III. Hate That I Love You

2760 Words
"E-Earl?" gulat na sambit ni Veronica. Hindi niya maapuhap ang susunod na sasabihin. Bumilis bigla ang t***k ng dibdib. "Expecting someone else?" anitong bahagyang umangat ang kilay. "I-I thought you were busy," tanging nasabi niya. Hindi pa rin niya magawang pakalmahin ang puso. Hindi rin niya magawang alisin ang mga mata sa mukha ng binata. Nakapaligo na ito't nakapagbihis. Does he even know how good he looked in stripped tees? Na-conscious tuloy siya bigla sa sariling ayos. Kung bakit kasi nag-senti pa siya. "Oh.. not for you, my dear fiancee," anito. Hindi nakalagpas sa tainga niya ang sarkasmo sa tinig nito. Ibinaling niya kaagad sa ibang direksyon ang tingin bago pa siya ipagkanulo ng sariling mga mata. "Shall we?" untag nito nang tila mapako siya sa kinaroroonan. "I told your father we need to talk." Kumunot ang noo niya. "R-Right now?" Kani-kanina lang ay halos ipagtabuyan siya nito palabas ng opisina nito. Ngayon, gusto na siya nitong kausapin? Tinapunan siya nito ng aburidong tingin. Alam na niya ang sagot nito sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "But I have to change," aniyang pigil ang sariling pumadyak. "You don't need to. Besides, I don't have time to wait for you." Why does he have to be rude? Humaba ang nguso niya at walang nagawa kundi ang mapasunod rito. "You should've called," aniya habang pababa sila ng hagdan. "I did. Ang Papa mo ang sumagot," balewalang sagot nito. Naalarma siya sa narinig. "I hope he did not give you a hard time," aniya nang maalala ang huling pinag-usapan nila ng Papa niya. "Believe me, I had worse," sagot nito. Lihim na pinag-aralan ang bawat galaw nito. At bawat segundong lumilipas ay mas lalong tumitindi ang pagkabog ng dibdib. Parang sasabog iyon anumang oras. Nang papasok na sila ng living room ay ginagap niya ang palad nito at bumulong. "Smile." Parang nanlambot siya nang mahawakan ang kamay nito. May kung anong kuryenteng gumapang mula sa kamay patungo sa buong sistema niya. Biglang nag-flashback ang nakaraan. May sumigid na sakit sa puso niya. It's the same warm hands that used to held her. When her heart was young and felt love for the very first time. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit pero pinigilan niya ang sarili. "Can I borrow your daughter for a while, Sir?" Nakangiti ang Papa niya habang nakatingin sa kanila na tila ba tuwang-tuwa. "Sure, you can." "Don't worry, we won't be long," dagdag pa nito at bahagyang sumaludo sa Papa niya. "Do whatever you want. No curfews," pahabol pa ng Papa niya. "Bye, Pa," aniyang hinalikan sa pisngi ang ama saka kumapit sa bisig ni Earl palabas ng bahay. Inalalayan siya nito palabas. Ngunit agad siyang binitawan nang makalabas sila ng pinto. "Saan tayo pupunta?" tanong niya. "Somewhere private," anitong hindi niya alam kung pagod o sadyang aburido. Binuksan nito ang pintuan ng kotse para sa kanya. Agad naman siyang napasunod. Wala silang imikan habang nasa loob ng sasakyan. Napatikhim siya. "Is there something wrong?" aniyang napatingin rito. Kunot ang noo nitong nakatuon ang buong atensiyon sa pagmamaneho. "You'll know when we get there," sagot nitong hindi man lang siya sinulyapan. Napatango lang siya. Hindi na siya nito muling kinausap pa. Wala siyang nagawa kundi ang ibaling ang tingin sa labas ng bintana. Ang daming tanong na nasa isipan niya. Ang daming gusto niyang sabihin rito. Lahat, nakabinbin sa lalamunan niya dahil nilakasan lang nito ang stereo ng sasakyan. It's not even music. It's evening news. How romantic. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa labas ng bintana. Saan ba talaga sila pupunta? Nagpasalamat siya nang ilang saglit pa'y inihimpil nito ang kotse. Napalunok siya nang mapagtanto kung nasaan sila. How can she forget? Nabasa niya ito sa Bachelor's magazine. Earl Simon San Diego's condominium- the lion's den. And he just didn't own a unit, he owned the entire building. Ano'ng gagawin nila rito? Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito. Agad na siyang umibis mula sa kotse at sinundan ito. Wala silang imikan sa loob ng elevator. Gusto niyang magtanong ngunit tinatalo siya ng kaba sa dibdib. What could it be that he would show her? Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Silang dalawa lang doon. Naalala niya kung paano siya nito halikan kanina at kung paano siya tumugon. Napalunok siya at iwinaksi ang iniisip dahil para siyang aatakihin sa puso sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib. "Are we going to live here?" tanong niya para mawala ang kaba. Tumango ito. "Unless you want to live somewhere else?" Lihim siyang umingos. Hindi na siya nagsalita pa. Why does he always have to be sarcastic? "Make yourself comfortable," anito nang sa wakas marating nila ang unit nito. Tango lang ang isinagot niya. Unti-unting naging normal ang t***k ng puso niya nang iwan siya nito. Sinuyod niya ng tingin ang bahay nito para tuluyan mawala ang tensiyon sa dibdib. It's even more beautiful kesa sa larawan sa magazine. It's worth a fortune. But it felt empty... The whole house implies sadness. Pakiramdam niya'y hinihila ang puso niya pababa. Nagkibit-balikat siya. Masyado yata siyang sensitibo at pati bahay nararamdaman na niya. Siguro'y papalitan niya ng kulay ang kurtina nito. It's too dark. Gusto niya ng maaliwalas, yung nagre-reflect ang liwanag ng araw sa buong bahay. She'll probably change the wallpaper too. Napatitig siya sa painting na nakasabit sa dingding. It's a creepy painting of an old house behind withered trees. Kailan pa naging paborito ni Earl ang mga ganoong klaseng paintings? Nakikinita niya ang sariling pinapalitan iyon ng malaking frame ng wedding picture nila. Napangiti siya sa sarili. She will be a lot busy when they get married. Naglibot pa siya sa kusina. Napangiti siya nang makita kung gaano kasinop iyon. She loves to cook. Halatang hindi nagluluto ang binata dahil wala man lang nagalaw sa mga gamit doon. May panghihinayang na nanahan sa dibdib niya. Nang mapagod sa kalilibot ay bumalik siya sa living room at napaupo sa sofa. Napangiti siya nang maramdaman kung gaano kalambot iyon. Napatingin siya sa hagdan, wala pa ang binata kaya't humiga siya. "So comfy!" bulalas niya. Nakikita niya ang sariling nagbabasa ng libro o kaya ay gumagawa ng disenyo roon. Nakikita rin niyang nakayakap kay Earl habang nanonood ng movie. Pinamulahan siya ng mukha sa huling naisip. "I see you're at home," naulinigan niya ang boses ng binata. Dagli siyang napatayo mula sa pagkakahiga. Ni hindi niya narinig ang pagbaba ni Earl. "I like this sofa, saan mo nabili? I'd like to have one in my boutique," aniya para takpan pag-iinit ng mukha. Tila wala itong narinig. Walang salitang iniabot nito sa kanya ang tangang folder. Nagtatakang tinanggap niya iyon. "What's this?" aniyang nakangiti. Hindi ito sumagot kaya binasa niya ang papeles na nakapaloob doon. Tila may bumara sa lalamunan niya nang mapagtanto kung ano ang nilalaman ng papeles na hawak. Napatingin siya kay Earl. Napalis ang ngiti sa labi. "I just want to make everything clear." Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Gusto niyang batuhin ito sa folder na hawak. Nakasaad sa papeles na hawak niya ang apat na kondisyon sa loob ng pagsasama nila bilang mag-asawa. Unang-una, hindi siya pwedeng makipagkita sa kahit na sinong lalaki habang mag-asawa sila. Pangalawa, gagampanan niya ang tungkulin ng isang tunay na maybahay. Pangatlo, tinatanggal niya ang karapatan sa parte ng yaman ng mga San Diego. At pang-apat, kapag natapos ang kasunduan, magpapakalayo siya at hindi magpapakita kailanman ulit dito. Napabuga siya ng hininga dahil naninikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya'y sasabog iyon anumang oras. "What do you think of me?!" aniyang hindi napigilan ang pagtaas ng boses. Pakiramdam niya'y nanginginig ang buong katawan sa sobrang sama ng loob na nararamdaman. "This is the deal you needed, Veronica. Just sign it and it's over." Nagtatalo ang loob niya habang nakatingin sa dokumentong hawak. Gusto niyang punitin iyon sa harap ng binata. Gano'n ba kababa ang tingin ni Earl sa kanya? Talaga bang wala ito kahit na konting tiwala sa kanya? At ganoon ba siya kawalang-halaga dito at gugustuhin nitong tuluyan siyang maglaho pagkatapos ng kasunduan? "This is just your side of the deal, what about mine?" aniyang pilit ibinabangon ang durog nang pride. "Was I the one who begged for this marriage?" tanong nitong kumunot ang noo. "Wala ka naman talo dahil oras na pumirma ka, gagawin ko ang parte ko bilang asawa mo sa harap ng Papa mo." Bago pa magdilim ang paningi'y kinuha niya ang ballpen na hawak nito at buong diing pinirmahan ang mga iyon. Hindi niya halos mahawakan ang ballpen ng maayos dahil sa sobrang panginginig ng kamay. "Done! Happy?" aniya sa pagitan ng mga ngipin at isinaksak sa dibdib nito ang papeles. Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit na nararamdaman. She's totally mad! Mabilis siyang tumayo. "If that's it, I'm leaving. Huwag mo na akong ihatid!" aniya saka nagmartsa patungo sa pinto. Hindi na niya nilingon ang binata. Baka tuluyang magdilim ang paningin niya. She wants to punch his face and break his perfect nose! Buong diing pinindot niya ang elevator. Paulit-ulit hanggang sa bumukas iyon. Pakiramdam niya'y naubos lahat ng pasensiya niya sa lahat ng bagay. Ilang beses siyang huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. She's never been this mad in her whole life! Nang makarating sa parking lot ay buong gigil na tinungo ang sasakyan ng binata at sinipa iyon ng pagkalakas-lakas. "Oww!" hiyaw niya nang tumama sa bakal ang paa. Napa-upo siya sa sementadong sahig, hawak-hawak ang paa. STUPID! aniya sa sarili habang namimilipit sa sakit. STUPID! STUPID! STUPID! Saka niya namalayang umiiyak na pala siya. Mabilis niyang pinahid ang luha. Isang pares ng paa ang naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Pakiramdam niya's sisiklab ang dugo niya. "Don't touch me!" singhal niya nang akmang tutulungan siya nito. "Really, you are overreacting, Veronica!" Nagpupuyos ang loob niya. Overreacting?! How is she supposed to react about it, anyway? Laugh it out loud? Pinilit niya ang sariling makatayo. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit. Naglakad siya palayo rito. Hindi ininda ang sakit sa paa. Pero mabilis nitong hinawakan ang kamay niya. Kaagad siyang napapiksi. "I said don't touch me! Uuwi akong mag-isa!" "Stop being stubborn!" anito saka kinarga siya sa bisig nito at isinakay sa driver's seat sa kabila ng pagpupumiglas niya. Mabilis itong sumakay nang mailapag siya. Wala siyang nagawa kundi ang umusod papunta sa passenger's seat. Kapwa sila humihingal. Galit ang ekspresyon ng mga mukha. Tinangkang buksan ni Veronica ang pintuan ng kotse ngunit naka-power lock 'yon. "Buksan mo 'to! Maglalakad ako pauwi!" "Stop this, Veronica!" singhal nito sa kanya. "Why are you making a big fuss about it? Lahat ng deal may kontrata! You even said you're gonna do everything. Well, this is part of everything!" Napapikit siya ng mariin at pilit pinakalma ang sarili. Humihingal pa rin siya sa galit. Pinahid niya ang luhang dumaloy sa pisngi. She never wanted for him to see her cry. Tama ito. In the first place, they are having a deal, not a real marriage. Saka niya naramdaman ang sakit na ngumangatngat sa dibdib. She felt insulted, humiliated and degraded. And it was not just because of that stupid document. It's because of the fact that Earl had planned how the marriage to end when it hasn't even started yet. What could be more painful than that? At galit siya dahil nasasaktan siya. Gusto niyang pukpukin ang ulo sa iniisip. How can she get so emotional in front of him? How can she let him see how much he's affecting him? Ni konting hiya wala na siyang itinira sa sarili niya. "Open this car, right now," may banta sa tinig niya. Ngunit pinaandar nito ang kotse. "Open this or else-" "Or else what?" "Sisigaw ako!" aniya habang pilit binubuksan ang pinto. "Fine, sumigaw ka." Sukat sa narinig ay tumili siya ng pagkalakas-lakas. Gusto niyang ilabas ang bigat sa dibdib. Ngunit saglit lang 'yon. Bigla siyang hinila ni Earl at sinakop ng labi nito ang labi niya at buong diin siyang hinakan. Nabigla siya sa ginawa nito. Kusang umatras ang tinig. Pakiramdam niya'y mamamaga ang labi niya sa mapagparusang halik nito. Ngunit mas nabigla siya sa sariling reaksiyon. Tila kandilang nauupos ang galit niya, namalayan na lamang niyang tinutugon ang bawat paggalaw ng labi nito sa labi niya. Napakapit siya sa batok nito at hinila papalapit ang binata. Unti-unting naging banayad ang paghalik nito. Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa pisngi niya. Kapwa sila humihingal nang magkahiwalay ang mga labi. "Sisigaw ka pa?" halos bulong na sa nito. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga. Akmang sasagot siya nang muli nitong inangkin ang labi niya. Muli, nawala sa katinuan ang sarili niyang utak at gumanti ng halik dito. "I know you, Veronica," anas nito habang hinahalik-halikan ang punong-tainga niya."I know you inside-out." Tumigil ito sa paghalik at tinitigan siya ng matiim. "That's why I don't trust you...not a bit." Malamig na sabi nito. "That's what the pre-nup's for." Marahas na tinanggal nito ang kamay niyang nakakapit sa batok nito at lumayo sa kanya. "Next time you'll try to lure me with kisses, make sure I'll be crazy over it, I might cancel the pre-nup, you know," dagdag nitong hindi na siya tiningnan. Daig pa niya ang nakatanggap siya ng magkasabay na mag-asawang sampal. Ngunit hindi ang pisngi niya ang namamaga kundi ang sariling puso.Who's trying to lure who?! He was the one luring her with kisses! At tanga naman siyang hinayaan itong halikan siya. Worse, she kissed back! May pinindot ito, kasunod no'n ang paglagitik ng pinto ng sasakyan. "Kung gusto mo pa ring maglakad pauwi, gawin mo. But forget about the deal." Napabuga siya ng hininga at tumingin sa labas ng bintana. Sumidhi ang inis sa dibdib. Naiinis siya sa sarili. Naiinis siya sa sitwasyon nila ngayon. How can she love this man? Gusto niyang maawa sa sarili. How can she be so weak in his arms? Pinatakbo na nito ang sasakyan nang hindi siya magsalita. Ilang sandali pa'y tumigil na ang sasakyan. Nasa harapan na pala sila ng bahay nila. "Do we still have the deal or not?" "I signed it, didn't I?" aniya sa pagod na tono. Umiwas siya ng tingin at walang imik na binuksan ang pinto. Nagulat siya nang umibis ito ng sasakyan at inalalayan siya papasok ng gate. "Your dad's watching," anito. Kaya pala... "Kaya ko na," aniya. "You can't even walk properly," himutok nito sabay hawak sa bewang niya. Muntik na siyang mapasigaw nang bigla na lang siya nitong kinarga. Hindi na siya nagprotesta dahil kumikirot pa rin ang paa. Kinarga siya nito hanggang sa silid. Maingat na inilapag siya nito sa kama saka walang paalam na tumayo. Akala niya'y aalis na ito pero bumalik ito may dalang medicine kit. Nagtatakang tiningnan niya ito nang lumuhod ito sa harapan niya. Itinago niya sa ilalim ng kama ang paa niya. "Baka mamaga iyan," balewalang sabi nito sabay hawak sa paa niya at tinanggal ang sapatos na suot. "Ako na," aniya. Pero tila wala itong narinig. Nilagyan nito ng ice pack ang paa niya pagkatapos nitong linisin ang gasgas doon. Wala sa loob na napatitig siya sa binata. And she remembered the very reason why she fell in love with him and why she keeps on falling for him. Dagli niyang iniiwas ang mata nang mag-angat ito ng tingin. Maingat nitong inilapag ang paa niya sa kama. "Just to help you reason out with the tears," anito sabay kuha sa kahon sa loob ng jacket nito iniabot sa kanya. Napaawang ang bibig niya nang buksan iyon. It's a beautiful tiara adorned with diamond studs. She fought back the tears so hard. Alam niya ang history ng tiara ng mga San Diego. It's always handed to the first born son and is given to the woman he loves. For some reasons she felt he had broken the tradition because she knew how he felt about her. "I'm off," tanging sabi nito at lumabas na ng silid niya. Hindi siya makapagsalita. Nang tuluyang sumara ang pinto'y saka niya pinakawalan ang luhang kanina pa nagbabantang pumatak. Hindi niya ito maintindihan. One moment he's cruel and now he's tender. And it's torturing her. He hates her. Iyon ang katotohanang dapat niyang itanim sa utak. Hindi na ito ang dating Earl na mahal siya at natatakot na masaktan siya. But a part of her hopes she could bring the old Earl back. Should I marry him? Even if it means suicide? tanong ng isang bahagi ng utak. Bumalong ang luha nang maalala ang nakalipas. She felt so stupid. But then... She'd rather be suicidal than lose him again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD