Chapter 5

1192 Words
AURORA MAAGA akong gumising para i-bake ang cake na order sa akin ng isang customer. Boss daw niya ang nagpapa-order no'n dahil may gaganapin daw na welcome party. Nagbilin pa na dapat maganda raw at masarap ang pagkakagawa dahil hindi basta-basta lang ang pamilya ng boss niya. Matagal na akong nagbi-bake pero ngayon lang ako nakaramdam ng pressure iba talaga pag yamanin ang customer.. masyadong mataas ang standards. Ten boxes ng cake ang order nila, mukhang malakihang welcome party ang gaganapin. Kailangan kong magmadali dahil 3pm daw ang start ng party. 1:00 PM na ako natapos sa paggawa ng 10 boxes of cakes na order. Mabuti na lang nandito si Jenna para asikasuhin ang kambal ko. "Besh, tapos na ba yang ginagawa mo?" "Oo, Jenna. Nakaka-haggard. HAHAHA." "Di bale malaking pera din yan. Ako na muna bahala dito sa kambal mo. Magpahinga ka lang ng kaunti tapos mag-ayos ka na." "Salamat ulit. Ano na lang kaya ang gagawin ko kung wala ka? Paano kaya kapag may sarili ka na ring mga anak?" "Andyan na naman tayo sa usapin na yan Aurora. Matagal pang mangyayari yang sinasabi mo at pag dumating na yung panahon na yun malamang malalaki na ang kambal." "Sabagay may point ka naman. Don't worry kapag ikaw naman ang may baby na aalagaan ko rin." Nakangising sabi ko sa kanya. "Tssss. Bakit pala ikaw pa ang magdedeliver niyang mga cake na yan? Hindi ba pwedeng iba na lang? Masyado ka ng pagod." "Okay lang yun Jen. Gusto ko rin ma-meet personally ang umorder nito sa akin para naman makapagthank you ako sa tiwala niya sa mga gawa ko." "Okay. Sabi mo eh. Mag-ayos ka na baka ma-late ka. Baka naman pagdating mo dun tapos na ang okasyon." NAGMADALI akong mag-ayos at nagtungo sa address na binigay sa akin ng kakilala ko. Tumigil ang sinasakyan ko sa harap ng isang malaking bahay.. mas tama pang sabihing mansion? Palasyo? Hacienda? Napanganga ako sa lawak at ganda. Talaga namang bigatin ang may-ari nito. Naku-curious tuloy ako kung bakit sa akin pa umorder ng cake eh hindi pa naman sikat ang bakeshop ko. Mukha namang afford nilang bumili sa mas kilala at mamahalin. Natigil lang ang pagmumuni-muni ko ng magsalita si manong. "Tutunganga ka na lang ba dyan hija?" "Ah eh. Pasensya na po manong. Na-starstrucked lang po ako sa ganda ng bahay nila este ng mansion nila." "Sabagay tama ka iha, kahit sino namang mapadaan dito ay ninanais na makapasok diyan dahil gusto makita ang itsura sa loob. Ngayon pa lang din ako makakapasok. Maswerte ka at napili yang mga cake mo. Walang basta nakakapasok diyan eh." "Tara na po manong. Magdodoorbell na po ako." Isang pindot ko pa lang ng doorbell ay bumukas ng magara nilang gate at iniluwa ang isang matandang babae. "Kayo ba ang magdideliver ng cake?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Mukhang mabait siya. "Opo." "O siya.. pasok na kayo. Maige naman at maaga kayo. Maya-maya pa naman magsisimula ang party para kay Sir." "Mukhang bongga po ang party para sa kanya." Tanong ko habang naglalakad kami. "Naku hija, bongga talaga dahil matagal na hindi umuwi yun si Sir. Nasa America kasi siya." "Ay kaya po pala." Nakarating na kami sa garden area kung saan gaganapin ang party. Napakalawak ng garden nila at ang gaganda pa ng halaman. Pati halaman nila mukhang mayaman din. "Hija, pakilagay na lang dyan sa lamesa yang mga cake." "Okay sige po." "Pakihintay na lang si Sir Marco dahil siya ang mag-aabot sayo ng bayad. Yun ang bilin niya sa akin. Upo na lang muna kayo ng kasama mo." Iniwan kami ni manang at umupo nalang muna kami ni manong habang hinihintay ang bayad. Parang ang special ko naman kaya kailangan pang personal na iabot sa akin ng may-ari ng mansion na to ang bayad sa mga cake na order niya. Naku-curious tuloy ako kung sino siya. Nagpalinga-linga lang ako para pagmasdan ang malawak na garden nila. Kahit di pa man ako nakakapasok sa loob mismo ng bahay nila pakiwari ko ay mala-palasyo ang ganda nito. Maya-maya pa ay may isang magandang babae na hindi naman katangkaran pero may maamong mukha ang lumabas at patungo sa garden may kasama siyang triplets na puro lalaki. Ito siguro ang asawa at mga anak ng may-ari. Napakaswerte naman niya. Hindi kalaunan ay sumunod naman ang isang lalaking matangkad na may matipunong katawan na talagang bumagay sa pang-opisina niyang suot. Napa-ulit ako ng tingin dahil parang pamilyar na pigura ang nakita ko sa kanya sa unang tingin. Kumurap ako ng mabilis dahil baka namamalikmata lang ako ngunit isang pamilyar na pigura ng isang taong ayaw ko ng makita ang kasalukuyan kong nakikita sa taong yun. Lumapit siya sa akin at tinanong ako. "You must be Aurora?" Baritono ang boses niya. Kahit sino sigurong makarinig ay mabibighani. Hindi agad ako nakasagot. Naulian lang ako ng ulirat ng magtanong siya ulit. "Would you mind celebrating with us today? Marami pa naman yang dala mong cake." "Ah eh.. nakakahiya naman po Sir." "No, it's okay. Wala naman kaming masyadong bisita and it's my way of gratitude for your efforts in baking those cakes." "Naku Sir. Trabaho ko po yun." Lumapit sa kanya ang isa sa mga triplets. Napakagwapong bata kamukha ng tatay niya. Sa tantiya ko ay nasa anim na taon na siya. Naalala ko ang anak kong si Achilles. Medyo may pagkakahawig sila. Ganon naman ata ang mga bata ngayon masyadong pinagpala sa itsura. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa bata dahil sa pagkabighani sa itsura niya. "Kung hindi lang bata ang anak ko mapagkakamalan ko ng may gusto ko sa kanya. You are staring at him for 5 minutes straight." Natatawang sabi nung may-ari ng mansion. Imbis na mahiya ako napatunganga ako sa sinabi niya. Nakatitig daw ako sa anak niya for 5 minutes? Na-orasan niya? Grabe naman pala yun. Akala ata fan ako ng child abuse, kung alam lang niya na may anak na din ako eh. Tumalikod na siya at may kinausap. Nagsimula na ding magsalita ang isang bading. Yun siguro ang emcee. Mukhang mag-i-start na ang party. Lumapit sa akin si manang para sabihin na ako daw ang magready ng isang cake at iabot daw sa iwi-welcome nila. Dahil extra lang naman ako sa party na to alangan namang umarte pa ako. Nagsalita ng kung anu-ano ang emcee at hinihintay lumabas ang celebrant. Hawak ko na din ang cake na iaabot sa kanya. May nakatirik na ding candle na may nakalagay na 40. Matanda na pala yun. Nang lumabas ang tinutukoy nilang celebrant ay lalo akong napatulala. Si Mikael. Siya pala ang tinutukoy nilang celebrant at birthday niya ngayon?! Hindi ako makapag-isip ng maayos. Bakit ba naman kasi ako napasubo sa ganitong sitwasyon? Habang naglalakad siya papalapit sa kinaroroonan namin ay bakas din sa mukha niya ang pagkabigla. Nagsimula na silang kumanta ng Happy Birthday song pero hindi ako sumasabay. Nakatitig lang ako sa kanya at ganon din siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD