Prologo
Palacia
Isang babae ang naglalakad sa gitna ng kalsada. Walang nakakapansin sa kanya at patuloy lang siya sa pag-lalakad hanggang sa makarating siya sa isang Inn.
"Isang kwarto." At inilapag niya ang isang gintong barya sa kahoy na mesa ng tagabantay.
Tumingin sa kanya ang tagabantay, kakakitaan ito ng isang emosyon na tinataglay ng lahat ng tao na naglalakad sa mundo, greed. Naging isang linya ang labi ng babae ng makita ang emosyong ito.
"Binibini, limang gintong barya ang aming renta dito." Humalakhak pa ang tagabantay. Ang mga kumakain sa tabi ay napailing na lang. Mukha kasing madaling mauto ang babaeng ito.
Biglang namutla ang tagabantay at hinawakan ang kanyang leeg na para bang may sumasakal sa kanya. Unti-unti ay lumabas ang dugo ng tagabantay sa kanyang bibig. Hindi na nakialam pa ang mga kumakain at umiwas ng tingin. Dahil alam nila, sa mundong ito, ang mga malalakas ang naghahari, and mga mahihina ay mga alipin.
"A....anong....."
"Isang kwarto." Muling sabi ng babae. Nanginginig na tumango ang tagabantay at binigyan ng limang pilak na barya ang babae.
At sa isang iglap, humangos ang tagabantay habang nakatingin sa babae na may maitim na mata. Ang pilak na buhok ng babae ay linipad ng hangin.
Ng mawala ang babae sa paningin ng karamihan, nagtawanan ang mga kumakain.
"Ayan, ang arogante kasi, akala niya naman kung sino."
"Tsk, tsk. Hindi niya ba naramdaman na sobrang lakas ng babaeng iyon kanina?"
"Mga mahihina nga naman."
At muling nagtawanan ang mga kumakain. Ang tagabantay ay tumakbo paalis habang habol ang hininga.
««——»»
Nakaupo sa kanyang higaan ang babae habang pinagmasdan ang pulang buwan. Walang emosyon sa mga mata nitong itim.
"Ina..."
"Nakarating na ako."
Tumayo ang babae at tumalon sa bintana. Sakto naman na pumasok ang tagabantay kasama ang iilang guwardiya na may dalang mga espada.
"Andito siya! Halughugin ang buong lugar!"
All the good girls go to heaven, but the bad girls they get backstage.