AURORA
NANG makauwi kami ay nanatili pa rin ang awkwardness sa pagitan namin ni Zach.
Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya dahil sa nangyari kanina.
Batid kong nakauwi na si Mikael dito sa Pilipinas pero hindi ko inasahan na pagtatagpuin ulit kami ng tadhana kasama pa ang mga anak ko... namin pala.
Hindi lingid sa akin ang nararamdaman ni Zach para sa akin. Noon pa mang dalaga pa ako ay nagpapahiwatig na siya ng kanyang damdamin at mas lalong tumindi ang mga effort niya nung naghiwalay kami ni Mikael. Minsan ay napapahanga ako sa mga ginagawa niya. Mayaman siya at may itsura, kung tutuusin ay marami ring babae ang nagkakandarapa sa kanya pero nagtiya-tiyaga siya sa kagaya kong may anak na.
Lahat naman ng ginagawa niya para sa akin ay naa-appreciate ko, yun nga lang hindi sa paraan na inaasam niya kundi bilang kaibigan lang. Open din ako sa kanya sa totoong nararamdaman ko. Nilinaw ko sa kanya kung ano ba ang status naming dalawa, ayaw ko namang magmukhang pinapaasa ko siya lalo na at napakabuti niya sa akin lalo na sa mga anak ko. Ipinagtatabuyan ko na nga siyang maghanap ng iba pero mapilit siya.
Nagbusy-busyhan ako para malibang.
"Aurora." Seryoso niyang sabi. Batid kong gusto niyang i-open ang tungkol sa nangyari kanina.
"B-bakit Zach? May kailangan ka ba? Gusto mo ba ng makakain? May cake pa sa ref." Medyo utal kong sabi sa kanya. Kahit pilit kong iniiwasan ang tungkol sa nangyari kanina, alam kong hindi siya mapapakali hangga't hindi nagtatanong ng kung ano tungkol doon.
"Hindi ako nagugutom. Iniiwasan mo ba ako?" Medyo garalgal na ang boses niya. Bakas din sa mukha niya ang pagkabalisa. Naaawa ako sa kanya.
"Ha? Hindi. Bakit naman kita iiwasan?" Turan ko na kunwari ay natatawa. Sige pa Aurora, deny pa.
"Iniiwasan mo bang mapag-usapan natin ang nangyari kanina? Iniiwasan mo bang mapag-usapan ang tungkol sa tunay na ama ng kambal?"
"H-hindi naman sa ganon Zach. Inaalala ko lang naman ang nararamdaman mo." Pagdedepensa ko.
"Sasabihin mo na ba sa kanya ang tungkol sa kambal?" Seryoso ngunit basag na ang tinig niya. Kaya ayaw kong pag-usapan namin ito dahil hindi niya napipigilan ang emosyon niya.
"H-hindi. Wala namang dahilan para sabihin ko pa yun sa kanya. Bakit mo naman yan naitanong?"
"Paano kung malaman niya? Paano kung kunin niya ang mga bata? Paano kong pati ikaw kunin niya din? Kayo na ang buhay ko Aurora. Ikaw at ang kambal." Kita ko sa kanya ang pagiging desperado. Nanahimik ako ng ilang segundo. Hindi ko rin alam kung ano ang tamang sagot sa mga katanungan niya.
"Zach di ba napag-usapan na natin to? Bakit ba inuungkat mo pa rin ang tungkol kay Mikael?"
"Napag-usapan? Oo lagi kong inuungkat ang usapin na 'to pero lagi mo rin namang iniiwasan. Hindi mo maiaalis sa akin na matakot Aurora. Siya pa rin ang tunay na ama ng mga anak mo at kahit hindi mo sabihin sa akin ng diretso ay alam kong mahal mo pa rin siya. Ramdam ko yun. Kaya nga hindi mo magawang bigyan ako ng chance kahit 4 years na kayong hiwalay." Mahabang turan niya sa akin.
Nakaramdam ako ng kirot sa mga binitawan niyang salita. Kaya nga ba hindi ko magawang mahalin siya ay dahil hindi pa ako handa o hindi pa ako tapos magmahal ng iba? "Zach.. maitatago ko ang tungkol sa katauhan ng ama ng kambal sa mahabang panahon pero hindi sa habang panahon. Pinipili ko lang na wag muna sabihin sa kambal dahil masyado pa silang bata para ipaintindi sa kanila ang kalagayan namin ng ama nila. Pero darating ang panahon na kusa rin silang magtatanong. Kaya please lang wag na muna sana nating pag-usapan yan. Hanggat maaari ayaw ko munang mapag-usapan ang tungkol sa kanya."
Mukhang natauhan naman ata siya sa sinabi ko. Lumambot na din ang reaksyon ng mukha niya na kani-kanina lamang ay parang tuliro.
"I'm sorry Aurora." Mahinahong paghingi niya ng paumanhin sa akin.
"Naiintindihan ko Zach. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ako nga dapat ang humingi ng sorry dahil ako ang dahilan ng pagkakaganyan mo."
"Don't worry about me, Aurora. Gusto ko itong ginagawa ko. Choice ko ito. Masaya ako na nasa paligid ko lang kayo ng kambal."
"Masaya rin ako Zach na naging parte ka ng buhay namin ng mga anak ko. Napakalaki ng role na ginampanan mo sa buhay namin."
"Sana yung role na yun ay maging akin na talaga at hindi hiram lang. Alam ko namang hiniram ko lang ang pwesto ni Mikael sa buhay niyo. At kapag bumalik na siya mawawala na ako sa eksena."
"Wag kang magsalita ng ganyan Zach. Kahit malaman pa ng kambal ang tungkol kay Mikael ay mananatiling parte ka pa rin ng buhay namin."
"I love you, Aurora." Ramdam ko ang sincerity sa mga katagang yun ngunit hindi tugma sa nararamdaman ko. Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
"Nagawa kong maghintay sayo ng matagal kaya kakayanin ko ng kahit mas matagal pa Aurora. Hindi ako magsasawang patunayan sayo na deserving ako sa pagmamahal mo." Hindi ko maintindihan kung papaano niya nagagawang magtiis ng ganito dahil sa akin. Kung pwede lang sana turuan ang puso siya ang pipiliin ko dahil napakabuti niyang tao sa akin at sa mga anak ko. Wala naman siyang dapat pang patunayan kasi deserving siya sa tamang tao na masusuklian ang pagmamahal niya.
"Sorry Zach." Malungkot na sabi ko. Sa dami ng magagandang bagay na nagawa niya para sa amin ng mga anak ko ay hindi ko pa rin magawang mahalin siya gaya ng pagmamahal niya sa akin.
"Don't be sorry. Hihintayin ko yung panahon na ma-realize mong ako na ang mahal mo."
"Sana nga dumating yung panahon na yun Zach pero ayaw kong mangako ng kahit na ano sayo."
"Naiintindihan ko. Basta maghihintay lang ako. Mauna muna ako Aurora dahil kailangan ako ng mga tauhan ko. See you next time. Pakisabi sa kambal sa sunod naman ay magsisimba tayo ng magkakasama." Nakangiting sabi niya. Mas lalo akong nagi-guilty sa ginagawa ko para sa kanya. Lahat naman ng hinahanap ng isang babae sa lalaki ay nasa kanya na pero hindi ko yun ma-appreciate bilang babae. Importante siya sa akin bilang kaibigan lang.