman ba kayo dito sa tinutuluyan niyo? Okay lang naman kung sa bahay kayo." "Salamat, Jenna, pero ayos lang kami dito. Lumalaki na ang mga bata, nakakahiya namang makituloy pa rin sa inyo. Binibisita niyo naman kami. Maayos naman ang lagay ng bakeshop kaya may pang-suporta din ako sa mga bata." "Sigurado ka ba? Nakakamiss rin kasi ang bahay kapag may bata." "Wag kang mag-alala kapag hindi na masyadong busy papasyal din kami doon. Wala ka pa bang balak na mag-asawa? Para magkaroon ka na rin ng sarili mong baby." Panunudyo ko kay Jenna. "Naku! Natutuwa ako sa mga bata pero ayaw ko pa magkaron ng sariling anak. Halos mamatay-matay na nga ako sa duty sa ospital." Pagkontra niya sa tanong ko. "Hahaha chill lang. Natanong ko lang naman. Eh kumusta naman kayo ni Travis? Mukhang nagkakamabutihan na kayo non ah? Infairness bagay kayo." Bigla siyang namula sa tanong ko sa kanya. At bahagya rin siyang nag-iwas ng tingin. "Bago mo pa tuluyang i-hotseat mabuti pang pumasok na ako sa trabaho." Pag-iiwas nya sa usapan. Ewan ko ba naman sa kanya. Maganda at may stable ng trabaho pero iwas na iwas sa usaping relasyon. Pagtapos niyang sabihin yun ay nagmadali na siyang umalis. Bumukod na kami sa kanila at nagdesisyon na kumuha ng rent to own na bahay. Gusto ko rin namang may mapundar para sa mga anak ko kahit paunti-unti. Nakakahiya na rin kay Zach dahil lagi na lang siya ang sumasagot sa gastusin ng mga bata. Malaking bagay na yung binigyan niya ako ng isa sa mga branch ng bakeshop niya. Maliit pa lang sa ngayon pero napapalago ko naman. Kung dumating man ang pagkakataon na malaman ni Mikael ang tungkol sa mga bata, gusto kong may maipagmamalaki rin ako para kung kailanganin naming daanin ang korte ang usapin ng mga bata ay may laban ako. Hindi ko kakayanin na mawala ang mga anak ko sa akin. Sila ang buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A Night With My Professor

read
534.0K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Sweet Temptation(Tagalog R18+)

read
1.4M
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

The CEO's Maid

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook