5 months later...
"Working hard?"
Napatingala si Earl. Totoo'y kanina pa niya gustong i-angat ang ulo, he just allowed five more minutes dahil tambak ang trabaho sa mesa niya. Kunot ang noong tinitigan niya ang bagong dating.
"Where's Leah?" aniyang tinutukoy ang sekretarya.
"Nasa canteen, pina-kape ko muna. She looked awful."
"I thought I made it clear that I'm not seeing anyone," mahinang sabi niya saka ibinalik ang tingin sa binabasang papeles.
"Oh, c'mon Kuya, give yourself a break!" napabuga ito ng hangin sabay lapit sa kinaroroonan niya. "I haven't seen you for days, my God! And we just live in the same house, don't we?"
"I'm busy, Elaiza."
"Yeah, yeah...looks like it," anitong nakatingin sa papeles na nasa harapan niya. "Look at you, Kuya, you've aged! You look ten years older than yourself... and it's just because of these papers?"
"Please Elaiza, the last thing I need now is a nagging sister."
"I'm not nagging," anitong pina-ikot ang mata. "I'm just trying to show you what you're missing! You don't need to work twenty-four hours a day, my goodness! O baka naman may pinipilit kang kalimutan?"
Naalarma siya sa himig ng pananalita nito. Alam na niya kung saan papunta ang usapang iyon kaya pinigilan niya ang anumang sasabihin ng kapatid. "I don't have time for baby talks. Now, go and grow up!" singhal niya ngunit hindi man lang ito natinag.
"You're not busy. You're just doing the work of ten people. You want to be so stressed para makalimutan mong -"
"Stop it!"
"If you consider yourself grown up, then I want to be a baby forever!" she pouted. "Kuya, there's more to life than this company! Ilang beses ko ba dapat ipaalala sa'yo-"
"Elaiza-"
"Kuya, ikakasal ka na!"
Natigilan si Earl.
"Whew! Nasabi ko rin," anitong ngumiti at umupo sa gilid ng mesa niya. "Why are you always avoiding this topic, Kuya? And why are you always avoiding your fiancée?"
Napahilamos si Earl sa mukha. That's the last thing he would want to talk about. "Just leave, Elaiza. And I mean, NOW," buong-diing sabi niya.
"Not until you get my point!" padabog na sabi nito. "If you can't do yourself a favor, then do this for Veronica. She doesn't deserve to be treated this way."
"Just leave," aniyang hindi tiningnan ang kapatid.
Tumayo ito at nakapameywang na ipanagpatuloy ang sermon sa kanya. "She had no choice but to marry you. Why are you making things so hard for her? Is this really what you call marriage of convenience? Because it's not convenient!"
Hindi umimik si Earl. Sumakit ang ulo niya bigla sa narinig.
"You have to make it up for her. The wedding is two weeks from now and yet you never showed up even once for her after that horrible engagement party. You screwed up every date you had because of your work."
Napatiim-bagang ang binata. You had no idea, Elaiza..
"Kuya, I like her!" biglang sigaw nito nang hindi pa rin siya umimik. "I like her! I like her!" anitong parang batang nagdadabog. Elaiza is twenty-two with an attitude of two-year old which makes her irritating and adorable at the same time. Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng pasensiya para sa kapatid.
"Then, why don't you marry her?" kalmadong suhestiyon niya sabay napahalukipkip.
Tumigil ito sa pagpadyak at naniningkit ang matang tiningnan siya. Naaiiling na iniwasan niya ang tingin ng kapatid dahil natatawa siya sa ekspresyon ng mukha nito. Bumunghalit ito ng tawa bigla. Kinagat niya ang labi para pigilan ang sariling mahawa sa tawa nito subalit hindi niya mapigilan ang ngiti kaya't ibinalik niya ang ulo sa mga papeles.
"Nice one, Kuya," anitong pigil pa rin ang tawa. "But seriously, I like her and I know when you get to know her, you'll like her, adore her and absolutely love her."
Nawala ang ngiti niya nang bumungad sa balintataw niya ang babaeng halos isinumpa niya noon.
"Fine, I'm leaving!" anito nang hindi siya kumibo. "Anyway, I've set up a date for you two. She'll be coming here in a couple of minutes. And don't you ever put her off again," she warned.
Galit na napatingin bigla si Earl sa kapatid. Bumuka ang labi niya para magprotesta ngunit sinapawan agad siya ng kapatid.
"Oh c'mon Kuya, can you even say 'I do' with someone you don't even know? I'm doing you a favor here."
"Elaiza-" mangani-nganing bulyawan niya ang kapatid.
"Gotta go! Enjoy the rest of the evening, Kuya!" anitong nagmamadaling umalis nang makitang totoong galit na siya.
Napayuko si Earl sabay buga ng hininga. Nakatuon ang paningin niya sa papeles sa mesa ngunit walang kahit anong pumapasok sa utak niya. He couldn't even think! Binasa niya ulit ang mga iyon, pilit na itinuon ang buong konsentrasyon sa trabaho ngunit pilit pumapasok sa utak niya ang sinabi ng kapatid.
Veronica...
Biglang bumangon ang sakit na matagal nang nakahimlay sa dibdib niya. Galit na inihagis niya ang fountain pen na hawak sabay ng pagbagsak ng ulo sa nakatambak na papeles sa mesa.
"What?!" angil niya nang may narinig siyang napasinghap. Hindi niya sinasadyang magtaas ng boses. Nakikinita na niya ang pagkagulat ng sekretarya niya pero hindi na siya nag-abalang mag-angat ng ulo. Ni minsan ay hindi niya hinayaang maapektuhan ang trabaho ng personal na problema niya. Ngunit ano ang nangyayari sa kanya ngayon?
Napabuga siya ulit ng hininga. Pilit pinakalma ang sarili. "It's nothing, Leah. I'm just tired. If anyone comes, tell them I'm so damn busy and I'm working late tonight."
Ngunit walang anumang tugon mula sa kausap. And he heard uncertain steps. It's a wonder how he could hear stilettos. Wait... stilettos? Leah never wore one.
Nakarinig siya ng paghugot ng hininga bago may nagsalita.
"I guess th-this isn't the right time."
Natigilan siya. That voice... He could never mistake that voice for someone else. May kung anong tumusok sa dibdib. Ini-angat niya ang ulo at kagaya ng unang beses na makita niya ito pagkatapos ng limang taon, nahigit niya ang sariling hininga.
"H-Hi." alanganing bati nito. Nakatayo ito ng tuwid na tuwid sa may pintuan.
Matagal bago siya nakapagsalita. Damn it! Why does she have to be so beautiful? Ilang ulit na napakurap bago natagpuan ang sariling boses.
"I wasn't expecting anyone," malamig na sagot niya.
Ngumiti ito ng mapait. "I... I was expecting that. I mean, I-I see you're busy."
Hindi siya umimik. Damn those lips! And damn her for making him feel this way! Pinilit niyang itinuon ang pansin sa mga papeles.
"But since I am already here, can we t-talk for a few minutes?"
No! Sigaw ng utak niya.
Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang panginginig ng mga daliri nito. At alam niya kung ano ang ibig sabihin no'n. Nininerbiyos ito. Gusto niyang pilipitin ang sariling leeg ng mga sandaling iyon. Naaalala niya bigla ang pagkahimatay nito sa araw ng engagement nila. Veronica brought back all the emotions that died along with his heart several years ago. Ayaw na niya itong makita pa ulit.
"Make it quick," aniya saka tila tinatamad na isinandal ang ulo sa sandalan ng black swivel chair at naka-de-kwatrong ipinatong ang paa sa mesa.
Lumapit ito sa kinaroroonan niya. Ngunit hindi ito umupo.
"Honestly, hindi ko alam kung saan magsisimula," alumpihit na sabi nito.
"Then you're wasting my time," kaagad na sagot niya. "Makakaalis ka na."
Napabuga ito ng hininga. "You never showed up during the wedding preparations and we only have two weeks left to get all things done. I can't do this by myself!"
Hindi siya umimik. Nahihimigan niya ang inis at desperasyon sa tinig nito. Damn it! He's not prepared for this. He's not prepared for Veronica!
"You need to take part of the wedding. This wedding is not by my father's will alone but your father's too. So, whether you like it or not, we're in this together!" may diing sabi nito.
"So you are just here for that?" aniyang hindi napigilan ang sarkasmo sa tinig.
Ibinagsak ng dalaga ang dalawang kamay sa mesa niya. "Just? We're getting married, for goodness sake!"
Nanginginig ang kamay ni Veronica sa galit. Nagpanting ang tenga niya sa sinabi ng kaharap. Hindi siya makapaniwal sa ipinagbago ng binata. How did he become a monster? Their wedding is just a petty thing? Alam ba nito kung gaano kahirap magpakasal dito? Iniisip pa lang niya, mababaliw na siya! Ni wala itong ideya kung gaano kahirap sa kanya ang harapin ito. Kinailangan niyang mag-ipon ng lakas para lang manatiling nakatayo sa harapan nito tapos paalisin lang siya nito? Pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya.
"Listen, Earl, start playing your part now because I've been playing mine for a long time," dagdag niya't hindi napigilang ilabas ang hinanakit sa loob. "You never showed up in any of our dinner dates, never showed up in our wedding prepations, you never return my calls. Now, you tell me, magpapakasal ba akong mag-isa?"
"No, you listen, Veronica," anitong tumayo at hinarap siya. "You do not decide what I have to do. Wala akong obligasyon sa'yo. We know what kind this marriage is. So stop acting and stop playing your part. It's useless. And in case you don't know, our company is going to struggle once we start the merging with yours. That's why I need to work hard."
"Do you really think I'm marrying you to save our company?" nanginginig ang labing sabi niya. Gusto niyang sampalin ito ngunit nakuyom lamang niya ng mariin ang mga kamay. Naiiyak na siya sa sobrang inis. Ngunit hindi sa harapan nito.
"Yeah, I forgot, we are still in love with each other, aren't we?" pauyam na sabi nito.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kaharap. How can he bluntly say those words? Ito ba talaga ang Earl na nagmahal sa kanya noon? Sa bawat segundong dumaraan nadadagdagan ang inis niya sa binata.
"If I had any choice at all, we wouldn't be in this." Matiim siyang tinitigan nito. "You knew how much I hated you... You knew that you will be the last person I would want to marry. In fact, I never want to see you again. But here you are... and here we are. I don't have much choice, do I?"
Para siyang nasaksak sa dibdib. Humapdi ang mga mata niya kaya tumingala siya para pigilan ang pagbalong ng luha. Ngumiti siya ng mapakla. Hindi ba't inihanda na niya ang sarili sa anumang salitang maririnig niya buhat rito Pero bakit ganito na lang ang sakit na nararamdaman niya?
"Then, back out," aniya bago pa pumiyok ang boses.
"Yeah, of course I can and then live on the streets," nakapamulsang sabi nito. "My Dad is wiser than I thought. Wala akong makukuha kahit na katiting na mana kapag hindi kita pinakasalan." Mataman siyang tinitigan nito. "You can actually back out, can't you? You can save us both from hell if you do."
Bahagya siyang natigilan. "I wish I can-"
"Don't tell me you had the same threat as mine," sarkastikong sabi ng binata.
"I wish it is as easy as that," mariin niyang sagot. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago nagsalita. "May sakit sa puso ang Papa..." napalunok siya at naramdaman niya ang pait sa lalamunan niya. "The doctor said he only had few years to live or... probably less." Kinagat niya ang sariling labi para pigilin ang emosyon na nakadarang sa dibdib. "He had been dreaming of this wedding. If this is the last thing I can do for him, I will. I don't really mind being in hell, Earl. If I had to beg, I will. Gusto ko lang makitang masaya ang Papa. Ayokong bigyan siya ng anumang sama ng loob."
Hindi ito sumagot, umiwas ng tingin sa kanya. Matagal silang walang imikan at pakiramdam niya'y mabibingi siya sa katahimikan.
"Let's face it, it's a dead end for both of us. Why don't we have deal?" biglang nasabi niya. Pinigilan niya ang pagpatak ng luha at tiningnan ang binata. Hindi siya iiyak sa harap nito. "Let's get this marriage done. I get to make my father happy and you can get your inheritance."
Subalit hindi ito sumagot. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya. "Please, I'm begging you, I can't bear losing my father."
Nilingon siya nito at ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib nang magtama ang paniningin nila. Matagal itong nakatitig sa kanya, tila nag-iisip. She heard him cursed under his breath. Napasuklay ito sa sariling buhok. "So our marriage expires the day I had my inheritance and the day your father dies?"
Parang may tumarak sa dibdib ni Veronica. How can he be so insensitive?
"You can put it that way." walang kangiti-ngiting sagot niya.
"What if-"
"You get your inheritance but my Dad's still alive?"
Matiim silang nagkatitigan. "That's the consequence you have to face. Because we'll continue to pretend to be happily married until his very last breath." Mariing dugtong niya.
Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata tila hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. "What a deal..." It sounded more like a curse.
"Yes or no?" untag niya
"Stop asking as if I have any choice!" galit na sagot nito.
"And stop yelling at me as if I wanted this!" ganting singhal niya.
Naputol ang sagutan nila nang biglang tumunog ang intercom. "Sir, your father is here."
Nagkatinginan sila bigla. "Let him in," anito sa sekretarya.
"You can leave now. Bukas na natin 'to pag-usapan," anito.
"No, I need our answer now," determinadong sagot niya.
Napabuga ito ng hininga. "Fine! It's a yes! Now, leave."
Pero hindi siya natinag sa kinatatayuan, bagkus, lumapit siya at tinawid ang distansiya sa pagitan nila. Pilit niyang huwag pansinin ang epekto nito sa kanya. "Then let's start by convincing your Dad."
"You don't have to do this, do you?" iritadong sabi nito, akmang itutulak siya ngunit nangunyapit siya sa leeg nito.
"The deal starts now," aniya. "Kiss me."
"Are you crazy?" bulyaw nito.
Ngunit seryoso siyang kumbinsihin ang lahat ng tao na nagmamahalan sila para mapasaya lang Papa niya.
"Just pretend to be kissing me!" aniyang pinandilatan ito. Bago pa man makagalaw ang binata'y, hinila niya bigla ang kuwelyo ng polong suot niya papalapit sa kanya. Napalakas ang hatak niya rito kaya't lumapat ang labi nito sa labi niya. Ganoon na lang ang pagsalsal ng dibdib. At huli na para umatras dahil mabilis na inangkin ng binata ang labi niya.