AURORA KAKAIBANG pakiramdam ang idinudulot sa akin ng kalagayan namin ngayon. Marahil sa tunay na pamilya ay ito ang basehan ng perfect family.. magkasama ang mag-asawa sa pagpapatulog ng mga anak, ngunit sa sitwasyon namin ay awkward o sadyang naninibago lang ako dahil nasanay akong mag-isa magpatulog sa kambal. Mikael is looking at his children with so much love while humming. Si Aki ay pinipilit ang mata na ipikit at matulog marahil ay naninibago rin siya, ang kanyang kakambal naman ay nakadilat pa rin ang mata. "Athena, bakit di ka pa natutulog?" Tanong ko sa kanya. "Mama dito ka rin po ba matutulog kasama ni papa?" Sagot niya sa akin habang namumungay na ang kanyang mga mata dahil sa antok. "Lagi ko naman talaga kayo katabi matulog ah?" "Eh si papa?" "H-hindi ko alam." Ito nama

