MIKAEL
TINAWAGAN ako ni Marco para pauwiin sa bahay niya. May emergency daw. Nagmadali akong sumakay sa Rolls-Royce 2020 Dawn na binili ko kahapon lang. Nang makarating ako ay sinalubong ako agad ni manang at inaya papunta sa garden. May mga tao at naka-ayos ang garden na parang may gaganaping party.
"What's the matter manang?" Tanong ko kay Manang Myrna pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
Habang papalapit ako ay nagsimula na silang kumanta ng happy birthday. f**k!
I forgot. Today is my 40th birthday. Hangga't maari sana ay ayaw ko alalahanin ang birthday ko dahil di ko pa rin matanggap na matanda na ako. They say life begins at 40 and I guess being a bachelor until death is my destiny.
A lady holding a cake approached me while others are singing. My eyes widened when I realized the woman standing in front of me is.. Aurora.
I looked at Marco and he is smiling devilishly. It was his plan. A very awkward plan. Aurora and I haven't talk for a very long time. The last time I saw her is when I encountered her at the mall together with her kids.
She was also surprised. It is obvious because she keep on staring at me intently.
After the birthday song. I blowed the candle and closed my eyes and to make a wish. Same old boring tradition during birthdays.
"H-happy birthday." Aurora said in a very low voice.
"T-thank you." Damn! This is really awkward. "Why are you here?"
"Nagdeliver ako ng cake. Umorder kasi si Sir Marco ng cakes para sa welcome party mo raw pero birthday mo din pala."
"He contacted you?"
"Hindi. Yung kakilala ko lang. Ibababa ko na itong cake mo tutal nakapagwish ka na." Sabi niya at agad nilapag sa lamesa ang cake. Lumapit din siya kay Marco at may sinabi. Maya-maya pa ay nakita kong paalis na siya kasama nung driver ng sinakyan niya. I ran to her and asked if she can join us. She hesitated at first and agreed later on.
I missed talking to her but she looks so distant with me. I don't understand. Siya nga itong nang-iwan ng walang kahit na anong salita pero siya pa ang ganito umasta ngayon.
"What do you want to eat?" I asked her and grabbed a plate.
"Hindi mo ako kailangang ikuha ng pagkain Mikael. Kaya ko naman."
"No. I insist. I used to do it before...."
She smiled bitterly. "Yes, before. Past tense. Iba na ngayon."
Medyo napahiya ako sa sinabi niya. Four years have passed and I'm still stucked to what we used to do before. Marami na nga palang nagbago. May asawa at mga anak na siya. Nakahalata siguro siya na nanahimik ako sa sinabi niya.
"Hindi ko naman intensyon na sirain ang mood mo ngayong birthday mo. Naiilang lang kasi ako na ipagsasandok mo pa ako ng makakain."
"Why Aurora?" I want to asked her a lot of things. I want to ask her why it's so easy for her to leave me without a word and be with that Cuevas guy.
"Anong why?"
"Ah. Nothing. Pili ka na lang ng gusto mong kainin. Maiwan muna kita. May kakausapin lang ako. If you are busy, you can go home. Pagpasensyahan mo na lang kami sa abala namin sayo."
Hinayaan ko lang muna siya sa pwesto niya para kumain. Pinipigilan ko lang din ang sarili ko na mag-open ng topic about our past. This is not yet the right time to talk.
Lumapit ako kay Marco para kausapin siya. Kahit nakakakilabot ang welcome party niya since I am not to this thing but I truly appreciated it. May sweet bones naman pala siya maybe he learned it from her wife, Trixie. He changed a lot and I am happy to see him like that.
"So this is your plan?" Agad na sabi ko paglapit ko sa kanya.
Ngumisi lang siya. "Do you like it? Or should I say do you still like her?"
"What about her Marco? We're friends." Parang wala sa loob na sabi ko sa kanya.
"You are not friends nor enemies. You are strangers with painful past. Brotherly advice, talk to her properly so that you can both settle things out and get the proper closure you needed so you can move on already."
"Wow! Coming from a man who waited for 18 years to tell his feelings and everything. Tsk. Are you trying to c***k a joke my dear brother?"
"And you want to wait 18 years to tell her how you feel towards her?"
"Of course, no!"
"You're funny kuya. I made the first move, the next is up to you. Whether you admit it or not, you are still in love with her. I can see that her presence still bothers you."
"Ang dami mo ng alam ah. Ako dapat nagbibigay sayo ng advice." Natatawang sabi ko sa kanya.
"But sad to say, ako ang may pamilya na and we've been through a lot. Man up kuya. You can never be like that forever."
"Okay.. okay... ano pa ba ang masasabi ko. Age versus experience ang labanan." Natatawa kong sabi sa kanya.
"I'll go ahead kuya, aasikasuhin ko muna ang mga bata." Paalam ni Marco. Iba talaga pag may daddy duties na laging limited ang oras sa pakikipag-usap. Napaisip tuloy ako paano kung may mga anak na din ako. Paano kung kami pa rin at ako ang ama ng mga anak niya? Masaya siguro kami. I smiled bitterly to that idea. Imposible. Napakaimposible. She's happy now and she deserves it.
Napatingin ako sa dako ni Aurora. Hindi pa rin pala siya umaalis. Nagpasya akong lapitan siya. Mukha na rin kasi siyang naiinip.
"Hey! Nandito ka pa pala?" Nakangiting bati ko sa kanya.
"A-ah oo. Hinihintay kasi kita." Nahihiyang turan niya at bahagya ring nag-iwas ng tingin.
"W-why? Do you want to tell me something?" Para akong na-excite sa ideyang hinintay niya ako. Halos di ako makapaghintay sa sasabihin niya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "W-wala naman, gusto ko lang sana magpaalam bago kami umalis ni Manong. Kanina pa sana.. kaso nag-uusap pa kayo nung umorder ng cake sa akin."
"You mean Marco?" Sinadya niyang umorder ng cake kay Aurora at ipadeliver mismo sa kanya personally para gawing awkward ang birthday ko.
"Oo. Para sayo daw lahat yung cake na yun. Ikaw pala yung tinutukoy niya na iwi-welcome nila. At sorry nga pala...
Masyado lang siguro akong nabigla na kapatid mo pala yung umorder sa akin kaya hindi ko naisip na birthday mo nga pala ngayon, pero alam kong birthday mo talaga----."
Pinutol ko agad kung ano ang gusto niyang sabihin. Kahit sinasadya man o hindi masaya ako na nandito siya sa espesyal na araw sa buhay ko. "Don't be sorry. I'm glad that you're here. Sapat nang regalo yun para sa akin."
Bigla naman siyang namula sa sinabi ko sa kanya. "S-sige aalis na kami." Pagpapaalam niya.
"Tara ihahatid na kita."
"Wag na! May kasama naman ako." Medyo napataas ang boses niya sa pagkakasabi.
Nagsalubong din ang kilay ko dahil sa inasal niya. "Masama bang ihatid ko kayo ng kasama mo sa gate? Ang iniisip mo ba ay ihahatid kita sa iny----."
Dali-dali niyang kinuha ang bag niya at hinila si Manong paalis. Mga ilang hakbang pa lamang sila mula sa akin ay nagsalita siya. "Kahit magpilit ka, hindi ako magpapahatid sayo nuh?"
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit nakatalikod siya ay parang nai-imagine ko yung madalas na reaksyon ng mukha sa tuwing defensive siya. Hindi ko na rin siya sinundan. Paniguradong mala-kamatis na naman ang mukha niya dahil sa pula.
My presence still bothers her also.