AURORA SINUNDO kami ng magarang sasakyan ni Mikael para ipasyal ang mga bata sa mansion nila. Maaga namang umalis ng bahay si Zach na tila iniiwasang makita kaming sunduin ni Mikael. Bakas sa mukha ni Athena ang labis na excitement at si Aki naman.. as usual seryoso ang mukha na parang napilitan lang. Nang makarating kami sa mansion ay halos tumalon pababa ng sasakyan si Athena. "Wow! Ang ganda naman po ng bahay mo papa." Masayang sabi ni Athena. "Let's go inside. I have something to show you." Nakangiting sabi ni Mikael. Dumiretso kami sa isang kwarto at bumungad sa amin ang napakadaming laruan na mukhang mamahalin. Napatingin ako kay Mikael at hindi pa rin makapaniwala. "P-para sa mga bata ito? P-parang sobra naman ito." "No, it's okay Aurora. Kulang pa nga ito kumpara sa mga pa

