II. Kiss Me

2864 Words
This is what he's been dreading to do the moment she stepped into his office. Her lips... her smell... her body... Everything about her is driving him crazy! Nanigas ang katawan niya nang biglang maglapat ang labi nila. Veronica didn't move but he could feel her lips were shaking against his. And he could not stand the sweet torture. Hinapit niya bigla ang bewang ng dalaga at nilagay ang isang kamay sa batok nito. Nakita niya ang bahagyang pagkalito sa mata nito nang sinimulan niyang igalaw ang labi. Inangkin niya ang labi nito na tila ba mauubusan siya. He was literally trembling holding her this close, feeling her, tasting the sweetness of her mouth. Napasinghap ito pero imbes na itulak siya'y napakapit ito ng mahigpit sa batok niya, tila ba malulunod. Hinagod niya ang kurba ng katawan nito at mas idiniin sa katawan niya. He heard her gasped and moaned and he wants more of it. He kissed her full in the mouth, wantonly, revealing how much his desire is for her. He parted her lips and savoured her sweet mouth, teasing her, leaving her no choice but kiss him back. He didn't even care to breathe. Memories flashed. All the best and the worst. But still, he can't get enough of Veronica's lips. It's what haunted him for the last five years of his life. And the last thing he wanted to do is to let go of her. He wanted more. He hungered for more. Biglang may tumikhim. Tila nakalimutan ni Veronica ang dahilan kung bakit niya hinalikan si Earl. Ibang-iba iyon sa halik na pinagsaluhan nila noon. Earl used to give her gentle kisses but now it's deep, hungry and wild. And it surprised her that she's like a willing prey, wanting for more. It felt so good that she didn't want to let go. She wants more of his kisses, more of his touch, just more of him. May tumikhim ulit, mas malakas sa dati. Kapwa sila napalingon at kaagad na bumalik ang huwisyo nang makita nila si Done Eleazar na nakatayo sa pintuan. Mabilis na iniayos ni Veronica ang sarili. Parang gusto niyang maglaho sa mga sandaling iyon. "You should find a better place for this son." ani Don Eleazar na nakangiti sa anak. "I'm surprised to see you here, hija." baling nito kay Veronica na namumula. Veronica tried to compose herself. The plan in her mind is for Tito Eleazar see them kissing. A smack is enough, not a torrid one. Parang may lumilipad na paru-paro sa tiyan niya habang nakatayo sa harap ng mag-ama. Lumapit siya at hinalikan ang don sa pisngi. "We were just discussing about the wedding, Tito. And... and got a little carried away." "Tito? You should call me Daddy now." Napangiti ang dalaga saka napatango. "Yes, D-Dad." "I really hated interrupting but I just need to talk to Simon for a moment." "It's alright, D-Dad. I'm about to leave, actually." Napatingin siya kay Earl. Matiim siyang tiningnan nito. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Iniisip rin ba nito ang halik na namagitan sa kanila? That was intense. Hanggang ngayon, lutang pa rin ang pakiramdam niya. "Ihahatid na kita sa baba," biglang sabi nito. Mabilis siyang umiling. "I can manage," sagot niya. She needed some space to really breathe. Pero tila wala itong narinig. "I'll be back, Dad," paalam nito sa ama at hinawakan ang siko niya. "Bye, Tito. I mean, D-Dad," aniyang nginitian ang don. Halos hindi niya maramdaman ang paa habang naglalakad sila palabas ng office nito. "I-I really can manage, Earl. Baka importante ang sasabihin-" "Just shut up," anito na ikinatahimik niya. Fine! Sigaw niya sa isip sabay ingos rito. Pagpasok ng elevator ay halos sabay silang napahalukipkip. "Did you bring your car?" Umiling siya. Nagpahatid lang siya kay Manong Jun dahil akala niya'y matutuloy ang date nila kagaya ng sabi ni Elaiza. "I'll just take a cab." "Take a cab?!" anitong halos ikabasag ng eardrums niya. "Jesus! You don't need to shout!" Tiningnan siya nito na tila mawawalan ng pasensiya. "Don't you know how dangerous that is?" anitong hindi pa rin bumababa ang tinig. Bumuka ang bibig niya pero wala siyang maapuhap na sagot. Ano nga ulit ang sabi nito? Nag-aalala ba ito sa kanya? Pero bakit kailangan nitong sumigaw? Paglabas ng elevator ay iginiya ulit nito ang siko niya. Aburido pa rin ito, ni hindi ito ngumingiti sa mga empleyado na bumabati rito. What happened to you Earl? Tanong niya sa isip habang lihim na sinulyapan ito. Malayong-malayo ito sa Earl niya noon. Yung Earl na palaging nakangiti at mahinahon magsalita. Yung Earl na makulit at hindi nauubusan ng hirit. Yung Earl na maalaga at palagi siyang inaalala. Yung Earl na mahal na mahal siya. Paglabas nila ng building ay ini-angat lang nito ang kamay na may susi. Kaagad na may lumapit rito at ini-abot nito ang susi. "Si Mang Ben na ang maghahatid sa'yo. I will never see you ride a cab alone." She pouted her lips. Hindi na siya sumagot, pagod na siyang makipagtalo. Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "If you want me to be in this deal, you have to work hard not to burden me with anything. I can't care about you so you should be taking care of yourself!" patuloy na sermon nito. Gusto na niyang maiyak dahil kanina pa niya kinikimkim ang sariling emosyon pero maraming matang palihim na nakamasid sa kanila kaya pinilit niyang pigilin ang nagbabantang luha. "You already said yes to the deal," paalala niya. "And you have no right scolding me in public. Hindi pa tayo kasal!" maigting na sabi niya na ikinapula ng mukha nito. Natigil ang pagtatalo nila nang tumigil ang sasakyan sa harap nila at pinagbuksan siya ng driver. "We'll talk about the deal in detail," mariing sabi nito. "Fine. I'll see you tomorrow, then? We could also pick up the rings, my gown and do the pictorial." "I'll think about it," malamig na sagot nito. Gusto niyang magprotesta. Kailan nila pag-uusapan ang tungkol sa kasal? Pero said na ang lakas niya para makipagtalo pa rito. Tumalikod siya nang maalalang maraming nagmamasid sa kanila. Hinarap niya uli ito. "I need to kiss you," paalam niya. "For the audience," dagdag niya nang kumunot ang noo nito. Lumapit siya rito't tumingkayad para maabot ang pisngi nito. Ngunit biglang humarap ang binata at sinalubong ang labi niya sabay hapit sa bewang niya. He gently bit her lips. Hindi niya napaghandaan iyon. "Liked that, huh?" naulinigan niyang sabi nito. Saka lang niya namalayang nakapikit siya ng mariin at naka-awang ang mga labi na tila ba umaasam na halikan ulit nito. Muntik pa siyang matumba nang bitawan siya nito. "Not bad," aniya nang makabawi sa sarili. "But not the best I had." Dagdag niya para matabunan ang pagkapahiya. Mabilis niya itong tinalikuran at sumakay sa kotse bago pa man siya makarinig ng anumang pang-iinsulto mula rito. Nag-init ang makabilang pisngi niya. How could she easily get lost in his kiss? Nang maisara ni Mang Ben ang pinto ng sasakyan, bumigay ang sariling emosyon. Nanubig agad ang mga mata niya dahil sa emosyong kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ang binata na naglalakad papasok ng building. God... she's so happy to see him again... Ngunit parang pinipiga ang puso niya sa galit na nasa mga mata nito. 'You knew how I hated you, Veronica'. Nag-eecho iyon sa pandinig niya. 'You knew that you will be the last girl I would want to marry. In fact, I never want to see you again. But here you are... and here we are. I don't have much choice, do I?' Gusto niyang sumigaw para mawala ang sakit sa dibdib. Earl hates her. She knew that... She thought she's prepared enough. Hindi niya akalaing ganito kasakit. Kinagat niya ang labi para mapigil ang luha. She had to calm down. Huminga siya ng malalim at napapikit. Did I make you that way, Earl? piping bulong niya sa sarili. "I didn't expect what I saw..." bungad ng Daddy niya pagkapasok niya ng opisina na ikinangunot ng noo niya. "What do you exactly mean by that, Dad?" ani Earl na tinitigan ang amang kampanteng nakaupo sa silyang nasa harapan ng mesa niya. Kung hindi ito dumating, he could have devoured Veronica by all means. Nanuyo ang lalamunan niya sa iniisip. Pilit niyang ibinaling ang atensiyon sa ama. "It's my way of saying I'm glad, son," sinserong sambit ng Don. "This wedding is one of my biggest dreams. I just knew you two are good for each other. I wish you had met a long time before... You could've had enough time to know each other." Napatiim-bagang ang binata. I've known her long enough, Dad... "I'm sorry if I ruined the moment but I came for something urgent and important." Napatango siya. Alam niyang naka-book na ang flight nito bukas para sa pagbubukas ng branch ng hotel nila sa Singapore. "About what Dad?" "I want you to review this," anitong ibinigay sa kanya ang financial report ng lahat ng businesses ng mga Sandoval. "I know we can still save the company." Napatango siya sabay tanggap ng folder na dagdag sa nakatambak na papeles sa mesa niya. "And I wanna give you this." Anang ama at iniabot sa kanya ang isang kahon. Nagtatakang binuksan niya iyon. "It's a family heirloom. Veronica can have it." Napatitig siya sa tiara na nasa loob ng kahon. His mom used to keep it until she broke up with his Dad. Hindi niya alam na itinago pala ng Daddy niya. "Do you really think I'd give her this? Isn't this what we give to the woman we love?" "After what I just saw, I have no doubt you're gonna give that to Veronica. Though, it made me wonder... how could you have fallen easily?" makahulugan ang ngiti nito. "Pardon?" kunot-noong sagot ng binata. Umiiling-iling ang kaharap. "You can never lie. I saw the way you looked at Veronica. At ang gan'ong mga klaseng tingin ang alam na alam ko." "I'm not in love with her," malamig na sabi niya. Yes, he might wanted to do her but that doesn't mean anything at all. He hates her. At hindi iyon mawawala kahit gaano pa katamis ang labi nito. "Defensive, aren't we?" anito, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. "You're gonna thank me and Federico for this, son." Naging seryoso din ang mukha ng don. "This wedding is what I wanted from the very beginning. I'm really glad." "The wedding is an easy thing. Keeping the marriage work is the challenge. How can I keep being married to her if I ran out of reason?" Matamang tiningnan ng Don ang anak. Pilit binabasa ang isip nito. "I'm sure, the moment she walked through your door you've found your reason. You just need time to know what it is, son." I hate her... that is the only reason I'll keep her. But you wouldn't want to hear this, Dad. You wouldn't want to see me breaking her heart as she had broken mine. "Simon?" Saka lang naalimpungatan si Earl. Saka lang niya napansin ang mahigpit na pagkuyom ng kamao. Napabuntong-hininga siya. Saka sinulyapan ang amang pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha niya. His Dad never called him Earl. He preferred to call him by his second given name. Hindi niya alam kung napatawad na nito ang ina niya sa ginawang paglayo nito sa kanilang mag-ama, dahil isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw ng Daddy niyang tawagin siyang Earl. "Take a break, son," anang amang napatayo. "I'm having a dinner with a client so I've got to go now." Tumango siya sa ama. "Yeah, Dad. I'll go somewhere to relax after these," aniyang sinulyapan ang mesa. "Do that," anito saka tumalikod. "Dad?" aniya nang may maalala. Tumigil ito sa paghakbang at nilingon siya. "Do you want to visit Mom?" Gaya ng dati, wala siyang sagot na narinig mula rito. Tumango lang siya at pinanood ang paglabas nito. Darating pa kaya ang panahong mag-uusap muli ang mga magulang niya? Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Ilang sandali pa'y itinuloy niya ang ginagawa. Ngunit nagpupumilit sumiksik sa isipan ang mukha ng babaeng minsa'y pinag-ukulan niya ng lahat-lahat. Hindi na siya makapagtrabaho ng maayos kaya't binalingan niya ang laptop. He'll settle their arrangement once and for all. "I thought you had a date, hija." Napangiti si Veronica nang mabungaran ang ama sa living room. Nasa paboritong couch niya ito, nagbabasa ng libro. She loves her father so much. Ito na lang ang tanging nagbibigay lakas sa kanya. She will do all that it takes to make him happy. "Something wrong?" naulinigan niya ulit ang boses ng ama. "I thought you're having dinner with Earl." "Y-Yes, Pa," mabilis na sagot niya. "Uhmm... We postponed it. He's kinda busy right now and I perfectly understand that." "Well, I perfectly don't," agad na sabi ng ama. "For years I believed he is the right man for you. I was so sure of that." Mataman siyang tinitigan nito. "But now, I have my doubts. Maybe we should think again about this wedding, hija." Natigilan si Veronica. Her father had prepared her for these things since she was sixteen. After all those years, he's having doubts? Is he going to take back his words? Two weeks more and it's gonna be her wedding day. Tama ba ang naririnig niya buhat sa ama? "Earl is perfect, Pa," biglang nasabi niya. Ngayong may pagkakataon siyang makatakas, saka niya napagtanto kung gaano ka-importante sa kanya ang makasal sa lalaking matagal na niyang mahal. Parang gusto niyang maawa sa sarili. Siya lang ba ang may gustong matuloy ang kasal? What's going on? "He had to do a lot to prove that," seryosong sabi nito. "Kailangan lang niya ng panahon. W-We talked and we are old enough to understand where we are heading and what we have to do." "If it's the company you're worried about-" "No," pigil niya sa sasabihin ng ama. "The company has nothing to do with this, though it will surely be benefited afterwards, but it's not the company...It's just that... I am ready. And... and... I'm happy about this. If not now, when? If not with Earl, with whom? It's just a matter of time, Pa. I'm gonna be a bride. If the time is now, then, it is now. I want to have a family of my own... just like the one we have. I want to share my life with someone like the way Mom shared her life to you...And if it is Earl, I am more than willing to accept him in my life..." Napatitig sa kanya ang ama. "That's..." tila hindi nito malaman ang sasabihin. "Unbelievable." Ngumiti siya. Gusto niyang maramdaman ng Papa niya na masaya siya sa desisyon nito para sa kanya. "I'm gonna marry him not because you told me so, not because of the company or anything else but because I feel so right about this. So you don't have to worry." "I never expected you to say these things, hija. I'm relieved. I thought you hated me for this." "Well, I hated you before. But I love you more, Papa. Alam mo naman 'yan, di ba?" Napangiti ito sa sagot niya. Lumapit siya at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you, hija," naulinigan niyang sabi ng ama. "But I want to regret... I just gave someone the authority to steal my princess away," anito sabay buntong-hininga. Napangiti ang dalaga. Kasabay nuon ang paglaglag ng luha. Dagli niyang pinahid iyon. "I'm not going anywhere far from you, Pa. That's a promise. You'll just have to accept that you're having a son." Tumango ito. "I need to talk to that young man." "Just talk," paalala niya. Kilala niya ang Papa niya. "No threats, blackmails whatever." "Plain talk," anaman nito. "I have nothing more to say, hija but thank you," buong pusong sabi nito. "and I love you so.." "Same here, Pa... I love you so much," aniyang hinalikan ito sa pisngi. "Are you sure you just met Earl, today?" Natigilan si Veronica. Umiling-iling ang ama. "I just got the impression that you've been in love with him for a long time." Walang maapuhap na sagot ang dalaga. Biglang nag-ring ang telepono. Dagling tumayo ang ama. "I'll get it. Go, freshen up." Tumango siya at umakyat sa silid. Nakahinga siya ng maluwag nang maisara ang pinto. Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Hapung-hapo siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. At kagaya ng nangyayari sa bawat gabi, pumasok sa balintataw niya ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya. Naramdaman niya ang pangingilid ng luha. She misses him. And it pains her knowing he doesn't feel the same. Pero higit siyang nasasaktan sa galit na nakikita niya sa mga mata nito. Magagawa pa kaya siyang patawarin nito? Matagal siyang nakatitig sa kisame nang makarinig siya ng katok sa pinto. Dagli siyang bumalikwas ng bangon at kaagad niyang pinahid ang luha. Tiningnan niya ang sarili sa salamin saka huminga ng malalim bago binuksan ang pinto. "I'm coming, Pa," aniyang nakangiti para lamang mapatda nang mapagsino ang nasa labas ng silid. "Surprised?" walang kangiti-ngiting bungad ng hindi inaasahang panauhin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD