Chapter 7

1843 Words
AURORA POV NAGMADALI akong lumakad paalis sa mansion ng kapatid ni Mikael. Nang makarating kami sa service namin ay saka ko pa lang naalala na hila-hila ko si manong. Napatingin ako sa kanya. "Ayos ka na neneng? Nakalabas na tayo." Hingal na turan niya sa akin. May bakas rin ng pagtataka sa mukha niya. "Pasensya na ho kayo manong. Tara na po. Uwi na tayo." Pagkasabi ko no'n ay sumakay ako sa sasakyan. Sumunod naman si manong at pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay ramdam ko pa rin ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko. May mga pagkakataong nagbubukas ako ng cellphone, maya-maya naman ay titingin sa labas. Hindi nakaligtas yun sa mapanuring tingin ni manong. "Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil doon sa gwapong lalaki na lumapit sayo kanina?" Diretsong tanong ni manong sa akin. Hindi ko alam kung saan hahagilap ng isasagot sa kanya. Kaya nga ba ako natataranta ay dahil sa kumag na yun? Nooo! Hindi ako makakapayag. Pinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ako magpapaapekto sa kanya at sa mga bagay na may kinalaman sa kanya. "Hindi ho!" Nahiya ako dahil mukhang nataasan ko ng boses si manong. "Hindi mo naman kailangang sumigaw hija dadalawa lang naman tayo dito sa sasakyan." Patawa-tawang sabi ni manong. "H-hindi ko naman po sinasadyang mataasan kayo ng boses. Saka bakit naman po ninyo naitanong yan?" "Ayaw ko naman sanang manghimasok sa personal na buhay mo hija. Napansin ko lang kasi na simula nung magkaharap kayo nung gwapong lalaki na yun ay nagkaganyan ka na. Meron siguro kayong malalim na nakaraan kaya apektado ka kapag nasa paligid mo siya." Napamulaga ako. Ganon ba talaga ako ka-obvious kahit si manong na driver pa lang namin sa loob ng isang taon ay may ganon agad na napansin? "Naku manong wag mong matawag-tawag na gwapo yun. Apektado po ako dahil naiinis ako sa kanya." Masungit na sabi ko sa kanya. Napatawa naman ng bahagya si manong. "Bakit ka naman naiinis sa kanya eh mukha naman siyang mabait?" "Interrogation manong? Di ko po alam na may pagka-FBI ang peg mo. Interesado ka po pala sa lovelife ko." Iba rin itong si Manong Dante eh malakas ang radar at mala Boy Abunda pa sa mga tanong. "Sabi nga ng matatanda hija ang isda raw ay nahuhuli sa bibig niya. Ibig sabihin pala ay dati mo siyang kasintahan. Baka naman gusto mong magkuwento at malayo-layo pa ang biyahe natin pauwi." Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ni Manong Dante. May kasabihan pa siyang nalalaman. Mukhang ayaw niyang magpaawat sa pagtatanong. "O sige na nga manong. Mukha ka naman pong mapagkakatiwalaan. Basta atin-atin lang ito ah?" "Oo naman hija. Matanda na ako para maging chismoso." Sabagay may point naman siya. "Yung lalaking yun po kasi ay ang totoong ama ng kambal ko." "Alam ba niya ang tungkol sa mga anak niyo?" "Yun nga po.. wala siyang alam na may mga anak kami." "Bakit hindi mo sinabi sa kanya? Karapatan niyang malaman yun dahil anak din niya sila. Ano bang nangyari bakit inilihim mo sa kanya ang tungkol sa pagiging ama niya?" Sumikip ang dibdib ko sa tanong ni Manong. Pinilit kong ibaon lahat sa limot ang masalimuot na pangyayaring iyon ngunit paulit-ulit ring bumabalik sa aking alaala dala dahil may kambal na bunga ang nakaraan na yon. "Naabutan ko po kasi siyang may kasamang babae sa mansion nila at mukhang katatapos lang gumawa ng milagro." Mahinang sabi ko ngunit sapat na para marinig ng maayos ni manong. "Nasaktan ka kaya lumayo ka at hindi mo sinabi ang tungkol sa mga anak niyo dahil gusto mong makaganti, tama ba ako?" Napaawang ang bibig ko dahil saktong-sakto sa akin ang sinabi ni Manong. Iba talaga pag pamilyado na marami ng realizations sa buhay. "Gano'n nga po. Sasabihin ko naman po sana no'ng araw po na yo'n kaso gano'n po ang naabutan ko." "At hindi mo man lang siya sinubukang kausapin pagtapos ng insidenteng yon?" "Hindi na po. Masyadong masakit ang ginawa niya kaya di ko po nagawang kausapin siya." Nagbalik na naman sa isip ko.. actually hindi naman talaga nawala ang itsura niya habang kausap ako sa cellphone at may naka-akap na ibang babae sa kanya. "Kung totoong mahal mo siya dapat hinarap mo pa rin siya. Dapat sinabi mo noon sa harapan niya lahat ng nandiyan sa loob mo. Karapatan mo yon dahil may relasyon kayo, kesa naman sa hanggang ngayon nandiyan pa rin yung sakit pero dinadaan mo lang sa patagong inis at pag-iwas." Hindi ko na napigilan sa pagdaloy ang mga luha ko. Matagal na rin nong huli akong umiyak dahil sa nangyari 4 years ago at aminado akong sa tagal ng panahong lumipas ay nandito pa rin ang sakit. "Masyado ka naman pong mapanakit manong. Tignan niyo po napaiyak tuloy ako. Hayaan niyo na po past na po yun ang ibig sabihin po ay tapos na." Sabi ko habang ngumingiti ng peke. "Past na nga ba hija? Kung talagang tapos na bakit iniiyakan mo pa rin? Kahit hindi ko alam kung ano ang pumipigil sayo para aminin ang totoong nararamdaman mo, batid kong minahal mo ng tunay ang lalaking yun at minamahal mo pa rin hanggang ngayon." Pinahid ko na ang luha sa mga mata ko. Masyado na naman akong nadala sa ganitong usapan na may kinalaman kay Mikael. "Echusero ka talaga manong. Pero salamat po sa mga makabag-damdamin niyong mga salita." "Wala naman akong masyadong nasabi ah. Siguro ay nailarawan ko lamang ang tunay mong nararamdaman. At alam mo ba hija?" Nakangiting sabi ni manong. "Ano po yun?" "Kita ko sa kanya na mahal ka pa rin niya." "Naku! Issue na naman po yan. Wala pong ganon. Baka nga po may girlfriend o fiancee na yun ngayon." "Matanda na ako hija, hindi na ako mabobola sa mga pagkukunwari. Basta balitaan mo na lang ako kapag naayos niyo na ang pamilya niyo." Nakangiting sabi ni Manong na parang napaka-positibo ng pananaw niya na magkaka-ayos pa kami ni Mikael. NAKARATING na kami sa bahay ko at bumaba na ng sasakyan. Dumiretso na rin si Manong pauwi sa kanila. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko ang kambal na busy sa paglalaro kasama si Jenna. Ginabi na rin ako ng uwi. "Hello mga babies kooo." Bati ko sa kambal. Sabay naman silang tumakbo palapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Para kaming matagal na hindi nagkita. "Natagalan ka ata ?" Puna ni Jenna. Mabuti na lang nandito siya para magbantay sa mga anak ko lalo na sa mga ganitong pagkakataon na busy ako sa kabuhayan ko. "Inaya kasi ako makisalo sa party nila. Kakahiya namang tumanggi sa kliyente. Baka hindi na umulit." "Sinong kliyente?" "Marco De Luna ang pangalan. Bakit mo pala naitanong?" "Hindi ba si Mikael De Luna?" Nakangising tanong niya. Bahagyang napakunot ang noo ko. Ibig ba may alam siya? "Hoy Jenna! May alam ka ba tungkol sa lakad ko kanina? Umamin ka na o kakalbuhin kita!" Sigaw ko sa kanya. "HAHAHAHA you're so naive Awie.. nung nalaman mong De Luna ang umorder sayo ng cakes hindi man lang pumasok sa isip mo na baka nandoon si Mikael?" "Ah.. h-hindi." Pagtanggi ko. "Seryoso? Kahit kumulot ang buhok mo sa kili-kili?" Pang-aasar niya sa kin na parang may gusto lang siyang palabasin. "Kahit kailan talaga Jenna loka ka. Bakit pati buhok ko sa kili-kili nadamay pa? Oo, nandoon siya. Eh ano naman? Customer ko ang kapatid niya at alangan namang ipagtabuyan ko siya sa mansion ng mismong kapatid niya." "How was it? I mean, how's your feeling? Lalo na at nasa iisang lugar lang kayo ng ama ng-----" "Jenna. Andito ang kambal. Anyway, kumain na ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan. Minsan talaga may pagka-taklesa siya. Alam naman niyang wala pang alam ang kambal. "Oops! Sorry. Na-carried away lang naman. May sinigang sa kusina. Initin mo na lang kapag kakain ka. Wag kang mag-alala sa kambal, busog na busog na yan." "Baka naman nasobrahan na sila sa akin Jenna, salamat ulit sa pag-bantay sa kanila." "Naku wala yun. Nakakawala nga ng stress ang pakikipaglaro sa mga anak mo." Bakas naman sa mukha niya ang kasiyahan kapag kasama ang kambal. Nagiging pahinga niya ang pakikipaglaro sa kanya lalo na at stressing ang trabaho niya sa ospital. "Kain muna ako. Gutom na gutom na ako." Isinalang ko sa kalan ang sinigang na luto ni Jenna at naghanda ng pinggan at mga kubyertos. "Akala ko ba sa party ka galing bakit parang hindi ka naman pinakain." "Naku Jenna-girl ! Napakahabang kwento. Kakain ka rin ba?" "Hindi, busog na ako. Halos pag-nguya ng pagkain ng kambal ang inatupag ko maghapon. HAHAHA. Ano nga nangyari?" "Awkward. Honestly, hindi ko talaga inexpect na nandoon siya. First time ko pa lang naman kasi nakita yung kapatid niya. May asawa at mga anak na pala yon." "Sino? Si Mikael? Meron naman talaga ah? Ikaw at yung kambal." Wala sa loob na sagot niya. Minsan nakakapagtaka na rin kung paano nakapasa ang babaitang to sa board exam kahit mukhang walang common sense. "Gaga! Yung Marco ang tinutukoy ko. Lutang ka girl?" "Ayyyy ! Sorry ulit. Tao lang nagkakamali kagaya ni Mikael. Gwapo ba ang kapatid ni Mikael?" Medyo kinikilig na tanong niya. "Oo. Pero laging seryoso. Uyy wag ka na mag-ambisyon diyan taken na yun.. very much taken ng maganda niyang asawa at cute na triplets nila." "Triplets?! Mukhang nasa lahi nila ang two birds in one bullet. Gusto ko siya makilala at papaturo ako kung paano gumawa ng ganon." Patawa-tawang sabi niya. "Papaturo ka na agad gumawa? Eh bakit hindi ka muna humanap ng gagawa?" "Ayan na naman tayo Awieeee.. darating ako sa point na yan. Bawal na bang magpantasya sa mga gwapong bilyonaryo? Parang nakakakilig kasi yung ganon." "Gano'n pala ang ideal guy mo? Yung mga mayaman na nagmamay-ari ng sariling kompanya?" Tumango lang siya bilang sagot at nakangiti ng napakatamis. Ang balita ko may lalaking nagngangalang Daniel ang umaaligid sa kanya. "Jenna.. sino naman yung Daniel?" Tanong ko sa kanya habang nakabantay sa akin habang kumakain ako. "Paano mo nalaman ang tungkol do'n?" "Malakas ang radar ko nuh? Sino nga siya? Hindi mo ba type?" Natatawa ako sa itsura niya. Parang iritang-irita sa lalaking yo'n. "Hindi syempre. Nagtatrabaho sa isang building malapit sa trabaho ko. Hindi naman siya actually nanliligaw pero nagpaparamdam lang. Classmate ko yon nung elementary." "Kilala mo naman pala. Bakit ayaw mong bigyan ng chance?" "CEO ba siya Awie?" Medyo maarteng turan niya. "Ui grabe ka naman Jenna. Hindi naman sa pera nakikita ang totoong pagmamahal." "Madali mo lang sabihin yan dahil mayaman ang totoong ama ng kambal mo. Although, hindi niya pa alam but sooner or later magbubuhay donya ka kapag nalaman na niya. Pero sa kagaya kong ipinanganak at lumaking mahirap may karapatan naman siguro akong maghangad na makapag-asawa ng kayang ibigay ang lahat at yung masisiguradong hindi dadanasin ng magiging mga anak ko ang dinanas ko." Napatahimik lang ako. Marahil hindi ko maiintindihan ang punto niya dahil hindi ako ang nasa sitwasyon niya. Hindi na rin siya nagsalita pa. Pagtapos ko kumain ay inaya ko na siya matulog. Nakaramdam din ako ng pagkapahiya sa sinabi niya. Maswerte nga ba ako dahil mayaman ang ama ng mga anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD